Kwentong Kengkay

Setyembre 17, 2008

luksong lubid atbp

Filed under: Dito sa Amin,Duon sa Amin,Pinas — kengkay @ 6:40 umaga

sempre, tungkol sa larong pinoy ulit, walang katapusang research ni kengkay sa mga larong nakaka miss at sa mga dating kalarong super namimiss πŸ˜€

sa totoo lang, sino ba sa atin ang hindi nakapaglaro ng skipping rope? am sure marami dyan e hanggang ngayon e nag skipping rope pa rin katulad ko, mas maraming bilangan kasi kunyari e may health benefit, ehem. pero totoo naman di ba? maraming boxer ang kasali ang skipping rope sa training nila, tama ba ako?

anyway, dito sa alemanya, uso din naman ang skipping rope. o ayan na nga si bunsoy ko at trying hard mag skip! sempre dito ang skipping rope nila e tunay na rope hindi tulad nung bata ako, kahit anong tali e ginagamit namin, pati yung tali pasa sa mga aso, hehe. pero karamihan e yung rubber bands na pinagdugtong dugtong. parang gusto ko tuloy magkolekta ng rubber bands ngayon din πŸ˜€

ngayon, marunong naman sina little kengkays mag skipping rope. pero nung umuwi kami ng pinas at binalot nila ang tila isang dosenang skipping ropes na na-kolekta nila (daming regalong skipping ropes nung nagkaron ng christmas party yung kanilang sports club, dami ngang libre dito di ba?); binigay nila yung karamihan sa mga ito dun sa bahay kalinga.

at sempre, nung binuksan nung mga bata yung kahon at nakita ang mga skipping ropes, nagpakitang gilas sila. dun unang namangha nag mga little kengkays sa kakayahan ng mga batang pinoy, nakita nila kung papano mag skip rope with partner! sa tanang buhay nila e hindi pa daw nila nakikita yung ganun, hahahah

kaya naman nung umuwi kami ng alemanya, aba, dapat daw matuto rin sila nang skipping rope with partner. o ayan, may i praktis na sila. ayaw daw nilang bumalik ng pinas hanggat hindi sila natututo ng dalawahan. sempre naman, kailangan kong ipakita sa kanila yung papano gawin yon, so — exhibition naman si nanay kengkay πŸ˜€

at kahit na dun sa sports club namin, aba, sikat na sikat kaming mag iina kasi nga, marunong kami ng may partner. o ngayon, kapag nakikita nila ako, aba, yung mga bata nakapila na kasi daw gusto din nilang makipag -skip rope with partner sa akin, waaaaa!

ayan, luksong lubid naman yung tawag kapag may hawak na lubid yung dalawang bata at ikaw ay lulukso sa pagitan nung may hawak ng lubid. at ikaw ay taya kapag na-touch mo yung lubid. ganun ang rules nun di ba? tapos may luksong tingting, tingting naman ang hawak, may luksong kamay at papa na mga kamay at paa naman nung mga kalaro ang naka-balandra. teka muna, e ano naman yung luksong tinik? hmm

Advertisements

19 mga puna »

  1. hahaha.. kung ako reregaluhan ng sangkalubidan.. magbibikti na lang ako.. hindi rin kasi ako marunong mag sipping rope.. eh lalo na hoolahoop..hahaha…

    kengkay: uy, pareho kayo ni utakmunggo!

    Komento ni jeniffer — Setyembre 17, 2008 @ 8:14 umaga | Sagutin

  2. naku masarap mag skipping rope, lalo na pag tatlo, yung dalawa ang taga hawak ng lubid tapos may exhibition pa na pupulutin yung tsenelas tapos iikot..yung luksong tinik, yun din yung luksong paa at kamay, nakabalandra yung paa at kamay ng 2 bata level per level hanggang tumaas…shempre sino pa makakalimot ng chinese garter favorite ko rin yun.

    kengkay: ano nga yung lyrics nung ganung laro na may tsinelas pa, dati alam ko pa yun e!

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 17, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  3. Hihihihihi. Sana may chinese garter din saka patintero.

    kengkay: hayaan mo, gawan ko din ng chinese garter ang mga kids ko. patintero at tumbang preso ituro ko sa kanila sa next summer

    Komento ni K — Setyembre 17, 2008 @ 1:24 hapon | Sagutin

  4. Maganda pong exercise iyan sa mga bata. Lalo silang maging maliksi sa pagkilos. Ang basic skills na makukuha nila dito ay magagamit din nila sa kanilang pagtanda, and to other athletic endeavors in the future. Dagdag ko lang sana may tug of war din, hehehe.

    kengkay: tug of war e uso rin dito. pero tama ka, ang daming bata na kasali sa gym pero di marunong mag skipping rope!

    Komento ni colegialagirl — Setyembre 17, 2008 @ 11:26 hapon | Sagutin

  5. marekoy, daming ng readers mo mahilig sa chinese garter. bakit nga ba tinawag ito na chinese garte? galing yung laro sa china or yung garter made in china? ahehe

    kengkay: naku ako pa tinanong mo! next question plis

    Komento ni madbong — Setyembre 18, 2008 @ 1:40 umaga | Sagutin

  6. haha sumikat ka pa mamakengkz dahil sa skipping rope with partner πŸ˜€ gustong gusto ko laruin yung luksong lubid nung bata pa ako, pwede pa nga yun group kayo magluluksong lubid sa gitna heheh

    kengkay: oo nga, maganda rin yung group ano. magawa nga sa sunod!

    Komento ni lilmiz — Setyembre 18, 2008 @ 12:58 hapon | Sagutin

  7. waah..namiss ko tuloy maglaro nyan.hahaha…
    championato ako nung bata ako kala mo ba kengkay.haha
    kengkay: ayan, laban kayo ng mga little kengkays, hehe

    Komento ni mhar — Setyembre 18, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  8. ayoko magjumping rope, sakit po s adibdib miss kengkay.. ehhe

    kengkay: iba na ang seksi!

    Komento ni yhen — Setyembre 19, 2008 @ 1:20 umaga | Sagutin

  9. oo nga noh. nakikita ko dati ung mga pinagdugtung dugtong na mga goma na yan sa mga gerls na bata nuon. kami naman laro namin ay sipa, luksong baka, chato, tantsing, jolens, tumabang preso at moro morohan. anyways ung luksong tinik kengkay un ata ung may isang dangkal ng kamay tapos tatalunin mo. hanggat hindi dumidikit ung paa mo sa kamay nung nakadangkal padagdag ng padagdag ung dangkal meaning pataas ng pataas. hehehe.

    nakakamiss din ung mga larong ganun noh. pati patintero. hehehe. teka asan na ung action shot ni nanay kengkay habang nag jumping rope? hehehe

    kengkay: walang aksyon shot kasi hindi nila ang mahuli e, hahaha. at oo tama ka nga yun sa luksong tinik! uy, magaling ako sa chato!

    Komento ni gmacomics — Setyembre 19, 2008 @ 4:41 umaga | Sagutin

  10. mommy k, turuan mo rin ako ng iskiping rope with pardner. heheh… sus sinubukan ko yan nong nene pa ako kaya lang wala talaga akong talent sa mga bagay na kailangan ng synchronicity.. tsk.. kahit nga hulahoop di ko kaya eh. saaaad.

    kengkay: hay ano ba yun! sige, punta ka dito, turuan kita!

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 19, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  11. Peborit ko syato! Alam mo yun? Hehe.

    kengkay: yun yata yung chato rin e, iba lang ang spelling! at sabi ko nga, magaling ako dun! laban tayo, hehe

    Komento ni kirksydney — Setyembre 19, 2008 @ 8:07 umaga | Sagutin

  12. Hello,

    I sent you a comment yesterday but I don’t know if you got it. Mejo may topak ang computer ko e. Anyway, gusto ko sabihin na natutuwa ako sa mga blogs mo. Lufet ng mga hirit. I am Tem-i at miyembro ako ng bagong blog boy band na ALASAIS. Kung may oras ka, check our blogs at

    http://alasais.wordpress.com/extra-rice-please/

    and tell us what you think.

    Hope you anjoy our weekly blogs! Thanks!

    Tem-i of Alasais

    kengkay: salamat naman at natuwa ka sa blog ko, kasi natuwa rin ako dun sa blog nyo!

    Komento ni alasais — Setyembre 19, 2008 @ 5:07 hapon | Sagutin

  13. kengkay may nakalimutan ka yata wala kasi dito ung luksong baka!
    ang laro na accident prone! hahaha

    kengkay: uy, oo nga, talo ako kasi parati dun kaya siguro kinalimutan ko, hehe

    Komento ni prinsesa000 — Setyembre 20, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  14. ten-twenty!!! lagi ako mother jan!!!…. tapos pagpagod na kayong magtatalong mag dampa naman kayo…;pcheers

    kengkay: hahaha

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 20, 2008 @ 11:49 hapon | Sagutin

  15. Ayaw nila akong isali nun sa ganyan. hmf

    kengkay: bakit kaya? hmm

    Komento ni Richmond — Setyembre 21, 2008 @ 8:52 umaga | Sagutin

  16. Luksong baka yung madalas naming laruin magkakapatid. At dahil di ako sporty mas madalas ako maglaro ng tansan o teks. Ang sexy siguro ni Ms. Kengkay sa kaka-skipping rope. πŸ˜€

    Komento ni Helena — Nobyembre 4, 2008 @ 1:05 hapon | Sagutin

  17. Hi Ma’am! πŸ™‚ Ako po ay isang estudyanteng gumagawa ng photo research project tungkol sa luksong lubid.

    Maari po bang humingi sa inyo ng mga tips kung paano tumalon, paano hawakan ang lubid para hindi sasakit ang braso sa katagalan ng paglalaro, at kahit ano pang ibang impormasyon na sa tingin niyo ay makakatulong sa amin? πŸ™‚

    Gagawa po kasi kami ng primer kung papano maglaro ng luksong lubid. Parang tutorial para sa mga hindi pa marunong maglaro nito πŸ™‚ Ma-a-appreciate po namin ang kahit anong impormasyon.

    Maraming salamat po sa inyong oras!

    stephanie πŸ™‚

    Komento ni stephanie — Marso 18, 2009 @ 9:25 umaga | Sagutin

  18. magaling ako sa luksong lubid
    laro tayo!!!! hehehehe!!!!!

    Komento ni darilyn — Agosto 6, 2009 @ 12:08 umaga | Sagutin

  19. Please check my new website out ‘Pinoys Got Talent UK’.. . It’s dedicated to showcasing and promoting Filipino talent in the UK.. . Please note, the website is in its very early stages of development (only created from scratch last night). . . Expect to see many changes, content, and improvements soon.. . Please type the following into your? web browser after wix ‘dot’ com. . /mattgez/PGTUK. . If you know anyone from YouTube etc who you believe should be featured then get in touch.. . Thanks,. M@….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Doretha — Nobyembre 25, 2012 @ 12:43 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: