Kwentong Kengkay

Setyembre 20, 2008

Saranggola ni Pepe

Filed under: Kaibigan,Oyropa Ko — kengkay @ 3:21 hapon

kapag malakas ang hangin, alam mo na kung saan matatagpuan ang pamilya kengkay — asa tuktok ng bundok at nag sasaranggola!

ibang klase kaya ang mga saranggola dito, pero miss ko rin yung bond paper o kaya e newspaper na saranggola na dati naming gamit sa aming barangay! yung tipong pang isang araw lang ang gamit nya kasi sira agad, hehe. pero naman, ang taas lumipad nun.
dito kami sa lugar na ito nag papalipad. kapag dumating ka ng tanghali, naku, wala ka ng espasyo para sa sarili mong saranggola kasi ang daming kite enthusiast dito. at kung meron mang masiksikan e mapadpad ka na dun sa may mga mataas na puno, edi disaster lang ang labas dahil sasabit lang ang saranggola.
at ang masarap sa saranggola e tulong tulong para makalipad sya. naku, hindi pwedeng ang mga little kengkays lang ang humawak at baka pati sila e liparin ano. partner partner dapat kami. e kahit nga minsan si kengkay e tinatangay pa rin talaga ng hangin, super lakas kasi ng hangin atsaka ang lawak ng pwedeng liparan.

at maloloka ako dun sa isang klase ng saranggola na dapat e dalawang kamay ang hawak mo para ma-maniobra mo sya ng todo. ilang taon na namin syang binili ni kengkoy pero hanggang ngayon e hindi pa rin namin sya mapalipad ng matino!

sino bang may alam ng tricks kung papano sya paliparin? bulungan nyo naman ako at baka sa sunod e manalo na kami sa kite flying competition dito sa aming bayan! balatuhan ko kayo ng saranggola πŸ˜€

Advertisements

22 mga puna »

  1. […] pagninilay nilay muli sa kathaing ito. Maraming Salamat Kengkay sa iyon pagbabahagi ng iyong “Saranggola ni Pepe” Nawa ay na-enjoy mo ang iyong kite-flying day! Tags: analogy, God, guryon, kite, […]

    Pasa ni Pagbasa Mula sa Sulat #002: Guryon « Entries of a Bored Blogger — Setyembre 20, 2008 @ 4:07 hapon | Sagutin

  2. Maraming salamat sa inspirasyon

    kengkay: kinagagalak kong maging inspirasyon

    Komento ni Chico — Setyembre 20, 2008 @ 4:09 hapon | Sagutin

  3. aaawwww hindi ako marunong magpalipad ng kite 😦 Kahit isang beses di ko nasubukan,amp

    kengkay: hay ano ka ba, masarap magpalipad dyan sa bansa mo ngayon!

    Komento ni MC — Setyembre 20, 2008 @ 7:10 hapon | Sagutin

  4. nyahaha.. what a coincident, parehas tayong may pepe sa title ng post natin….
    http://anakngpiso.wordpress.com/2008/09/19/im-so-proud-of-pepe/

    meron pa rin ba akong makukuhang saranggola kapag sinabi kong di ako marunong magpalipad ng saranggola? pero mahilig kong manood ng nagpapalipad ng saranggola.. nung bata kasi kami laging nagpapalipad ng saranggola mga kapatid ko… tapos gagawan din ako ng kunwa-kunwariang saranggola pero hanggang tuhod ko lang siya napapalipad.. tapos pag napagod na ako kakatakbo para lang mapalipad yung saranggola ko.. uupo na lang ako para panoorin ung mga saranggolang nagfly-fly away na.. cheers!!!-glesy the great;p

    kengkay: masarap habulin ang saranggola!

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 20, 2008 @ 10:33 hapon | Sagutin

  5. Hello Kengkay!

    Haha! May take home pa nga pala no? Tissue ang sapin nila sa Thailand? Marahil ay isa itong simbolo na nagsasabing β€œPupunasan din kita mamaya sa banyo!”

    Karinderya sa madaling araw – maliban sa sopas ay β€œpapaitan” ang favorite ko dun! Meron pa silang nakabilad na tuyong noodles at lalagyan na lang na mainit na sabaw para ready agad kainin.

    Salamat sa pagbabasa ng blogs namin. Sana ay patuloy mong suportahan ang aming weekly blogs at kung may mga suggested topics ka, sabihin mo lang at pag may alam kami tungkol dun, siguradong isusulat namin yun.

    Walastik ka talaga Kengkay!

    -Tem-i

    kengkay: hehehe, masarap maging walastik!

    Komento ni alasais — Setyembre 21, 2008 @ 5:54 umaga | Sagutin

  6. hindi pwedeng magsaranggola dito samin… puro poste kasi at bahay. HAAAAY

    kengkay: hay, lugi nga dyan

    Komento ni Richmond — Setyembre 21, 2008 @ 8:55 umaga | Sagutin

  7. toinks!
    kengkay..
    wala akong alam sa saraggola eh?
    pero infairness..
    ganda nyang place na yan ah?.

    kengkay: dyan kami parati tumatambay, feeling ko ‘the hills are alive, with the sound of music’ πŸ˜€

    Komento ni enday — Setyembre 21, 2008 @ 11:30 umaga | Sagutin

  8. Saranggola, kasing taas na ating mga pangarap ang lipad ng saranggola.Sa kalangitan tumingala ka at maalala mo ang dakilang lumikha. Sa pamamagitan ng saranggolang iyan ay naipapahatid mo sa kanya ang munting panalangin na nawa’y gabayan ka at abutin ang mga pangarap mong iyan sa buhay. Ganito po ang aking pakiramdam ng ako’y bata pa, kapag namamamsyal kami sa Luneta at may mga nagpapalipad ng mga makukulay na saranggola isang munting kahilingan ang aking naipapaabot sa dakilang lumikha.

    Komento ni Colegiala girl — Setyembre 21, 2008 @ 11:39 hapon | Sagutin

  9. Ang ganda naman ng field na ‘yan! ang lawak:) Yan ang maganda para sa pagpapalipad ng saranggola, hindi yung bato-bato kasi delikado sa mga bata. Dito kasi mahilig ang mga bata sa exhibition kaya kahit hindi madamo ang lugar sige lang sila ng sige sa pagpalipad ng saranggola, may challenge sa kanila eh.

    Komento ni sonnetshaven — Setyembre 22, 2008 @ 12:08 umaga | Sagutin

  10. naku nakakamis yan.. dito sa pinas ulan ng ulan.. haysh!

    Komento ni yhen — Setyembre 22, 2008 @ 12:55 umaga | Sagutin

  11. ay naku, asar ako sa saranggolang ganyan!

    igagawa na lang kita ng gawa sa tingting at plastic.

    o kaya, bibili kita ng guryon. hahaha!

    Komento ni foobarph — Setyembre 22, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  12. Eto ang solusyon dyan. Tulad ng ginagawa sa Pinas, lagyan nyo ng bubog yung sinulid ng saranggola para lahat ng didikit eh siguradong mapuputol at babagsak. Kapag yan eh umepekto, wak mong kalimutan ang balato kong saranggola. Boka boka gusto ko. Disposable pero mataas naman ang lipad. πŸ˜†

    Komento ni kirksydney — Setyembre 22, 2008 @ 7:07 umaga | Sagutin

  13. diko na-try magpalipad ng saranggola, ang sad naman, hahaha

    Komento ni wifeybee — Setyembre 22, 2008 @ 8:11 umaga | Sagutin

  14. matayog ang lipad ng saranggola ni pepe..

    kanta nalang ako kasi hindi naman ako marunong magpalipad ng kite eh. gusto ko lang silang panoodin.

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 22, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  15. nyay ndi rin ako marunong jan sa saranggola… nanonood lang ako dito sa mga batang nagpapalipad ng cute na saranggola nila sa beach…

    bwahahaha natawa ako.. kasi nung ilalagay ko na sa comment box ang details ko… ang nabasa ko ay pooksasapot? katawa naman un ba ang tagalog sa website> hahahaha

    Komento ni rhapsody — Setyembre 22, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  16. Ang cute poh nung pic parang ang sarap tumira dyan pero syempre ayoko umalis sa bhay nmin ^-^…….Pero hindi poh ako marunong mag saranggola…….kawawang bata ph kasi ako eh!

    Komento ni Ish — Setyembre 22, 2008 @ 10:45 umaga | Sagutin

  17. ang ganders naman ng kulay ng sky at ng grass. πŸ™‚

    Komento ni pao — Setyembre 23, 2008 @ 6:39 umaga | Sagutin

  18. eto nanaman ako.. never ko pang na-try magpalipad ng saranggola. does it mean di ako dumaan sa pagiging bata?

    Komento ni Neex — Setyembre 23, 2008 @ 2:28 hapon | Sagutin

  19. ang ganda naman ng pics.

    naalala ko ang kabataan ko dun sa post mo. mahilig kse kami magpalipad ng saranggola nung bata pa kami. dun sa bukid sa likuran ng bahay namin. ay mali, nakikinood lang pala ako. nakikitakbo. hahaha.

    Komento ni antuken — Setyembre 24, 2008 @ 2:09 umaga | Sagutin

  20. nung bata ako, parati ako pinapagawa ng kuya ko ng saranggola. nilalagyan pa namin ng bubog yung tali para pwede niya ipang-laban. haha. pero hindi ako natutong magpalipad ng saranggola. natuto lang akong gumawa. πŸ˜€

    Komento ni pao — Setyembre 24, 2008 @ 5:22 umaga | Sagutin

  21. maari ba tayong magpalit ng ating Pooksasapot?

    napakaganda ng iyong mga kuha. pang propesyonal na estilo. πŸ™‚

    Komento ni Ces — Setyembre 25, 2008 @ 3:49 umaga | Sagutin

  22. Pinakasimpleng saranggolang natatandaan ko e yung “boka-boka” — tinupi-tupi lang na pad paper ng grade I (walang kawayan sa gitna), at kinupit na pantahing sinulid ng mga nanay, ayos na.
    Pinakabongga yung “guryon” o higanteng saranggola. Minsan may dinikdik pang bubog na idinikit ng kola sa lubid (hindi ubra ang pisi lang), pang dog-fight baga?
    Ang aliwalas nung mga pictures — asul na asul. πŸ™‚

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 25, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: