Kwentong Kengkay

Setyembre 22, 2008

oktoberfest na!

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 10:43 umaga

Ang Oktoberfest, ang pinakamalaking piesta ng beer sa buong mundo ay nangyayari sa Munich tuwing Septembye! Huh, taka siguro kayo kasi bakit oktoberfest edi dapat septemberfest? Ayon sa aking pananaw, dahil yan sa weather.

Dati kasi e ang Oktubre e hindi pa masyadong malamig, e kaso mo nagbabago ang ikot ng panahon, so adjusted na rin ang oktoberfest, hehe. E ano naman daw ang kinalaman ng weather sa fest? Kasi kapag malamig, sino pa magtyagang uminom ng beer at mag-enjoy sa street festival? Edi sa bahay ka na lang at manood ng telebisyon.

Kaya unti unti na nilang ginagawa ang oktoberfest sa september, tutal naman e 16 days ang piesta na ito — so basta pumasok sya sa oktubre e oktoberfest pa rin ang tawag sa kanya? capierto? basta πŸ˜€

Nagsimula sya kahapon ng alas dose ng tanghali, pagkatapos pukpukin ng gripo mayor ng Munich ang unang beer keg. At dun lang pwedeng magsimulang magbenta ng beer! As in kahit na alas otso ng umaga e ang dami ng nakapila para makakapwesto sa loob ng mga party tents or beer tents, tubig lang at coke ang pwede nilang inumin! At dito, kapag puno na nag tent, ibig sabihin, wala ng upuan, hindi na pwedeng pumasok. Hindi tulad sa atin na isang daliri na lang ang pwedeng isiksik e pwede pa rin daw, hehehe

Mga dapat nyong alamin:

1. isang size lang ng beer glass ang available, ang tinatawag na mass – kita nyo yung hawak nung waiter dun sa pektyur sa taas? yun yon, at ang presyo ng isang mass ngayong 2008? grabe, 8,50 euro — as in more than 500 pesoses isa!

2. walang reservations sa mga beer tents, kung gusto nyong magkaron ng upuan, pumunta ng maaga at kapag weekend, dapat mas maaga

3. sa beer tents lang may food vouchers at beer vouchers. at dun lang din may live bands.

4. hindi kayo bibigyan ng order kung wala kayong upuan (ibang klase talaga ano?) tatakamin lang kayo kung nakatayo kayo, hehehe

5. may mga rides at mga booths din sa labas, hindi ko lang alam kung may beto beto πŸ˜€

6. puno ang lahat ng hotels at super mahal ng booking kapag oktoberfest, yung iba nga nagcacamping na lang sa mga parks, pero sempre, bawal yun!

7. daming malilikot ang kamay sa oktoberfest, kahapon nga lang daw e 33 tao na ang nagreport na sila ay nanenokan ng kanilang wallets

8. ang mga waiters at waitresses dun ay kaya ang isang dosenang mass (o yung malalaking beer glasses) sa isang buhatan lamang! at ang alam ko, sa tip pa lang ng mga customers e malaki na agad ang kita mo. kaya ang daming naghahanap talaga ng trabaho dun sa mga beer tents sa Munich kapag oktoberfest!

at marami pang iba. nakarating na ako ng munich, ilang beses na rin, pero oktoberfest e hindi pa ako nakakadalaw dun. ang balita ko nga, yung mga taga munich e boykott daw nila yang fest na yan, hehe. pero sa totoo lang, kahit na si kengkoy e hindi pa rin nakakarating sa oktoberfest na yan, kelan kaya? hayyyy

official website kung saan ko ninenok ang pektyur ay dito: click

Advertisements

29 mga puna »

  1. tingin ko isang mug pa lang solve na ako dun eh. sa lakas ba naman ng tama ng beer na yun eh.

    kengkay: hahaha, sa tingin ko hindi ko maubos yan e

    Komento ni gmac — Setyembre 22, 2008 @ 11:16 umaga | Sagutin

  2. napaka informative naman nito kengkay! cheers……

    kengkay: actually ngayon ko lang din nalaman ang karamihan dito e

    Komento ni mangbadoy — Setyembre 22, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  3. […] kengkay wrote a fantastic post today on “oktoberfest na!”Here’s ONLY a quick extractAng Oktoberfest, ang pinakamalaking piesta ng beer sa buong mundo ay nangyayari sa Munich tuwing Septembye! Huh, taka siguro kayo kasi bakit oktoberfest edi dapat septemberfest? Ayon sa aking pananaw, dahil yan sa weather. … […]

    Pasa ni Alcohol Posts » oktoberfest na! — Setyembre 23, 2008 @ 12:29 umaga | Sagutin

  4. wow!! madami din pala mandurukot dyan!!

    masarap ba ang beer dyan?? haiiizz di ko kasi talaga ma take ang lasa ng beer eh! πŸ˜‰

    inuman na!

    kengkay: try mo ang wheat beer, mas masarap!

    Komento ni naglalambingnacute — Setyembre 23, 2008 @ 1:19 umaga | Sagutin

  5. ..wow!!!! ang tsalap tsalap naman jan!! gusto ko jan!!! pero yung non alcoholic beer lang ako, quitting na ko uminom e.hehehe! happy octoberfest!!!

    kengkay: naks, quitting ka na? di ko sure kung may non alcoholic kapag oktoberfest, hahaha

    Komento ni sommer — Setyembre 23, 2008 @ 4:22 umaga | Sagutin

  6. interesting. hindi pa ako nakakapunta ng oktoberfest, ever. makapunta nga minsan, baka ako lang ang andun na hindi nakainom. hahaha.

    kengkay: masarap din ang pagkain kapag oktoberfest

    Komento ni Pao-Pao — Setyembre 23, 2008 @ 4:22 umaga | Sagutin

  7. ngayon ko lang napansin… “pooksasapot”?!

    kengkay: tagalog baga πŸ˜€

    Komento ni pao — Setyembre 23, 2008 @ 4:24 umaga | Sagutin

  8. dito rin octoberfest na!! πŸ™‚

    kengkay: gaya gaya ang buong mundo, hahaha

    Komento ni winkii — Setyembre 23, 2008 @ 5:08 umaga | Sagutin

  9. ang mahal nman ng beer!..hehehe…

    …ala!andami nmang ndukutan..parang Pilipinas din pla dyan anoh?…

    …kulitin mo c kengkoy para pumunta kau ah!hehheeh…

    kengkay: hay walang pag asang makapunta sa munich pero dito naman dami ring oktoberfest kahit nga yung simbahan may pa oktoberfest din πŸ˜€

    Komento ni mayyang — Setyembre 23, 2008 @ 5:21 umaga | Sagutin

  10. hello, napadaan lang.. blog hopping..

    kengkay: salamat sa pagdaan

    Komento ni madz — Setyembre 23, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  11. dito nag simula na ang countdown ng “Octoberfest” Tagay lang ng Tagay..hehehe

    kengkay: dahan dahan lang

    Komento ni barquera — Setyembre 23, 2008 @ 8:30 umaga | Sagutin

  12. inuman na!!!! yehey!! πŸ™‚

    kengkay: yehey!

    Komento ni aga — Setyembre 23, 2008 @ 11:27 umaga | Sagutin

  13. masarap ba beer? di pa ako nakakatikim nun eh.. *inosente kuno **pero inosente talaga.

    kengkay: depende sa taste mo rin yun at kung inosente ka, mas inosente ako, haha

    Komento ni Neex — Setyembre 23, 2008 @ 2:25 hapon | Sagutin

  14. naks.. oktoberfest sa september….

    sarap naman!! pero parang isang mass lang ako… ang lasa ng german beer e kakaiba…. hehehehe

    kengkay: kapag nagpunta ka rin, mas madaming kakaibang lasa pa. hehe

    Komento ni charlbert — Setyembre 24, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  15. ano kayang lasa ng german na beer?

    kengkay: actually, iba ibang lasa sya e tapos iba ibang klase rin, depende

    Komento ni Pao-Pao — Setyembre 24, 2008 @ 5:16 umaga | Sagutin

  16. korek, kaloka talaga ang october fest dito…ang aking mga inlaws since yesterday nasa munich para maki gulo hehehhe

    kengkay: sa sunod tayo naman makigulo

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 24, 2008 @ 5:40 umaga | Sagutin

  17. kumusta naman ang beer dun. 500 pesos? buti na alng di ako umiinom ng beer. hahaha. nakakalaki kc ng tummy.. πŸ˜€ tequila lang. wahahaha.

    kengkay: tequila din ako pero sarap din ang wheat beer

    Komento ni vanny — Setyembre 24, 2008 @ 7:12 umaga | Sagutin

  18. tsk… kung asa pinas lang sana ako at nakikioktoberfest sa mga kabayan. hahahayyyyy…

    kengkay: ako din, ahayyyy

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 24, 2008 @ 7:42 umaga | Sagutin

  19. naku aapaw na naman ang beer… solid! mga mammartek~! hehhee πŸ˜‰

    kengkay: apaw na apaw!

    Komento ni yhen — Setyembre 24, 2008 @ 7:44 umaga | Sagutin

  20. INUMAN NANAMAN!!!

    Taposh ishang lashing lang bote nanaman ako!!!
    hehehehe..

    OCTOBER FEST naman dito sa pinas araw araw e! hahaha

    kengkay: oktoberfest sa kanto, hahaha

    Komento ni ronturon — Setyembre 24, 2008 @ 9:27 umaga | Sagutin

  21. iba pa rin talaga ang october fest sa pinas. hehe. ang mahal ng beer dyan!

    kengkay: super mahal, kahit na hindi beer mahal, hays

    Komento ni Hachi — Setyembre 24, 2008 @ 10:26 umaga | Sagutin

  22. i’m back!!!

    panalo yun poklicy na no seat, no order, ah
    hehe

    paki sabi ke kengkoy isama nya naman ako minsan dyan
    =P

    kengkay: pakisabi mo rin kay kengkoy punta tayo, hahaha

    Komento ni raft3r — Setyembre 24, 2008 @ 10:53 hapon | Sagutin

  23. super lasingan pala jan!

    kengkay: super talaga

    Komento ni prinsesa000 — Setyembre 25, 2008 @ 1:08 umaga | Sagutin

  24. May videoke ba dyan kengks.

    kengkay: hindi sya ganun ka uso pero sa bahay namin meron, hahaha

    Komento ni Richmond — Setyembre 25, 2008 @ 4:35 umaga | Sagutin

  25. Parang dito sa Pinas, September din yung official launch ng Octoberfest but it will last ng 120 days so justifiable pa rin sya na tawaging Octoberfest. πŸ˜†

    Thanks pala sa idea about sa pedeng iregalo sa ermat ko. =)

    kengkay: 120 days? wow, ang haba namang inuman yan, hahaha. you’re welcome!

    Komento ni kirksydney — Setyembre 25, 2008 @ 6:34 umaga | Sagutin

  26. Yeah, bangagan talaga. πŸ˜† As far as I know, may record na tinatry ibreak eh.

    Komento ni kirksydney — Setyembre 25, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  27. Nakakita na naman ako ng beer (lunok!).
    Tita, hindi ba nagagawi si taroogs dyan sa may inyo? πŸ™‚

    Komento ni homebodyhubby — Setyembre 25, 2008 @ 7:50 umaga | Sagutin

  28. sayang talaga at hindi kasama sa programa namin yung pagpunta sa Munich para umeksena sa Oktoberfest. ibang “study tour” na daw pag ganun, sabi ng sponsor namin. hehehe. so nagkasya na lang kami sa mini-oktoberfest na ini-sponsor ng City Hall ng Berlin sa tapat ng building nila. isang tent lang (pero in fairness, bongga pa din yung decorations) πŸ™‚

    Komento ni taroogs — Setyembre 25, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  29. tequila girl ako eh!!! hehe… pero i heard iba ang tama ng beer jan… saka ayoko ng beer pag di malamig, pero kahit malamig pa siya di ko pa rin ganun kagusto…

    may binanggit kang wheat beer sa comments.. hmmm… nacurious ako? is it sweet or mild? paano naging masarap… cheers!!! glesy the great

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 27, 2008 @ 7:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: