Kwentong Kengkay

Setyembre 26, 2008

Ampalaya

Filed under: Oyropa Ko,Pinas — kengkay @ 5:33 umaga
Tags: ,

Akala nyo kayo lang may ampalaya ha? Huy, meron din kaming ampalaya dito sa alemanya! Isa syang experiment na nagkaron ng bunga, tunay na bunga talaga.

Laking pasalamat ko kay joy, kasi sya ang nagpasalubong sa akin ng ampalaya seeds nung umuwi sya sa pinas nitong nakaraang mayo. salamat joy!

Halos araw araw e may bunga sya. Mabuti na lang may mas matakaw sa aking sa ampalaya, yung isang pinay kong kaibigan dito na pati yung asawa nyang aleman e nahawaan na rin nya sa katakawan sa ampalaya! Special delivery sila parati ng ampalaya; oks lang kasi sa kanila naman kami kumukuha ng libreng itlog, hehe!

Binigyan namin sila ng ampayala seeds para sa garden nila, kaso mo hindi daw nagbunga. Panay bulaklak lang daw. Kasi baka masyadong nalamigan, yung sa amin kasi binigyan namin sya ng bahay kaya natuwa ang ampalaya sa amin.

Ang unang hirit ko sa pagluto ng ampalaya – dyaraaan! Hindi ko alam kung papano gawin, kasi dati kapag ganyan ang ulam namin e yung itlog lang ang kinakain ko πŸ˜€ Pero nung galing sa garden namin, naku, pati si kengkay kain din. At mabuti naman kahit na experimente yung luto ko e masarap naman. Si kengkoy nasarapan din kamo.

Kaya naman may mga ampalaya seeds na rin kaming itinabi para sa sunod na summer! Imagine, imported ang aming pagkain, imported na ampalaya ang dating! Paano namin ginawa? Basahin!

Advertisements

20 mga puna »

  1. mommy k: may calamansi plant ka rin ba? alam mo, matagal na akong naghahanap ng clamansi plant dito. sabi nung isang pinoy na kakilala ko may nagbebenta raw dito pero nakalimutan ko anong tawag nila dito sa calamansi eh. whew.

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 26, 2008 @ 7:49 umaga | Sagutin

  2. Ay tyfe ko sya. Kahit bitter sya, good for diabetic people. I like it fresh once in a while, with suka. Pero mas gusto ko sya sa itlog gaya ng nasa pishture.

    Komento ni K — Setyembre 26, 2008 @ 7:51 hapon | Sagutin

  3. Kengks,

    Sori po dito ko na lang nilagay ito. Tamad ako maghanap ng email eh hehe. I would like to invite you to write for a newspaper dito. Pinapahanap nila ako ng bloggers na magaling “daw” magsulat. Matagal mo na akong tangahanga, Kengks LOLz. Kidding aside, I like your style. I’m sure you will be an asset to them.

    Enweis, kung interested ka, paki-email mo naman ako sa ellarose.delossantos@gmail.com for the details. This new jaryo will have an entire page dedicated to bloggers. They will be launching this October kaya kung type mong ma-jaryo hahaha email mo ako dear. Thank you. Mwah!

    Komento ni ella — Setyembre 26, 2008 @ 9:22 hapon | Sagutin

  4. parang mas makinis ung ampalaya jan kaysa sa ampalaya dito

    Komento ni prinsesa000 — Setyembre 27, 2008 @ 1:39 umaga | Sagutin

  5. oo nga, dito kabaliktaran, sobrang kukubot at ubod ng pait!

    Komento ni partofyou — Setyembre 27, 2008 @ 7:07 umaga | Sagutin

  6. uy… try mo ate ampalaya con carne… lamo ba yun? sarap din yun… may kulang sa amapalaya with eggs mo , kulang ng kamatis… ;p cheers-glesy the great..;p

    Komento ni anakngpiso — Setyembre 27, 2008 @ 7:30 umaga | Sagutin

  7. onga, makinis nga ang ampalaya niyo ha. mas masarap din kaya kasi di ako kumakain ng ampalaya kaya parehas tayo, pag ganyan, itlog lang din kinakain ko. hihihihi. :p

    ms. kengkay, thanks nga pala sa pagbisita ng blog ko (ung may angst, lol). sa tinagal tagal, ngayon ko lang ulit naalala password. parang sa wp-pinoys. πŸ˜€

    mwah πŸ™‚

    Komento ni iva — Setyembre 27, 2008 @ 7:35 umaga | Sagutin

  8. wow kengks yung tatay ko din nag grow ng ampalaya eh tingnan mo yung pictures sa blog na gingerbread sa links ko!

    Komento ni prinsesamusang — Setyembre 27, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  9. pero ate kengks mas fresh ang ampalya dyan kumpara dito.. mukha kcng nag gluththione yan.. may pag ka pusyaw ng konti at wala syang mga pekas kumpara dito at medyo hindi makulubot ha,.. masarap kya yan>>??

    Komento ni repah — Setyembre 27, 2008 @ 11:43 umaga | Sagutin

  10. wow masarap ang ampalaya with itlog =p~

    Komento ni MC — Setyembre 27, 2008 @ 2:05 hapon | Sagutin

  11. bakit mahilig kau sa ampalaya eh diba ang pait-pait nun. haha. never ko yata syang makakasundo. except pagtumamis sya. haha. hmmm.. kami din kaya magtanim dito, kaso baka tulad sa friend nyo hindi rin tumubo kasi malamig, sa summer nalang namin itra-try para malunod sa init ng araw ung ampalaya. haha.

    Komento ni lei — Setyembre 27, 2008 @ 9:03 hapon | Sagutin

  12. ang galing parang sa pinas lang na paggising sa umaga manungkit lang ng ampalaya at lutuin para sa almusal…hehehh paborito ko talaga yan yung tulad ng pagluto mo..ang mahal kaya dito $2.00 isang piraso lang

    Komento ni dakilang islander — Setyembre 28, 2008 @ 3:46 umaga | Sagutin

  13. ayaw ko talaga nyan
    trauma noong kabataan

    nanay ko sabi gamot sa plema yon
    yun katas nyan bini-blender
    tapos papainom sakin

    pucha, dati napapalabas pa ang plema ko
    dahil ang sama ng lasa pag ininom yun juice, eh

    pero di nagtagal, nasanay na ako
    nanany ko na ang napikon
    kasi naiinom ko ang juice na di sinusuka kasama ang plema

    hehe

    sorry at morbid
    =P

    Komento ni raft3r — Setyembre 28, 2008 @ 5:56 umaga | Sagutin

  14. ayos! may technique pala para mag grow ang ampalaya dyan sa alemanya! congratulations! masarap talaga ang ampalaya…cla little kengkays ba eh kumain na rin nyan?

    Komento ni Simple Married Life — Setyembre 28, 2008 @ 11:35 umaga | Sagutin

  15. Choosy ang ampalaya seeds o ha! tutubo lang cia kung kaninong hardin nya gusto! Success ang ampalaya growing effort mo kengkay! May pang trade sa itlog hehehe…galing! =)

    Komento ni Call Center Gal — Setyembre 28, 2008 @ 11:37 umaga | Sagutin

  16. grabe, kainggit naman gusto ko rin ng ampalaya!! galing naman. nag try rin ako magtanim ng seeds from pinas this year, walang nagbunga, pero last year nagbunga siya .. try and try again sabihin mo na lang sa other friends na bulaklak lang naani.. uy pwede yon sahog sa munggo di ba?

    Komento ni Pokwang — Setyembre 28, 2008 @ 2:19 hapon | Sagutin

  17. pengeng ampalaya,gusto ko mag pakbet =(

    Komento ni lilaybulilay — Setyembre 28, 2008 @ 6:54 hapon | Sagutin

  18. wow may tanim ka nang ampalaya! buti ka pa may space na mapagtataniman. masarap yang ampalaya na may itlog! mmmm. pati ba mga little kengkays eh kumakain ng ampalaya?

    Komento ni pao-pao — Setyembre 30, 2008 @ 7:27 umaga | Sagutin

  19. […] zucchini, pipino, labanos, rucola, carrots, peas at mga herbs and spices; (dati nga meron pa kaming ampalaya) pero kakaiba talaga ang bunga ng ibat ibang klaseng plum trees, mansanas, ubas, cherries, at mga […]

    Pasa ni Prutas at Gulay « Kwentong Kengkay — Agosto 8, 2011 @ 1:25 hapon | Sagutin

  20. […] nga pala, dati may ampalaya din kami sa likod bahay!! Like this:LikeBe the first to like this. Mag-iwan ng […]

    Pasa ni may pechay sa alemanya « Kwentong Kengkay — Hulyo 3, 2012 @ 7:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: