Kwentong Kengkay

Setyembre 29, 2008

sinong may gusto?

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 8:26 umaga

sa totoo lang, gusto ko pa silang laruin, kaso mo ayaw na silang laruin ng mga little kengkays ko e. sempre kung ako ang masusunod e dapat gamitin nila yang mga laruan na yan haggat hindi sya nasisira, para naman hindi sayang yung perang pinambili sa kanila di ba?

Di ba tama naman ako? Hayy, kakahinayang kasi ayaw na nila maglaro dyan sa Snow White house na yan. Ayaw na rin nila magluto dyan sa ‘summer kitchen’ na yan. Iniisnab na lang nila na parang wala silang nakikita. Kawawa naman ang bahay ni Snow White, baka maging hunted house! Kawawa naman ang kusina baka maging hunted kusina (corny, hmpf).

Dami ko ng sinabihan na mga nanay dito, sabi ko kung gusto nila, pwede nilang kunin. Sa totoo lang, sa dami ng mga pinagtanungan ko, wala man lang nagsabi ng oo. Panay ganito ang drama nila: Hmm, okay, tingnan muna natin. O kaya naman ganito: Naku, maliit lang nag hardin namin, walang espasyo. At kung ano ano pang excuses… na ang ibig lang sabihin e ayaw ko nga nyan. Pero maganda pa naman sila di ba? Tapos malinis naman sila at saka stable pa sila… At lalo namang hindi sya kadiri kasi malinis sila, hindi na nga sila ginagamit ng mga little kengkays e. Konting agiw, siguro yon.

Yun lang ang hindi ko maintindihan dito, bigay mo na nga, ayaw pa nila. Gusto pa magmaka-awa ka para lang kunin nila ang mga pamigay mo. Hay buhey…

Gusto ko sila ipadala sa Pinas kaso mo hindi sya kasya sa balikbayan box, kahit na itiklop pa sya. Gusto ko syang ibigay sa kindergarten kaso mo parang ayaw din nila. Gusto ko talaga syang wag ipamigay kasi baka magustuhan sila ng magiging apo ko (ano daw yun, hahaha). Hindi ko alam. Ano bang gagawin ko? Baka kayo, gusto ninyo?

Advertisements

15 mga puna »

  1. i-donate na lang sa charity πŸ˜€

    kengkay: kapag walang kumuha this coming week, talagang charity na sya, pero saan kaya, hayy

    Komento ni MC — Setyembre 29, 2008 @ 9:43 umaga | Sagutin

  2. same old. same old. ganyan rin ang tema dito sa bahay. pero minsan ako na nag-iinitiate dahil ilang beses na akong muntikang na-death by falling down the stairs dahil sa mga toys nila.

    mommy k, sagot ka sa tag ko ah. mommy tag yon eh. dalawa lang mommies sa links ko. ge na ah. hehe

    kengkay: sobrang dami ng laruan, dalawa lang naman ang anak, hayy

    Komento ni utakmunggo — Setyembre 29, 2008 @ 10:53 umaga | Sagutin

  3. aba eh kung dito sa pinas yan, nag-unahan pa mga tao hingin yan…ang ganda pa kaya.mapapakinabangan pa ng mga bata at batang-isp na tulad ko.hehe. πŸ™‚

    kengkay: kaya nga ayaw ko pang ibigay kasi parang gusto ko pa dun maglaro, hahaha

    Komento ni edelweiza — Setyembre 29, 2008 @ 11:01 umaga | Sagutin

  4. ibenta as garage sale? hehe

    kengkay: pwede rin kaso mo naman mahina rin ang bentahan sa garage sale e at halos walang pumunpuntang tao

    Komento ni gmac — Setyembre 29, 2008 @ 11:22 umaga | Sagutin

  5. naku kung sa pilipinas nga walang problema, daming makikinabang na mga kamag-anak. donate mo nalang sa charity, ate kengks, or garage sale?

    kengkay: hay, sana pwede ko talaga sya ipadala sa pinas

    Komento ni pao — Setyembre 29, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  6. subukan mo ang Freecycle.org

    kengkay: mukhang okay nga sya kaso ibig sabihin i would be a member, ayaw ko ng dumami pa ang trash sa email ko e

    Komento ni Caroline — Setyembre 29, 2008 @ 8:42 hapon | Sagutin

  7. akin na lng mommy.. gusto ko yan.. baka meron ka pa jan ung bahay-bahayan na maraming rooms, tapos maraming appliances… gusto ko rin nun! hehehe

    kengkay: dami ng bahay bahayan na maraming rooms at maraming appliances at maraming kung ano ano pang butingting na dumaan sa mga kamay ng mga little kengkays… ayun, sira na sila lahat, hehehe

    Komento ni binx — Setyembre 29, 2008 @ 9:51 hapon | Sagutin

  8. padala mo na lang kaya dito para sa maging future na anak ko! heehehh

    kengkay: mas mahal pa yata ang shipping, pero kung bibilisan mong magkabebi, pwede rin, hahaha

    Komento ni dakilang islander — Setyembre 30, 2008 @ 12:40 umaga | Sagutin

  9. pwede mo pong idisplay yan. gawa po kayo ng cabinet na puro laruan. ganun po ginawa ng mom ko eh. para nakapreserve ba… hehe

    paglaki nila maalala nila yan matutuwa sila… hehe

    kengkay: sa laki ng mga yan e isang buong bahay ang cabinet na dapat naming gawin, hehehe. may mga bagay lang akong tinago pero karamihan e pinamigay na rin namin.

    Komento ni yhen — Setyembre 30, 2008 @ 2:26 umaga | Sagutin

  10. ang kyut! haha sayang nga naman

    kengkay: di ba kyut!

    Komento ni nuel jose — Setyembre 30, 2008 @ 3:58 umaga | Sagutin

  11. pwede pa pagkakitaan yan ha. hehe

    sa bagay libre nga walang gustong kumuha, benta pa kaya..

    charity na lang may bata ang matutuwa πŸ˜€

    kengkay: naku kanina inayawan ulit nung isang nanay, hay libre na nga ayaw pa rin

    Komento ni otep — Setyembre 30, 2008 @ 7:14 umaga | Sagutin

  12. oo nga ate kengks eh, mahal na magpadala dito ng box. :-/

    kengkay: kung pwede lang ipadala dyan

    Komento ni Pao-Pao — Setyembre 30, 2008 @ 7:23 umaga | Sagutin

  13. Naku, mahina pala ang eksena ng garage sale jan, samantalang dito eh box office. πŸ˜‰

    Sinabi ba nila bakit ayaw na nilang gamitin yang mga yan sa laro nila?

    kengkay: ewan ko ba, ayaw na nila e. malaki na daw sila, e kung yung nanay nga nila gusto pang maglaro nung laruan nila, sila lang may ayaw, hayy

    Komento ni callcentergal — Setyembre 30, 2008 @ 7:26 umaga | Sagutin

  14. ikaw nalang ang maglaro mami kengks!ahahahha..pasawaya na mga bata yan/eh baka feeling nila dalaga na sila..kaya naman ayaw na ng bahay bahayan,.bilhan mo kaya ng bahay kubo ang mga litol kengkays mo?ahahah

    Komento ni Maldito — Setyembre 30, 2008 @ 9:53 hapon | Sagutin

  15. keng, hindi na pinagiisipan kung ano ang dapat gawin dyan anukaba…

    ibigay na agad kay little azraelita yan!

    Komento ni AZRAEL — Oktubre 1, 2008 @ 3:24 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: