Kwentong Kengkay

Setyembre 30, 2008

brutal punishment

Filed under: Pinas — kengkay @ 7:36 umaga

hay, eto si kengkay, nakikiride sa popularity ng kanyang little brother 😀

e sempre kasi naman proud ako sa kanya, at sa kanyang bandang ‘brutal punishment’ (ang kyut ng pangalan nila ano, hehe) kasi nag concert sila nung isang linggo sa isang pub sa malate. launching ng kanilang CD, weeee. may kapatid na akong CD recorder, hahaha.

buong pamilya namin sugod po, kaso mo dahil maliit lang yung venue at mausok daw, hindi na nagpumilit pumasok ang nanay at tatay ko kasama nung mga pamangkin ko.. ang nakisingit lang e si little sister ko na kaya naman may pechurs akong maipapakita sa inyo.
so ayan na ang kanilang concert. sila ang main act, galing di ba? halata ba sa pechur kung anong klaseng banda sila, huh?
naku e sa pangalan pa lang ng banda nila, arok na arok ko na kung anong tugtugin nila — heavy metal! arrrghhhhh… pero teka muna, nakiki ride nga pala ako ng popularity so dapat e all praises, di ba, hahaha. nakita nyo yung brother ko, ayun sya, ayun… sa likod nung lead singer kasi sya ang little drummer boy. imagine nyo na lang dati nung nagpa praktis sila sa bahay namin? aray ko po… as in parang parating nagbabagsakan ang mga kawali 😀 joks lang, actually na intriga din ako sa drums at may i try din ako kaso mo hindi ko kaya e, masarap lang umupo sa drummer’s seat feeling ko rock star si ako 😀
so ayan ang ibang miyembro ng banda, close up, with one of their million fans, hahaha

ayan ulit ang band members with two of their milyones fans. yung isa dyan sister ko, yung brother kong hindi na pala little e ayan sa harap at nag-aastig astigan, hahaha. dati kasama sa image nya e long hair, pero pinaputol na nya kasi daw e adult na daw sya, ganun?

heniway, congrats sa brutal punishment! pag uwi namin dyan sa pinas, dapat may free concert ticket kami ha?

ayan ang youtube nila

enjoy!

Advertisements

9 mga puna »

  1. Alam ko ang banda na to, pakisabi na lang rak en rol habang buhay!

    Komento ni taps — Setyembre 30, 2008 @ 8:05 umaga | Sagutin

  2. Brutal punishment, ang lupeeet nang dating, pangworld class ang musika.. Congrats…

    Komento ni Colegiala girl — Setyembre 30, 2008 @ 2:43 hapon | Sagutin

  3. Brutal sa galeng. Sana ako rin mag ka CD.

    Komento ni K — Setyembre 30, 2008 @ 4:13 hapon | Sagutin

  4. swerte. may EP na sila.

    😉 congrats sa kanya.

    Komento ni Leyn — Setyembre 30, 2008 @ 5:43 hapon | Sagutin

  5. ateng! tigil na muna nang mga ka-brutalan na yan! kelangan ko tulong ni darna! eto:

    http://reynaelena.com/2008/09/30/ofw-and-the-current-global-financial-crisis/#more-3870

    hahaha!

    Komento ni reyna elena — Setyembre 30, 2008 @ 11:46 hapon | Sagutin

  6. wow, congrats sa utol mo, ate kengks. 🙂

    Komento ni Pao-Pao — Oktubre 1, 2008 @ 3:50 umaga | Sagutin

  7. naks…

    may cd na sila…

    congrats…

    Komento ni thelostme — Oktubre 1, 2008 @ 12:21 hapon | Sagutin

  8. brutal punishment, nice name!
    panalo!
    pangarap ko din yan, eh – ang maging rock star!

    Komento ni raft3r — Oktubre 2, 2008 @ 11:07 umaga | Sagutin

  9. rak en rol!!!!

    enjot ang musika habang naririnig at nabubuhay!!!

    Komento ni charlbert — Oktubre 2, 2008 @ 12:58 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: