Kwentong Kengkay

Oktubre 1, 2008

na-hack si kengkay

Filed under: Kaibigan,Pasaway — kengkay @ 8:50 umaga
Tags:

naku, tunay nga palang may mga hackers! at hindi magandang makasalamuha sila, sa totoo lang.

hindi ko akalain na eng eng pa rin talaga ako pagdating sa mga katarantaduhan sa mundong ibabaw, imagine, kahapon e na bisita ako ng lintek na hacker or spammer or scammer or kung ano man dapat itawag sa mga taong manloloko ng kapwa tao? waaaaa

akalain ko ba namang ganon ka smooth ang mga hackers? ganito yon. nag online ako at sempre, automatic na lumabas yung YM ko. tapos biglang nag buzz yung aking online na kaibigan. ang drama nya ganito — may bago daw syang photos, i download ko daw.

so click ko yung download. na pumunta naman sa yahoo account ko. mag log in daw ako, aba, nag log in naman ako. at dun na nagsimula ang ka eng engan ko. sempre walang pictures na lumabas. pero wala pa rin akong reaction, eng eng nga ako e.

so sabi ni hacker, pinoy yung lintek ha, kasi tagalog ang palitan namin ng text e — buksan ko daw webcam ko kasi daw gusto nyang makita kung sira yung computer nya. so sabi ko hindi nakakabit webcam ko kasi pasaway din yung webcam ko e, aba ang lintek, kinulit kulit ako. so nag webcam din ako. ang loko, itapat ko daw mukha ko sa cam, dun na ako medyo nalito. kaso medyo galit na si mokong kasi nga ayaw tumapat nung webcam sa mukha ko. as in all caps na kung mag text.

kaway kaway pa daw ako sa camera. kaway naman ang eng eng na si kengkay. so ayun, sa tingin ko, save nya yung pechur ko para meron na syang pechur ni kengkay para pwede na rin syang mangalabit sa YM using my YM account at using my pechur pa kamo. hindi ko na inintindi yon.

kaninang umaga bukas ko email ko, nagemail yung supposed to be kausap ko kahapon at sinabing na hack daw yung kanyang yahoo – email at YM. hindi na daw nya ma-acess at wag ko na daw gamitin dahil dami na daw naloko na mga ka-chat nya.

anak ng pating, nagpanik ako kasi nga, biglang bumalik yung mga pangyayari kahapon. kaya pala kagabi e biglang nag offline yung aking YM dahil may other user daw… anakkangbakaatkalabaw… waaaaa

so change ako ng password ng madalian. at dahil aleman itong aking PC, at dahil panik mode na ako, hindi ko na alam kung ano gagawin ko. mabuti na lang andyan si azrael (maraming salamat talaga, kaibigan) at buong pasensya nya akong tinulungan kahit na ang mga tanong ko sa kanya e may pagka-todong-kabobohan, hahaha. tenks, talaga, azrael!

ayun, inalis ko yung YM ID na ginagamit ng hacker. binago ko password ko. scan ko yung computer ko. at ginawa ko lahat nung mga pinagawa sa akin ni azrael. buong buhay ng PC ko e ibinigay ko sa kanya sa takot ko. at ang lintek na hacker? nag buzz pa kamo sa akin ng dalawang beses!!! ang lakas ng loob ng unggoy. dinelete ko na yung YM ID nya tapos nireport ko sya as spam.

alam nyo bang kahapon lang sya nakapag hack e ang dami na nyang nautong magpadala sa kanya ng globe load? at ang dami na rin nyang nauto sa YM na may kasama pang pechur! lintek na scammer yan.

so, better watch out, it is not only santa claus who is coming to down — ang mga lintek na hackers, spammers, scammers at kung ano mang maitim sa mundo ang naglilipana ngayon. mag-ingat kayo sa mga ganitong drama, kasi ganyan din ang drama na ginawa sa karamihan sa biktima…

at oo, isa sa mga biktima e si kengkay, waaa. kainis talaga.

kung meron pa akong dapat gawin para maging secure ang aking computer, plis advice. pero i need to ask FBI to check your background first, hehehe

at kung sino ka mang hacker ka – ako ay naniniwala sa karma. yun lang.

Advertisements

47 mga puna »

  1. buset talagang mga hacker yan walang magawa.

    kengkay: tatango na lang ako, waaa

    Komento ni madbong — Oktubre 1, 2008 @ 9:17 umaga | Sagutin

  2. Hindi ako teki, pero baka makatulong ito sa iyo.

    http://brneurosci.org/info/computer107.html

    http://searchsecurity.techtarget.com/expert/KnowledgebaseAnswer/0,289625,sid14_gci1286795,00.html

    Palagay ko, di pa grabe ang problema mo. Load pa lang ang hiningi sa mga kaibigan mo. Buti na lang at hindi bank account nos. nila.

    kengkay: salamat kuya bob, naks, naki kuya bob na rin ako, kung hindi ka pa bumisita dito e hindi ko alam na ikaw pala si alimbukad. anyway, sana nga bank account na agad kasi kapag yun ang hiningi nung hacker, am sure purnada na agad ang hacking nya

    Komento ni Bobby — Oktubre 1, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  3. badtrip naman yan, ate kengks! tsk tsk tsk. i suggest mag-palit ka din ng mga passwords mo sa blogs, YM, etc. baka keylogger yung na-download mong file or what.

    mag-update ka din ng anti-virus, sabay scan. tsaka mag-install ka ng anti-spyware software like “spybot” (na pwede mong-idownload sa download.com), update it then scan uli.

    if you need help with that, message mo lang ako sa yahoo, i’ll walk you through it.

    kengkay: dear pao, aside from azrael, ikaw ang isa sa mga malaking tulong dito sa stressful na pangyayaring ito sa buhay ko. pinalitan ko na ang passwords ko while using another computer, nilagay ko na nag anti spyware. salamat sa mabilis na tulong mo

    Komento ni pao — Oktubre 1, 2008 @ 12:08 hapon | Sagutin

  4. at pinoy sya. kakatakot. magpalit ka na rin ng mga passwords mo dito sa wordpress at iba pa.

    kengkay: tumpak ka, laarni. mas nakakatakot kasi tagalog din ang palitan ninyo ng chikahan, parang hindi mo akalaing nauto ka na pala

    Komento ni Laarni — Oktubre 1, 2008 @ 12:12 hapon | Sagutin

  5. Sorry to hear this Kenkz. This story was so ten years ago – yung dial up pa nun. Some hackers can even access to your PC and passwords to your network. Change or update your login passwords regularly. Or, avoid using the YM for now.

    kengkay: salamat K, i’ve stopped using YM for now and i told my YM chatmates about it

    Komento ni K — Oktubre 1, 2008 @ 2:47 hapon | Sagutin

  6. keng, balitaan mo ako kung ano na nangyari. at may tanong ako..

    ano, nahanap mo na kung nasan yung winzip at marunong ka na ba mag-extract?? nyahahahaha!

    kengkay: sa tingin ko e okay na rin sya, salamat sa tulong mo. at sa mga tanong mo, pwede next questions? hehehe

    Komento ni AZRAEL — Oktubre 1, 2008 @ 3:21 hapon | Sagutin

  7. Grabe te keng!

    Ngayon na nga lang ako nagbalik, ito pa ang humeadline sa akin!!!

    So totoo pala talaga yan… tsk! buti naikuwento mo… this will serve as a good warning sa ibang hindi pa nakakaalam…

    kengkay: kaya ko sinulat agad kasi baka may mahiritan pa sa mga kablog natin kasi pinoy ang mokong na hacker

    Komento ni lenggai — Oktubre 1, 2008 @ 3:48 hapon | Sagutin

  8. Sorry to hear about your hacking nightmare. Just be careful next time. For sure, makakarma din yun balang araw o kaya Isumbong Mo Kay Tulfo!!!!

    kengkay: kung pwede lang ipakain sa buwaya

    Komento ni peachamomile — Oktubre 1, 2008 @ 5:10 hapon | Sagutin

  9. nu ba yun… palagay ko may keylogger yun! kainis yun! sana mangudngod din yun!

    yngat na lang po ate.

    kengkay: mukhang wala namang keylogger, sana!

    Komento ni lalaine — Oktubre 1, 2008 @ 5:18 hapon | Sagutin

  10. Grabe Kengkay, nagpaparamdam na naman ang mga talipandas na yan! Bad sila! Wala silang gift kay Santa Klaus! ;P

    Buti na lang nabahagi mo yan sa amin at nang makapag-ingat rin kami.

    kengkay: mag-ingat talaga kayo at maraming nais mangotong ngayon lalo pat malapit na ang pasko! grrr

    Komento ni callcentergal — Oktubre 1, 2008 @ 10:56 hapon | Sagutin

  11. ate kengks, sinagot ko na yung email mo. try mo login sa blogs at yahoo accounts mo using a different computer para kung may keylogger man sa pc mo eh hindi niya ma-detect kung anong tinatype mo. from a different computer, secure all your passwords, palitan mo agad. tapos saka mo linisin yung iyong computer.

    kengkay: did all that, salamat talaga pao!

    Komento ni Pao-Pao — Oktubre 1, 2008 @ 11:09 hapon | Sagutin

  12. wala din akong alam sa mga ganyan ganyan ate keng, buti nalang gumawa ka ng post bout dito at na inform ang tulad kong di eng eng din pag dating sa mga ganyang bagay.

    sana lang talaga may araw din yan mga gumagawa ng ganyan!!

    at ingat sa ating lahat πŸ˜‰

    kengkay: sana pag nagkaron ng araw ang mga lintek na yan e sabay sabay sila at sana mapanood natin kung papano sila makarma

    Komento ni naglalambingnacute — Oktubre 1, 2008 @ 11:57 hapon | Sagutin

  13. talaga naman mga taong yan oh, di magtrabaho ng patas! nakakainis… pero buti na lang mommy un lng nangyari. tama ka, may karma!

    kengkay: may mga taong akala nila mas magaling sila dahil sa mga kasamaang ginagawa nila

    Komento ni binx — Oktubre 2, 2008 @ 12:00 umaga | Sagutin

  14. grabe kengks bute nagawan mo agad ng paraan.

    kengkay: nagawan ko ng paraan dahil sa mga bloggers friends ko, galing nila e

    Komento ni prinsesamusang — Oktubre 2, 2008 @ 1:10 umaga | Sagutin

  15. Aba hindi puwedi ang ganyan, pakulam na lang po natin ang buwesit dahil marami pa siyang bibiktimahin. Pagawa kaya natin sa mga mambabarang na magmukha siyang kabayo, hehehe. Sorry ate carried away lang dahil hindi ko gusto ang ginawa niya sa iyo.

    kengkay: kulamin ko nga kaya? hmmm

    Komento ni Colegiala girl — Oktubre 2, 2008 @ 2:03 umaga | Sagutin

  16. Dahil sa mga taong to nasisira ang term na “hacker”. Hinde naman kasi lahat ng hackers eh masama, merong mga tinatawag na ‘white hat hackers”. Sila yung naghahack for a good reason. Pero dahil nagegeneralized na, kapag sinabing “hacker” eh masama kaagad ang iniisip. Tsk tsk.

    Doble ingat na lang next time. May mga tao talagang sumasaya at nakukuntento kapag nakapanglalamang ng kapwa tao. πŸ˜‰

    kengkay: akala nila nakakalamang sila, sa totoo lang, hindi. kasi sa hulit huli — sila pa rin ang talo sa kasamaan nila

    Komento ni kirksydney — Oktubre 2, 2008 @ 4:03 umaga | Sagutin

  17. uy buti na lang nagkaway kaway ka lang, e kung may iba siyang pinagawa, na Pinay Aleman scandal ka na hehehe

    kengkay: nung pinapakaway nya ako, parang nag alanganin na rin ako pero sa ka eng engan ko, akala ko kasi miss little pinas ang nangyayari e, hmpf πŸ™‚

    Komento ni bernardumali — Oktubre 2, 2008 @ 5:18 umaga | Sagutin

  18. sori to learn about this situation ofyours mommy k. sana malagutan na ng hininga yang mga manlolokong yan kung saan man sila ngayon.

    kengkay: sana ibalik muna nya mga nakotongan nya bago sya mapugutan ng hininga

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 2, 2008 @ 5:33 umaga | Sagutin

  19. hay marami talaga ganyan .. ingat na lang po

    kengkay: marami talaga sila, kakainis

    Komento ni barquera — Oktubre 2, 2008 @ 7:05 umaga | Sagutin

  20. Buti na lang ‘di ka nag-live show! nyaah… ehehe. well may isa ding blogger na na-hack ang yahoo account and duped her friends in Manila na she’s in need of ‘cellphone loads’ ayun, halos Aus$200 yata na-dupe sa mga friends niya. so, lesson, before you click, make sure of the link’s address. πŸ˜‰ buti na lang may mga tumulong sa yo.

    kengkay: baka kung nag live show ako e napigilan ko pa syang mang hack, hehehe- yup, i know someone who gave out lots of globe loads kasi akala nya e kaibigan nya yung humingi

    Komento ni Jim — Oktubre 2, 2008 @ 8:54 umaga | Sagutin

  21. buti na lang wala akong pera at least wala talaga akong maibibigay.. totoo ang sinabi mo may karma din yang taong yan… kahit tragic yung nangyari sayo natatawa ako sa pagkakakwento mo… eengot engot pa naman din ako sa ganyan… ;p

    kengkay: naku hindi pera ang hanap nya, ang hanap nya e gawin kang paraan para mauto ang mga kaibigan mo at yun ang nakakasama ng loob

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 2, 2008 @ 9:44 umaga | Sagutin

  22. some people talaga, puro sa kabulastugan ginagamit ang mga talento 😦

    kengkay: oo nga, kainis

    Komento ni taroogs — Oktubre 2, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  23. whoa
    ingat na lang
    alam mo naman ngayon lahat tarantado na
    hehe

    btw, sali ka sa contest ko!
    dali!

    kengkay: ibang katarantaduhan naman itong hacker na ito

    Komento ni raft3r — Oktubre 2, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  24. naknamputz! shock ako! hhahaha! ako hanggang bakup lang dahil me nag-warning saken. hahaha bakit kaya?

    kengkay: ingats ka manay, baka malaman yang ng boylets mo e maging profi hackers sila, hahaha

    Komento ni reyna elena — Oktubre 2, 2008 @ 11:45 umaga | Sagutin

  25. hala ang bad! buti na lang di ako marunong mang hack! haha. πŸ˜€

    kengkay: bad talaga

    Komento ni vanny — Oktubre 2, 2008 @ 2:50 hapon | Sagutin

  26. may background ako sa mga hacking… konti lng… pero kahit kailan… hindi ko ginagamit sa ganyan… kaya lng ako nag-aral para alam ko kung paano maiiwasan… pero hindi umabot sa ganyan ang natalos ng aking isipan… hehehe…

    gaya nga po ng sinasabi ng iba… ingat sa pagtanggap ng files galing sa YM or MSN man yan… isa nang babala ang nangyari ito…

    kengkay: alam mo ba, alam ko naman yan e, kung bakit nitong kinalabit ako nung hacker e naging tanga ako, hayyy. kasi nga ang akala ko e kaibigan ko yung kausap ko sa kabila!

    Komento ni vhonne — Oktubre 2, 2008 @ 3:15 hapon | Sagutin

  27. waah..buti hanggang dun lang. katakot.

    kengkay: buti na lang ganun lang kasi yung ibang kaibigan ko talagang na hack at nakuhaan ng load

    Komento ni mhar — Oktubre 2, 2008 @ 6:08 hapon | Sagutin

  28. shocker!!!! tindi naman nya, kala ko kwentong barbero lang yan yun pala totoong may mga ganyang scam, delikado nga yan, talagang dapat mag ingat sa mga ganyan, tenks sa tip,buti na lang nakwento mo yan, kasi parang naalala ko one time nangyari na rin sa kin yan, na download my picture daw, pero di ko nga dinownload- ganon pala yon.

    teka maiba kwento kailan ba kayo pwede sa kitakits? next week break ko. tuesday lang ako di pwede, let me know πŸ™‚ exciting..

    teka anong ginawa niyo dito sa taunus?? hmm baka may post tungkol dyan, balikan ko na miss kong post mo..

    kengkay: oo, basta hindi kayo sure, wag mag download! yung ating kita kits, tawagan ko si lilay kung kelan. antay lang. wala akong post tungkol sa taunus, naudlot ang kwentuhan dahil dito sa hacking story na to e

    Komento ni Pokwang — Oktubre 2, 2008 @ 9:13 hapon | Sagutin

  29. grabe naman sa gimik ang hacker na ‘to basta magka load lang! buti ‘yong sa’yo ma-aacess mo pa…yung sa akin dati sa YM rin talagang naka block na kc pinalitan ng password..di ko na alam hanggang ngayon kung may kagaguhan bang pinag gagawa dun sa mga ym friends ko..

    kengkay: mabuti nga at naayos agad at hindi na block yung yahoo ko.

    Komento ni dakilang islander — Oktubre 2, 2008 @ 11:20 hapon | Sagutin

  30. holy crap mommy kengks! ako naman muntik na mabiktima. one person was posing as my friend. porke ganyan nga ang raket nila, padala ng globe loads etc. or smart load. nasa US ang friend ko. ganun daw ang raket nya. kinulet kulet din ako. pero after a day, i discovered na hindi sya ang friend ko. lintek talaga. buti na lang nag-imbestiga ako. ang deal na sinasabi nila ganito:

    yung supplier daw nya ng globe & smart prepaid loads eh nagpunta ng taiwan. wala na raw magpapadala sa kanya. tapos bibigay background ng dealings nila. porke ang 20K worth of load eh binibili nya ng $700. parang easy money di ba? so napaisip ako. buti na nga lang nag-b/g check ako. at yun, i discovered na hindi sya yung friend ko. ang masaklap. meron din ako friend na na-hack ang account tapos yung hacker eh nakapanloko ng friend nya nung hs. na ngayon e galit na galit sa kanya kse akala sya yung nanloko. haay. hudas talaga sila. mamatay na sila at masunog sa impiyerno!

    kengkay: ayan, ganyan siguro ang mga drama ng mga lintek na yan. sorry to hear na pati account nung friend mo e nahack, mas malalang hacking na yun

    Komento ni antuken — Oktubre 3, 2008 @ 1:43 umaga | Sagutin

  31. ang alam ko itinuturo din sa mga students ng com sci ang panghahack pero kasama don ang ethics at hindi ang pangiiscam. sorry to hear this.

    kengkay: sana nga mas matutunan ng mga estudyante ang ethics ng hacking kesa ang mabilisang pera sa masamang gawa

    Komento ni R.J. — Oktubre 3, 2008 @ 1:28 hapon | Sagutin

  32. May naforward sa akin sa YM na huwag daw i-add, pero noong nabasa ko yung username eh Pinoy na Pinoy. Ako naman parang…”Ano ‘to, sinisiraan ‘yung may-ari ng YM?” Napaisip tuloy ako dito.

    kengkay: ingat lang, basta wag lang mag download ng mga binibigay na link, yun ang unang warning ko

    Komento ni Empress Maruja — Oktubre 3, 2008 @ 10:32 hapon | Sagutin

  33. nya.. nakakatakot naman yan. meron din sa kin finorward sa ym na wag kakausapin, lalake pa nga eh. kaso kakaiba ang case mo kasi kilala mo din yung kachat mo na nahack din ng kung sino.. grabeh, ansama naman nung tao na yun. di magtrabaho ng matino. nwei, dont worry po.. me karma yan

    kengkay: sana makarma na agad ng matapos na yang kalokohan na yan

    Komento ni iva — Oktubre 4, 2008 @ 9:55 umaga | Sagutin

  34. grabe yan ah. kaya ako never nagentertain ng mga nagpapa-add sa ym kung di ko talaga kilala. kahit mga subscribers sa wordpress blog, lalo pag halata namang spammer lang.

    kengkay: tama ka dyan, ris.

    Komento ni iris — Oktubre 4, 2008 @ 3:02 hapon | Sagutin

  35. sigurado ka ba na meron ngang hacker?? parang hindi kasi kapani-paniwala eh =| ang paniniwala ko kse isang kathang isip lang ang mga hacker prang mga tikbalang pinag uusapan ginagawan ng pelikula pero wala talagang nakakakita sa totoong buhay diba… ganun din ang paniniwala ko sa mga hacker na yan!!!

    kengkay: hindi haka haka ang nangyari sa akin. totoo lahat yan. akala ko din e sa balita ko lang mababasa ang mga yan, pero ayan at naka engkwento ko nga. hindi maganda ang experience, stressful at parang kang binugbog ng nakatalikod. kahit hindi ka maniwala, basta you are warned, okay na rin yon

    Komento ni Taong Grasa — Oktubre 4, 2008 @ 3:47 hapon | Sagutin

  36. Hai, Kengkai! πŸ˜€

    oh my gas… Grabe naman ang techniques ni hacker! Kaya ayoko na talaga mag YM, andaming spammers… Kaya talagang di ko na papayagan mag YM ang anak ko. Napansin ko lang, palaging na vivirus ang PC ko everytime nya gamitin.

    Buti nalang tinulungan ka ni azrael. πŸ™‚

    kengkay: wag na wag mong pabayaan maki chat ang mga kids… tama yan imom kasi hindi pa nila alam kung alin ang dapat nilang gawin kapag may mga downloads na dapat i click!

    Komento ni imom — Oktubre 4, 2008 @ 4:49 hapon | Sagutin

  37. Shiet! Kabuset talaga ang mga hacker na yan!

    kengkay: hindi lang bushet, hmm. hindi ko alam kung ano pang mas malalang salita

    Komento ni timi — Oktubre 5, 2008 @ 7:57 umaga | Sagutin

  38. […] Pero sempre, may mga ginawa na akong mga paraan para hindi matuloy ang hacking na iyon. Salamat ulit sa tulong ng mga kaibigan kong bloggers lalo na kina azrael at pao. At sempre dun sa mga nagbigay ng kuro kuro nila sa aking post tungkol sa hacker na yon… […]

    Pasa ni Mga natutunan ko dahil sa hacker « Kwentong Kengkay — Oktubre 5, 2008 @ 4:38 hapon | Sagutin

  39. salamat sa pagdalaw sa aking blog ^^
    naku… virus/hacker nga yan kasi dun sa lumang ym account ko ung ibang contacts ko dun napasukan ng virus ung ym nila.
    pati nga ung status ng ym nila nilagyan ng ganyan na kesyo may bagong pictures sila, icheck daw…etc. etc.
    alam ko ng virus un kc kakaiba ung link eh… i mean iba ung link na nakalagay dun kaya hindi ko cliniclick un.

    pero infairness ung hacker ng account mo, pinoy?! waah! malamang kukunin nya ung information ng account mo, naku delekado yan.

    Komento ni Sheryl — Oktubre 5, 2008 @ 6:56 hapon | Sagutin

  40. Woooow. May ganyan pala talaga. O_o

    Komento ni Ellie — Oktubre 6, 2008 @ 12:32 umaga | Sagutin

  41. sana tamaan cia ng lahat ng plagues na ibinato ni Lord nuon. buti na lang at load lang,di masyado madami nadali niya. -hugs-

    Komento ni Nika — Oktubre 6, 2008 @ 5:14 umaga | Sagutin

  42. naku, eng eng pa din naman ako sa mga ganyan, parang kanina lang eh maynakachat din ako.. wah sorry to hear that ate kengks, at salamat din for warning us! Godblessu! πŸ™‚

    Komento ni joyceee — Oktubre 6, 2008 @ 12:43 hapon | Sagutin

  43. Ako rin tatanga tanga! Kaya naman naisahan ako!! Pero naniniwala pa rin ako sa karma doble pa babalik sa mga lecheng hacker na yon !!! Pasensya ka na ha kenkay di talagaa ko yung ka chat mo 😦 !

    Komento ni haze — Oktubre 7, 2008 @ 3:58 hapon | Sagutin

  44. yaiks, looks like you (and your friend) have been victimized by social engineering 😦 sorry to hear that. pero at least no harm done (so far).

    good move yung changing passwords for all your online accounts and siguro try to monitor din for a couple of day baka may naiwang kalokohan yung unggoy.

    thanks sa timely reminder sa ingat ng pag-click ng links πŸ™‚

    Komento ni frostbite — Oktubre 8, 2008 @ 3:24 umaga | Sagutin

  45. akala ko ako na pinakapasensyosong tao sa balat ng maynila. Pero taob ako sayo miss kengks. Yun lang nasabi mo?? Lintek sya!

    Buti na lang years ago ko pa nabalitaan yan at wala kong kegana gana magchat. Pero sana wag akong mapadalahan ng kung anu-anong links na iki-click at may pagka-eng eng din ako kung minsan.

    Komento ni Helena — Nobyembre 27, 2008 @ 10:30 hapon | Sagutin

  46. pano bah mag palit nang password sa YM..

    poydi ko ba malaman kung ok lang..!!

    antay ako sa mga salitya niyo huh

    sge ingat all!!!333

    Komento ni jessrey — Agosto 11, 2009 @ 6:59 umaga | Sagutin

  47. pano bah mag palit nang password sa YM..

    poydi ko ba malaman kung ok lang..!!

    antay ako sa mga salitya niyo huh

    sge ingat all!!!333

    Komento ni jessrey — Agosto 11, 2009 @ 7:00 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: