Kwentong Kengkay

Oktubre 2, 2008

Parisian vs Italia

Filed under: Duon sa Amin,Pinas — kengkay @ 6:23 hapon
Tags: ,

hindi yung lugar, kundi yung sapatos o tsinelas o sandalyas, kung ano man ang tawag dito sa nakakwadrong mga larawan.

compare and contrast. kasi minsan nakakapikon. at baka may makuha kayong aral, kung ano man yon e sabihin nyo sa akin, hehe

Una Linea Italia — binili ko ang sandalyas nitong pebrero sa megamall branch nila. Medyo na excite ako kasi naka sale, 50% off. Wow, sa sobrang lito ko e hindi ko na malaman kung alin ang pipiliin ko. Kaya ang pinapili ko e ang mga little kengkays. At etong pares ng sandalyas ang isa sa mga nabili ko.

Okay naman sya kasi walang takong. Madaling isuot kasi suksok lang, kahit walang ilaw at kahit nakapikit, swak na swak sya. At dahil itim sya, kahit saan pwedeng dalhin. Kahit anong damit, pwedeng sabayan. 100% leather, ang saya ko.

Kaso naman, nung umulan, at nabasa ng kaunti. Ayan, nangitim na sya. Natiklop yung leather. At natuklap yung strap. Hmm, parang, maling desisyon. Hindi na sya pwedeng ibalik kasi ang pangit na nya, kahit na ilang araw ko palang syang sinuot. Hay buhay… Kakahinayang yung pera kahit na 50% off sya. Di bale na, asa balikbayan box na sya pabalik ng Pinas.

Ang second candidate: Parisian Jr. ng SM department store, sa megamall ulit. Binili ko ang pares ng sandalyas nuong umuwi kami nung 2006. Parisian Jr. sya, ang tunay na marka ng Pinoy na Parisian πŸ™‚ Kahit na hindi ako sanay sa takong pero dahil uso sya, at dahil mura sya — actually mura na sya tapos sale pa — edi buy din ako. Sino naman hindi makatiis di ba lalo pa’t nung ang mga little kengkay e walang pakialam sa shopping ko kasi may kasama silang kalaro.

Maganda rin ang sandalyas kasi pwede rin syang ipares kahit na saan. Pwedeng isuot kahit saan. Yun na nga lang, hindi ako pwedeng makipag-habulan. Hindi naman sya inulan, swerte!

Kaya naman maganda pa sya. Magpanaw rin kaya ang kanyang alindog kapag nabasa sya? Sana naman hindi, sayang ang pagiging Parisian nya.

Ang aral ng aking kwento? Magdala ng ibang pares naΒ bota kapag umulan, hehe

Advertisements

7 mga puna »

  1. ok ah, kala ko eh parisian na made in paris .. este parisian palang sm, uy kilala ko rin yan πŸ™‚ sige, abangan ang susunod na kabanata, matira ang matibay πŸ™‚

    Komento ni Pokwang — Oktubre 2, 2008 @ 9:18 hapon | Sagutin

  2. gusto ko yung parisian ng SM. natutuwa ako sa design. gusto ko din flats lang, kasi madali sumakit ang paa ko eh mahilig akong maglakad. pareho tayo kengks. apir!

    Komento ni prinsesamusang — Oktubre 3, 2008 @ 11:46 umaga | Sagutin

  3. nagkaron din ako ng ganyang tsinelas. okay naman sya, kahit papano magtatagal din. pero kung tagulan, mas mainam siguro kung gomang tsinelas at bota tulad ng nabanggit mo. hehe! πŸ˜€

    Komento ni Ces — Oktubre 4, 2008 @ 6:47 umaga | Sagutin

  4. Impernes sa Parisian mas matibay siya sa mga mas mamahalin at branded na shoes. Bonus na nga lang yung mura siya eh. Saka magaganda naman designs nila.

    Komento ni bebenibadoodles — Oktubre 4, 2008 @ 12:49 hapon | Sagutin

  5. nako may pagkapinagdaanan ko na yan.. mahilig din kasi ako mamakyaw ng sale na sandals… minsan swerte minsan ubod ng malas.. yung tipong ilakad mo lang sa baha, nagugunaw na yung sandals ko.. ahehe

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 7, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  6. Ako, barko ang paa ko kaya mahirap bumili ng shoes. Hindi ako basta-basta nakakabili ng shoes at kapag hindi matibay ilang suot lang sira na πŸ™‚

    Komento ni nina — Oktubre 18, 2008 @ 10:02 umaga | Sagutin

  7. grabe, natawa ako doon sa pooksasapot. one time nag gawa akong ng sariling term sa webpage – sapot-pahina, close naman diba?

    Komento ni nina — Oktubre 18, 2008 @ 10:05 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: