Kwentong Kengkay

Oktubre 4, 2008

Tambayan

Filed under: Birit Ko — kengkay @ 7:47 umaga

birit ko sa WPP πŸ™‚

Ang sarap pakinggan kapag tambayan ang usapan. Sigurado ko, walang katapusang okrayan, reminisces at kung ano ano pang kilitian kapag tungkol sa tambayan ang chikahan.

Nung elementary ako, ang tambayan namin e sa mga malalapit na kainan ng eskwelahan, nung naging high school at lumakas ang loob e umabot na kami sa isang sakay ng dyip… nakakarating ng makati para mag lunch. At umabot na rin sa mga sleep overs sa mga bahay ng barkada.

Nung asa kolehiyo, medyo ang layo na ng narating, asa Espanya ba naman ang unibersidad tapos taong Pasay ako. Edi ang laki ng mundo ko, weeee! Kung hindi man kami nakakalat sa mga damuhan o sa mga kantina ng unibersidad, ay asa isang building kami ng Blumentritt kami o kaya sa may mansyon sa Balingasa at minsan lalayo pa kami sa Marilao, Bulacan (masarap ang goto sa palengke) at sa mga damuhan magkukulitan o kaya naman kapag may konting pera ay tripping namin sa may Valle Verde sa Pasig (daan muna kami sa palengke para mamimili ng ulam at sandamukal na kanin :D). Kapag weekend naman e manggugulo kami sa Obando, Bulacan kung saan parati kaming busog sa seafood o kaya naman sa San Mateo, Rizal kung saan maraming gimik na naganap, oops, sa Pasig din pala pero hindi dun sa may discount πŸ™‚

Nung nagkaron ng trabaho e napabalik ako ng Pasay… sa may airport area naman kami naghasik ng lagim. La Copa, Sluggo, Trellis dun pa sa original sa may Fort Bonifacio, at sa kahit saang kanto. Nung naging sosyal ako at nakahanap ng trabaho sa Makati e na-adik naman ako sa de aircon kaya sempre Ayala Center ngayon. Pero ang mas paborito kong tambayan e yung McDo Greenbelt at yung mga gotohan sa tabi nito, kahit na daming lamok minsan, heheh.

Nung nakabig naman ako sa Malate, aba, dun e walang solidong tambayan pero mas maraming yapak ako sa Tia Maria’s at sa Jazz Bar (kung saan ako natutong mag chopstick dahil ayaw kong kumain ng bagoong at manga ng kamayan, hehehe).

Naging tauhan din ako sa may Mandaluyong at sempre pa, nakisiksik sa Megamall at sa Shangri-la Plaza pero minsan aamin ako, andun din ako sa Crossing, ang sarap makigulo dun, hahaha. Ang dami nga lang malilikot na kalaban.

Nung lumipad ako sa Bangkok, wow, dun ako sosyalera. Sempre sa mga hotel ang tambayan namin. Kung saan merong Pinoy na banda, e halos lahat naman yata dun Pinoy ang banda ano. Pero ang tunay na tambayan namin ay ang Planet Hollywood at yung Huntsman Pub sa may The Landmark Hotel. Sa katotohanan, daming drama at away at iyakan at tawanang nangyari sa mga pubs na yan. Pero minsan naliligaw din kami sa Soi 4 kung saan malapit ang Patpong. Hayy, reminiscing!

Ay, nagtagal din ako sa Pattaya, Thailand kung saan medyo naiba ang takbo ng tambayan ko kasi halos gabi gabi e asa Boystown kami, ang gay mile ng Pattaya. At kapag weekend ay asa gay beach kami, ewan ko ba, sa dami ng poging puti dun e sa mga rainbow colors kami biglang kumapit. Masaya kasi sila kasama e. Pramis! At sempre, dun ako naki social climb sa mga hoteliers, at karamihan ng weekend trips namin e libreng weekend stay sa mga hotels at resorts, sarap buhay!

Ngayong asa Alemanya ako? Ang tambayan ko? Kid-friendly places na lang, hahaha. Tulad ng McDo, playgrounds, theme parks, etc.

Mabuti na lang at na enjoy ko ang pagiging single ko ano? Kayo, saan kayo tumatambay?

Advertisements

10 mga puna »

  1. Napunta ka ba sa Soi Cowboy?? marami din natambay dun! πŸ˜‰ weheheh! pag magulang na (parang pangit pakinggan) talaga dapat kid friendly ang mga pupuntahan, kahit nga papanoorin, kaya my love for cartoons was really handy–enjoy ko lahat ng lakad! πŸ˜€

    Komento ni Jim — Oktubre 4, 2008 @ 1:11 hapon | Sagutin

  2. ang saya ng mga tambay days mo ate kengks! grabe, lakwatsera ka pala. hehe. so nanood ka pala ng AP sa patpong ha.. πŸ˜‰

    Komento ni iris — Oktubre 4, 2008 @ 2:50 hapon | Sagutin

  3. –nung elementary ako, sa may arcade sa taas ng Big Ben Plaze dito sa Lipa…
    –hi-skul: sa kompyuteran… playstation 1 at nintendo ang uso nun… sa mga ilog, sa mga bahay ng kabarkada…
    –college: computer shops… bahay ng barkada…
    –nung may work na: Mcdo… Jowee’s Bar… staff house…

    text ko muna barkada ko… yayain ko tumambay… thanks sa post na ito…

    Komento ni vhonne — Oktubre 4, 2008 @ 7:35 hapon | Sagutin

  4. nung elemantary-sa mga ilalim ng malalaking puno or bench
    high school-sa canteen or glorieta
    college-sa canteen,coffee shop or sa town πŸ˜€

    Komento ni MC — Oktubre 5, 2008 @ 12:04 umaga | Sagutin

  5. ayos! taga ust ka ba kengkay?

    Ako dahil nasa boarding house from Carola, Ma. Cristina then sa tapat ng Dapitan entrance ng UST, dyan lang sa tabi tabi ang tambayan, sa P.Campa, sa Almer’s habang lumalangoy kami sa free flowing gravy at sa kalapit lugar ng USTe. πŸ˜‰

    Komento ni call center gal — Oktubre 5, 2008 @ 5:43 umaga | Sagutin

  6. Lakwatsera ka fala ha! Hehehe…
    ako din kaya maki-birit na rin…lets see…Gaya-gaya daw ako

    Komento ni timi — Oktubre 5, 2008 @ 11:38 umaga | Sagutin

  7. aus.. ang saya naman ng mga adventure lalo na pag kasama ang barkada.
    halatang nalakwatsahan na lahat hehe
    *nakidaan lng kengkay. =)

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 5, 2008 @ 5:46 hapon | Sagutin

  8. cool! talagang naenjoy mo ang single life mo! talagang masaya gumala-gala kung saan basta kasama ang barkada! ayt? πŸ™‚

    Komento ni joyceee — Oktubre 6, 2008 @ 12:52 hapon | Sagutin

  9. Hello po. ansaya nmn po ng mga naging tambayan nio ever. sana ay makabanggaan q kau minsan at mailipad nio ang aking diwa sa kung saan-saang lupain. Kaso, isa lamang po akong hamak sa mata ng lipunan, (nyahaha..makata, ikaw ba yan..?)ang tanging tambayan ay mga metro manila malls lamang…

    Ano po ba ang dahilan ng aking pagparito? nagpapasalamat po sa panahong inilagi ninyo sa aking natatanging mundo. At sa makabuluhang komento. Ansaya po talaga kapag tinamaan ka ni Kupido ano?

    Salamat po! [*_*]

    Komento ni sassyassassin — Oktubre 6, 2008 @ 10:11 hapon | Sagutin

  10. ang dami mo naman tambayan mami kengks! hindi ko parin nagagawa ang aking tambayan post at late na late na ako. pero magpopost parin ako. ang pinakamasaya sa mga tambayan mo eh yung sa thailand. hehe. wala sana makatambay din ako sa ibang bansa πŸ˜€

    Komento ni Carol — Oktubre 7, 2008 @ 1:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: