Kwentong Kengkay

Oktubre 5, 2008

Mga natutunan ko dahil sa hacker

Filed under: Kaibigan,Pasaway — kengkay @ 4:37 hapon

Masaklap ang naging experience ko sa hacker, sa totoo lang, hanggang ngayon e nag-aantay pa rin ako kung meron pang mangyayaring kakaiba sa aking yahoo account at sa mismong computer ko. Parang baka merong bombang sasabog sa huli… Pero positive thinker ako, kaya sa akin e masamang experience na lang iyon.

Kasi naman yung sakin e mukhang hindi sila naging successful, pano nga bat nagsimula ulit akong kulitin nung hacker na ginamit yung YM ID nung kaibigan ko na na hack na pala nya? Kasi yung kaibigan ko ay talagang hindi na nya ma access yung kanyang email at ID, atsaka nagkaron na ang biktima na mga kakilala nya.

Pero sempre, may mga ginawa na akong mga paraan para hindi matuloy ang hacking na iyon. Salamat ulit sa tulong ng mga kaibigan kong bloggers lalo na kina azrael at pao. At sempre dun sa mga nagbigay ng kuro kuro nila sa aking post tungkol sa hacker na yon

Eto ay galing sa aking nanay blog, tatagalugin ko na lamang.

1. Huwag tanggapin ang mga invites or contacts na hindi mo kilala.

2. Huwag i-click ang anu mang links na sa tingin mo ay kakaiba. At kapag na-click mo naman, huwag mo nang ituloy kapag ang link na iyon ay nagtatanong ng iyong password. Ibang gimik na yon.

3. Dapat mayrong anti-virus and anti-spyware ang inyong computer. Meron kaming F-Secure samantalang nirekomenda naman ni Pao, ang Spybot. Si Pao rin ang nagsabi parating i-update yung mga softwares na ito at sempre, scan ko ng todo yung computer ko nung laman kong may hacker na umaaligid.

4. Kung sa tingin nyo ay mga hacker na nagtatangka, huwag mag log-in sa computer. Kung meron kayong ibang computer, iyon muna ang gamitin para baguhin ang mga passwords ninyo.

5. Si Azrael naman ay nagsabing uninstall ko daw ang yahoo messenger ko. Tapos delete at install ko ulit. Ginawa ko naman kahit na halos abutin kami ng kopong kopong dahil may pagka-techno challenge ako 😀

6. Iwasan munang gamitin ang inyong YM at pagsabihan ang inyong mga contacts para hindi sila mabiktima.

Masaya ako at naging mabilis ang tulong na naibigay sa aking ng mga ka-blag ko. Kaya naman eto at ibibigay ko rin sa inyo ang tulong na iyon.

Mag-ingat tayo!

P.S. Actually, may magandang dulot din sa akin ang hacker na yan dahil kundi dyan e hindi ko malalaman na ang sikat na si Alimbukad ay ang kapatid nung isa sa aking pinakamatalik na kaibigan. Isa si Bobby sa mga unang nag-iwan ng tip kahit na nga sa pananalita nya ay hindi sya teki. Salamat!

Advertisements

22 mga puna »

  1. Hello Thanks sa guide para maiwasan ang mga hackers, may kilala akong polis sa enternet dyan sa alemanyasa, pero hinde pa naman masyadong malala kaya ingat na lang muna hehehe!!! Salamat sa chismisan natin na shut down ang internet ko kaya tagal kong bumalik nang bumalik ako wala ka na 😦 . thanks also sa comments.

    Yolly

    Komento ni May Flowers Foundation — Oktubre 5, 2008 @ 7:12 hapon | Sagutin

  2. sa susunod mga-ingat ka ha. baka kasi mabura link ko sau.hahaha… palitan mo na link ko ha.haha

    Komento ni mhar — Oktubre 5, 2008 @ 8:46 hapon | Sagutin

  3. ayos magaling na mga payo. Alam mo ba sa opisina namin (well, sa dati ko’ng pinagta-trabahuhan), naka-program na dapat baguhin mo ng anim na beses sa loob ng tatlong buwan ang password mo at ‘di lang yan–wala dapat mauulit sa huling anim na password (so, siguro dapat may mga 8 passwords ka na papaikutin mo sa loob ng anim na buwan!). I guess, ganun din pagdating sa pagse-secure natin ng blogs, internet banking account atbp. Para din kasi sa paglalakad sa Malate, Siam or saan man diyan sa Aleman, kailangan ng ibayong pag-iingat din–there’s no perfect place–kahit dito sa Australia. 🙂

    Komento ni Jim — Oktubre 5, 2008 @ 9:13 hapon | Sagutin

  4. salamat po sa tips!
    mahirap talaga pag nahack. buti po naagapan mo dati.

    Komento ni mayui — Oktubre 5, 2008 @ 11:32 hapon | Sagutin

  5. change your passwords before you leave your computer…. (pinaka aggressive mode ito.)

    if all else fail, pray. 😀

    (i think those tips you mentioned are enough precautions.. let’s just wait and see)

    Komento ni foobarph — Oktubre 6, 2008 @ 2:15 umaga | Sagutin

  6. hala biktima ng hacker c ms kengakay… parang huli na ako sa balita… nwei salamat sa paalala ms kengakay…

    Komento ni yhen — Oktubre 6, 2008 @ 6:02 umaga | Sagutin

  7. Huwag tanggapin ang mga invites or contacts na hindi mo kilala.

    –ganyan din ginagawa ko. deadma sa mga di kilalang nag-iinvite 😉

    Komento ni chochai — Oktubre 6, 2008 @ 6:49 umaga | Sagutin

  8. To sum it all up . . .

    Be wise and careful enough. =)

    PS: Pag may nangyari pa ulet, resbakan na naten.

    Komento ni kirksydney — Oktubre 6, 2008 @ 7:42 umaga | Sagutin

  9. oo nga dami ring matutulong sa mga blog friends, daming mga tips, ako rin pinalitan ko lang yung videocard ng computer ko, tip lang din sa kin ng isang blog friend. bad trip talaga tong mga hackers na to, ako naman may virus ngayon langing may pop out messages, kailangan matangal ang trojan na yon – ang tibay pa naman, di na kaya ng simantec.. ma try nga yang spybot na yan.

    btw, di ako pwede sa EB ng end of october, back to work ang beauty, next option natin eh christmas break??? sori ha..

    Komento ni Pokwang — Oktubre 6, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  10. ..ay shocks.. next time be careful poh.. susundin koh din po ang inyong mga payo.. dmi dn p ksi nag-aad skin sa YM nah hindi koh nman kilala euh..

    tnk you ngah poh plah sa pag-welcum at pag-leave ng comment sa site koh..:)

    Komento ni Katleya — Oktubre 6, 2008 @ 8:43 umaga | Sagutin

  11. hi kengkay, first time ko dito. salamat nga pala sa pagbisita mo sa blog ko. hindi ako masyadong madaldal sa WP kasi medyo shyness ako kaya buti na lang may mga ilang bumibisita sa blogs ko minsan kaya nakaka-chorva ako ng konti sa kanila 🙂

    anyway, hindi ko akalaing may mga hacker pala talaga, at pinoy sila. nakakalungkot isipin na kapwa pa natin pinoy ang loloko sa atin. nung simulan kong basahin ang entry mo tungkol sa pagkaka-hack sayo, kahit ako hindi nagduda na hacker na nga ang kausap mo. syempre naman kasi gamit nya YM acct ng kaibigan mo, sino ba namang mag-aakala na ibang tao na pala sya. ang suggestion ko lang, eto hindi to sa techie side ha, eh dapat may secret question kayo ng mga friends mo na pag oras ng emergency na katulad ng hacking incident sayo eh magagamit mo. medyo hassle lang kasi sa dami ng friends mo pero maigi nang nag-iingat kesa naman mabiktima diba? ako kasi konti lang ang tao sa YM ko eh, kaya medyo madali yon sakin. pero kung madaming tao sa YM mo mas magandang gawin mo na lang yung mga ka-techie-han na sinuggest ng mga friends mo 😀

    sana wala nang mabiktima yang mga tinginingining hackers na yan! at sana makarma na talaga sila.

    http://www.chorva.net
    http://www.baboyita.net

    Komento ni chorva — Oktubre 6, 2008 @ 8:50 umaga | Sagutin

  12. akalain mo nga namang may mabuting dulot ang hacker which coordinates my post about the good use of viruses

    Komento ni tina — Oktubre 6, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  13. parating tatandaan, ate kengks, na ang anti-virus ay para sa virus, at ang anti-spyware ay para sa spyware. hindi sila interchangeable. hehehe. okay lang yan, lahat tayo dumadaan diyan. 🙂

    Komento ni Pao-Pao — Oktubre 6, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin

  14. ganyan ginagawa ko lage except sa pagpapalit ng pword lage. hindi rin ako nagaaccept ng contacts basta basta at lalong hindi ako nagciclick ng links from unknown ID’s. we all just have to be careful 😀

    Komento ni Mumu sa Kanto — Oktubre 6, 2008 @ 9:25 umaga | Sagutin

  15. bago mo i-click yung link, tignan mo muna sa status bar mo kung un ba talga yung real link. madalas din sa yahoo messenger ang pagpapadala ng links para kunin ang password mo. ingat. 😀

    Komento ni Ces — Oktubre 6, 2008 @ 9:28 umaga | Sagutin

  16. ayos yan… dahil sa tips na yan… madami ang makakapag-ingat… alam n nila ang kelangang gawin para makaiwas…

    sakin naman… may isa akong account kung saan andun ung mga mahahalagang files at contacts… pero hindi ko madalas na ginagamit at talagang secured ang pagkakagawa ko ng password dun…

    kung magloglog-in ako sa ibang computer… na sa tingin ko ay posibleng may keylogger… ung mga walang kwentang account ko gamit ko…

    kung sa mga pinapadala mula sa YM… hindi ko inaaccept kung hindi ko naman kilala kausap ko… saka sinasabihan ko ung mga malalapit kong contacts sa YM na gumawa sila ng sarili nilang style or color sa fonts nila… para madali makilala…

    un lng.. ehehe… ingat sa mga hackers…

    Komento ni vhonne — Oktubre 6, 2008 @ 1:54 hapon | Sagutin

  17. I dunno if the above precautions are applied for Mac users but then again, maybe let’s all have little ingats na lang when receiving unwanted emails or adding “friends” on our YM’s. Add mo ako Kenkz may ipapadala ako sayong foto-me pero forever mo akong hindi makikita – hidden galore ang aking screen name, hehehe.

    Weschun: what is “Pooksasapot” sa fill-in form ng comment section mo? Lalim.

    Komento ni K — Oktubre 6, 2008 @ 3:49 hapon | Sagutin

  18. salamat sa tip

    Komento ni MC — Oktubre 6, 2008 @ 3:55 hapon | Sagutin

  19. awww nahack ka pala. buti narecover mo. ako never pa nahack at buti kamo hindi ako mahilig mag-add ng contacts na hindi ko naman kilala at inis din ako sa mga ‘GM’ sa YM at never ko pinapansin yun saka inis din ako sa mga popup ads pag yung site meron ganun ay sorry hindi na kita babalika hehehe.

    Komento ni scart — Oktubre 6, 2008 @ 11:14 hapon | Sagutin

  20. ay nga pala hindi ko advice maglagay ng anti-virus sa pc nakakabagal kasi at isa din yan sa leakage ng mga hacker.

    Komento ni scart — Oktubre 6, 2008 @ 11:15 hapon | Sagutin

  21. wala kang antivirus, scart? sabagays, noon wala din naman akong antivirus eh. spybot lang. haha.

    Komento ni Pao-Pao — Oktubre 7, 2008 @ 5:04 umaga | Sagutin

  22. Hello Kengkay!

    What a price to pay no para lang matuto? Marami na talagang kalokohan sa internet, mapa-chat man o hindi. Dapat talagang mag-ingat at marami pa silang gimik.

    Komento ni Sofie — Oktubre 9, 2008 @ 12:49 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: