Kwentong Kengkay

Oktubre 7, 2008

Tambakan

Filed under: Europe,Oyropa Ko — kengkay @ 6:25 hapon

kapag araw ng sperrmüll o bulky waste na galing sa wikipedia; maraming tambakan alley kang biglang makikita sa alemanya. sulputan ang mga tambak bigla. mistulang junk yard ang dating kalinis-linis na mga sidewalk at bakuran.

ang pinakamasaya sa mga araw na ito ay ang mga taong gumagala katulad ng mga turko at mga polnish — kasi sila ang karamihang umiikot sa hapon pa lang, isang araw bago ideklara ang tambakan day. as in truck truck kung maglibot sila. kumbaga, bisnis na nila yon.
Pero sempre, hindi ka basta basta pwedeng maglagay ng tambak mo sa harapan ng bahay mo. Dapat i-submit mo muna yon sa kinauukulan at kapag pumayag sila, pwes, ilabas ang lahat ng kaldero, paso at kung ano ano pang nabubulok lamang sa isang tabi. Ayan ang simula ng pag-hahakot ni kengkoy.
Nadagdagan ng nadagdagan. Pati yung mga laruan ng mga little kengkays na hindi naman na nila pinapansin ay binato na rin sa tambakan. Sempre tinanong muna namin sila at baka maglulupasay sa daan kung gusto pa pala nilang laruin ano.
O ayan, side view, hehehe.
Ayan, sabi ko kay kengkoy pwede pa namang gamitin yan kasi bagong bago. I mean, pwede namang pinturan o kaya naman barnisan. Anong say nyo? E ayaw na daw nya kasi ilang taon ng balak gawin tapos hindi naman magawa. So sabi ko, pustahan, yan ang unang unang mawawala at kukunin ng mga dumaraang nangongolekta. O tama nga ako kasi pagkatapos ayusin ni kengkoy lahat, may dumaang malaking truck at may bumabang mama at sinukbit agad.

Pero sempre, siyasatin nila talaga ng mga tambak at isa isahing kikilatisin. At kapag oks pa, getching na nila agad. Parang namimili sa palengke. Nakakatuwang panoorin yan minsan kasi minsan hulaan kami ni kengkoy kung alin ang unang kukunin. Ang nakakainis lang minsan, may mga nagiiwan din ng gamit nila dun sa tambakan namin.

At dyan sila humanda kay kengkoy kasi talagang susugod yon at maninigaw!

Pangalawang araw, ibig sabihin, ngayon na ang araw ng pag pick up ng mga tambak, napansin ninyong halos wala ng tambak sa harapan ng bahay namin? Pero may nadagdag, kutson ng sofa. Sabi ko na nga sa inyo makukulit mga tao dito e. Hindi masaya sa pagkolekta pero minsan kapag nagabago isip nila ay basta na lang din magiiwan ng kung anong ayaw nila sa harapan ng bahay mo, hayyy

Mabuti na lang hindi nahuli ni kengkoy kundi masisigawan sila, hehehe

Advertisements

19 mga puna »

  1. akin na lang ..
    sayang itatapon
    nyo lang!
    hahaha

    typical Pinoy!
    hahahaha

    kengkay: hindi lang pinoy ang ganyan, sa totoo lang, hehe

    Komento ni ronturon — Oktubre 7, 2008 @ 7:38 hapon | Sagutin

  2. may ganyan pa? napaka-organized naman kahit magtatambak lang ng mga di ginagamit na bagay. nakakatuwa.

    kengkay: ay tama ka pao, hindi lang dapat ibagsak yang mga yan sa kalye; dapat ayusin din, hehe

    Komento ni pao — Oktubre 7, 2008 @ 11:57 hapon | Sagutin

  3. kung dito sa pinas yan, ilang minuto lang ubos na yan. hehe!

    kengkay: ano pa nga ba, hehe

    Komento ni Ces — Oktubre 8, 2008 @ 2:10 umaga | Sagutin

  4. nakakatuwa naman sa alemanya.
    dito sa US, dinodonate lang sa salvation army o sa thrift stores yung mga lumang gamit, o kaya niya-yard sale.
    pero sa ‘pinas, kahit na sobrang sira na o wala nang kwenta, tinatago pa rin.

    kengkay: walang salvation army dito e, pero kapag mga damit at sapatos, may mga nangongolekta din. yard sale at garage sale di masyado uso dito e

    Komento ni mayui — Oktubre 8, 2008 @ 3:56 umaga | Sagutin

  5. hahaha meron din palang nakikipag-monito monita diyan eh. exchange gift nga naman. hehehe.

    buti pa diyan kahit tambak eh malinis pa rin, eh dito nga pati manok na pinagkainan sa jolibee at mcdo eh nirerecycle pa [see pagpag].

    kengkay: uy, oo nga, nabasa ko nga yang pagpag na yan. ibang klase ang resourcefulness kapag walang wala na talaga ano?

    Komento ni R.J. — Oktubre 8, 2008 @ 6:31 umaga | Sagutin

  6. hindi naman masyadong halata na patapon na siya. hehe

    kengkay: kasi talagang maayos din ang pagkatambak 🙂

    Komento ni chochai — Oktubre 8, 2008 @ 7:08 umaga | Sagutin

  7. Baka yung kutson ng sofa ang pinalit nila. Kumbaga trade daw kayo, haha. 😆

    kengkay: nyeee, baka may surot pa yon, haha

    Komento ni kirksydney — Oktubre 8, 2008 @ 8:03 umaga | Sagutin

  8. ate kengks, ano yung parang kahoy na mahaba na yon? yung sabi mong wag itapon ni kengkoy?

    kengkay: naku, garderobe ang tawag dun, wardrobe stand baga kung saan pwede isabit ang mga damit

    Komento ni pao — Oktubre 8, 2008 @ 8:58 umaga | Sagutin

  9. in fairness naman ate kengkay… ganda naman ng iniwan ha!? hehehe

    ang kulit naman ng set-up diyan parang sa japan lang. naku kung sa Pilipinas ‘yan tiyak… marami ang magpi-piyesta.

    kengkay: may mga nagpipiyesta rin kaso minsan naiiwan din sila ng garbage nila

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 8, 2008 @ 9:34 umaga | Sagutin

  10. hehe
    kelangan talaga ng govt approval?
    i guess bawal nga ipamahagi ang porn sa labas ng bahay
    =P

    kengkay: ang porn pinamamahagi sa telebisyon, haha

    Komento ni raft3r — Oktubre 8, 2008 @ 10:50 umaga | Sagutin

  11. may kapitbahay ako… ung kamag-anak nila nasa germany yata…. hindi ako sigurado kung doon nga…

    lagi nagpapadala ng sandamakmak na kahon… iniipon daw nila ung mga nakatambak n pwedeng pakinabangan pa.. tapos pinapadala nila dito sa pinas…

    kengkay: praktical naman yan, ganyan din ako, kung kakailanganin pa sa pinas, pinapadala ko rin. pero kung mga malalaking bagay, pinamimigay o kaya ayan na lang

    Komento ni vhonne — Oktubre 8, 2008 @ 11:08 umaga | Sagutin

  12. grabe napaka organize nila. kakatuwa. kaya pala halos wala kang makitang mga lumang bagay sa bahay sa ibang bansa dahil sa mga ganyan.

    kengkay: kaya wala kang makitang luma dahil asa basement, hahaha. o kaya naman, kahit na luma dito hindi mukhang luma e. yung mga kasangkapan namin sa bahay? more than 20 years old na sila pero hindi pa rin mukhang luma 😀

    Komento ni gmacomics — Oktubre 8, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  13. ay sa susunod na taon invyt niyu kami..kami ang mangongolekta dyan..ahahhaa

    kengkay: pwede rin!

    Komento ni Maldito — Oktubre 8, 2008 @ 2:22 hapon | Sagutin

  14. dito naman sa inglatera eh sabay sa spring cleaning, may tinatawag na carboot tuwing linggo. ang mga unwanted items ng mga taga rito ay binebenta nila sa murang murang halaga.. at dun ako kumakana. hehe

    kengkay: parang flea markets, ganun?

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 8, 2008 @ 4:53 hapon | Sagutin

  15. hehehehehe. ang yaman naman! buti pa di2 sa pinas uso ang antique. hehehehehe walang tapunana hanggat napapkinabangan,

    kengkay: parating may pamana 🙂

    Komento ni tina — Oktubre 8, 2008 @ 10:04 hapon | Sagutin

  16. Ay sayang yong laruan kong sa pilipinas yan tuwang tuwa ang mga bata

    kengkay: kung pwede lang sya ipasok sa balikbayan box, hayyyy

    Komento ni May Flowers Foundation — Oktubre 8, 2008 @ 10:30 hapon | Sagutin

  17. Dito naman sa amin sa Olongapo City – Phils. may schedule ang paglalabas ng basura (lahat ng klase mabaho at mabango). Sa barangay namin every Thursday and Monday ng umaga. Bawal na bawal maglabas nito ng wala sa schedule kung hindi mismo kapitbahay mo makakatikim ka ng away. Pero ito ang siste may bayad ang garbage collection per month P55.00 kung residential P150 o P300.00 pag commercial establishment. Walang lusot sa bayaran dahil kasama na sya sa billing ng kuryente. Ops hindi yan per compound o per house, depende yan sa dami ng meter serial no. mo o account no. mo sa kuryente, kaya kung may paupahan ka (kahit isa lang ang nakatira) at inihiwalay mo ang linya niya ng kuryente subject na rin sya for another P 55.00 Galing no systematic din kami. Grrrr. Kaya pala konting ulan lang bumabaha na sa Olongapo kasi ala kaming basura dito. Grrrrr. Ngrrrrr.LOL.

    kengkay: ganun na ba dyan sa olongapo? bakit hindi nila gawin yan sa buong pinas? sabagay, minsan iisa lang ang metro ng buong barangay, hehee- bumabaha nga dyan sa olongapo, weird ano?

    Komento ni visitor1 — Oktubre 9, 2008 @ 3:48 umaga | Sagutin

  18. kung dyan ako nakatira isang malaking tambakan ang bahay ko! hahaha!

    kengkay: malamang, dati ganyan din ako, tago ng tago, e nung lumaon napansin ko buong bahay namin puno na ng tambak, kaya bumigay na rin ako at nag say bye bye na sa aking tambakan alley

    Komento ni mang badoy — Oktubre 9, 2008 @ 5:35 umaga | Sagutin

  19. ay naku, sa Pinas, ubos yan. Lam mo na…

    Komento ni nina — Nobyembre 1, 2008 @ 8:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: