Kwentong Kengkay

Oktubre 9, 2008

What made you decide to work abroad?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Hmmmm,Kaibigan,Mabuhay ang Pinoy,Paki Lang,Pinas,Seryus — kengkay @ 7:24 umaga

Tanong ni Reyna Elena:

β€œWhat made you decide to work abroad and where?

Hindi ako ang nagdesisyon, yung dati kong boss. Dati akong writer/editor ng isang publication firm sa may Maynila. Marami silang magazines na ginagawa sa Maynila at may tourist magazine din ang aking bossing sa Thailand kung saan talaga sya naka-base. Sabi nya isang araw, ‘o Kengkay, napag-isipan kong dalhin din kita sa Thailand.’

Or, what made you decide to leave the Philippines

Kaya naman ako nag-OO ng hindi nagtatanong kung anong daratnan ko sa Thailand, kung anong dapat kong malaman at hindi malaman, kung magkano sweldo ko, kung saan ako titira, etc — ay para makalimutan ko ang aking soul mate na bumiyak ng puso ko na nagta-trabaho din sa mismong building kung saan andun ang publikasyon. Small world talaga minsan, tsk tsk. Ayaw ko ng linisin ang mga patak ng dugo kapag nagkakasalubong kami sa corridor, aguy πŸ˜€

Pero sempre, andun na rin yung libreng adventure. Imagine, mag abroad ka nga. Sempre ikaw bayaw ng ticket mo, ng hotel mo, etc. Pero kapag job offer, kapag swerte ka, kasama na lahat yon. Sa huli ko na naisip na oo nga ano, may pera din pala kapag nag-abroad ako. Pero hindi ko nga inusyoso ang sweldo ko at ang mga arrangements ko di ba?

Mabuti na lang at hindi kasi disappointing ang datung. Muntik na akong maglugmok sa shock nung malaman ko kung magkano ang sweldo ko. Mas mayaman pa ako sa pag freelance ko sa Maynila, waaaa. Pero kasi libre naman ang bahay at kuryente at tubig — at walking distance lang ang opis sa apartment, pwede na rin plus mura ang mag grocery, mag shopping, tumambay sa mga bars at kumain sa mga karinderya. Ang naging dahilan kung bakit nalimutan kong karampot lang ang sweldo ko ay dahil libre akong gumagala sa buong Thailand at naka hotel pa si ako, sempre. Kasi nga, writer/editor ng tourist magazine, daming perks.

Yun nga lang, ang pamilya ko sa Pinas, akala yata nila e sumusuka ako ng pera nung asa Thailand ako. Kasi nga, abroad e. Akala nila kapag humingi sila ng pera e maraming akong extrang iaabot sa kanila. Hindi nila alam e minsan nilagang mais lang ang pagkain ko dahil kailangan nila ng pera sa Pinas. At minsan naglalakad ako ng dalawang oras dahil wala na akong pamasahe dahil pinadala ko na yung sweldo ko pang tuition. At karamihan e nangangatok ako sa mga kaibigan ko dahil wa na laman bulsa ko, sumasakit na tyan ko sa gutom, at halos mawalan na ako ng ulirat dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pero sempre, ipapa-alam mo ba yon sa kanila? Hindi ano. Kapag umuwi ka ng Pinas ikaskas ko rin yung credit card ko to da limit para lang hindi sila mapahiya na yung galing sa abroad nilang anak e isang kahig isang tuka lang pala. Sempre, ang bakasyon sa Pinas ang highlight ng aking pag abroad kaya dapat masaya. Kaya pagbalik ko sa Thailand, tipid na naman — nilagang mais ulit! Pero wala sa akin yon, basta okay lang ang pamilya ko sa Pinas kasi naisip ko, kapag natapos sila, sila naman ang taya.

At sempre, maganda rin naman naging desisyon kong umalis ng Pinas dahil sa Thailand ko nakilala si Kengkoy.

and do you still intend to go back and why?

Sa ngayon, nagbabakasyon kami every two years; dahil gusto ko rin namang makalibot din sa Oyropa in between. Babalik kami sa Pinas. Kung ibibigay ng tadhana, sana sa lalong madaling panahon. Sana maayos yung aming nililigawang bizness para matupad ang aming pangarap na sa Pinas na maglagi.

Bakit kanyo? Kasi mas masarap po sa Pinas kahit anong news pa ang naririnig namin tungkol sa kanya. At hindi lang ako ang nagsasabi nyan, pati si Kengkoy. At alam ninyo? Tama naman si kengkoy e. At ang mga little kengkays? Mas gusto rin nila sa Pinas kasi daw kapag asa Pinas sila pwede silang maglikot sa sasakyan ng hindi naka strap sa kanilang car seats. Atsaka marami silang kalaro. Atsaka pwede silang maligo sa ulan. Atsaka magkakaron sila ng tagaligpit atΒ  tagalinis ng kwarto nila, sa ngayon kasi e yun ang kanilang gawain, hehe.

FINAL QUESTION: Are you happy where you are now?”

Kung nasaan ang pamilya ko, happy ako. Pero dahil may pamilya rin ako sa Pinas… e kaya nga balak namin sa Pinas na maglagi, di ba?

Advertisements

24 mga puna »

  1. yun tamang tama yung tanong na yan sa akin at bago pa lang talaga ako dito sa kinalalagyan ko at talagang first time kung lumabas sa pinas at iwan ang pamilya ko…

    sagot ko dyan, wala lang feel ko lang mag abroad din talaga

    kengkay: anong feel ng pamilya mo sa pag abroad mo?

    Komento ni kulot — Oktubre 9, 2008 @ 7:54 umaga | Sagutin

  2. Ako gusto ko mag-abroad para maka-pag-provide ng maganda sa pamilya ko plus sa parents ko n din, kya sa ngayon puspusan pa ang pag-aabangan sa workabroad at POEA, kung tatanung mo siguro ang karamihan yung ang magiging sagot.. kung ok naman sila sa aspeto ng pinansyal ok lang sa pinas.

    siguro pangalawa kong rason ay dahil curious din ako na mag-trabaho sa ibang lupaian para hinde lang puro kwento at basa, masaya din ang personal na eksperyensya at pinakamahusay na titser πŸ˜‰

    salamat pla ate kengkay sa pagbisita sa aming blog kahit matagal kme nde nakapag-post… nakow hirap pla talga.. lulugo-lugo ako lage ngayon sa work dahil sa puyat parang meron wind storm sa utak ko.. hehe pero masaya!

    kengkay: pero minsan kapag asa abroad ka, hindi mo siguradong maging tunay na provider ka nga, swertihan lang talaga. at kaya mong iwan ang bago mong baby at bisitahin lang sya every year at ma miss ang kanyang mga firsts? malaking sakripisyo

    Komento ni vhincent — Oktubre 9, 2008 @ 8:15 umaga | Sagutin

  3. Oh yeah! There’s no place like home. πŸ˜€

    kengkay: you are oh so right, waaaa

    Komento ni kirksydney — Oktubre 9, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  4. ako, kelangan ko tlaga kumita ng pera. masakit man
    sabihin ay mababa talaga ang sahod kasi sa atin.
    pati bonus pupulitikahin pa sa totoo lang)
    pero ika nga talaga e, “no place like home”
    =)

    kengkay: sabi ko nga, nung nag abroad ako, mas malaki pa ang kita ko nung asa pinas ako 😦

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 9, 2008 @ 10:54 umaga | Sagutin

  5. Dami ko nga din kilala na sa abroad nagwowork pero mas pipiliin pa din nila ang manatili sa Pilipinas kung mabibigyan sila ng magandang pagkakataon. Iba talaga kung nasa Pinas ka…lahat na ata ng kailangan mo eh nandito na eh.

    regarding naman po dun sa sinabi mong akala ng ibang tao na kapag “abroad” ka eh dami mo pera… kung alam lang nila ang mga hirap ng mga nagtatrabaho abroad… malayo pa lang sa mga minamahal eh laking sakripisyo na eh… hindi ako nag-aabroad kungdi yung tatay ko at ibang kamag-anakan… pero ganyan kase lagi ko naririnig na reklamo sa kanila eh…. Yung iba kase kung manghinge eh akala ata nila eh tumatae ng pera yung mga nag-aabroad eh.

    yun lang po =)

    kengkay: naku lalaine, ganyan kasi ang impression ng mga tao, porke galing abroad may pera. hindi nila inisip ang mga sakripisyo ng mga taong asa abrod. lalo na ang iwan ang pamilya, hindi simple yan

    Komento ni lalaine — Oktubre 9, 2008 @ 12:48 hapon | Sagutin

  6. Hello Kengkay!

    Gusto ko mag-travel around the world pero wala akong ambisyon noon na magtrabaho sa labas ng Pinas kasi di naman mahirap para sa aking makakita ng magandang trabaho sa atin. Kaya lang na-inlab si ako, ayan, napaalis tuloy ng Pinas ang beauty ko.

    Ay talaga, may balak talaga akong bumalik ng Pinas pero kailangan may savings kasi pag wala ka ring pera sa Pinas, kawawa beauty natin. πŸ™‚

    Masayahin akong tao so walang problema kahit saan ako mapadpad. Yang lungkot-lungkot na yan, it’s all in the mind darling! πŸ™‚

    kengkay: kami rin, balak naming sa pinas rin. hala, mag ipon tayo ng mabuti at good luck sa atin. iba talaga yung biyahe lang pero yung talagang working abroad, hirap yon

    Komento ni Sofie — Oktubre 9, 2008 @ 12:57 hapon | Sagutin

  7. naku tama ate kengks.. dito n lng kayo sa pilipins.. khit medyo magulo dito masaya naman dito..

    kengkay: masaya kasi magulo, hehe

    Komento ni repah — Oktubre 9, 2008 @ 2:31 hapon | Sagutin

  8. Yeah, tama ka doon ate feeling ng mga ibang pinoy kapag nagwowork ka sa ibang bansa marami kang pera, like yun mga kamag anak ko sa father side every time umuuwi mga tita ko hingi dito hingi dyan may isa pa nga ako kamag anak na pinapatubos lupa sa tita ko… hahaha… all in all mas masarap ang buhay sa pinas! work hard lang… πŸ˜€ hehehehe…


    Pinoyhiphop.net
    Flipclan.com
    Youngmaze.com
    Fofmag.com
    Pinoy.fyi.ph
    Ambito.com
    Panelhoster.net
    Asiawebstudio.com

    kengkay: kapag galing ka abroad akala nila parating may pera ka para tustusan lahat ng humingi sa yo, hindi nila alam e super ipon din ang buong pamilya para makapagbakasyon sa pinas

    Komento ni Gabriel — Oktubre 9, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  9. Gusto ko yung sinabi mo sa last. Na miss ko tuloy Tatay ko!

    kengkay: uwi tayo pinas, hehe

    Komento ni lovelyn — Oktubre 9, 2008 @ 11:00 hapon | Sagutin

  10. dahil dito sa post mo to ilabu poreber na ate kengkay!!! yan ang totoong may malasakit sa pamilya… alam ko naman na someday magiging ganyan din ang katayuan ko pero sana mabigyan ko din magulang ko ng luho nila kasi buong buhay nila tinaya na sa pagpapalaki samin… ultimate wish ko na sana mabigay ko lahat ng hilig nila bago pa sila kunin ni Papa God… cheers;p

    kengkay: sana maging ganyan din ang mga little kengkays ko. pero alam mo, isipin mo muna ang sarili mo, kasi kapag nakapag ipon ka para sa yo, dun mo lang mabibigyan ng luho ang pamilya mo

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 10, 2008 @ 12:46 umaga | Sagutin

  11. ako may balak akong mag-abroad pero hindi siya ang priority ko. parang pag-ala na work dito at kailanga ko ng kumita ng todo, na ewan ko rin naman kung sa paglabas ko rin mahahanap.

    mabuhay ate kengkay!

    kengkay: minsan hindi rin malaking kita ang asa abroad, yun nga lang, may experience ka sa labas ng pinas

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 10, 2008 @ 12:54 umaga | Sagutin

  12. ganyan nga ang mindset ng iba sa atin na kapag sinabing nagaabroad ka, madami kang perang laging hinuhugot. ang hindi nila alam ay kung paano tayo magtipid kapag nasa labas ng bansa, ni pamasahe at kakainin eh pinagiisipang mabuti kung paano makakamura. ika nga eh madaling gumastos kung hindi iyo ang perang gagamitin. i feel you sister. =D

    kengkay: hay salamat naman at may naka-feel sa akin, hehe. pero tama naman lahat ng sinabi mo, kapag hindi mo alam kung saan galing yung pera, madaling gastusin at mang-hingi

    Komento ni R.J. — Oktubre 10, 2008 @ 5:43 umaga | Sagutin

  13. in short- pamilya mo ang ligaya mo. (ang corny ng comment ko)

    kengkay: korny pero tama ka

    Komento ni Mon — Oktubre 10, 2008 @ 7:47 umaga | Sagutin

  14. Kengkay, ngayon ko lang napag-tanto na nag-Thailand ka pala. I (and my family) used to be based there for about two years bago nagbalik estupidyante πŸ™‚ well, quick answer to the questions… reason for going abroad–mahirap buhay sa Pinas (muntik na mag-banda sa desperado magka-trabaho); reason for not coming back–may oportunidad na dumating at mahirap pa rin buhay dun eh, dadagdag lang kami sa unemployed population… so might as well run when you can. πŸ˜€

    kengkay: yup, tagal ko rin sa thailand e. kung may magandang oportunidad sa ibang bansa, bakit naman hindi, di ba

    Komento ni Jim — Oktubre 10, 2008 @ 11:07 umaga | Sagutin

  15. bat nga ba ganun ang anticipation ng mga tao sa pinas, pag nagabroad ka mayaman ka na agad πŸ˜† pareho tayo,i want my parents to be proud den na nasa abroad ako at a young age kaya pakitang gilas din ako kuno,nyahaha..

    kengkay: mas alam mo kung hanggang saan lang ang gilas mo, hehe

    Komento ni mumusakanto — Oktubre 10, 2008 @ 12:49 hapon | Sagutin

  16. Totoo na sobrang mapanghalina yang pagpunta sa abroad. Marami talagang legal na trabahong naghihintay sa mga taong gusto talagang magtrabaho ng maayos.

    Ilang beses na rin naming napag-usapan ni bf na umalis na lang ng bansa pero in the end, eto stay pa rin sa Pinas. Iba pa rin talaga kung nasa sariling bayan di ba? Kaya ang kasunduan naman namin, since pinalampas na namin ang mga dolyares, eh kailangan naming gumawa ng dolyares dito sa pinas, ayun, paunti-unti naman sa blogging kaya masaya pa rin naman.

    Pero ciempre sa katulad mo na may mga pinapaaral, talagang wala nang patumpik tumpik pa sa pagdedesisyon no? πŸ˜‰ Go agad! Para sa pamilya mo yan eh! πŸ˜‰ Bait talaga ni Ate Kengkay. πŸ˜‰

    kengkay: saludo ako sa naging desisyon ninyong dalawa. at tama naman, dolyares naman ang kita sa blogging di ba? at oo, hindi madaling umayaw sa bigay na trabaho sa abroad lalo pat may nagaabang sa tabi mo

    Komento ni Simple Married Life — Oktubre 11, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  17. Hay, naaalala ko tuloy ang aking ama. Kapag darating dito nakikita namin ang mga uwing dolyares. Tapos sa harap nun eh bibigyan kami ni mama ng annual lecture kung bakit nag-abroad si papa, at kung bakit kailangang magtipid sa pera. Ayun, nag-work naman sa amin. Nagtipid talaga kami at natutong magsinop.

    But of course, sabi nga ng papa ko, ganun daw talaga ang tendency ng pinoy ofw, pagbalik ng bansa, hanggat maari eh mag share ng blessings at tumulong sa pamilya, katulad ng ginawa mo sa mga kaaptid mo. πŸ˜‰

    kengkay: hay, kelan kaya ako makakita ng dolyares, hehehe. mabuti ang pagpapalaki sa inyo ng iyong mga magulang, kudos sa nanay at tatay mo! kaya naman mabuting anak talaga ang kinalabasan

    Komento ni Call Center Gal — Oktubre 11, 2008 @ 3:07 umaga | Sagutin

  18. awww ganda naman ng Q ni Reyna.

    ako naman pinangarap ko mag-abroad dati at target country ko ang europe pero dahil kay tadhana de yun natupad dahil ang aking kabiyak naging naturalized Us citizen. so wala na ako magagawa kahit ayaw ko eh kailangan. ayoko muna bumalik sa pinas saka na pag ayos na gobyerno kung pwede ko laang sana kunin pamilya ko dun hayyyy

    kengkay: at least may balak ka pa ring umuwi, at hindi nawawalan ng pagasa na maging maayos ang ating gobyerno, naniniwala din ako dyan

    Komento ni scart — Oktubre 11, 2008 @ 5:52 umaga | Sagutin

  19. dapat kasi sinasabi natin ang totoo kung ano sitwasyon natin dito sa ibang bansa para hindi sila umaasa at para mabago na mentality ng pinoy sa mga taong naningingibang bansa.

    kengkay: tumpak ka dyan, pero kasi ang mga pinoy, minsan matigas din ang ulo e. atsaka kasi nga, yung mga galing sa ibang bansa minsan kala mo kung sinong may pera kung gumastos.

    Komento ni scart — Oktubre 11, 2008 @ 5:57 umaga | Sagutin

  20. dahil sa hirap mghanap ng trabaho sa pinas lalo na pg fresh grad. k…swerte ko lng kc nitulungan ako ng pinsan ko n makarating d2…
    minsan yun lng ang nakaksama ng loob sa mga kapamilya n nasa pinas, akala kc nla napakasarap ng buhay nten d2 sa abroad,n ang hindi nla alam eh sobrang tipid ang ginagawa nten pra makapagpadala lng ng limpak limpak n salapi…hehehe..joke!
    huhuhu!…nakakamiss n ang pinas.

    mrs. kengkay newbie lng po sa inyong tahanan..

    kengkay: welkam ikay! swerte ka at tinulungan ka ng kamag anak. at swerte ka rin na alam mo kung papano magtipid. ang payo ko lang, magsave ka rin ng para sa iyo πŸ˜€

    Komento ni akosiikay — Oktubre 11, 2008 @ 7:27 umaga | Sagutin

  21. tumpak ang lahat ng puntong inilahad mo sa iyong artikulo… nde naman sa pag mamayabang cguro ako ang kauna-unahang taong grasa na nakapag ibang bansa. pero nangungulila pa rin ako sa bangketang aking pinagmulan at sa mga samu’t saring tao na aking nakakasalamuha sa langsangan at syempre ang aking pamilya.

    Komento ni Taong Grasa — Oktubre 11, 2008 @ 12:31 hapon | Sagutin

  22. wow, ang hirap pala ng buhay mo nun sa thailand. ba’t kaya pag nag-aabroad eh inaakala nang malaki ang pera? kami nga dito, dolyar nga kinikita ng tatay ko, dolyar din naman ang gastos; ganon din. pantay lang.
    Kaya mas masaya talaga manirahan sa ‘Pinas. Mas okay lang magtrabaho sa ibang bansa.

    Kasama sa perks talaga yung maid eh, ‘no? ahaha.

    Komento ni mayui — Oktubre 11, 2008 @ 11:13 hapon | Sagutin

  23. Ganyan nga yong iba, pag abroad akala nila pinupulot mo lang yong pera. Grabe, yong first work ko – pareho ng work ng papa ko and one time, I almost cried sa sobrang pressure. Then, I realized kung gano kahirap work ng papa ko tapos nung bata kami puro lang kami pabili ng kung ano-ano.

    I’m lucky ‘coz I don’t need to provide regular financial support to my family (parents/siblings)and most of close my relatives appreciate how hard it is be an OFW.

    Komento ni nina — Oktubre 13, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  24. HAHAHAHA TAMA KAYU LUMAYAW NA LNG TAYUSA PILIPINAS PANGET d2 HAYAYYAAHAYAHAYAHAYA

    Komento ni DODONG — Mayo 22, 2009 @ 2:47 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: