Kwentong Kengkay

Oktubre 10, 2008

klaro lang po

Filed under: Ano Nga Ulit Yon?,Oyropa Ko — kengkay @ 4:50 hapon

hay, ayoko na sana patulan yung BBC kaso mo meron lang akong gustong iklaro…

kung hindi ninyo kilala ang isang tao na nagbibigay ng kakaibang tugon sa mga diskusyon sa mga isinulat ninyo, huwag kaagad hatulan. bigyan ng daan na kilalanin muna.

kung akala ninyong hindi magkakaintindihan ang mga taong nakasakay sa ibat ibang barko, isipin ninyong pareho pa ring barko ang sinasakyan ninyo. meron pa rin kayong pagkakapareho, yung barko.

yung gusto ninyong sumang-ayon ang mag nagiiwan ng yapak sa mga opinyon ninyo, paki abisuhan lang po kami. mahirap makatapak ng tao lalo pat may pinanggagalingan ang galit, may karapatang magalit, at naiitindihan namin ang galit, kahit nga hindi kami sang-ayon sa takbo ng galit.

kung gusto ninyong magkaron ng world peace? pabayaan munang bumaba ang tensyon bago sumagot ulit at ipahayag ang inyong nais. at kung gusto nyong ilabas ang nasa isipin ninyo? edi mag blog.

pero kung gusto ninyo ng sariling peace? intindihin ang isat isa kahit na hindi kayo pareho ng barkong sinasakyan. we could agree to be different, right?

at sempre, walang personalan. kanya kanyang opinyon lang po.

kung akala mong iba ang dapat na maging sagot ko at reaksyon ko, hindi pwede yon, dahil pinay din ako at pinay din ang mga little kengkays ko. pero kasi mas malala pa dyan ang naranasan ko na. kaya hindi na malala ang reaksyon ko.

peace, man.

—-

at sa BBC na yan, bakit kaya hindi natin natungin kung ano ang naramdaman nung actress na gumanap na DH? sigurado ko, kung pinay talaga yun at sa tingin nya e personal na attack sa kanya yung mga salitang tinanggap nya sa comedy skit na yon… e dapat sya ang naunang nag protesta. dapat e inayawan nya agad yung role na yon. o baka naman kasi nga hindi personalan yung banat na yon sa kanya? yun lang po. hindi ko ako nakikipag away, nagtatanong lang.

at oo, si kengkay dating OFW na hindi pinalad. umuwing walang pera sa Pinas pero at least nakapagtapos naman ang mga kapatid. OFW na tinanggap ang ibang trabaho kahit na hindi kasali yon sa tunay kong trabaho. pinay na may kakilalang DH, may kaibigang DH, may pinsang DH, may kamag anak na DH… at hindi lahat sila pinalad dahil may isang naging psychologically challenged dahil sa mga kahindik hindik na naranasan nya sa ibang bansa bilang DH at ngayon ay kasama na sya ni Lord (wag mo akong dalawin, ha :D).

At oo, naniniwala akong ang unang dapat mag apologize sa pangyayaring discrimination na yan ay ang ating gobyerno na hanggang ngayon e inuuna ang sarili nila kesa sa mga kapakanan ng kapwa pinoy nila, DH man o hindi. At oo, naniniwala akong hindi nga maganda yung mga nabitiwang salita pero kasi mas masakit ang mga salitang sa harap harapan mo mismo naririnig e, yung tipong hindi sa TV. Yung tipong true life story, yung tipong mga salitang pang aapi habang nakatira ka sa ibang bansa pero kapag ganyan ang naririnig ko, ang una kong naiisip ay — kawawa naman itong nilalang na ito, hindi nya alam kung ano talaga ang pinoy at pinas. Alam kong yung taong nagsasalita e hindi nya alam ang sinasabi nya — in other words, eng eng yung taong yon. Kaya ang ginawa ko, tinuwid ko ang kanyang paniniwala. Kinukwentuhan ko sya ng kagandahan ng Pinas, ng kagalingan ng Pinoys. Minsan nababaligtad ko naman, pero karamihan, kay kengkoy sila napapabaligtad.

Kaya nga hindi ko na rin nilagay yung link, dahil ayokong sumikat pa lalo yung comedy show. Huwag nyo ng pag aksayahan ng panahon. Ang gusto kong sumikat e ang galing ng Pinoy.

Sorry, no comment itong post ko kasi gusto ko e, hehe.

Advertisements
TrackBack URI

%d bloggers like this: