Kwentong Kengkay

Oktubre 12, 2008

Sikret Signal

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 11:18 umaga

kling kling, kling kling

ang tunog ng bisikleta sa labas

takbo agad ang mga little kengkays para dumungaw sa bintana, kundi man para buksan ang pintuan

yan ang sikret signal, ng mga kalaro nila

ibig sabihin: andito na kami, lumabas na kayo, laro na tayo

sempre kapag hindi narinig, kasama na rin ang sigaw 😀

naalala ko tuloy, ang signal namin nung mga kalaro ko dati

yung sipol ba, na parang ibon

kapag narinig ko yon, hahaba na ang leeg ko para hanapin kung sino ang gustong makipag laro, makipag chika

kayo, ano ang sikret signal ninyo ng mga kalaro ninyo?

Advertisements

30 mga puna »

  1. yung sobrang malakas na palakpak…3 times yun…tapos titigil tapos palakpak ulet 3x… nyahahah

    Komento ni timi — Oktubre 12, 2008 @ 11:30 umaga | Sagutin

  2. nyahaha! meron na din silang secret chuva ngayon? oo, naalala ko dati..yung sipol na papasok ang secret signal namin..ahhh, good old days!kamiss!

    Komento ni sommer — Oktubre 12, 2008 @ 11:52 umaga | Sagutin

  3. palatak?
    iyon tawag dun.
    di ko alam panu ieexplain kung panu ginagawa iyon eh.
    hahaha.
    bata pa naman ako.

    Komento ni pepe21 — Oktubre 12, 2008 @ 2:28 hapon | Sagutin

  4. binabato ko ang bahay! hehehe! ilang beses na akong nasapok nung bata pa ako! hehehe!

    Komento ni reyna elena — Oktubre 12, 2008 @ 2:47 hapon | Sagutin

  5. naks!! ayos ahh.. may bell pa talaga sila… hmm samen, tinatawag lng yung name eh..haha!

    Komento ni wei vines — Oktubre 12, 2008 @ 3:09 hapon | Sagutin

  6. wala akong maalala na sikret signal nung bata ako pag oras na ng laruan, ang maalala ko lang is pag weekend, pag gising kain ng almusal, takbo na sa mga kalaro, ganun lang, tapos mamaya maya sinusundo na ako ng sinturon!

    Komento ni kulot — Oktubre 12, 2008 @ 3:16 hapon | Sagutin

  7. wala e. ako ang madalas na sumusundo sa mga kalaro ko (maaga ako gumising – at planado ko na kung anong laro for the day) tapos nagbabahay-bahay na ako at tinanatanong sa mga nanay nila kung pwede na ba yung mga anak nila lumaboy.

    Komento ni sensoryreplays — Oktubre 12, 2008 @ 3:44 hapon | Sagutin

  8. Nung college, secret signal namin sa Boarding Hse yung kakatok sa likod sa labas tapat ng room, meaning we will jump off the high window galing late laktwatsa dahil may curfew ang landlord namin, Minsan nadakip kami ng isang kapitbahay kala nila mga ‘akyat-bahay’ gang kami. Kinabukasan sa “BH meeting”, a-announce yung mga matigas ang ulo, hahaha.

    Komento ni K — Oktubre 12, 2008 @ 5:08 hapon | Sagutin

  9. wala naman kami secret signal nung bata,hehe basta pagkatapos ng mga gawain sa loob ng bahay lalabas na agad kami
    ng kapatid ko at makikipaglaro na.

    Komento ni MC — Oktubre 12, 2008 @ 9:38 hapon | Sagutin

  10. nung bata kami……… binabato namin ng bato yung bintana yung kalaro namin pra lumabas. haha

    Komento ni foobarph — Oktubre 13, 2008 @ 1:07 umaga | Sagutin

  11. hehehe ala ata akong maalalang signal nmn nun ms kengakay… ngayon mga bata text text nalang wala ndning signal signal… “wer na u?” “dito na us” ganyan ang drama ngayon…

    Komento ni yhen — Oktubre 13, 2008 @ 1:35 umaga | Sagutin

  12. kling kling.. tara laro na tayo! hehehe

    Komento ni sarahintud — Oktubre 13, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  13. Haha. Teka ano nga ba yung samin. Wala ata akong maisip. 😆

    Komento ni kirksydney — Oktubre 13, 2008 @ 3:55 umaga | Sagutin

  14. dati pag narinig namin ang kalembang na yan meron nang dirty ice cream or meron nang yakult. hehehe.

    Komento ni gmacomics — Oktubre 13, 2008 @ 6:43 umaga | Sagutin

  15. ang signal namin non basta may ilang batang magpapa-pansin sa harap ng bahay. kapag naakit ka lalabas ka pag hindi ka lumabas agad ibig sabihin nahuli ka ng nanay mo at pinipilit kang matulog sa hapon 😆

    Komento ni baboyita — Oktubre 13, 2008 @ 7:11 umaga | Sagutin

  16. ang malupit na kapalaran ko wala po akong kalaro nung bata ako.. kaya dinadayo ko pa yung pinsan ko dati sa kabilang subdivision para lang makapaglaro.. syempre di naman yun araw-araw.. cheers;p glesy the great

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 13, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  17. sipol din! hehe

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 13, 2008 @ 9:21 umaga | Sagutin

  18. ansaya nung pre-cellfone era ‘no, mareng kengks? may pasipol-sipol, palakpak, katok, bato ng aratiles, ihip sa silbato, kling-kling ng bisikleta… ngayon, textan na lang — “hir n we. wer n u?” 🙂

    Komento ni taroogs — Oktubre 13, 2008 @ 10:39 umaga | Sagutin

  19. pag may narinig na akong nagbabangaan na holen sa labas, yun na yun. hehe okaya yung lakad ng malakas ng chinelas! hehehe! 😀

    Komento ni Carol — Oktubre 13, 2008 @ 11:08 umaga | Sagutin

  20. sa amin, palakpak na malakas.

    Komento ni taps — Oktubre 13, 2008 @ 11:48 umaga | Sagutin

  21. wahahaha! ang saya! kami ng bespren ko dati may secret phone signal. he’s ring me once then i knew it’d be him so the next time ako na ang sasagot. hahaha! seems so childish now.

    Komento ni caryn — Oktubre 13, 2008 @ 12:46 hapon | Sagutin

  22. Hello Kengkay!

    Sa akin, noong bata pa si Sabel, walang signal, signal, basta pag may dumating at gusto kong lumabas, labas agad. 🙂 Gala kasi noon e. Nakakatuwa kapag gabi na, after dinner, automatic naglalabasan kami lahat kasi wala pang TV noon e. Di ba mas mainam maglaro sa gabi kasi nga hindi mainit. Saya no?

    Komento ni Sofie — Oktubre 13, 2008 @ 12:56 hapon | Sagutin

  23. Aba okay itong post na ito!
    Kami non palakpak. O kaya aakyat sa puno ng aratiles ang mga kalaro ko at dudungaw sa bahay namin: “huy, ‘lika, laro na tayo!” hehehehe

    Komento ni Iska — Oktubre 13, 2008 @ 2:04 hapon | Sagutin

  24. kami ate kengs… palakpak. at kelangan eh tatlong malalakas na palakpak, tapos maglalabasan na kami sa bahay… hehehe… naalala ko pa yun nung elementary days. hahaha

    Komento ni lalaine — Oktubre 13, 2008 @ 3:45 hapon | Sagutin

  25. Ay ganda naman ng signal ng mga kids! me basta marinig ko lang na maingay means marami na sa labas para mag laro.

    Komento ni May Flowers Foundation — Oktubre 13, 2008 @ 5:09 hapon | Sagutin

  26. hahaha. nung bata kami, tatawagan muna sa phone, tas biglang, “tara, laro na sa labas!”

    o kaya, pag walang phone, o may gumagamit, kakalampag sa gate. hahahaha. ang ingay!

    haaayyy.. those were the days…

    Komento ni aKDa — Oktubre 14, 2008 @ 3:42 umaga | Sagutin

  27. Magpapagulong ng basyong yakult na plastic bottle sa gate namin… ayun simula na ng lutu-lutuan. 😉

    Komento ni callcentergal — Oktubre 15, 2008 @ 11:04 hapon | Sagutin

  28. wala yata akong maalala. Basta ang alam ko noon ang hirap magpaalam. Pero sa mga younger brothers ko mas maluwag na.

    Komento ni nina — Oktubre 22, 2008 @ 11:45 umaga | Sagutin

  29. hoy… mga tanga pla kau di nio alam kung ano
    shut up na lng ung bunganga nio pls]
    kac puro basura sagot nio

    Komento ni ScaNdaLuZ — Hulyo 13, 2009 @ 10:00 umaga | Sagutin

    • basahin mo kaya ang naging sagot mo — at isipin mo kung sino ang tanga. kawawa ang mga taong hindi nakaranas ng sikret signal.

      Komento ni kengkay — Hulyo 14, 2009 @ 3:27 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: