Kwentong Kengkay

Oktubre 14, 2008

60 years na pagmamahalan

Filed under: Dito sa Amin,Kaibigan — kengkay @ 6:11 hapon

sina oma at opa? 60 years silang magkasama.

nung nakaraang buwan, na-opera si opa. takot na takot sya.

gusto gusto nyang makauwi sa bahay ng masigla, at walang sakit

kasi nangako daw sya kay oma, na babalik sya

ayun, limang araw pa lang sa ospital, nagpumilit na syang umuwi kahit major operation

mas gagaling daw sya sa bahay kasi andun ang kanyang mahal na asawa

totoo naman. ang bilis nyang gumaling.

kaninang umaga. kausap ko si opa.

pina-alala nya sa kin, yung sinabi nya dati — babalik syang walang sakit

dahil pangako nya kay oma, di ba?

medyo masama ang loob niya kasi daw sya bumalik na masigla,

tapos si oma pala bigla na lang syang iiwan.

ilang minuto lang syang umalis sa kwarto nila

pagbalik nya, wala na si oma. iniwan na sya.

nasaksihan ko kung papano umiyak si opa

nung nakita nya si oma sa malamig at masikip

na kwarto na kinalalagyan ng bangkay nya ngayon…

alam nyo kung ano ang sabi ni opa?

mahal ko, mahal ko – ang aking kabiyak — paulit ulit nyang sinasabi

habang iyak sya ng iyak

nakakahawa, nakaka-awa, kitang kita ko, damang dama ko kung anong ibig sabihin nung 60 years na yon

nagpigil si kengkay ngumawngaw, kailangan ni opa ng suporta

kaso mo, bumigay rin… ayan, ngaw ngaw din si kengkay

ang opa, na-kitang ngaw ngaw ni kengkay

napatigil sa iyak nya… ang dating sundalo, bumalik ang tatag..

si kengkay ang biglang inalalayan

mahirap, mga ka-blag, mahirap.

hindi ako marunong kung papano lumangoy sa lungkot dito

kaya mas mahirap para sa akin.

pero alam nyo? sa nagiwan ng mga kumento, maraming salamat, nakakatulong ng marami, kung alam nyo lang kung gaano…

atsaka na ako kakatok ng pasasalamat sa inyong lahat. kailangan ko lang talaga ilabas, dahil, mahirap!

Advertisements

29 mga puna »

  1. tae, wala nako masabi eh… parang hayun, all of the sudden.. gustong bumalik ni opa sa ospital para kay oma..parang ang sakit..waaahhhh~!!
    condolence po sa inyo ate kengkay…

    Komento ni wei vines — Oktubre 14, 2008 @ 6:41 hapon | Sagutin

  2. cge ms kengkay kaya mo yan…

    Komento ni yhen — Oktubre 15, 2008 @ 4:08 umaga | Sagutin

  3. hey there…

    just came accross your blog. you dont know me but i know God will be there to look after you and your family. stay strong…

    i know this is not a good timing, but to let you know im gonna add you up in my blog.

    God bless!

    Komento ni eloizagerl — Oktubre 15, 2008 @ 5:07 umaga | Sagutin

  4. i know what you’re going through mami keng. Surely, it’s painful pero isipin na lang naten na God has a better place for Oma. May Opa’s grief be eased with Oma’s happy memories.

    Life is what we celebrate. All of it. Even its end. *hugs*

    Komento ni chuvaness — Oktubre 15, 2008 @ 7:54 umaga | Sagutin

  5. They say, the most painful pain is lost love.
    Cry with him. Be there for him.
    This too shall pass.
    My condolences…

    Komento ni duskfading — Oktubre 15, 2008 @ 7:54 umaga | Sagutin

  6. ako din. naranasan ko na yan. sobrang sakit talaga. wala akong nagawa kundi umiyak nalang…

    Komento ni Neex — Oktubre 15, 2008 @ 9:54 umaga | Sagutin

  7. Uy mare, tagal ko di nabisita itong site mo tapos kalungkutan ever pa mababasa ko. Tumulo po ang luha ko.. promise! Condolence po, masakit talaga ng nawawalan ng mahal sa buhay… I think di pa ako ready for that sa ngayon kaya di ko pa maiisip na darating din ako sa situation na ganyan. Anyway, i know that wherever oma is right now, i know she’s happy to have spent 60 years of marriage life with your opa. God bless and take care.

    Komento ni Aling Peppay — Oktubre 15, 2008 @ 12:17 hapon | Sagutin

  8. Kaya mo yan ate… šŸ˜€ ikaw pa matapang ka… ingat po,

    Komento ni Gabriel — Oktubre 15, 2008 @ 1:13 hapon | Sagutin

  9. Parang hindi ko maisip na mangyayari yan sa magulang ko. Pero ganyan talaga ang buhay.

    My condolences to your family again.

    Komento ni callcentergal — Oktubre 15, 2008 @ 11:03 hapon | Sagutin

  10. mami kengks….its alryt to cry..cry lang ng cry..all tears will end up dry ika nga..

    condolence po mami kengks..

    I know how you feel….and thats how i feel when mom told me wala na si tatay ay wala na..

    there will be a time all feel good na…

    šŸ˜¦

    Komento ni Maldito — Oktubre 15, 2008 @ 11:05 hapon | Sagutin

  11. condolence po ate kengkay

    Komento ni MC — Oktubre 16, 2008 @ 12:11 umaga | Sagutin

  12. ang lungkot naman kengkay šŸ˜¦

    panahon lang ang makakapagpawala ng sakit. sa paglipas ng panahon, unti-unti ding hihilom ang sugat…

    Komento ni Ces — Oktubre 16, 2008 @ 3:12 umaga | Sagutin

  13. be strong.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 16, 2008 @ 9:11 umaga | Sagutin

  14. kengkay, condolence po.

    all of this is in God’s hands now.
    my thoughts and prayers to the family.

    kamusta po si kengkoy?

    Komento ni frostbite — Oktubre 16, 2008 @ 11:31 umaga | Sagutin

  15. Condolence keng ganyan naman ang buhay talagang may ending and I know oma will rest in peace.

    Komento ni MFF — Oktubre 16, 2008 @ 2:49 hapon | Sagutin

  16. Kengks, my heartfelt condolence to you and your family…lalong-lalo na kay Opa. My God how tragic…
    May her soul rest in peace and may God give the strength to you and family members.

    Komento ni Beng — Oktubre 16, 2008 @ 5:06 hapon | Sagutin

  17. sa una mahirap talaga tanggapin yan e. sobra. pero mas maganda na ang isipin natin ay masaya na siya kung nasaan man sya kasi kapiling na nya si Big Boss nating lahat. saka i’m sure ayaw nya ding makita kayong nakukungkot. kaya nyo yan! i’ll pray for her at sa iyong pamilya

    =)

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 16, 2008 @ 7:17 hapon | Sagutin

  18. kinilabutan ako ate kengkay. šŸ˜¦ napakalungkot. šŸ˜¦ condolence po sa inyo at sa inyong pamilya. dadagdag ako sa mga magdadasal para kay oma at sa inyong mpamilya.

    Komento ni Carol — Oktubre 17, 2008 @ 3:19 umaga | Sagutin

  19. Cge Mami Kengkay, condolence ulet.

    Aantayin din naming ang masiglang pagbabalik mo!

    Komento ni kirksydney — Oktubre 17, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  20. […] matapos na Isinalansan sa: Dito sa Amin, Seryus — kengkay @ 10:39 am nilibing si oma […]

    Pasa ni sana matapos na « Kwentong Kengkay — Oktubre 17, 2008 @ 10:41 umaga | Sagutin

  21. Kung malapit ka lang dito, asahan mo di ako uuwi hanggang matapos yan.

    Komento ni taps — Oktubre 17, 2008 @ 10:47 umaga | Sagutin

  22. Hello Kengkay!

    Ang galing no, umabot sila ng 60 years bago binawian ng buhay si oma. Belib ako sa married life nila. I’m sure may mga problema rin sila, pero still, very admirable talaga.

    Komento ni Sofie — Oktubre 17, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin

  23. sorry ngaun ko lang nabasa…. isang big hug ang gusto kong ibigay sayo ngaun… sana magsilbi kayong pader sa isat-isa ni opa… cry it all at habang umiiyak kayo wag lang ang pagkawala ng isang minamahal na tao ang isipin nyo kundi yung mga happy moments ng sa gayon eh manatiling nasa puso nyo sya… may God be wid u all…

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 18, 2008 @ 12:24 umaga | Sagutin

  24. Ok lang kengks, wag mong isipin muna ang blogging community. We understand what you’re going through. Siguro kung nandyan din ako, nakiramay na ako sa family mo. I can’t say everything will be okay kasi that would be unfair. Walang katumbas ang nararamdaman na sakit ng pamilya mo ngayon kaya ikaw lang ang makakaalam kung kailang ka magiging okay ulit. Here’s just letting you know that we’re here for you.

    Komento ni sonnetshaven — Oktubre 18, 2008 @ 7:19 umaga | Sagutin

  25. OMG, That’s really sad šŸ˜¦ I hope everything is alright šŸ™‚

    Komento ni nina — Oktubre 18, 2008 @ 10:30 umaga | Sagutin

  26. sorry – may smiley yong previous comment. paki delete naman.

    Komento ni nina — Oktubre 18, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  27. […] anyways, kanina, dumating ang taga linis nina opa. ako ang nagbukas ng bahay, nag alangan akong bumaba sa basement na mag-isa. ang ginawa ko, […]

    Pasa ni meron ka bang kinatatakutan? « Kwentong Kengkay — Oktubre 21, 2008 @ 2:53 hapon | Sagutin

  28. […] pa sila ng kanilang 60th wedding anniversary nitong agosto bago biglang nawala si oma dahil sa atake sa puso. sabi ni opa teka lang, babalik ako at kakanawan […]

    Pasa ni huling pangako « Kwentong Kengkay — Oktubre 29, 2008 @ 5:50 hapon | Sagutin

  29. pa sila ng kanilang 60th wedding anniversary

    Komento ni ms emo — Pebrero 20, 2010 @ 2:13 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: