Kwentong Kengkay

Oktubre 17, 2008

sana matapos na

Filed under: Dito sa Amin,Seryus — kengkay @ 10:39 umaga

nilibing si oma kahapon

umuulan

nagkaron ng maliit na salo salo

ang pamilya at mga kaibigan

ng biglang parang matutumba si opa

takbo si kengkay at ang aking sister in law

sabi ni opa natapilok lang daw sya ng sapatos nya

sa tingin ko hindi, pero sige, sana nga natapilok lang sya

pero nung huli, natapos ang salo salo ng si opa ay dinala sa doktor

nahirapan daw huminga

ang unang nakita ng doktor, ang sapatos ni opa, hindi magkapareha

konting komedi

sabi ng doktor bigyan ng tableta, baka pagod lang

at wag daw payagang mag-isa

kahit ayaw ni opa, dinala namin sya sa kanyang panganay na anak

para dun matulog ng may kasama

kaninang umaga may tawag

hindi na daw magalaw ni opa ang kanyang kanang kamay

sugod sa doktor, sugod sa hospital

hanggang ngayon andun pa rin sya

nakakapagod at mas napapagod ako para kay opa

sana matapos na… sana maayos na

Advertisements

13 mga puna »

  1. Hello Kengkay!

    Just hold on there! Have a very great weekend despite the situation!

    Komento ni Sofie — Oktubre 17, 2008 @ 11:13 umaga | Sagutin

  2. kawawa naman si opa. 😦 malungkot talaga mawalan ng kabiyak eh, lalo na’t ang tagal nilang nagsama. 😦 i hope he gets well soon.

    Komento ni pao — Oktubre 17, 2008 @ 12:15 hapon | Sagutin

  3. hmm… hindi kaya sapatos ni oma ung suot niya sa kabilang paa at sa kanya naman ang sa kabila? kaya hindi magkaparehas?

    kung ganun nga.. pareho kami ng iniisip… pero kung hindi naman.. ako lang ang nag-iisip nun…

    kaya nio yan at kakayanin pa… maaayos din po yan… πŸ˜‰

    Komento ni vhonne — Oktubre 17, 2008 @ 5:33 hapon | Sagutin

  4. Kayang kaya yan Kengkay.

    Tem-i of Alasais

    Komento ni alasais — Oktubre 17, 2008 @ 7:15 hapon | Sagutin

  5. si madir ganyan din nung nag-abroad si fadir ki san pedro. na-depress kaya parati kong inuuwi sa pinas. ganyan talaga ang life.

    Komento ni reyna elena — Oktubre 18, 2008 @ 12:18 umaga | Sagutin

  6. have faith…. let God’s will be done….

    Komento ni anakngpiso — Oktubre 18, 2008 @ 12:52 umaga | Sagutin

  7. nakakalungkot gayunman lalo akong humahanga sa opa mo – sa kanyang wagas na pag-ibig πŸ™‚

    Komento ni bernardumali — Oktubre 18, 2008 @ 4:36 umaga | Sagutin

  8. malungkot na malungkot si opa nyo ano. alagaan nyo siyang mabuti. sana’y bumuti na siya.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 18, 2008 @ 5:29 umaga | Sagutin

  9. Give him time kengks. Eto may ikekwento ako syo. Yung lolo ko sa states, namatay noong 2005 pero alam mo bang hanggang ngayon tuwing makakausap ko long distance ang lola ko, hindi maaaring hindi sya umiyak. Parang kahapon lang nawala ang asawa nya. Ganun talaga kasakit pag ilang taon mong kasama tapos biglang mababawi na sayo. Walang katumbas ang sakit nararamdaman ni opa. Kaya pahalagaan natin mga mister natin kasi hindi natin masabi ang tadhana, kengks.

    Komento ni sonnetshaven — Oktubre 18, 2008 @ 7:25 umaga | Sagutin

  10. Hello ate kengkay, nakikiramay kme sa inyo. Pasensya na ngayon lang ako nakapag-ikot 2x super busy pa din kse kme sa aming little angel kya wala p din update sa blog…

    our deepest condolences …

    Komento ni vhincent — Oktubre 18, 2008 @ 7:32 umaga | Sagutin

  11. Ako din nakikiramay sa emotional struggle ng dad mo. Sana bumuti na rin ang pakiramdam niya pag lumaon.

    Komento ni Simple Married Life — Oktubre 18, 2008 @ 8:14 umaga | Sagutin

  12. Maswerte si dad mo kasi anjan kayong mga anak nya na handang alalayan siya lalo na at namimiss nya panigurado si mama mo.

    Komento ni Call Center Gal — Oktubre 18, 2008 @ 8:15 umaga | Sagutin

  13. mommy kengks, lagi nyo samahan si opa. yun ang kailangan nya kasi at this point – support ng buong family. pati na rin kaming friends..

    Komento ni Neex — Oktubre 18, 2008 @ 8:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: