Kwentong Kengkay

Oktubre 19, 2008

kapag namatay ako…

Filed under: Dito sa Amin,Seryus — kengkay @ 1:25 hapon

plis lang, sa pinas ako ililibing

sorry sa mga nakabasa nito, dahil kayo ang may responsableng maging totoo ang aking huling paalam 🙂 kapag hindi yan natuloy, ehem.. abangan ang susunod na kabanata, hahaha. ayoko kasi ng turuan, ng iwanan sa ere at ng sabunutan dahil wala akong iniwang pasabi.

heniway, sinabi ko na yan kay kengkoy, at inulit ulit ko pa sa kanya. sa pinas ako ililibing. at kung masyadong mahal pamasahe ko dahil asa karton na ako (nakow, kahit sa balikbayan box, hahaha), pwede rin akong sunugin pero gusto ko ng may lamay. huwag masyadong mahal ang huling box na kalalagyan ko, basta matibay lang at hindi sa isang pala lang ng lupa ay bibigay agad.

at sa lamay na yon, gusto ko may videoke, gusto ko may bottomless drinks at salad bar at saka sisig, yum-yum. walang sakla, pero pwede kayong mag card games at bingo, wahahaha.

atsaka sa libing ko, gusto ko lahat ng taong darating may dalang white roses, kung saan yon ang itatapon sa hukay. at gusto ko may biruan, yung tipong parang may mahuhulog sa hukay, hehehe.. pero dapat hindi totoong mahulog kasi baka matapakan ako, kawawa naman si katawan ko.

sinabi ko kay kengkoy ang tradisyon sa atin kapag may namatay — yung may lamay, yung may pagkain at inumin, yung 24 hours bukas yung chapel o kaya asa bahay yung bangkay, yung tipong darating ang mga taong ang tagal ng di nakikita, yung nagkakabati ang mga magkaka-away, may mga palaruan, may mga inuman, may mga walang katapusang kwentuhan atsaka, hindi naiiwan ang mga naulila na mag isa.

alam nyo kung ano ang sabi nya? gusto daw nyang makaranas ng ganun. parang party daw. pero parang mas maganda.

dahil sa totoo lang, na culture shock ako sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw. ibang iba sila.

kinuha ang bangkay. dumating ang funeral parlor nung gabing iyon din. pinapili si opa, ang dating sundalo, kung anong gusto para kay oma, yung coffin, yung damit, yung blanket. tapos kinuha si oma. actually, ayaw pa ni opa na ibigay si oma kasi gusto pa nyang matulog sa tabi nito…

kinabukasan busy na kami. inayos yung obit sa diyaryo, yung araw ng libing (dito kasi ang city hall ang nagbibigay ng date), nagpaprint kami ng card na ipapadala sa mga kaibigang malayo sa amin at pinadala agad sa post office, dumating ang pari na magmimisa (nag interview ng tungkol kay oma para sa kanyang memorial service), nagkaron ng problema sa date para sa pari at sa araw ng libing (e kasi naman hindi nagtatanong),

at nagkaron ng problema sa cemetery plot dahil ang city hall e pinipilit kaming mag decide na i give up yung cemetery plot nung tatay at nanay ni oma dahil gusto nilang baguhin ang itsura ng cementeryo (lintek na mga aleman ito, nakita na ngang in grief ang pamilya e gusto pa kaming gaguhin, kasi sempre dahil naglulupasay ka pa sa iyak e pwede ka nilang papirmahin na lang), at sempre kabi kabilang tawagan sa telepono sa mga nalalapit na kamag anak at yung sis in law ko at ang kanyang asawa ay nakabakasyon at yung sister ni opa ay kasasakay lang ng bus para magbakasyon din at walang binigay na telepono kung papano sya mahahagilap.

at sempre, naiwan magisa si opa sa bahay matapos kunin si oma nung gabing iyon, alam nyo yon… kung sa atin yan, hindi maiiwan magisa si opa. pero dahil dito, naniniwala silang kaya ni opa yon… ayun. pero madaling araw na nung iniwan sya magisa at nakainom din ng tabletang pampakalma. pagod na pagod na kasi lahat talaga. kahit nga ako na naiwan sa  bahay, hindi rin ako nakatulog e.

tapos nung umaga na, ayan, nalaman naming natumba rin si opa sa banyo. hindi ko alam kung gaano ka grabe ang pagkatumba nya pero huli na ang pag sisisi —

aalis na kami, bibisitahin si opa at may pamisa din… hanggang sa sunod na kwento na lang

19 mga puna »

  1. ate ano na nangyari? sa father in law mo? okey naba?

    kengkay: medyo okay na sya, aalisin na sya sa ICU mamya

    Komento ni Gabriel — Oktubre 19, 2008 @ 5:47 hapon | Sagutin

  2. ay, ibang-iba dyan… what happens between dun sa period na naghihintay ng libing? inurirat ko talaga noh?

    kengkay: wala, normal na buhay except mas maraming tawag sa telepono at asikaso yung kung ano pang papeles at gagawin para sa libing

    Komento ni nina — Oktubre 19, 2008 @ 6:36 hapon | Sagutin

  3. oo, sa atin tabi-tabi natutulog (kasi read: natatakot) lalo na pagkatapos ng libing eh 🙂

    kengkay: hay dito, kanya kanyang uwi ng bahay

    Komento ni nina — Oktubre 19, 2008 @ 6:38 hapon | Sagutin

  4. sana ok na kau ms kengkay…

    kengkay: medyo okay na rin, kailangan e esp para sa mga little kengkays

    Komento ni yhen — Oktubre 20, 2008 @ 12:35 umaga | Sagutin

  5. Sana ok lang si opa. Sana lagi siyang may kasama kasi very vulnerable pa sya ngayon.

    kengkay: tama ka dyan na dapat lagi syang may kasama kaso matigas din ang ulo e, pag uwi daw nya galing ng hospital akyat daw sya agad sa bundok

    Komento ni sonnetshaven — Oktubre 20, 2008 @ 1:01 umaga | Sagutin

  6. hope everything’s okei diyan.

    kengkay: salamat, chona, medyo okay na rin

    Komento ni antuken — Oktubre 20, 2008 @ 3:48 umaga | Sagutin

  7. How are you doing na ate Kengkay? May katuwiran ka sa sinabi mo, siguro nga umpisahan na dito sa atin ang estilo ng lamayan. Dapat ay may kantahan na at saka sayawan. Wala ka na rin kasing magagawa kapag patay na iyong tao, iyakan mo man. Just remember na lang iyong mga masasayang araw na nagdaan nang nabubuhay pa iyong tao…

    kengkay: yup, i would rather be remembered in laughter than in tears. pwede umiyak pero mas masarap mag party

    Komento ni Colegiala girl — Oktubre 20, 2008 @ 5:15 umaga | Sagutin

  8. mejo natawa ako sa reaksiyon ni kuya kengkoy ah… parang gusto daw nyang makaranas ng ganun?… ibig ba niya sabihin… gusto niyang may patay para maranasan nya un? lol…

    yang si opa… pinipilit nyang maging malakas sa harap nio.. dahil ayaw niyang may ibang nangungulila… kahit alam nyang hindi nya kaya… iniisip nya na madami lng lalo ang mag-aalala kaya pinipilit pa rin nyang kayanin…

    Komento ni vhonne — Oktubre 20, 2008 @ 8:29 umaga | Sagutin

  9. ate kengks, buti naman at lalabas na sa ICU si opa. I hope he gets well soon.

    Komento ni pao — Oktubre 20, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  10. eeeek! leche naman! hahaha! ako pag otsenta y kwatro na’t nakita nyo akong naka-korona pat’ rumarampa dyan sa kalye at humahada pa, upakan nyo ko plis! hahaha!

    Komento ni reyna elena — Oktubre 20, 2008 @ 10:42 umaga | Sagutin

  11. condolence kengs, naiyak naman ako sa blog mo =( ako gusto ko din icremate pag nakipag reunion ako kay lord

    Komento ni lilaybulilay — Oktubre 20, 2008 @ 11:26 umaga | Sagutin

  12. ayyyy parang party ah. hehehe (yung planned lamay mo, ibig kong sabihin)

    akala ko sa tagal mong nanirahan diyan eh hindi ka na maku-culture shock pa. iba pa rin pala kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mukha ni gloria. marami tayong kaugaliang hinahanap-hanap, lalo na sa panahon ng transition, o pagluluksa, kalungkutan, etc.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 20, 2008 @ 3:22 hapon | Sagutin

  13. condolence kay oma. saka ung plano mong libing malamang maraming pupunta, haha.. mabuti naman okay na si opa mo. iba pa rin pala talaga sa pilipinas

    Komento ni mumusakanto — Oktubre 20, 2008 @ 3:26 hapon | Sagutin

  14. alam mo ms.kengkay parang ang bigat bigat ng feeling ko sa entry na to. kasi ang daming nangyayari na ayoko namang iklasipay na masama kasi lahat naman nangyayari for a reason. i feel bad na meron mga instances na sunod sunod yung hindi magagandang pangyayari na to the point na kelangn pang mamili. ewan ko lang ha pero yun yung pakiramdam ko. hay.. malalampasan nyo din iyan lahat.

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 20, 2008 @ 5:51 hapon | Sagutin

  15. Hello Kengkay!

    Para sa akin, di morbid yan. Parte yan ng buhay natin e. Ay naku, ipinagbilin ko na rin yan sa mga kamag-anakan ko kung anong gagawin nila sa akin. Lagi kong sinasabi yan kay hub tuwing may pupuntahan kaming burial. Iba kasi talaga dito e. Sabi ko nga, maganda sa atin, kasi kahit patay ka na, maaalala ka pa. Yong iba dito ganoon din naman, inaalala naman nila ang libingan, kaya lang papaano kung wala ka ng kamag-anakan dito. Sa atin, daang taan man ang lilipas may makakaalala pa rin sa yo.

    Komento ni Sofie — Oktubre 21, 2008 @ 10:52 umaga | Sagutin

  16. Death is inevitable but I’d been thinking, in case I’d die old, gusto ko i-cremate nila ako kasi ayokong makikita nila ako sa kabaong na butot balat na, ang pangit kaya nun anoh? LOL.

    Komento ni K — Oktubre 22, 2008 @ 6:18 umaga | Sagutin

  17. hope you guys are recovering now, even a bit. again, our condolences and prayers.

    yaan mo, kahit ang hubby ko na foreigner eh gusto sa pilipinas ilibing xD

    but as the others said, its not a taboo topic to talk about death. dahil in the end lahat tayo mamamatay, dapat prepared tayo sa lahat (parang boy scout). dapat pagplanuhan, from memorial service to the time we get buried. in this case, i’m thinking that it’s easier for the loved ones left behind not to have to worry about my libing anymore. bahala nalang sila sa dasal.

    p.s. i hope opa is doing better now.

    Komento ni sheilamarie — Oktubre 22, 2008 @ 3:42 hapon | Sagutin

  18. […] Ko — kengkay @ 12:48 pm si kengkay e praktikal na tao. sinabi ko na nga yung bilin ko kapag namatay ako, na kung mahal e sunugin na lang ako pero gusto ko ng salad bar, videoke etc sa aking lamay… […]

    Pasa ni Mahal Mamatay sa Alemanya « Kwentong Kengkay — Oktubre 27, 2008 @ 12:48 hapon | Sagutin

  19. mas? ok ung fmd kesa s astig pinoy ^^….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Collette — Nobyembre 24, 2012 @ 2:57 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: