Kwentong Kengkay

Oktubre 20, 2008

papano ba magpasalamat?

Filed under: Kaibigan,Seryus — kengkay @ 6:30 hapon

hindi ko alam kung papano ako magpapasalamat, sa mga taong nag-iwan ng komento sa ‘dating sundalo’ at sa sumunod pang mga posts ko tungkol dito.

hindi pala homesickness ang kalaban ng mga taong asa abroad, meron pa palang mas malaking kalaban. kapag mawalan ng taong napakalapit sa puso mo. tapos hindi mo alam kung saan ilalagay ang sarili mo, kasi asa ibang kultura ka… at dun ka biglang mangangapa. bigla mong makikita kung gaano ka kakaiba sa kanila. kung papano mo haharapin ang kamatayan ng isang mahal mo sa buhay.

at ang pinakamahirap nito, hindi mo alam kung sino pagsasabihan mo. oo, andyan si kengkoy sa tabi ko. pero iba pa rin kasi sanay sya sa kultura nila e; pero sa kanya ko nakita, kung papano nya talaga kamahal ang nanay at tatay nya. kasi umiba sya sa tradisyon. imbes na iwan ang tatay nya para magpag-isa, andun sya parati sa tabi nito. sya ang lahat ng nag asikaso. at ang mas affected talaga ko, iyak ng iyak ang kengkoy ko. hanggang ngayon, iyak pa rin sya ng iyak. si opa? ayun, ganun din. iyak din ng iyak. basta may konting patungkol lang kay oma, iyak na si opa. kay kengkoy naman, basta patungkol sa nanay nya at sa tatay nyang asa hospital, ganun din.

mas iba ang dating kapag ang mga lalaki na ang bumibigay sa iyak e.

at ang mahirap para sa akin, maging matatag para sa pamilya ko. andyan ang mga little kengkays na ang daming tanong, andyan ang mga little kengkays na sa ibang paraan simisingit ang pag-intindi nila katulad ng mga kwento ni bunso ko na nakikita at nakakausap daw nya si oma.

pero sa totoo lang, ang tunay na nakatulong para sa akin, ang pagbalik-balik ko sa aking blog. nakatulong ng malaki ang pag-blog sa mga pangyayari. nakatulong ng husto ang mga naiwang komento sa aking blog.

papano kaya ako magpapasalamat sa mga taong nagiwan ng mga salitang nakatulong magbigay ng lakas sa akin? eto ililista ko kayong lahat… maraming salamat. hindi ko kayo malilimutan, pramis.

Sofie, vhonne,Thess,reyna elena ,mhar, MC, sonnetshaven, binx , R.J., Ces , pusa , utakmunggo , yhen , raft3r, kirksydney , tina , chochai , iris ,Taong Grasa , taps, sheilamarie, roni, gmac , Jim , Pao-Pao ,chuvaness , Neex , pepe21 , Gabriel , callcentergal , nuel jose, taroogs , nina ,kamotenista , wei vines ,eloizagerl ,Aling Peppay , callcentergal , Maldito ,MC ,Ces ,frostbite ,MFF , Beng , hisnameisdencios, Carol , anakngpiso , duskfading, lilay, bernardumali ,vhincent ,Simple Married Life
kung may nalimutan man ako, paki-kalabit po.
ang winner sa lahat ng nagiwan ng komento ang nagiwan ng mga katagang ito—‘Kung malapit ka lang dito, asahan mo di ako uuwi hanggang matapos yan na.’ hay, salamat talaga sa mga kababayang bloggers, hindi nyo alam kung gaano kalaking tulong ang naibigay ninyo sa akin…

maraming salamat sa inyong lahat. kapag nanalo ako sa lotto, meron kayong balato 🙂 ipaalala nyo lang na tumaya ako.

P.S. ginamit ko ang aking PC pagkatapos kung gawin ang dapat gawin para mawala ang lintek na trojan. kapag bukas e hindi ako nakapag-log on sa aking kengkay blog dahil may numakaw ng aking password, lintek lang ang walang ganti.

Advertisements

16 mga puna »

  1. hello po,
    namamasyal ka po sa bahay ko kaya lang wala ka namang link na iniiwan kaya naligaw ligaw ako.

    sulat lang po ng sulat para mabawasan yung lungkot nyo. everything will be ok in god’s time

    *hug*

    Komento ni kamotenista — Oktubre 21, 2008 @ 1:18 umaga | Sagutin

  2. mukang okay ka na ms kengkay… cge po… life must go on… 😉

    Komento ni yhen — Oktubre 21, 2008 @ 1:55 umaga | Sagutin

  3. walang anuman yun mommy kengks. be strong ha! 😀

    Komento ni Neex — Oktubre 21, 2008 @ 2:36 umaga | Sagutin

  4. sori po kung ngayon lang po ako nakabalik…

    condolence po…

    nag back read po ako dun sa dating sundalo..ang lungkot naman po nun..sana ok na po ang pamilya ninyo lalo na po si kuya kengkoy at si lolo opa.

    be strong ate kengs..

    Komento ni rio — Oktubre 21, 2008 @ 3:12 umaga | Sagutin

  5. sino nga yung ba nagsabi na “constantly writing or talking about what hurts us chips away at that hurt tear by tear, until only a sad, fond memory remains…” 🙂

    salamat din po sa inyo, mareng kengks, for the very colorful, touching window to your life that you have gifted us with.

    Komento ni taroogs — Oktubre 21, 2008 @ 4:36 umaga | Sagutin

  6. alam mo mommy k, totoo yan. kapag lalaki na ang bumigay ng iyak IBA talaga sa pakiramdam. bihira kasi silang umiyak kaya alam mong talagang nasasaktan na sila kapag naiyak na nga sila.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 21, 2008 @ 5:05 umaga | Sagutin

  7. hugs, ate kengks. alam mo naalala ko yung parati mong sinasabi noon na close kayo ng mother-in-law mo. naalala ko kasi pinapayuhan mo ako tungkol sa mother-in-law ko naman. i know she must have been quite a remarkable woman. life goes on, though. you take care of yourself, and opa too.

    Komento ni pao — Oktubre 21, 2008 @ 7:49 umaga | Sagutin

  8. welcome. you don’t need to say more 🙂

    Komento ni nina — Oktubre 21, 2008 @ 8:28 umaga | Sagutin

  9. walang anuman yun kengks…

    hope u’r ok. 🙂

    Komento ni chochai — Oktubre 21, 2008 @ 8:38 umaga | Sagutin

  10. kailangan mong magpakatatag,mahirap pero mas kailangan ni kengkoy ang isang matatag na kengkay ngayon. di man lumipas ang sakit,gagaan din yan sa mga darating na panahon.god bless!!

    Komento ni lilaybulilay — Oktubre 21, 2008 @ 9:30 umaga | Sagutin

  11. Hello Kengkay!

    Walang anuman po! May God bless you all!

    Komento ni Sofie — Oktubre 21, 2008 @ 10:53 umaga | Sagutin

  12. 🙂

    Komento ni nuel jose — Oktubre 21, 2008 @ 1:29 hapon | Sagutin

  13. pag nanalo ka sa lotto, iisa lang ang hiling ko hehehehe lifetime supply nang binigay mo dahil ang kinis kinis na naman nang kutis ko hehehe alam mo bang gustong harbatin nang pangkin ko nung nakita? binitbit ko kasi sa pasig hahaha

    Komento ni reyna elena — Oktubre 22, 2008 @ 3:13 umaga | Sagutin

  14. ano ito? pakontes? nanalo ako? nabasa ko pangalan ko ah… lol…

    hindi na kelangang ipagpasalamat un… hindi na kelangan ng salita para maipakita mo na naappreciate mo ung sinabi nmin… ang kelangan lng namin… kahit dolyar lng ok na… hehehe… peace ate…

    ok lng samin un… basta meron kaming nababasa dito sa bahay na ito… at alam namin na ok ka… dito lng kami… kung malungkot ka… asan kami? hehehe… dito pa rin syempre….

    Komento ni vhonne — Oktubre 22, 2008 @ 4:09 umaga | Sagutin

  15. my deepest condolences… di ko alam na ganito na pala ang nangyayari sa inyo dyan….

    Komento ni ifoundme — Oktubre 22, 2008 @ 9:08 umaga | Sagutin

  16. wala palang chatbox dito… hehe.

    salamat sa pagdalaw sa blog ko mami kengks. mommy ka na pala. 🙂 ingat po. 🙂

    Komento ni chochai — Oktubre 23, 2008 @ 11:49 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: