Kwentong Kengkay

Oktubre 21, 2008

meron ka bang kinatatakutan?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 2:53 hapon

naisip ko lang, kasi ang mga little kengkays, hindi sila takot sa dilim. naglalaro sila sa dilim. naglalakad at nagsasayaw sila sa dilim. kalaro nila ang dilim. wala kasing nananakot sa kanila e.

kasi na-alala ko nung bata pa ako, kapag brown-out o kaya naman madilim ang daan — ang daming makukulit na nananakot. kesyo may multo, kesyo may mangangalabit, kesyo may aswang at kung ano-ano pang halimaw na makikita daw.

e ang karamihang nakikita ko lang sa dilim e ang aking anino na sunod ng sunod sa akin. sempre nung maliit ako, natakot din ako sa anino ko, hehe.

ngayon, dahil nga asa ospital si opa; at dahil si kengkay ay stay at home nanay, sempre ako ang mayordoma ngayon sa bahay nina opa at oma. nagpupunta akong mag-isa sa malaking bahay nila para kunin ang mga newspapers, mga sulat, para buksan ang mga bintana at papasukin ang fresh air at kung ano ano pang dapat gawin.

nung unang punta ko dun, medyo nag-alangan ako. si kengkay kasi hindi matatakutin pero medyo kinilabutan ako kasi fresh na fresh pa ang mga pangyayari. tapos sempre andun pa lahat ng naiwan ni oma, andun pa lahat ng ginamit nya, andun pa pati ang amoy nya at kung ano ano pa. atsaka hindi pa rin mawala sa isip ko na baka andyan lang talaga si oma, yung tipong, pagtingin ko e andun at naka-upo pa rin sya sa kanyang paboritong sulok. at baka maabutan ko pa rin sya sa kusina at nagluluto.

hay anyways, kanina, dumating ang taga linis nina opa. ako ang nagbukas ng bahay, nag alangan akong bumaba sa basement na mag-isa. ang ginawa ko, tinawagan ko si kengkoy sa opis nya para habang inaantay ko yung taga linis e may kasama ako kahit sa tenga lang. natatawa nga ako kasi bakit biglang ganon ang reaksyon ko. samatalang nung araw din na yon e galing ako sa sementeryo, at pumasok sa opis ng sementeryo dahil may sulat akong kinuha. minsan iba talaga ang takbo ng utak ng tao ano?

nilabhan namin yung mga bed sheets kung saan huling humiga si oma. asa basement yung machine. natapos yung taga linis ng hindi tapos yung labahin. ibig sabihin, magisa si kengkay sa basement para kunin ang labahan at sa itaas ang sampayan kung saan andun ang kwarto nila. nyayyy. sarap batukan ang sarili ko!

sabi ko, sunduin ko muna si panganay ko para tulungan nya akong mag-sampay nung labada. sinamahan naman ako ni panganay ko. sya pa kamo nauna sa basement bumaba. at silip pa sya sa kwarto ng oma at opa nya. at nung matapos ang sampay namin? sya pa kamong mag-isa ang bumalik sa loob ng bahay para siguraduhing sarado ang mga ilaw sa buong bahay, at sarado ang mga bintana.

nyee, parang napahiya yata ako dun. parang walang kinatatakutan ang panganay ko. pero tama naman sya, bakit nga naman sya matatakot, di ba?

kayo, meron ba kayong kinatatakutan?

Advertisements

25 mga puna »

  1. ako hindi rin ako takot sa dilim (kapag may kasama) heheh

    pero nagbago na ko… iba na kinatatakutan ko.. mga matrona! nyahahaha

    Komento ni ronturon — Oktubre 21, 2008 @ 6:00 hapon | Sagutin

  2. takot ako sa ipis :-s

    Komento ni MC — Oktubre 21, 2008 @ 7:17 hapon | Sagutin

  3. takot ako sa mga ahas pero i find them interesting. gustong gusto ko silang pinapanuod sa animal planet. 🙂

    Komento ni binx — Oktubre 21, 2008 @ 11:46 hapon | Sagutin

  4. hai sa Pinas kasi uso ang takutan para sumunod ang bata kaya ayan nagiging kakutin tayo. pero, tama pa rin yung hwag kang matakot sa patay, matakot ka sa buhay….nasa imagination lang po yan…hehehe

    Komento ni kamotenista — Oktubre 22, 2008 @ 12:27 umaga | Sagutin

  5. wow.. brave girl pala si panganay 🙂

    di din ako takot sa dilim pero takot ako sa kulog at kidlat. hahaha:P nyaw!

    Komento ni eloizagerl — Oktubre 22, 2008 @ 1:11 umaga | Sagutin

  6. di rin ako takot sa dilim. pero it’s weird, meron talaga mga times na nakakatakot sya for no reason. my one biggest fear mommy kengks? haay naco, butiki. major adjustment for me kse dito sa bahay namin ngayon (bahay ng mga biyenan ko) andaming butiki. pag-open mo ng ilang cabinets sa kitchen, pag nanonood ka tv sa sala, may biglang bababang butiki sa curtains. eeeeekkkk!

    Komento ni antuken — Oktubre 22, 2008 @ 1:19 umaga | Sagutin

  7. naku parehas tayo. takot ako sa dilim at sa mumu, basta lahat ng related sa multo. hehe! palaging kelangan may kasama ako pag inatake na ko ng katatakutan. pero meron pang isa, takot ako sa palaka! ung karag ba. magpapapahaw ako pag nakakita ako nun sa dadaanan ko. tapos pag tinamaan pa ng kung ano eh biglang lolobo ung katawan nya. awtuy!

    Komento ni Ces — Oktubre 22, 2008 @ 1:26 umaga | Sagutin

  8. Ang kinatatakutan naman ng mga bata ay kung ano ang naitanim (mostly ng mga mas nakakatanda) sa isip nila. Pinapalala pa kaya ito ng mga horror o thriller movies na napapanuod sa mga pelikula.
    At maski siguro matapang ka pa, pag sinimulan mong isipin ang nakakatakot na bagay pag nasa dilim ka, nyay! 😯 talagang kikilabutan ka nga. Ako minsan, ganun hehe… lalo na pag nag-iisa ako dito sa buong building pag ganitong nalalapit ang undas? Kaya lalakasan ko na lang ang kanta — para matakut yung mumu. 😆

    Isa pang naaalala ko nuong panakot ng matatanda:
    “Kukunin ka dyan ng bumbay!” (wawa naman si bumbay na wala namang kamalay-malay)

    Komento ni homebodyhubby — Oktubre 22, 2008 @ 1:42 umaga | Sagutin

  9. ako takot akong hindi magka anak… hehehe

    noong bata ako ayaw kong magkaanak, ngayon iba na. hehe

    Komento ni yhen — Oktubre 22, 2008 @ 4:03 umaga | Sagutin

  10. takot ako sa aso na madungis at naglalaway at yung nalalagas yung mga balahibo.

    Komento ni rio — Oktubre 22, 2008 @ 4:08 umaga | Sagutin

  11. ako marami-rami rin. pero pinakamadalas na natataranta talaga ako sa kuryente. hindi sa akin madali ang magsaksak ng plug. sa gabi naman, hindi ko na mapatay yong ilaw kasi pag nakasara yun may dumadalaw sa akin sa panaginip.

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 22, 2008 @ 5:17 umaga | Sagutin

  12. Alam mo ba noong namatay ang best friend ko ng biglaan at nakapaka-tragic, hindi ako makatulog ng mag-isa. Noong mga panahong yon kasi minsan pumapasok pa yong hubby ko pang gabi. So lagi ko binubuksan ang ilaw sa CR. Tapos tinigilan ko manood ng CSI (lagi kasing may corpse doon eh). Matagal-tagal din bago ako naka-recover. Aside from that incident, kaya ko mag-isa dito sa Qatar. Mas takot ako sa Pinas. Ewan ko ba pero hindi ko kaya matulog ng mag-isa sa bahay namin. Natatakot ako.

    Komento ni nina — Oktubre 22, 2008 @ 5:59 umaga | Sagutin

  13. My biggest fear is losing my job – the financial turmoil around the globe makes me everyone around here feeling panicky but they are excited going to the dark during the Halloween. Hehehe.

    Komento ni K — Oktubre 22, 2008 @ 6:14 umaga | Sagutin

  14. Iba kasi ang kinalakihan ng mga anak mo, so magkaiba rin ang feelings and reactions ninyo to places and events 😀 Ok lang na medyo kinabahan ka at ang anak mo ay hindi. It’s cultural and the way you brought them up. Besides, we all have our fears 🙂

    Komento ni joy — Oktubre 22, 2008 @ 7:38 umaga | Sagutin

  15. ate kengks, nung namatay si papa takot din ako mag-isa sa bahay. hindi pa nangyari yon, ever. hindi naman ako takot sa dilim, o sa mumu. parang hindi lang ako handa na makakita ng aparisyon na kamukha ng papa ko. so naintindihan ko ang pakiramdam mo.

    p.s.
    takot ako sa heights at sa spiders.

    Komento ni pao — Oktubre 22, 2008 @ 8:13 umaga | Sagutin

  16. namiss ko tong mansion mo…. pero ako rin takot sa dilim pero kung kinakailangan, bahala na…

    Komento ni ifoundme — Oktubre 22, 2008 @ 9:03 umaga | Sagutin

  17. ako, ako ang kanilang dapat katakutan. NGIIIII

    Komento ni The Ca t — Oktubre 22, 2008 @ 10:01 umaga | Sagutin

  18. Parang wala yata.. pero siguro meron, hinde ko lang maisip. 😆

    Off topic: Ano ng balita sa Trojan?

    Komento ni kirksydney — Oktubre 22, 2008 @ 11:05 umaga | Sagutin

  19. natalo si mami ^_^ hehehe

    takot lang ako sa mga insekto saka mga uod, ahas, ganon.hhahaha.

    Komento ni aKDa — Oktubre 22, 2008 @ 1:15 hapon | Sagutin

  20. ako tita keng hindi ako takot sa dilim, kasi nasanay ako sa dilim…

    pero wag mo lang ako tapunan ng uod for sure.. mag tititili ako nun.. sobra…

    Komento ni Lambing — Oktubre 22, 2008 @ 2:11 hapon | Sagutin

  21. ako? takot ako tumanda mag isa… sana wag naman 😀

    OT -> ate.. dami na pala nangyari dito, hindi na kase ako nakakadalaw eh. buti naman at medyo okay na ang lahat. kakalungkot naman ng nangyari pero atleast, kahit papaano eh medyo maayos na…

    Komento ni lalaine — Oktubre 22, 2008 @ 7:21 hapon | Sagutin

  22. talo tayo ni panganay mommy kengks. hakhak.. ako takot ako sa kahit anong nakakatakot. hehe

    Komento ni Neex — Oktubre 23, 2008 @ 1:13 umaga | Sagutin

  23. hello ate kengkay!

    ay! takot ako sa dilim.. iyak ako agad pag wala na ako makita…

    Komento ni mayyang — Oktubre 23, 2008 @ 2:52 umaga | Sagutin

  24. nakakatawa nung nag “nge!” ka ms.kengkay.
    saka parang responsible si anak =)
    hmm..
    ako takot mawalan ng pera!
    lols

    Komento ni http://hisnameisdencios.wordpress.com — Oktubre 23, 2008 @ 6:49 umaga | Sagutin

  25. waaah talo ka ni panganay! hahaha

    wala akong kinakatakutan except for a lot of things. hehehhee (oxymoron ano. hahaha)

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 24, 2008 @ 9:53 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: