Kwentong Kengkay

Oktubre 24, 2008

absent muna

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 7:42 umaga

teka lang, walang oras si kengkay ngayon sa mga mga susunod na araw. singit ko lang to, atsaka na rin ang bloghopping.

absent ako ng mga ilang araw at magkukunwari si kengkay. por da pers taym sa halos walong taong pagtira ko dito sa alemanya e ngayon lang makikitira ng ilang araw ang aking papa in law sa amin. sa mga balita ko, iba daw kapag magkasama kayo ng mga in laws mo e.

sempre eto na nga at pati mga little kengkays naglinis na ng kwarto nila at hinanap yung mga tsinelas nilang pambahay kasi galit si opa sa kanila kapag naka-paa lang sila sa bahay e, hehehe. tapos tinabi nila yung mga laruan nilang maliit kasi daw baka matapakan ni opa at masira.

si kengkay naman naglinis ng bahay, naglaba, nagluto at nag grocery ng pang isang dosenang tao hindi ko kasi alam kung ano iluluto ko kapag andito si opa. kapag kami lang kanin at ulam pwede na. o kaya sinangag na may itlog. kaso kapag si opa, sempre iba ang menu.

hay, good luck to me! hanggang sa lunes e andito sya sa balay namin. sana magbehave ang mga little kengkays at sana mag behave din si kengkoy, waaaaa.

———

nga pala. baka guest ako sa saturday sa Usapang Pinoy. Yon e kapag okay sa mga bisita ko sa bahay, alam nyo naman ang buhay ng maybahay…

Makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo ngayong Sabado, at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 9 pm Pinas time sa Future Radio UK . Eto pala yung dating interview sa akin kung gusto nyong marinig. I click nyo ang link na ito para mapakinggan si kengkay.

Advertisements

17 mga puna »

  1. subukan kong pakinggan yan… gudlak na lang po sa inyo jan… 😉

    Komento ni vhonne — Oktubre 24, 2008 @ 9:03 umaga | Sagutin

  2. aabangan ko yan pag di kami lumabas…

    Komento ni nina — Oktubre 24, 2008 @ 9:22 umaga | Sagutin

  3. goodluck mommy k! alagaan nyo ng mabuti si opa nyo. 😀

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 24, 2008 @ 9:54 umaga | Sagutin

  4. Hello Kengkay!

    Have a nice weekend na lang sa inyong lahat!

    Komento ni Sofie — Oktubre 24, 2008 @ 12:13 hapon | Sagutin

  5. pwede sa next time na mag guest ka yung weekdays naman, ang hirap naman ng sabado andito boss ko =(

    Komento ni lilaybulilay — Oktubre 24, 2008 @ 12:15 hapon | Sagutin

  6. naku ate kengks.. gudluck sa pagtira mo sa iyong pader in law.. mukha naman clang mabait kaya mo yan..

    Komento ni repah — Oktubre 24, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  7. hi there dumaan lang pakinggan ko yong enterview goodluck!

    Komento ni mff — Oktubre 24, 2008 @ 3:31 hapon | Sagutin

  8. have a nice weekend with your opa mommy kengks!

    Komento ni antuken — Oktubre 25, 2008 @ 8:25 umaga | Sagutin

  9. Naku mamu. Ako rin hindi ko alam kung ano gagawin ko kung ang in laws ko eh makikituloy sa amin. Although malamang eh hindi mangyayari, or least matagal-tagal pa. By that time, eh baka nasa Pilipinas na kami 😀 Or siguro, baka dun kami sa bahay nila 🙂 Mas malaki bahay nila sa amin eh. O siya, see you on air mamaya ha. Excited na ako maka-chika ka.

    joy
    Norwich Daily Photo
    Your Love Coach
    A Pinay In England
    I, Woman

    Komento ni joy — Oktubre 25, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  10. pinakinggan ko po yung interview, kakilig (=

    Komento ni cheesyskepticism — Oktubre 26, 2008 @ 12:45 umaga | Sagutin

  11. ui try ko nga yan.. para ding pala monster radio.. may ganun din kasi d2.. pero visit mo ito http://www.mygma.tv para maaliw ka naman… or kung mali yung site type mo sa search yahoo.. mygma.. yan ang mga palabas d2 sa pilipinas if ever na wala kang PINOY TV.. or TFC.. :p amm.. goodluck pala sa linis agenda!

    Komento ni walongbote — Oktubre 26, 2008 @ 4:50 umaga | Sagutin

  12. nakakatuwa naman! pinapakinggan ko to habang nag comment sau dito. Hay grabe, kelan ang balik mo dito sa pinas, mag eb naman tayo mga fans mo para mkita na namin ang celebrity blogger. =)

    Komento ni Call Center Gal — Oktubre 26, 2008 @ 5:44 umaga | Sagutin

  13. Raquel ka pala! Ahihi! Kakatuwa naman! Nakakaaliw ang kwentong buhay mo. =)
    At uy, ang opa in law ay parating pala, gudluck, share mo ang adventures mo living with visitor opa in law.

    Komento ni Simple Married Life — Oktubre 26, 2008 @ 5:46 umaga | Sagutin

  14. Bongga ka talaga day kengkay – ala annabelle rama accent ahihi…

    Nakakatuwa naman talaga makinig sa radio guesting mo. At sana maulit pa ito…promise makikinig kami ulit. 😉

    Komento ni Pinay Freelancer — Oktubre 26, 2008 @ 5:57 umaga | Sagutin

  15. hi mami kengks!

    naalala ko tuloy ang highschool days ko. mahilig ako tumawag sa mga radio stations tapos nakikipagkwntuhan on air sa mga dj. hehe. nice voice!

    Komento ni joshmarie — Oktubre 26, 2008 @ 9:17 umaga | Sagutin

  16. aww.. sayang late nanaman ako! di ko nanaman naabutan yung show.

    Komento ni Neex — Oktubre 27, 2008 @ 4:53 umaga | Sagutin

  17. ngayon lng ako nkapag log in dito…mommy kengkay…a s t i g ka ha..

    Komento ni solmira — Nobyembre 13, 2008 @ 12:41 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: