Kwentong Kengkay

Oktubre 26, 2008

kelan ka huling nadapa?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 2:52 hapon

psst, singit lang tong post ko kasi nga andito pa rin si opa. takas lang ako.

pero hindi ko matiis na ikwento si kengkoy, hehehe

nag-jogging si mokong kaninang umaga. pag-uwi nya, ang dungis. punit at madungis yung jogging pants nya sa parteng ibaba at duguan ang mga kamay. mabuti na lang yung tinapay na pang almusal namin e hindi tumilapon.

e ano daw nangyari? aba ano pa nga edi nadapa ang kengkoy ko, waaaaa.

sabi ko papano nangyari? wala daw, basta na lang daw natisod at pagkita nya e nakahilata na sya sa daan. mabuti na lang daw ang bilis nyang nakabangon kasi may dumating na kotse. kundi daw e nakakahiya sya, hehe.

kawawa naman. ang sakit daw ng pagkatilapon nya. pero sempre, natawa ako. hindi ko mapigilan e. kasi naman ano, ang tanda na e nadadapa pa, ano ba yun. naku, natawa rin si kengkoy pero sempre bigla nya akong binalikan at tinanong, e ikaw nga dyan, kelan ka huling nadapa?

errrrmmm, next question plis πŸ™‚ actually, nadapa ako kahapon lang, hahahaha. sa kusina namin at nasugatan din. op kors hindi ko pina-alam dahil nga may bisita kami kahapon, may i go ako sa bathroom ng pasimple para magpahid ng dugo, waaa. mas nakakahiya kung nalaman nila, di ba, heheh.

kayo, kelan kayo huling nadapa?

Advertisements

19 mga puna »

  1. hahaha.. kawawang kengkoy pinagtawanan pa ni kengkay.. hehe

    err buti nga po senyo konti lang nakakita eh sakin, buong varsity team ng school at duguan ang 2 kong tuhoh.. hahaha.. kahiya talaga..

    Pero una ko mag comment? weehhh!

    Komento ni angel — Oktubre 26, 2008 @ 3:06 hapon | Sagutin

  2. hindi ko maalala… ang huling naaalala kong nadapa ako eh nung grade 2… elementary pa… eheheh…

    pero may nabasa akong blog entry kahapon lng… hindi siya nadapa… nadulas yata sa hagdan… ooppss… baka mabasa nya comment ko.. magalit sakin.. lol…

    basta mahilig siyang mag kopi breyk… lol

    Komento ni vhonne — Oktubre 26, 2008 @ 3:55 hapon | Sagutin

  3. hindi ko matandaan pero madalas ako matapilok or matalisod…

    Komento ni nina — Oktubre 26, 2008 @ 4:43 hapon | Sagutin

  4. hay…

    hindi ako nadapa pero nadulas naman ako sa hagdan sa cofee eban. that was terribly embarassing kasi ang daming tao. HAHA.

    Komento ni joshmarie — Oktubre 26, 2008 @ 6:23 hapon | Sagutin

  5. uy kahit busy si ate kengs… nakakatakas pa din para magblog… kakatawa naman kayo mag asawa… kelangan ba talaga eh magkasaunod ang pagkakadapa nyo? hehehe… sa ngayon hindi pa naman ako naddapa ng nasusugatan… madalas eh natitisod… hehehe… may pagkalampa kase ako eh… hahahaha πŸ˜€

    Komento ni lalaine — Oktubre 26, 2008 @ 7:11 hapon | Sagutin

  6. ouch! tsakit yan! hindi ko na maalala kung kelan ako huling nadapa. pero ang naaalala ko madalas ako madapa nung grade school pa ako. hanggang ngayon nandiyan pa ang bakas. waaaaaaaaaa! kainis na peklat!

    Komento ni bem — Oktubre 27, 2008 @ 12:01 umaga | Sagutin

  7. ahehe.. lagi ako natatalisod dito sa bahay dahil dun sa carpet sa sala. hehe

    (mommy kengks, pachange naman ng link ko sa blogroll. salamat) πŸ™‚

    Komento ni Neex — Oktubre 27, 2008 @ 4:56 umaga | Sagutin

  8. ako maraming beses katunayan nga meron pa akong sugat sa tuhod. buti si kengkoy walang nakakita ako nung nadapa ang daming tao as in. mas nakakahiya kasi…ay basta nakakahiya…wahaha

    Komento ni kamotenista — Oktubre 27, 2008 @ 6:10 umaga | Sagutin

  9. kailan nga ba? basta tuwing nadadapa ako, nagmumura ako. kaya kawawa ang mantitisod sa akin. hehehehe.

    Komento ni hitokirihoshi — Oktubre 27, 2008 @ 6:31 umaga | Sagutin

  10. teka nadapa ako nung isang linggo lang ah. hehe. buti na lang walang tao ako l ang naglalakad patawid papunta ng isang building. hehe.

    Komento ni gmac — Oktubre 27, 2008 @ 10:02 umaga | Sagutin

  11. hehe
    sorry, ha
    di ko mapigilan tumawa ng malakas
    nyahaha

    how are things?
    pucha, lahat yata tayo ngayon busy, ah

    hope things are well on your end
    and hope to hear from ya soon

    ingat!

    Komento ni raft3r — Oktubre 27, 2008 @ 10:43 umaga | Sagutin

  12. last week nadapa ako kakahabol sa aso ko, eto putok tuhod.

    Komento ni taps — Oktubre 27, 2008 @ 11:28 umaga | Sagutin

  13. hehe clumsy ako eh… kaya kadalsan… buti na lang at magaling akong magpanggap kaya konti lang ang nakakaalam.. hehehe sabi nga ng tatay ko, sa lahat daw ng atleta, ako lang ang dakilang LAMPA! hehehehe πŸ™‚

    Komento ni piapot — Oktubre 27, 2008 @ 11:56 umaga | Sagutin

  14. add kita sa blogroll ko ha? hehe

    kengkay: anong link mo para ma add din kita

    Komento ni piapot — Oktubre 27, 2008 @ 11:57 umaga | Sagutin

  15. baka naman ang sunod na question dito eh, kelan ka huling natihaya? peace! joke lang po!
    missed this blog.

    Komento ni brotherutoy — Oktubre 27, 2008 @ 12:05 hapon | Sagutin

  16. matagal na ata nung huli akong nadapa.. πŸ™‚

    pero kahapon lang e nabangga ng bonggang bongga ang aking tuhod sa isang pader.. panu nangyari? di ko rin alam.. hahaha!

    Komento ni linglingbells — Oktubre 27, 2008 @ 12:30 hapon | Sagutin

  17. Sana you screamed from the top of your lungs ng malakas na ARAY! Eh papano kung deep yung sugat mo?

    Mine was too embarrassing. Nadaplak akong subsub ang mukha sa kalsada, I had bruises dahil sa bagong sapatos, nakatisod ako sa cracked na semento sa kalsada. Tumayo ako at lumingon, may nakakita pero ngumiti lang ako. At the back of my head, ang saket nun anoh?

    Alcohol.

    Komento ni K — Oktubre 27, 2008 @ 5:28 hapon | Sagutin

  18. hmm..yung pagkadapa na as in dapa ng tuhod..nong bata pa ako! yung pagkadapa sa agos ng buhay..last year,hihihi

    nakidaan..add kita ha! next year baka nandyan na ako sa alemanya!

    Komento ni p0kw4ng — Oktubre 27, 2008 @ 9:07 hapon | Sagutin

  19. shh… mga 2 years ago siguro yun. nakakahiya, dahil asa main road kme ng victoria island. at katapat pa ng mga workers sa kalye. hehehe… not paying attention kse ang lola. aba, masakit din ang sugat at medyo masama ang pagka dapa/position ng tuhod ko. 1 linggo rin ako iika-ika nung after nun.

    kaya ngayun, parating nakahawak si hubby sa akin pag naglalakad sa kalye, or pinaaalalahanan ako tumingin sa pinaglalakaran ko dahil he knows i am accident prone.

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 1, 2008 @ 4:24 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: