Kwentong Kengkay

Oktubre 27, 2008

Mahal Mamatay sa Alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 12:48 hapon

si kengkay e praktikal na tao. sinabi ko na nga yung bilin ko kapag namatay ako, na kung mahal e sunugin na lang ako pero gusto ko ng salad bar, videoke etc sa aking lamay… ewan ko, medyo morbid itong aking post ngayon so kung gusto nyong lampasan, oks lang

na shock po talaga ako nung nakita ko ang nagastos ng pamilya dun sa libing ni oma. (sorry oma pero kailangan ko syang ikwento) — alam nyo ba kung magkano? tumataginting na 2,300 oyrossssss — as in, kapag i-convert nyo yan sa pesoses e malula kayo, kasi ako lulang lula pa rin hanggang ngayon.

yan lang yung babayaran na galing sa punerarya ha. hindi pa kasali dyan yung mga bulaklak, yung pagkain nung mga dumating na bisita, etc. na sa tingin ko e aabot ng more than 3,000 oyros. imagine, yung mga tagabuhat nung kabaong nga e 140 oyro agad ang bayad sa kanilang tatlo! ano ba yun… nakakashock talaga minsan ang kamahalan ng buhay dito sa alemanya, e papano pa kaya kung namatay ka na?

tama nga si opa, nagusap daw sila ni oma na kapag namatay ang isa sa kanila e huwag na daw masyadong gastusan. gamitin na lang daw ang pera para sa mga buhay. pero sempre, maiitindihan ba yon ng mga naiwan ni oma? medyo mahirap tanggapin yon esp since nung buhay si oma e bigay ang luho sa kanya ni opa. walang mamahaling bagay para sa kanyang darling na asawa para kay opa — lahat ng gamit ni oma branded, lahat ng sapatos ni oma made in italy, lahat ng bags ni oma leather, lahat ng damit ni oma de kalidad, at kung ano pang luho.

kaya naman, nung nagrereklamo si opa sa gastos ng libing e tumatalak din ang mga kamag-anak kasi nga hindi nila maintindihan. e kasi nga hindi rin nila alam.

ngayon lang din namin nalaman na nag usap na pala silang mag-asawa. na kapag nawala ang isa, walang masyadong gastos dahil mas gusto nilang ibigay ang pera sa mga maiiwang buhay. parang gusto ko tuloy natungin si opa kung ano ang gusto nya kapag oras na nya. pero atsaka na lang, at kapag ginawa ko yan, kailangan kong may witness kasi dapat sundin ang gusto ng may katawan. at hindi ang gusto ng mga taong nakapaligid sa kanya, kahit na nagmamahal pa sa kanya. kaya dapat, klaro talaga buhay man o patay.

——–

salamat nga pala kay callcentergal at kay vhonne dahil may naiuwi na naman akong awards πŸ™‚

Advertisements

14 mga puna »

  1. ano ba yan… bakit ganito ang post… pero basta ako… pag ako ang namatay… ang tugtog… igiling-giling…

    ayoko ng malungkot… kahit na hindi maiiwasan un… pero un talaga gusto ko.. masaya… pero sa tingin ko naman.. kung ako mawawala… lahat talaga sasaya… ahaha…

    Komento ni vhonne — Oktubre 27, 2008 @ 1:34 hapon | Sagutin

  2. Kung 2,300 lang yong sa punerarya parang sa manila din. Mahal talaga ang service at kapag maganda yong coffin aabutin talaga ng daang libo pero libre na yong taga buhat πŸ™‚ Sa province medyo mas mura. Tapos bibimili ka pa ng memorial lot na daang libo/milyon rin. Tapos papagawa ka pa ng mosoleo. Ay, ang mahal!!! Kaya dapat paghandaan din para naman hindi ma-burden yong naiwan.

    Komento ni nina — Oktubre 27, 2008 @ 4:14 hapon | Sagutin

  3. walastik! ang maahhaaalll!! Mahal na nga gastusion dyan pati ba naman yung gagastusin kapag namatay na.. milyones kung i-coconvert sa pesosesss! wahhh!

    Komento ni Angel — Oktubre 27, 2008 @ 5:13 hapon | Sagutin

  4. Kenks, mahal talaga ang mamatay sa ibang lugar, masyadong inconvenient sa mga iiwanan natin, financially . Dito, mahal ang morgue storage per day, kabaong is expensive din, pati mag papabook ka pa for the funeral parlor or else iiwanan ang hubad na katawan mo na naka frozen sa freezer ever. Samantalang sa atin sa Pinas, pwede pang gawing 3-gives ang kabaong ‘tas di pa gaanong sosyal, gawa sa lawanit, hahaha. JOKES!

    Kaya here, mabenta ang death insurance. Buhay ka pa, binabayaran mo na in advance bago ka mamatay. Wealth-wise, why not diba?

    Anokaba,nakakapraning ang post na to.

    Komento ni K — Oktubre 27, 2008 @ 5:24 hapon | Sagutin

  5. Mahal mamatay kahit saan sa mundo. Ang tanong ay: nakapaghanda ka ba ng kaunting pera hindi mahirapan pamilya mo pag namatay ka? Planning for it is part of being ready for it. God bless!

    Komento ni lionel (acid42) — Oktubre 27, 2008 @ 9:50 hapon | Sagutin

  6. oo nga, kahit dito sa pinas mahal din.

    Komento ni Neex — Oktubre 28, 2008 @ 12:00 umaga | Sagutin

  7. kaya nga magandang business sana ang punerarya ano? yun nga lang, nakakabaliktad ng sikmura.

    puro gastos talaga dito sa mundo. kahit patay ka na eh pagkakakitaan ka pa rin.

    teka, magkano sa peso yung oyros? =D

    Komento ni R.J. — Oktubre 28, 2008 @ 2:03 umaga | Sagutin

  8. Hano ba yon, nabuhay para paghandaan ang kamatayan. Basta ako di ako naniniwala sa mga insurance na yan. I just live for today, bahala na ang Dios bukas. Ang mahalaga maingatan ko ang aking kaluluwa para sa muling pagkabuhay, kesa paghandaan ko ang aking libing.

    Komento ni visitor1 — Oktubre 28, 2008 @ 2:51 umaga | Sagutin

  9. grabeng mahal pala ang pagpapalibing dyan ate kengs.

    Komento ni rio — Oktubre 28, 2008 @ 4:04 umaga | Sagutin

  10. kengkay, nakalusot ako sa mga gwardyang tsina kaya andito ko sa bahay ko. kaso may lamay, condelences nalang kay oma. oma thorman ba o oma ley-ar? πŸ˜‰

    Komento ni Kotsengkuba — Oktubre 28, 2008 @ 7:29 umaga | Sagutin

  11. Dito, hindi mahal mamatay. Si King Fahad, binalot lang sa kumot, then binaon, tapos!

    Komento ni partofyou — Oktubre 28, 2008 @ 7:46 umaga | Sagutin

  12. ayos ms kengkay! kaya ngayon may death insurance na eh… ehhe! kahit saan naman mahal mamatay! hehe! πŸ˜‰

    Komento ni yhen — Oktubre 28, 2008 @ 9:02 umaga | Sagutin

  13. Hello Kengkay!

    Ay naku po, kahit saang sulok yata ng mundo e, mahal mamatay. Sa Pinas lang, mahal na rin. Noong 1990s pa lang e, noong ang aking ama ay pumanaw, susme, napakagastos po. Naswertehan lang kami at may available memorial plan yong funeral parlor noong time na yon. Kinuha namin agad kasi kahit papaano, nakabawas talaga sa gastos namin noon. Kabaong pa lang mahal na e. Kung walang memorial plan, yong presyo ng kabaong, yon ang presyo ng memorial plan. E papaano pa yong gastos mo sa renta sa funeral parlor gabi-gabi?

    Komento ni Sofie — Oktubre 28, 2008 @ 9:39 umaga | Sagutin

  14. Sabi nga nila.. kung mahal ang mabuhay, mas mahal ang mamatay.

    Komento ni kirksydney — Oktubre 28, 2008 @ 11:11 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: