Kwentong Kengkay

Oktubre 28, 2008

naniniwala ba kayo sa multo?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 1:44 hapon

nyeee, pati ang kinakilabutan sa tanong ko lalo pa’t gabi na ng sinimulan ko itong post ko na to.

wala lang, tanong lang. nagkataong malapit na ang undas tapos sempre may mga nakaraang pangyayari sa buhay namin na parang dapat isabay ang mga tanong na ito.

nung namatay ang lola ko, ang nanay ng tatay ko, alas tres ng madaling araw sya namatay. gising kaming lahat. yung younger brother ko bata pa sya nun. tinawag pa sya ng lola ko nung nag-hihingalo na sya. nung lumapit si younger bro ko, dun na nahugutan ng huling hininga si lola ko. hindi ko matandaan kung ako ba ang nakakita o kaming lahat, pero na-alala ko lang na parang may puting usok na lumabas sa bibig nya sa huling hinga nya. yun na ba yung kanyang kaluluwa?

tapos nung umaga, hindi pa alam nung mga kapitbahay namin na patay na sya; may lumapit na kapitbahay sa amin at tinanong kung san ba daw nagpunta yung lola ko at madaling araw e nakita daw nyang palabas ng kalye. nyeeee… kilabot naman. ituloy ko pa ba tong kwento ko?

anyway, nitong namatay si oma, si bunsoy ko ang daming kwento. halos araw araw ay nakikita at nakikipag usap daw sya kay oma. basahin dito. at eto pa. sa akin naman, feeling ko e fantasy lang nya lahat yun. ito kasing mga anak ko e ang lakas ng imahinasyon ng dalawang yan.

pero papano kaya kung totoong nakakakita sya ng multo? nyeeeee.

may kaibigan ako, dati kong classmate nung highschool. nakakakita sya dati ng mga kaluluwa at ngayon ay asa singapore sya at meron syang angel workshops dahil nakikipag-usap sya sa mga anghel. minsan ay pupuntahan ko sya dahil gusto kong mag undergo ng kanyang workshop.. sa totoo lang, minsan ultra sensitive din ako sa mga ganyang isyu dahil ilang beses ko na ring naranasan ang astral projection.

at ako naman open minded sa mga ganitong bagay. kayo?

Advertisements

41 mga puna »

  1. kakilabot kwento mo ate kengs… pero ako hanggang kilabot lang kase hindi ako naniniwala sa multo eh… feeling ko kase kathang isip lang lahat yun eh. sabi nga nila… matakot ka na sa buhay… wag lang sa patay. =)

    sana maging okay na lahat sa inyo ate πŸ™‚

    Komento ni lalaine — Oktubre 28, 2008 @ 2:42 hapon | Sagutin

  2. ay katakot naman. hanggang ngayon di pa rin ako nakakakita ng mumu kahit nung nag ghost hunting kami sa skul. pero naniniwala naman ako sa ganyan kasi yung mom ko nakakakita. ako na lang talaga ang hindi. hehe

    Komento ni Layla — Oktubre 28, 2008 @ 3:16 hapon | Sagutin

    • weee. Tlagang may multo, kung sino man ang hindi naniniwala bahala na kayo, peo dito sa lugar namin sa sulu nako palaboy-laboy lang yang mga multo nayan… Kaya humanda kayo kung sino man ang hndi nakakakita ng multo makakakita din kayo.. Peo hindi aq natatakot sa multo nayan dahit may anting anting ako para jan.

      Komento ni ruslan idji — Nobyembre 2, 2011 @ 9:18 umaga | Sagutin

  3. Hindi pa ako nakakakita pero naniniwala akong meron (sa work, daming multo sa amin, yung mga chalked-white chinese ladies, sa sobrang puti nila). I am a fan of ghost movies – wala lang, something interesting about them. Do you watch Ghost Whisperer? It’s interesting.

    Pero Kenks sabi nga wag daw matakot sa multo dahil they will not harm you, kundi sa totoong tao kasi maraming mga akyat bahay gang or bigla ka na lang tutukan sa kalsada. HOLDAP!

    PS. Seems like this is a pre-halloween post. I don’t normally celebrate Halloween, my Dad died Halloween night so for me it’s all about going to church, lit a candle and pray.

    Komento ni K — Oktubre 28, 2008 @ 4:51 hapon | Sagutin

  4. Favorite ko Halloween kesa sa pasko. Mahilig rin akong makinig sa ghost stories. Pero hindi pa ko nakakakita. Wag naman sana Dyoskow! Balitaan mo kami sa angel workshop at interesante yan.

    Komento ni Helena — Oktubre 28, 2008 @ 5:02 hapon | Sagutin

  5. creepy…

    i guess nangyari din sa kin yan nung nag-earthquake in 1990’s… one of our distant relatives was in Baguio for a convention, ilang araw n sila don bago ang lindol.

    I remember that morning, I saw her in green office suit but didn’t bother to greet and was in a hurry. Earthquake came in the afternoon…
    only to find out na isa siya na sa Nevada Hotel in Baguio na namatay that day.

    Komento ni Kewol — Oktubre 28, 2008 @ 5:04 hapon | Sagutin

  6. hmmmm…mahilig si hubby sa mga show about ghost, esp, etc. Dun sa mga show na pinapanpood namin, minsan may mga imaginary friend yong mga kids. Sabi ko nga, ganun kaya talaga, yong mga imaginary friend nila soul/ghosts? Of course nobody knows. Ako di ko masabi kung naniniwala ba ako sa multo. Hindi pa naman ako nakakita pero takot ako sa multo πŸ™‚ When my best friend died, I couldn’t sleep alone for weeks. Kahit nasa Qatar ako, feeling ko nasa tabi-tabi lang sya.

    Komento ni nina — Oktubre 28, 2008 @ 5:38 hapon | Sagutin

  7. Akala ko pamberdey ang kwento nakakatakot pala waaaahhhh mahilig ako sa horror movies pero duwag ako sa totoong buhay. Tayuan balahibo ko nung mabasa ko yung sinabi nung kapitbahay! Di ako uuwi ng gabi mamaya waaahhh. Miss U Mommy Kengks! Babawi ako ha! Thanks sa greetings! Regards sa mga tsikiting at ke Papa! Muah!

    Komento ni Ambo — Oktubre 29, 2008 @ 12:35 umaga | Sagutin

  8. pangarap ko nung bata pa ko na makakita ng multo… pero eversince wala tlaga eh… napi-feel ko lang minsan na parang may tao akong kasama kapag nag-iisa ako sa room, pero ung makakita ng mumu… nevah! ang weird ko nga daw sabi ng mga friendships ko eh, baka nga daw magkatotoo na makakita ako ng mumu kaya wag ko na daw pangarapin.

    Komento ni Rhapsody — Oktubre 29, 2008 @ 4:18 umaga | Sagutin

  9. totoo po ba ito? hehe! creepy!

    thou ayokong maniwala pero cguro pag nakakita na ako maniniwala na ako! hehe!

    cge ms kengkay maging open minded lang huwag mo lang ioopen ang third eye mo.. hehe! πŸ˜‰

    Komento ni yhen — Oktubre 29, 2008 @ 4:44 umaga | Sagutin

  10. Kengs ((besos)) grabee tagal ko ng hindi naparito sa iyong e haus.Musta na? Thanks by the way sa post card susme,nakabalik ka na lahat lahat dito sa de.ngayon lang ako nakapagpasalamat hehe Thanks talaga mamuah!!

    Tungkol sa mga multo,noong una yokong maniwala pero sa experience ko kasi .Sa Baguio nangyari,nag piktyuran kami sa hotel ng aking mga kaibigan.Isa sa grupo pics namin may sumali hindi namin kilala as in wala nakakilala sa kanya o nakatanda man lang habang kinukuha ang pic.Napag-alaman na lang namin eh,doon sa kuarto na yun may nagpakamatay daw na babae.Ang haka haka namin multo yun ng babae.Juice me,hanggang ngayon kinilabutan pa rin ako.Brrrrr

    Komento ni cheh — Oktubre 29, 2008 @ 6:06 umaga | Sagutin

  11. hello mommy kengks.

    in this era of high-end technologies, medyo nakakatawa na maniwala sa multo but ako personally, naniniwala ako. nakaramdam na ako. i dunno if paranoid lang, pero parang totoo. parang may kasama ka sa kwarto. hehe. undas na undas ang post natin. πŸ™‚

    Komento ni joshmarie — Oktubre 29, 2008 @ 7:16 umaga | Sagutin

  12. ako mommy k nasa gitna. hindi ko talaga alam kung totoo yung mga na-experience ko sa care home namin, or product lang ng malikot na pagiisip. haaayyy..

    eniweys, 3 days before sumakabilang buhay si amang father ko eh gumalaw mag-isa yung rocking chair sa salas namin. palagay ko dati si inang mother yun, sinusundo na si father. ewan. basta alam ko nakita ko yun, at walang ibang tao sa bahay kundi ako dahil lahat sila nasa ospital.

    yun.

    ewan pa rin.

    sana’y ok na kayong lahat mula ng yumao si oma ninyo.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 29, 2008 @ 7:18 umaga | Sagutin

  13. ewan ko kung mga kathang isip ko lang ang mga nararanasan ko sa mga multong yan.

    dati, sa dorm, mga 2am na,patulog na din ako nun nung may marinig akong babaeng umiiyak…akala ko e ako lang ang nakakarinig pero pati din pala yung roomate ko e nadidinig din nya..

    sabi ng iba e half open daw ang 3rd eye ko kasi nakakaramdam ako…
    wala naman ako balak na ipa open ang 3rd eye ko..takot din ako sa mga makikita ko na ako lang ang makakita…

    Komento ni rio — Oktubre 29, 2008 @ 7:39 umaga | Sagutin

  14. hindi rin ako naniniwala minsan.nauunahan kasi tayo ng imagination kaya nabubuo sa paningin natin…god bless mommy k.

    Komento ni kamotenista — Oktubre 29, 2008 @ 7:59 umaga | Sagutin

  15. naniniwala ako sa multo pero hindi pa ko nakakita at hindi ko pinangarap makakita..haha

    Komento ni MC — Oktubre 29, 2008 @ 8:04 umaga | Sagutin

  16. Of course I believe in the spirit that lives on after someone passes away! Ang lungkot naman kung the end na pag namatay ang ating physical selves. Ang lolo ko who died on my birthday eh hindi napakali. Dalaw nang dalaw sa amin before.

    Komento ni joy — Oktubre 29, 2008 @ 9:12 umaga | Sagutin

  17. oo ilang beses na na laging may kumakatok sa pinto ng kwarto namin hindi lang ako ang nakakarinig kundi pati mga kapatid ko. Malakas na katok gustong pagbuksan pero di namin pinansin nung una nung medyo nakulitan na kami binuksan ng kapatid ko at kadiliman ang bumulaga sa amin. Mga dalaga pa kami nung ito ay nangyari doon sa bahay ng aming mga magulang. Hanggang ngayon isang palaisipan ito pero di na kami takot sadyang may mga kaluluwang humihingi ng panalangin. salamat sa iyong komento. Totoo si GMA ay isang ina pero naging mabilis ang pagkahina ng kanyang pandinig sa dahilang hindi na niya naririnig ang taghoy ng nakararami. Mas maugong sa kanyang tainga ang tunog ng kusing… Mabuhay sa yo wag kang bumitaw sa blog mo magandang pagdausan ng salitang ating kinamulatan

    Komento ni Enid — Oktubre 29, 2008 @ 11:53 umaga | Sagutin

  18. weeehhh.. takot ako sa multo…
    hehe. btw, pwede ba makipag xlinks??? pls reply

    Komento ni Parantar — Oktubre 29, 2008 @ 12:55 hapon | Sagutin

  19. hi ate! pwede po ba makipag exchange links??? eto po blog ko, parantar.com

    pls reply. thanks

    Komento ni don_ser — Oktubre 29, 2008 @ 1:00 hapon | Sagutin

  20. dito sa saudi parang imposible na may white/black lady kasi araw araw nakikita ko nakablack ung mga babae.kaya nasanay na me hanggang nung minsan ikwento sa akin ng kasama kong pinay na meron daw nagpaparamdam at karmihan sa mga night shift nurse nakaksabay pa sa elevator ung white lady, as in kaharap nila.

    saktong sakto ang entry mo kengkay sa halloween ah. hahaha.

    Komento ni gmacomics — Oktubre 30, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  21. waaaaaaaaaaaah!
    natakot ako sa entry na ito!
    undas na undas!

    naniniwala siguro ako kaya please lang sana naman wag akong kulitin ng mga mumu dahil hindi ko talaga kakayanin!

    pero nag-eenjoy ako sa mga ghost stories, mahilig din ako manood ng mumu na movies at magbasa ng librong kababalaghan!

    ay ewan!

    Komento ni eloiski — Oktubre 30, 2008 @ 11:27 umaga | Sagutin

  22. Naniniwala ako sa mumu!

    Komento ni timi — Oktubre 30, 2008 @ 12:18 hapon | Sagutin

  23. AKO NANINIWALA!
    =)

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 31, 2008 @ 5:34 umaga | Sagutin

  24. Mabuti ng maniwala kesa may mangyari pa para patunayan na dapat akong maniwala hay grabe. πŸ˜‰

    Komento ni Pinay Freelancer — Oktubre 31, 2008 @ 7:04 umaga | Sagutin

  25. Ayaw kong makakita nyan, siguro ramdam kaya ko pang tiisin. Speaking of multo, yan ang dahilan kung bakit halos nagdadalawang isip ako pag na-aasign magtrain sa Baguio. Kahit saang hotel ata kasi doon iba ang pakiramdam eh. Parang nakakatakot halos sa lahat ng napuntahan kong tulugan doon. Never pa akong natulog ng mahimbing katakot.

    As for the experience, I dunno kung qualified to pero meron kaming get together one time tapos since galing ako sa shift, sabi ko kung pwedeng umidlip muna ako before magstart yung party. So guide naman nila ako sa tulugan, then nung nakahiga akong nakatagilid akala ko may tumabi sa akin kasi bumaba din ung foam sa likuran ko, pero dedma dahil antok na. Then paggising ko and when I asked about it, wala naman palang ibang natulog dun sa bed na hinigaan ko, worst, iyon pala ang death bed nung lola nung friend ko…waaa…promise hindi ako nakatulog after noon kahit nakauwi na ako ng bahay. ;(

    Komento ni Call Center Gal — Oktubre 31, 2008 @ 7:11 umaga | Sagutin

  26. Hello Kengkay!

    Di ko rin alam kung maniniwala ako o hindi. Isa siyang palaisipana. Pero minsan parang nararamdaman ko na binabantayan ako ng mga mahal ko sa buhay na mga pumanaw na. Di ko no iniisip na sila ay multo bagkus sila ay aking mga anghel. πŸ™‚

    Komento ni Sofie — Oktubre 31, 2008 @ 9:32 umaga | Sagutin

  27. i saw a ghost
    sa Majuro pa, ha
    imported
    hehe
    check my earlier post, noong May ata yon
    happy halloween!!!

    Komento ni raft3r — Oktubre 31, 2008 @ 1:48 hapon | Sagutin

  28. ako? siguro pag nakakita ako, dun palang ako maniniwala. pero so far di pa ako nakakakita. so deadma muna ako sa mga bagay na yan. hehe

    Komento ni Neex — Nobyembre 1, 2008 @ 11:55 umaga | Sagutin

  29. asa africa kme nung namatay ang mum ko, at mag isa lang ako umuwi para sa burol. when we came home for vacation a few months after, ang anak ko eh biglang tumayo in the middle of the night at biglang tumawa (pero tulog sya), making this tickling/cooing sound that only my mum used to do with him. ay talaga, sobrang takot ko nun, hehe. sigaw ko INAY! WAG MO NAMAN AKONG TAKUTIN. at sabi ng dad ko the next day, the dog in the backyard was howling daw at around that time…. so feeling ko si mader nga, making her last dalaw sa apo.

    sa africa, may mga pinoy nakakakita ng mga multo, ang tanung ko… white or black lady ba? πŸ˜›

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 1, 2008 @ 4:19 hapon | Sagutin

  30. …β™₯β™₯β™₯nakkatakot nman ko rin nakakita na ko ng multo sa province nmin isang ba2eng white lhady..nkaupo sa lbas s my upuan..he..he..katakot aman…

    Komento ni kristel — Pebrero 19, 2009 @ 9:26 umaga | Sagutin

  31. helo! Helena wish ko sana makakita ka ng real ghost… Weee, ate kenkz totoo pong may multo, alamo ate ang multo dito samin sobra ang baho atsaka may ood yong katawan. Kakatakot diba? Pero dont wory my agimat mga tao dito para jan sa multo hehe.

    Komento ni ruslan idji — Nobyembre 2, 2011 @ 9:29 umaga | Sagutin

    • ewan ko kung totoo, pero minsan na akong may narinig at naranasan na kinilabutan ako, nyayy. anong agimat? may agimat din ako dati, dinasal-dasalan pa ng nagbigay sa akin. pero nawala yun e, ewan ko kung sino na gumagamit ng aking agimat πŸ™‚

      Komento ni kengkay — Oktubre 3, 2013 @ 12:36 hapon | Sagutin

  32. D nmn nakakakilabot eh……nyeeeeee…..!!!!!!Marami pa pohh bang kwentong kilabot dapat poh real life…….

    Komento ni Kentashpogi.06 — Mayo 16, 2013 @ 9:06 umaga | Sagutin

  33. Dapat pohhh maganda at nakakakilabot……!!!At pinaka maastig Real Life

    Komento ni Howard Hontiveros — Mayo 16, 2013 @ 9:09 umaga | Sagutin

  34. Mga kaluluwa poh parang hugis Bilog………ORB

    Komento ni Howard Pogi — Mayo 18, 2013 @ 12:27 umaga | Sagutin

  35. Mga kaluluwa poh Hugis Bilog…………..ORB.!!!!!!!!!!!!!!

    Komento ni Howard Hontiveros — Mayo 18, 2013 @ 12:28 umaga | Sagutin

  36. mjo nkaka kilabot

    Komento ni mae — Setyembre 27, 2013 @ 12:56 umaga | Sagutin

  37. 4 me di ako n nniwla s mga multo qc snce birth dpa aqu nkka kita ng multo if evr n mkakita mn ako ng multo ang gust kng mkita ung multo ng father ko. Jeje

    Komento ni mae — Setyembre 27, 2013 @ 1:00 umaga | Sagutin

    • mae, kung gusto mong makita ang tatay mo, concentrate and ask for a sign πŸ™‚

      Komento ni kengkay — Oktubre 3, 2013 @ 12:36 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: