Kwentong Kengkay

Oktubre 29, 2008

huling pangako

Filed under: Birit Ko,Seryus — kengkay @ 5:50 hapon

hirit ko sa wpp πŸ™‚

marami tayong naging pangako. marami ring pangakong napako.

minsan kasi akala natin porket pabiro, hindi na pangako yun kundi biro na lang.

minsan naman, ang tadhana ang nagpapako sa atin.

katulad nung aking in laws na si oma at si opa.

unang nagkita sila sa isang carnival party nung 1940’s — ang sabi ni oma sa sarili nya nung makita nya si opa ‘para sa akin na ang mamang ito.’ at ang lakas ng loob nyang niyaya ang mamang ito na naging si opa nga. yun ang unang pangako na natupad naman.

nung natagpuang may cancer si opa nitong nakaraang buwan, sya naman ang nangako kay oma na babalik syang masigla pagkatapos ng kayang operasyon. ayun na nga, kahit na ang laki ng binuksan sa kanya at ang laki ng tahi nya dahil ang isa sa kanyang lung ang tinamaan ng cancer — masigla syang bumalik sa piling ni oma. pangakong natupad na naman.

nakapagcelebrate pa sila ng kanilang 60th wedding anniversary nitong agosto bago biglang nawala si oma dahil sa atake sa puso. sabi ni opa teka lang, babalik ako at kakanawan lang kita ng tsaa. pag akyat nya sa kwarto nila? wala na si oma. hinalikan ni opa ang malamig ng bangkay ni oma. sabi ni opa, sabi ko pagkakanaw kita ng tsaa e, pagbalik ako yun pala wala ka na.

patuloy na kwento ni opa habang hindi mapigil ang luha — ‘di ba nangako tayo sa isat isa na aabot tayo ng isang daang taon sa mundong ito? sabi mo pareho tayong tatanda? bakit isang saglit e nalimutan mo ang iyong pangako? di ba sabi ko sa yo uuwi akong walang sakit? pero bakit hindi mo sinabi na aalis ka rin pala agad?’

pangako…. minsan ang hirap balikan ang mga pangako.

kelan kayo huling nangako?

Advertisements

24 mga puna »

  1. I may promises everyday – at work, to clients, to colleagues, and others. I’m one of those people who feels badly if I am unable to keep my promise. However, each day I promise to love my significant other the next day. It’s easy to do that – because he’s the best husband in the whole wide world! Opa and Oma are the sweetest – and that assures me that Kengkoy will love you for as long as he lives and in the after life.

    Komento ni joy — Oktubre 29, 2008 @ 6:15 hapon | Sagutin

  2. ang sweet naman nila opa and oma. dpat talaga pag nangako tuparin. pag hindi kaya wag pilitin.

    Komento ni gmacomics — Oktubre 29, 2008 @ 7:15 hapon | Sagutin

  3. madalang na siguro ang pag-ibig na katulad ng sa oma at opa mo ate kengks – yung tipong aalagaan ang isa’t-isa hanggang sa pagtanda. napaka striking ng kanilang pag-ibig lalo na kung iisipin nasa isang western na lipunan sila kung saan mas mataas ang mortality rate ng pagmamahalan, yung lola at lolo ko ay ganyan din. naaalala ko nga nung unang pumanaw ang lola ko parang nawalan na ng ganang mabuhay ang lolo ko. ayaw na nga nyang maligo or magsimba or lumabas ng bahay. nagiging masigla lang sya pag dumadating kaming mga apo nya para sa domino session nila. di ko nga alam kung nagiging masigla sya dahil maglalaro kami ng domino o dahil nag-iismuggle kaming mga apo ng yosi na pinagbawal ng aming aunti na nag-aalaga sa kanya. wala rin ang lolo ko at sana kapiling nya na ulit ang lola ko kung saan man sila naroroon.

    Komento ni S3lv0 — Oktubre 29, 2008 @ 8:08 hapon | Sagutin

  4. awww ang sweet!

    hay everyday yata may pangako ako sa sarili ko..di naman natutupad,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Oktubre 29, 2008 @ 8:50 hapon | Sagutin

  5. Kakaiyak naman ang kuwento nina Oma at Opa. *hikbi*

    Ang mga pulitiko ang hilig mangako… Grrr… >= C

    Komento ni The Gasoline Dude — Oktubre 29, 2008 @ 9:42 hapon | Sagutin

  6. i just promised my group leader to submit the final report tomorrow morning – este mamaya. I’m still working on it right now while reading your blog! hehehehehehe… πŸ™‚

    Komento ni nina — Oktubre 29, 2008 @ 10:43 hapon | Sagutin

  7. kengkay, naiyak ako. ramdam na ramdam ko yung kalungkutan ni opa. naiyak lalo ako sa tanong.

    Komento ni ifoundme — Oktubre 30, 2008 @ 12:57 umaga | Sagutin

  8. ate kengkay naman… ung mga nauna mong posts about kina opa at oma.. ngaun lng tumaas balahibo ko… ewan ko kung bakit.. cguro dala ng lamig ng aircon…

    kung ako… hindi ako nangangako… ang sinasabi ko lng… “gagawin ko… pero hindi ko ipinapangako…” hirap na… baka umasa tapos hindi mo magagawa… mas maganda n ung hindi umaasa.. pero makikita nya na nagawa mo…

    Komento ni vhonne — Oktubre 30, 2008 @ 2:18 umaga | Sagutin

  9. their love story is very touching…

    promises… mahirap talaga magpromise tus di naman tutuparin.. kakabadtrip pag ganun e. kaya nga ko badtrip sa boss ko dahil ganyan ugali nya e hahaha:P

    anyways, kaya nga sabi sa Bible.. let your yes be yes and your no be no… pag nagpramis dapat gagawin.. pag di kaya.. mag-no na lang wag ng magpramis.

    Komento ni eloizagerl — Oktubre 30, 2008 @ 3:41 umaga | Sagutin

  10. Kung papaano mangako nang hindi napapako, dapat magtanong tayo sa Bombay. Kapag nangako kang magbabayad ng utang bukas, pupuntahan ka at hindi ka tatantanan hanggang hindi ka nagbabayad. At kung papaano mapako naman ang iyong pangako, makinig ka lang sa sinasabi ng mga pulitiko. Masaya ka nang kung sa sampong ipinangako may isang matutupad, hehehe.

    Komento ni Colegiala girl — Oktubre 30, 2008 @ 3:42 umaga | Sagutin

  11. Ang sweet naman ng kuwentong Kengkay….
    Effective talaga ang mga pangako.Sa tuwing may nakikikilala akong maganda at seksing babae noon ay nililigawan ko at pinapangakuan ng kasal.Umaasa pa naman sila hangga ngayon at naghihintay na madedo ang isang babaeng pinakasalan ko sa simbahan.Buhay pa rin hangga ngayon si misis.Hehehe!

    Komento ni Cocoy's Delight — Oktubre 30, 2008 @ 7:31 umaga | Sagutin

  12. girls love when we, guys, make promises
    lalo na pag napapako
    hehe

    ako, based on numerous experiences, natuto nang di mangako
    mahirap na
    umaatikabong away, eh
    nyahaha

    Komento ni raft3r — Oktubre 30, 2008 @ 11:52 umaga | Sagutin

  13. It made me sad really after reading it Kenks.

    I don’t make compromises to anyone, specially to a friend who asked if you’d like to go out with them and you can’t say “no”. But although I’m sure most of us can be a little stubborn sometimes, especially about the things that matter to us most. But there’s a difference between holding onto your opinions and just being plain old difficult. Maybe that’s just me.

    Komento ni K — Oktubre 30, 2008 @ 5:10 hapon | Sagutin

  14. ate.. kakaiyak ang kwento… sayang lang kase hindi natupad ang pangako na yun… tama ka! minsan tadhana at panahon ang pumupigil para tuparin ang mga pangako…

    madalas ako mangako… pero madalas ko din na nde nasusunod… bad ko noh? πŸ˜€

    Komento ni lalaine — Oktubre 30, 2008 @ 7:24 hapon | Sagutin

  15. touching naman ang kwento ni oma at opa…hay….bigla naman po akong nalungkot.
    iba talaga ang dating ng kwentong TRUE LOVE..

    Komento ni rio — Oktubre 31, 2008 @ 3:44 umaga | Sagutin

  16. mahirap mangako
    pero
    ako
    di na lng nagsasalita
    sa gawa ko pinapakita!

    (nice post ms.kengkay!)

    Komento ni hisnameisdencios — Oktubre 31, 2008 @ 5:39 umaga | Sagutin

  17. Naku yung kelan ako huling nangako ( sa aspeto ng pag-ibig) eh mga ilang taon na rin. Nung sabi ko ayaw ko munang mag bf ulit kasi nkakakainis na laging palpak ahihi…

    Pero yung susunod eh malamang kapag ikinasal na kami ni Jawibi aka bf. πŸ˜‰

    Komento ni Simple Married Life — Oktubre 31, 2008 @ 7:15 umaga | Sagutin

  18. bihira ang lab istori na katulad ng kay opa at oma ninyo..

    nangilabot ako mommy k sa huling tanong mo. oo nga ano, hindi na nga natin hawak kung matutupad pa ba ang ating mga huling pangakong binitiwan.

    Komento ni utakmunggo — Oktubre 31, 2008 @ 7:56 umaga | Sagutin

  19. Hello Kengkay!

    Kumusta ka na? Isa sa mga hindi ko gusto sa tao ay ang mangako tapos di naman nasusunod. Para sa akin, kung di mo naman gagawin, wag na lang mangako para di na umasa pa yong taong pinangakuan mo. Unless of course, may maganda talaga siyang dahilan. Kagaya nyan, namatay yong tao, e papaano pa mangyayari yong pangako. Wala ka ng magagawa diyan. Di mo nga naman kasi maiiwasan yan.

    Komento ni Sofie — Oktubre 31, 2008 @ 9:42 umaga | Sagutin

  20. Hmmm recently lang, at mukhang hinde ko sya matutupad. πŸ˜†

    Komento ni kirksydney — Oktubre 31, 2008 @ 11:36 umaga | Sagutin

  21. Kanina. As usual, sablay na naman ang pangako ko.

    Komento ni taps — Oktubre 31, 2008 @ 3:19 hapon | Sagutin

  22. di ako nangangako mommy kengks eh. ayoko kasi baka di ko lang matupad, nagpaasa pa ako. 😦

    Komento ni Neex — Nobyembre 1, 2008 @ 11:50 umaga | Sagutin

  23. i try not to make promises, kse baka di ko naman matupad. i’ll do what i can do, ika nga.

    nakakatuwa nga ang storia nila opa and oma. di natin alam kung kelan tayo kukunin ni lord, kaya dapat everyday we don’t forget to say and show our love to the people around us.

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 1, 2008 @ 4:11 hapon | Sagutin

  24. sayang di ako nakasali sa hirit, tinotopak na naman kasi ang mabait kong blog. Haay, tama bang maiyak ako ngayong Halloween eh favorite holiday ko to. Kasalanan mo kengkay…

    Komento ni Helena — Nobyembre 1, 2008 @ 8:02 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: