Kwentong Kengkay

Nobyembre 1, 2008

doll house para sa nov 1

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 7:20 hapon

dito sa alemanya, hindi buong bansa e holiday kapag nov 1. yung mga regions lang na katoliko. yung mga karamihan e protestante ang mga tao, normal day lang sila.

itong region namin e katoliko kaya holiday. pero sempre, hindi katulad sa atin na puno ang sementeryo. dito halos walang tao. pero hindi yon ang post ko ngayon. bukas na lang yun kasi tamad akong mag download ng photos e.

alam nyo bang kapag holiday dito e bawal magtrabaho sa bahay? actually, kapag linggo e bawal din magtrabaho. walang dapat mag garden, mag mow ng lawn, mag laba, mag plantsa, etc.

pero naman, kapag may mga anak kang makukulit tulad ng mga little kengkays e mapapa trabaho ka talaga. kaya kanina, dinalaw namin ang puntod ng aming oma (bukas na lang ang post at pechurs) pagkatapos e natrabaho kami.

karpintero ang dating ni kengkay at kengkoy. ginawan namin ng doll house ang mga batang makulit! sa totoo lang, kunyari sanay akong mag pukpok pero halatang ilag akong magpukpok. takot akong mapukpok!pero hindi natapos ang isang oras e natapos namin ang doll house! o di bah, ang galing!

gusto nyong makita? pwes, bukas na lang ulit kasi antok na ako.

at parang takot akong mag blog hopping at baka katatakutan lang ang abutin ko sa mga blogs ngayong nov 1, hehe.

Advertisements

18 mga puna »

  1. ay bitin…sige bukas na lang din ako magcocomment!hihi

    kengkay: balik ka bukas, hehe

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 1, 2008 @ 8:14 hapon | Sagutin

  2. bawal magtrabaho sa bahay? eh kelan ginagawa yung mga gardening or pukppok pukpok sa bahay?

    kengkay: kapag normal weekends pero kapag sunday bawal din yun, hehe.

    Komento ni BURAOT — Nobyembre 1, 2008 @ 9:10 hapon | Sagutin

  3. awts!
    gusto ko makita ung doll house!
    hahaha!

    ang saya naman ng holiday diyan! wlang traba-trabaho!
    pahinga lang talaga eh!

    kengkay: truli ka dyan, as in rest day talaga

    Komento ni eloiski — Nobyembre 2, 2008 @ 1:57 umaga | Sagutin

  4. hahahaha. natawa naman ako dun sa natakot ka magbloghopping. baka nga naman puro spam ng mga ghosts. hahaha.

    kengkay: hay ayun sumilip ako sa ibang blogs, natakot ako, waaa

    Komento ni gmac — Nobyembre 2, 2008 @ 5:58 umaga | Sagutin

  5. ako din ayaw ko mag pokpok. delikado. baka mapokpok ko ang ano ko. machakit.

    kengkay: hahaha, basta huwag mo dun itutok ang pukpok

    Komento ni taps — Nobyembre 2, 2008 @ 6:03 umaga | Sagutin

  6. hehehe, yung iba nag popokpok, sa dollhouse!

    kengkay: gets ko yan, hahaha

    Komento ni partofyou — Nobyembre 2, 2008 @ 7:11 umaga | Sagutin

  7. bakit bawal, ate kengks?

    kengkay: bawal kasi yun na ang naka-gisnan nila na kapag linggo o holiday e rest day lang talaga. kasi bawal din na istorbohin ang mga kapitbahay sa ingay

    Komento ni pao — Nobyembre 2, 2008 @ 7:59 umaga | Sagutin

  8. waw!
    pang mayaman!
    teka
    anung dollhouse iyan ms.kengkay?
    lifesize?
    barbie toy size?
    hmm..
    ok di na ko magtatanung antayin ko na lang ang pictures lols

    kengkay: homemade doll house lang kasi mas mura, hehehe

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 2, 2008 @ 9:10 umaga | Sagutin

  9. Dollhouse? Tinginin ko! 😀
    Kengkay, greet lang kita ng ‘one-year ka-blog’ anniversary. 🙂 Pahinga muna ako uli.

    kengkay: aba, ikaw din pahinga? balik ka ulit

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 2, 2008 @ 10:10 umaga | Sagutin

  10. Aabangan ko yang masterpiece nyo. 😆 At wag ka mag alala, wala akong entry na nakakatakot. 😆

    kengkay: oo, naligaw na ako sa blog mo, mabuti naman, hehe

    Komento ni kirksydney — Nobyembre 2, 2008 @ 10:27 umaga | Sagutin

  11. Andaming pokpok ngayon. *LOLz*

    Boring daw dyan sa Germany, totoo ba? German kasi isang boss ko. Wala daw masyadong leisure activities na pwedeng gawin. Pero kung kasama naman siguro ang buong pamilya eh masaya na din kahit papaano.

    kengkay: hahaha, medyo may pagkaboring nga kasi karamihan ng drama nila e wanderung lang – yung walking and hiking sa mga gubat, ayaw ko din ng ganun! pero kapag may bata sempre mas maraming drama kasi daming castles dito at mga amusement parks like my legoland, playmobil land, etc

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 2, 2008 @ 11:48 umaga | Sagutin

  12. aabangan ko yang mga pectures… hehe…

    kengkay: huy, ibig sabihin babalik ka? salamat sa pagbisita

    Komento ni Mai — Nobyembre 2, 2008 @ 1:18 hapon | Sagutin

  13. Anong pokpok na marami ngayon? hehehehe!!!!Joke lang 🙂 ay naku inis rin ako sa ganyang policy nila dito, kasi maski magpagpag ka ng carpet meron pang time ay buti pa sa pinas walang pakialaman. Excited ako sa Doll House!

    kengkay: pokpokpok 🙂 ay, ganyan din pala sa inyo? ang saya di ba, hahaha. mas excited nga ako dun sa doll house kaso mo parati naman nila akong ayaw isali sa laro, hehe

    Komento ni MayFlowers Foundation — Nobyembre 2, 2008 @ 1:48 hapon | Sagutin

  14. haha, andami mong pinagpalibang gawin sa blog mo ah 🙂 patingin ng doll house ha?

    -tenco

    kengkay: halatang tamad na e, hehe

    Komento ni alasais — Nobyembre 2, 2008 @ 3:47 hapon | Sagutin

  15. hmm, ganun pala. dito kapag holiday panahon na para mag-videoke sa loob ng bahay. hahahaha.

    Komento ni Pao-Pao — Nobyembre 2, 2008 @ 9:46 hapon | Sagutin

  16. ang tagal naman ng pitures(demanding??jokes)
    siguro kulay “fink” yan hehe

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 3, 2008 @ 5:47 umaga | Sagutin

  17. Hello Kengkay!

    Sinabi mo, at may oras pa kamo. Pero pag Saturday, puwedeng mag mow ng lawn sa amin unless holiday siya kasi yan lang naman ang oras na magagawa ng mga padre de pamilya yan dito dahil nag-oopisina sila pag weekdays. 🙂

    Pero sa tutuo lang, gusto ko yang mga rules na yan kasi nagkakaroon talaga ng oras ang mga tatay sa pamilya lalo na pag sabado at linggo. Hindi yong hanggang sabado at linggo e, trabaho pa rin ang aatupagin nila. 🙂

    Komento ni Sofie — Nobyembre 4, 2008 @ 10:19 umaga | Sagutin

  18. Ano yun? Bawal, as in pwede ka makasuhan? Ang hirap naman ata nun. Sana meron din…bawal magbigay ng homeworks pag weekends wahehehe.

    Komento ni Helena — Nobyembre 4, 2008 @ 12:25 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: