Kwentong Kengkay

Nobyembre 3, 2008

kulam o angel?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 12:45 hapon

nag-pramis pala ako kay AC, isang taong napadpad sa aking blag dahil meron syang problema sa kanyang lovelife. dito sya naligaw sa aking post tungkol sa kulam ng pag-ibig.

eto ang iniwang nyang komento:

Hello.. nagsesearch ako online re orasyon and nakita ko tong site mo. I was left by my partner three weeks back and hirap na hirap ako. baka pwede mo imail sakin yun heart box na ritual or any orasyon na tingin mo mabisa para bumalik sya sakin. i love him dearly and im having a hard time now. please email me back. i need help.

siniseryoso ko ang mga ganitong nagiiwan ng komento sa blag ko kasi naniniwala akong kailangan talaga nila ng tulong. at saka, nangako ako sa kanya e. sabi ko sa kanya ay gagawan ko sya ng post tungkol sa mga pwede nyang gawin. nawala na sa isipan ko dahil sa mga sunod sunod na nangyari sa bahay at buhay ko, pero ngayong may oras na, at dahil bumalik sya sa aking blag at pina-alala sa akin ang aking pangako — gagawin ko syang post para sa mga taong may kailangan din at baka may makatulong din kay AC sa pamamagitan ng blog na ito.

pa-alala lamang na si kengkay ay hindi propesyonal. ako ay nagbibigay lamang ng mga bagay na sa tingin ko ay pwedeng gawin at dahil naniniwala akong wala namang mawawala kapag ginawa ito.

ewan ko, meron akong libro na tungkol sa kulam sa pag-ibig pero nung una ko syang mabasa ay parang hindi ako mapaniwala. kasi parang hindi sya pwedeng maging totoo, kasi parang ang daming dapat gawin, at ang daming kasangkapan, kasi ang daming ritwal para magawa ang kulam. atsaka kapag kulam, yung dilim agad ang sumasagi sa utak ko e. parang, masama yata yon. e sa pagkakataong ito e pag ibig ang gustong ipaglaban ni AC kaya naman baka pwede nating daanin sa mas magaang na bagay.

sa pamamagitan ng tulong ng mga anghel. at oo, naniniwala akong may anghel. may anghel sa taas at may anghel dito sa lupa.

at eto ang pwedeng gawing mga dasal sa anghel para sa inyong lovelife — nakuha ko sya sa libro ni Doreen Virtue ‘Healing with the Angels’

Prayer to Find a Soulmate

Dear God, I ask that You and the romance angels help me be in a wonderful love relationship with my soulmate. Please give me clear guidance to find my soulmate, and help us to meet and enjoy one another without delay. I ask for Your help in creating circumstances so that I may be in this wonderful soulmate relationship right away. Please help me heal and release any blocks in my mind, body, or emotions that would make me afraid of great love. Please help me hear and follow Your Divine guidance that leads me to find and enjoy this soulmate relationship. I know that my soulmate is searching for me with the same amount of fervor with which I am searching for this person. We both ask that You bring us together and help us know and accept the blessings of great love. Thank You.

Prayer to Heal an Existing Love Relationship

Dearest God, I ask that You and the angels help me heal my love life. I am willing to release any unforgiveness I may be harboring toward myself and my partner, and I ask that the angels cleanse me of all anger or resentment now. Please help my partner and me see each other through the eyes of love. I ask that all effects of our mistakes be undone in all directions of time. Please work with my partner so that we may have harmony, romance, friendship, respect, honesty, and great love for one another. Please renew our love. Thank You.

Para sa yo AC, alam mo, try to love yourself muna. And believe in yourself. Kapag bumalik ang iyong pagmamahal sa iyong sarili at ang sigla mo sa buhay, dun mo lang malalaman kung ano talaga ang hinahanap mong pag-ibig. Sana makatulong itong mga angel prayers.

At naniniwala ka ba kay Mama Mary? Alam mo bang pwede mo syang sulatan ng iyong mga kahilingan sa address na ito:

Mama Mary
Monsieur l’ Econome de l’Oeuvre de la Grotte
65100 Lourdes Cedes
Lourdes, France

Ang mga sulat na dumarating dyan ay hindi binubuksan kundi inaalay para kay Mama Mary at sinusunog pagkatapos ng ilang araw. Malay mo, di ba? Sigurado ko kapag para sa iyo talaga ang hinihiling mo, makukuha mo sya ng walang hirap. At remember, hindi tayo binibigyan ng hirap kung alam ng Maykapal na hindi natin kaya ang mga ito.

At oo, sumusulat din ako kay Mama Mary. At oo, nagdarasal din ako ng mga angel prayers. At oo, naniniwala akong kaya mo yan, AC. At sana makatulong sa yo 🙂

Advertisements

21 mga puna »

  1. hello mami kengs,ala ka bang dasal para sa mga tumataya ng lotto? hehe

    Komento ni cheh — Nobyembre 3, 2008 @ 2:21 hapon | Sagutin

  2. AC, you deserve someone better. Yong mamahalin ka ng tunay. Darating din yon, na-traffic lang.

    Komento ni nina — Nobyembre 3, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  3. yeah AC..pag nawala hindi sya para sayo..kung talagang kayo kahit ano pa ang mangyari kayo pa din…malinaw ba paliwanag ko,hihihi cheer up..madami pang darating!

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 3, 2008 @ 6:45 hapon | Sagutin

  4. Some people actually find their true love online, go search “online dating”, hahaha. I know it’s lame.

    Komento ni K — Nobyembre 3, 2008 @ 7:01 hapon | Sagutin

  5. pakidasal na rin ako kengkay na maging mayaman… hehehe!

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 4, 2008 @ 1:13 umaga | Sagutin

  6. ms kengkay kailangan ko ata yung prayer to heal an existing love relationship… hehe!

    salamat po sa sharing na ito… and to AC learn to love God first and everything will follow! promise! 😉

    Komento ni yhen — Nobyembre 4, 2008 @ 3:05 umaga | Sagutin

  7. whew… hindi lng c AC ang natulungan mo ate kengkay… pati ako ay naliwanagan… salamat…

    kelangan ko ba maglagay ng returning address kung susulat ako kay Mama Mary?

    Komento ni vhonne — Nobyembre 4, 2008 @ 5:05 umaga | Sagutin

  8. wala po bang prayer para manalo sa lotto o di kaya maging bulletproof….hehehe

    hay, AC wake up darling live your life again!

    Komento ni kamotenista — Nobyembre 4, 2008 @ 5:53 umaga | Sagutin

  9. destiny na lang siguro ako..
    =))

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 4, 2008 @ 6:19 umaga | Sagutin

  10. AC goodluck to you! Hope it will work! Don’t worry God is there to listen to your prayers! Momski padasal naman sa lotto ko din hahaha.

    Komento ni Ambo — Nobyembre 4, 2008 @ 6:27 umaga | Sagutin

  11. Sus! Papuntahim mo siya sa Your Love Coach at hanapin ang post ko na Moving On, Letting Go. Para sa mga usapin ng love, relationships, romance and dating, it’s the place to go 😀

    Komento ni joy — Nobyembre 4, 2008 @ 7:09 umaga | Sagutin

  12. tama! tama! kakantaggap ko lang kaninang umaga nung txt msg na..

    no one will manufacture a lock without a key…
    similarly, God won’t give problems without solutions.

    gudluck AC! at sa mga taong may mga kahilingan, tulad ko. hehehe.

    Komento ni aKDa — Nobyembre 4, 2008 @ 7:25 umaga | Sagutin

  13. hello po Ms Kengkay! to: AC, continue to pray at tanggapin mo na lang kung ano man ang kalooban ng Diyos..He knows best!

    Komento ni sanjit — Nobyembre 4, 2008 @ 8:36 umaga | Sagutin

  14. tama! the best paraan ay panalangin!! ang galing mo kengkay!

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 4, 2008 @ 9:11 umaga | Sagutin

  15. Hello Kengkay!

    Gusto ko yang sinabi mo hindi lang patungkol sa kanya kundi para na rin sa ating lahat… “try to love yourself muna. And believe in yourself.” at ang mga sumunod sa paragraph na yan.

    Papaano ka nga naman mamahalin ng isang tao, kung ang sarili mo mismo di mo mahal. Papaano maniniwala sa yo ang isang tao kung ikaw mismo ay di naniniwala sa sarili mong kakayahan.

    Pandagdag lang po… Peace!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 4, 2008 @ 10:32 umaga | Sagutin

  16. I so agree with your advice Ms.Kengkay. No offense to AC, I know maraming dumaraan talaga sa ganitong stage after they lost a loved one. I know some na umaasa rin sa mga orasyon o kulam.

    I did have my own share of heartaches din before but I never thought about forcing the will of nature or God so I can have him back. Yes, I did pray. I didn’t pray for him to love me again. Instead, I asked God to help me forget him and be happy for him. And eventually I did.

    Believe me Ac when I tell you that there are a million things you can do in this world than sulk in pain. Sometimes, I look back and still feel a bit sad about all the years I’ve wasted waiting for him.

    Yes, love yourself…that’s the best start.

    teka hindi nga pala akin tong blog na to…sorry Ms. Kengkay. 🙂

    Komento ni Helena — Nobyembre 4, 2008 @ 12:44 hapon | Sagutin

  17. hmmm. interesting, i should try this. there is nothing wrong in trying..

    soulmate.. i wish i could find mine. right now, something is hindering me in having a guy. It just came to me and I JUST DON’T LIKE GUYS (for relationship).

    ask for it and it will come, a proverb in the bible. however, we have to have that strong faith in your religion, too.

    Komento ni LimeGemini — Nobyembre 4, 2008 @ 2:59 hapon | Sagutin

  18. Tama ka Ms. No. 16. Lahat ng bagay naman napagaaralan pati Love promise. Pinili ko magpakasal sa taong pareho ko ng pananampalataya kahit super in love ako sa isang tao, ipinagpauna ko ang kalooban ng Dios.
    Now I’m truly realizing the bliss, mauunawaan rin natin ang mga bagay bagay habang dumadaan ang panahon, just put GOD first.

    Komento ni visitor1 — Nobyembre 5, 2008 @ 12:13 umaga | Sagutin

  19. OO nahihingi ang mabuting asawa sa Dios hwag kung saan saan ka tumatakbo, tulad ng kulam, orasyon, o sino sinong santo. Ikaw rin deceiving ang mga binibigay nyan, gwapo lang ang panlabas pero….Talaga naman mag aanyo ba ng demonyo yan sa lupa, syempre maamong tupa no.

    Komento ni visitor1 — Nobyembre 5, 2008 @ 2:45 umaga | Sagutin

  20. Quoting you “Para sa yo AC, alam mo, try to love yourself muna. And believe in yourself. Kapag bumalik ang iyong pagmamahal sa iyong sarili at ang sigla mo sa buhay, dun mo lang malalaman kung ano talaga ang hinahanap mong pag-ibig.” Totoo ito Kengkay naniniwala ako dito dahil nagkaroon ng isang tuldok (period yun di ba hehe) sa buhay ko kung saan akala ko may third party yun pala ako ang third party nalaman ko ito dahil isang linggo nalang pala ay ikakasal na sila. Siguro nga ako ay nagpaka hunghang sa isang lalaking mas hunghang pa sa akin. I hated myself that time I kept blaming myself for being so stupid pero buti na rin lang dahil kung hindi ay hindi kami mabibigyan ng pagkakataon magkakilala ng aking asawa na 100x ang lamang sa ligo sa aking ex hehe. In God’s own perfect time…timing lang ang lahat…sorry ngayon ko lang nakita ang comment mo sorry talaga 🙂

    Komento ni Enid — Nobyembre 5, 2008 @ 3:19 hapon | Sagutin

  21. hello ate kengkay!

    naku!natamaan ako sa message mo kay AC ah!

    hmmmm….”Prayer to Heal an Existing Love Relationship”.. i need this!..binasa ko ng binasa ate kengkay…hehehe…

    tama yung cnbi mo na “try to love yourself” & “believe in yourself”…

    ok na ok!

    Komento ni mayyang — Nobyembre 6, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: