Kwentong Kengkay

Nobyembre 4, 2008

Tagalugin Natin

Filed under: Kwentong Nanay,Oyropa Ko — kengkay @ 5:15 hapon

img_0176

Ano akala nyo sa mga little kengkays? Hindi marunong magbasa? Hindi marunong magtagalog?

Ayan ang mga little kengkays, feel na feel kunyari nila na marunong silang magbasa kahit na parang may pagka-OA yung hawak nila sa mga libro dahil kapag ganyan kalapit e nakakaduling na di ba?

Photo-ops lang yan, hahaha.

At sempre hindi pa sila marunong magbasa, pero si panganay ko e pagkatapos ng mga dalawang buwan pa lamang nya sa grade wan e marunong nang magbasa ng two syllable-words, ang galing di ba?

Sempre naman hindi patatalo si bunsoy, ang ginagawa nya e sinasaulo nya yung mga salitang nakikita nya para kunyari marunong din sya magbasa. Yung mga librong binabasa ko sa kanila? Naku, saulo na kamo nila. Pwedeng i-lip synch ko na lang, hehe.

Pero teka, napansin nyo bang Tagalog yung titulo ng mga libro nila? Ay oo naman, binabasahan ko sila ng librong tagalog, sabay basa rin nung English translation. Kasi halos lahat naman nung mga Pinoy books e may english translation, so dalawang lenguahe agad, pwede na yun 🙂

Hindi masyado nakakaintindi ng purong tagalog ang mga little kengkays pero maraming salitang tagalog silang alam.

At alam niyo bang gusto na nilang matutong magsalita ng tagalog? Sabi nila turuan ko daw sila ng salitang tagalog, yung talagang usap usap na chikahan na chismisan — kasi daw yun daw ang aming sikret language, o di bah!

—-
Gusto ninyong maki-chismis ng live kay kengkay? Pwes, makinig sa Usapang Pinoy, ang pinakasikat na radio-magazine sa buong UK na pinangungunahan ni Dr. Joy. Punta kayo sa pamamagitan ng pag-click dito: Future Radio UK . Pwedeng makinig lang kayo, pero mas masarap kung maki-chika tayong lahat sa pamamagitan ng pag-click ng Studio Messenger na matatagpuan sa may bandang itaas ng website, at pwedeng mag phone in question din.

Basta ha, kita kits tayo ngayong Sabado, at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK .

Advertisements

17 mga puna »

  1. “Sabi nila turuan ko daw sila ng salitang tagalog, yung talagang usap usap na chikahan na chismisan — kasi daw yun daw ang aming sikret language, o di bah!”

    **nakakatuwa naman itong linyang to.
    btw naitago ko pa yung una kong booklet noon na kulay gray pa ata yung papel. hehe saka alam mo ms.kengkay habang binabasa ko tong entry mo napapangiti ako. nakakatuwa kasi siguro yung BONDING nyo naramdaman ko din. =)

    kengkay: sana nga parating ganyan, manatiling may bonding time kasi yung mga kwento ng ibang nanay kapag teenies na yung mga anak nila ayun, tapos na ang bonding time. hayyss

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 4, 2008 @ 5:24 hapon | Sagutin

  2. oo nga naman – masarap magtsismisan kung tagalog!

    kengkay: tumpak ka dyan

    Komento ni nina — Nobyembre 4, 2008 @ 7:39 hapon | Sagutin

  3. kenks, ang daming possibilty na “BAKA” (ndi yung mooo).

    1. Baka di nakakabit yung audio output wires sa speakers?
    2. Reinstall mo kaya ulet yung Quicktime to latest version.
    3. Baka naka disable yung “audio” sa PC mo. On Windows, click Control Setting, Audio, test mo yug volum input/output.
    4. Baka wala talagang feed sa site link nakikita mo yung load bar, na gumagana pero wala.
    5. Bakka may virus that has infected your system.

    Read the instructions over here

    Naturuan mo na ba ang little Kengkays ng sentence na tunog one word? Eto, “bababa-ka-na-ba?.

    kengkay: dear K, maraming maraming salamat! ilang beses mo na rin akong naturuan sa mga ka eng engan ko, hehe. at oo, alam na nila yang bababa ka na ba, in fact, alam na rin nila yung gaya gaya puto maya 🙂

    Komento ni K — Nobyembre 4, 2008 @ 8:41 hapon | Sagutin

  4. ang cute hehe 🙂

    i think its really important na matuto silang magtagalog kasi nga di ba… pilipinang tunay si mommy nila.

    saludo ko sa yo mommy kengs!

    kengkay: importanteng matuto silang magtagalog para gulatin nila yung mga akalang hindi sila marunong, hahaha

    Komento ni eloizagerl — Nobyembre 5, 2008 @ 12:51 umaga | Sagutin

  5. nice… at least, dalawang language agad sila. good kids, trying to read early… ^_^

    kengkay: meron na silang deutsch, meron na silang inglis tapos dagdag pa ng tagalog, mas masaya

    Komento ni aKDa — Nobyembre 5, 2008 @ 1:24 umaga | Sagutin

  6. narinig ko na kayo dati pero i’ll try to listen again this coming saturday… baka gusto rin matuto ng mga little kengkay ng ilonggo.. willing ako magturo kaya lang dapat andyan ka kasi baka kung ano ang ituturo ko. hehehe!

    kengkay: aba, oo — pwede rin ilonggo 🙂 di ba parang bisaya din yan? naalala ko tuloy, may ex BF akong taga bacolod, hayyy

    Komento ni ifoundme — Nobyembre 5, 2008 @ 3:42 umaga | Sagutin

  7. Ayus, importanteng matuto sila ng salitang tagalog. Pag nakakarinig ako ng batang lumaki sa ibang bansa ngunit marunong magtagalog, saludo ako sa magulang. 😀

    kengkay: ako din, nakakakiliting marunong silang magtagalog di ba? kaya naman sana matuto talaga ang mga little kengkays

    Komento ni Ces — Nobyembre 5, 2008 @ 5:37 umaga | Sagutin

  8. Ms. Kengkay nakakatuwa naman chikiting mo gusto nilang matuto ng tagalog..Try this link http://ink.group.ph/books/

    kengkay: nakakataba ng puso na ang napili nilang sikret language e tagalog, actually nung una gusto nila italian, nyeee 🙂 salamat, nakita ko na yung libro at oo, karamihan nung libro nila e galing sa adarna din. meron ka bang blog? bulong mo naman ang link

    Komento ni sanjit — Nobyembre 5, 2008 @ 8:19 umaga | Sagutin

  9. Mamu! 10pm na po sa Pilipinas – kasi di ba bumalik na kami sa GMT? Kaya 8 hours na ulit ang pagitan ng UK at Pilipinas hanggang sa 28 March 2009. 🙂 Excited na ako sa ating chikahan sa Sabado.

    Komento ni joy — Nobyembre 5, 2008 @ 8:41 umaga | Sagutin

  10. “Basta ha, kita kits tayo ngayong Sabado, at 2 pm UK time, 3 pm Alemanya time, 10 pm Pinas time sa Future Radio UK”

    **masaya yan kaso baka di ako umabot! pauwi pa lang ako nun galing work plus traffic pa dito sa dubai. liliparin ko na pauwi para makakinig ako =)

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 5, 2008 @ 9:05 umaga | Sagutin

  11. nyahaha
    naku, ganyan na ganyan di si raft3r noong bata pa sya
    mahilig magpa-cute
    hehe
    puro pa-epek lang sa litrato pero no read, no write naman ako

    Komento ni raft3r — Nobyembre 5, 2008 @ 9:07 umaga | Sagutin

  12. Did you know?

    • The Great Wall of China, known to be one of the eight wonders of the world, is made of rice. Its foundation is composed of plain sticky rice and compressed dirt.

    However, this has been reconstructed and repaired for a number of times, but parts of it with the rice and compressed dirt can still be seen today.

    NOVEMEBER IS NATIONAL RICE AWARENESS MONTH!

    more of this trivia at http://www.yhen1027.wordpress.com

    Komento ni yhen — Nobyembre 5, 2008 @ 9:16 umaga | Sagutin

  13. yay! tri-lingual na sila kapag perfect na ang tagalog nila.Nagbabasa din ba sila ng a e i o u?

    Komento ni MC — Nobyembre 5, 2008 @ 9:46 umaga | Sagutin

  14. hello mami kengks. ;)naaalala ko ang dalawang ampong bubuwit ng tatay ko jan sa pic ng mga chikiting mo. 🙂

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 5, 2008 @ 10:00 umaga | Sagutin

  15. okay yan ate na matuto silang magtagalog… parang yung pinsan ko from australia… marunong umintindi ng tagalog kaso nde nakakasalita…lol… kaya kapag nandito sya eh hindi sya pwede maibenta… hahaha… at tama din mga little kengkays… secret language nyo yun 😀

    Komento ni lalaine — Nobyembre 5, 2008 @ 6:05 hapon | Sagutin

  16. Bilib na ako sa Mommy Kenkgs! Isa kang Dakilang Ina! Di mo nalilimutan na ituro ang wika natin sa iyong mga anak! Miss ko na tuloy sila kahit di kami nagkakaintidihan noong naghaharutan kaming tatlo hahahaha. Anyways, sa Sabado na ke Doc Joy ka na naman pala? Makapakinig nga! Sana di ko makalimutan huhuhuhu.

    Komento ni Ambo — Nobyembre 6, 2008 @ 2:12 hapon | Sagutin

  17. […] du muss mich nach kuto schauen’ (kutuhan mo ako) oo – kuto talaga ang tawag nila sa kuto, e pinay ang mga little kengkays ko ano, […]

    Pasa ni kuto « Kwentong Kengkay — Nobyembre 12, 2008 @ 7:33 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: