Kwentong Kengkay

Nobyembre 5, 2008

mumu at kendies

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 7:37 hapon

oke ba ang costume ng bunsoy ko nung halloween? kasi gusto daw nya e prinsesa sya kaya ayan, puting damit na mala prinsesang white lady, hehehe
at si panganay ko naman, ayan, ang babaeng gagamba. napansin nyo ang gagamba sa balikat nya?
ayan ang mga nakurakot nya.

at eto naman ang nakurakot ni bunsoy. konti lang daw nakuha nya kasi ilang bahay pa lang e nagpapakarga na kay kengkoy at pagod na daw. kasi naman ang bigat agad nung bagahe nya e. so sya na lang ang namigay sa mga nag trick or treats sa bahay namin.

sempre pa, hati hati kaming tatlo sa kendies na yan. mas panalo si kengkay dahil mas marami na akong nakain, hahaha

at kung gusto nyong makita kung ano hitsura ng puti at itim sa dilim nung gabing iyon — eto pechurs.

Advertisements

23 mga puna »

  1. ang cu-cute naman ng mga little kengkays!

    Komento ni antuken — Nobyembre 5, 2008 @ 11:00 hapon | Sagutin

  2. wow!

    super cute naman ng mga little kengkays!

    naku!..pahingi naman ako ng mga candies…i love it!

    Komento ni mayyang — Nobyembre 6, 2008 @ 3:02 umaga | Sagutin

  3. akalain mong mas madami ka pang nakaing keindis haha.
    nakakatuwa ang mga batang ire. ang cute cute!
    (teka, ang mga ipin alagaan)
    =)

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 6, 2008 @ 4:49 umaga | Sagutin

  4. napatanong ako kengay… kailan ba ako huling kumain ng kendi? nyahahaha
    makabili nga mamaya..

    btw, wala ka pa bang little kengkoy?

    sami kendies… penge πŸ˜€

    Komento ni otep — Nobyembre 6, 2008 @ 5:50 umaga | Sagutin

  5. pwera biro, mareng kengks, natakot ako nang mag-load yung unang piktyur sa itaas πŸ™‚ ang galing ng muk-aps! epektib. hehehe… (sana walang melamine sa mga kending naharbat ng dalawang mini-you mo)

    Komento ni taroogs — Nobyembre 6, 2008 @ 8:25 umaga | Sagutin

  6. Sana dumaan sila dito! We bought an entire tub of candies. πŸ™‚ And no one came πŸ˜€

    Komento ni joy — Nobyembre 6, 2008 @ 8:54 umaga | Sagutin

  7. adorable li’l cuties! haayyy kelan kaya ako magkakaanak :/….

    Komento ni timi — Nobyembre 6, 2008 @ 10:20 umaga | Sagutin

  8. Sana nakadaan kayo sa house bibigyan ko sila ng mga Goya, Sergs tsaka Chocnuts! Hahahaha. Say Hi sa kanila Momski ha. Muah!

    Komento ni Ambo — Nobyembre 6, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  9. Ang kulet nung GaGamba.

    Komento ni K — Nobyembre 6, 2008 @ 3:24 hapon | Sagutin

  10. pahingi…bawal kasi dito sa bahay πŸ™‚

    Komento ni nina — Nobyembre 6, 2008 @ 4:22 hapon | Sagutin

  11. ang gaganda ng mga litol kengks.

    madaming papaiyakin na boys yan paglaki nila.

    Komento ni taps — Nobyembre 6, 2008 @ 8:11 hapon | Sagutin

  12. ang galing namang costume and make-up designer ni mommy kengs. πŸ™‚

    prettiest mumu i’ve ever seen πŸ™‚

    Komento ni eloizagerl — Nobyembre 7, 2008 @ 1:06 umaga | Sagutin

  13. wow naman ang so kawaii ang iyong mga little kengkays kahit nakakatakot na ang kanilang mga outfits! naku okay lang kahit mas nakarami ka sa kanila, dahil baka mas malala pa ako sa iyo. hehe. mabuhay ang box office performance ng iyong mga anak!

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 7, 2008 @ 2:16 umaga | Sagutin

  14. wow ang cucute. uwi kayo dito sa pilipinas pwedeng artista ang mga little kengkays. isali natin sa going bulilit. hahaha. =D

    Komento ni R.J. — Nobyembre 7, 2008 @ 4:05 umaga | Sagutin

  15. mami kengkay penge naman isa pero bakit puro babae ang anak mo? mag iba kayo posisyon para maging lalake yung susunod na baby nyo… hehehe!

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 7, 2008 @ 4:13 umaga | Sagutin

  16. pahinging kendies gusto ko maraming marami…wahaha

    hay, namimiss ko ang ganyan.kung gagawin ko yan sa ngayon baka combat shoes ang ibato sakin….wahaha

    Komento ni kamotenista — Nobyembre 7, 2008 @ 6:53 umaga | Sagutin

  17. Hello Kengkay!

    Ok a, mukhang nag-enjoy talaga sila. Ayos na ayos ang costumes a. πŸ™‚ Kakaaliw!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 7, 2008 @ 10:58 umaga | Sagutin

  18. inggit ako sa hair ni bunso…ang ganda!

    Komento ni Helena — Nobyembre 7, 2008 @ 5:52 hapon | Sagutin

  19. hihirit din sana ako ng “angku-cute ng little kengkays!” kaya lang, parang 40 na yata ang nagsabi nun sa post na ito.ΓΌ

    di pa masyadong uso dito ang trick or treat so for the moment eh safe pa ang candy stash ko sa pantry. hehehe…

    God bless you! and the lil kengkays too!

    Komento ni brotherutoy — Nobyembre 8, 2008 @ 2:27 hapon | Sagutin

  20. ang gaganda talaga ng mga little kengkays, hala ate kengz, humayo ka at magpakarami pa..

    Komento ni lhay — Nobyembre 9, 2008 @ 4:52 hapon | Sagutin

  21. ang cute ng babies mo. i agree with lhay, you should have more heheh

    Komento ni cheesyskepticism — Nobyembre 9, 2008 @ 11:08 hapon | Sagutin

  22. kung ganyan kacute ang mga magttrick or treat naku, ang dami ng nahakot niyan dito kahit hindi kami namimigay talaga ng kendi. hehehe!

    Komento ni Carol — Nobyembre 10, 2008 @ 2:48 umaga | Sagutin

  23. ang cucute ng mga little kengkays! andami nila nahakot ah. astig!

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 10, 2008 @ 5:07 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: