Kwentong Kengkay

Nobyembre 8, 2008

kilala nyo si hannah und hannah?

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 2:59 hapon

ako hindi ko sya kilala. pero kilala sya ng mga little kengkays.

in fact, idol daw nila si hannah und hannah dahil nakakatuwa at nakakatawa daw sya. sabi ko, sino si hannah und hannah?

napapanood nila si hannah und hannah sa telebisyon. imagine, madalang na makapanood ng tv ang mga little kengkays. pero nakilala pa talaga nila si hannah und hannah.

isa syang teen ager na kumakanta, sigurado ko kilala nyo sya. kasi, sikat pala sya.

kaya pala nung asa pinas kami nitong nakaraang marso nung asa eagle’s point kami sa batangas e sama talaga sila dun sa mga nakilala nilang mga bata dahil manonood daw sila ng high school musical sa cottage. sabi ko naman, ano yun? pero dahil ayokong maging engot sa paningin nung mga bata at nung nanay nung mga bata e kunyari okay lang sa akin — dahil kilala kong matino naman yung pamilya at yung mga bata, alam kong okay lang manood dun. nagulat pa nga ako dahil ako lang pala ang huli sa balita.

so alam niyo na kung sino si hannah und hannah? edi sino pa, kundi si hannah montana. hirap ng medyo buyoy e, baluktot ang dila. kung medyo praning si kengkay e na-enrol ko na agad ang bunsoy ko sa speech class dahil buyoy sya sa pagsabi ng hannah und hannah, alam nyo naman dito sa alemanya, konting diprensya lang e dapat i pa doktor agad.

ako dapat ang ipa check up dahil hindi ko kilala si hannah montana at ang high school musical, waaaa ;D halata bang mas tutok ako sa blogging kesa sa tv? hehe

p.s. pang prinsipe abante at ana liza lang kasi ako dati e – oops minsan pala flor de luna din! yung mga hindi maka relate, obvious bang ibang generation na si kengkay ;D

salamat kay soy at kay itots na nakichika sa Usapang Pinoy kanina šŸ˜€

Advertisements

22 mga puna »

  1. Ah oo si Hannah Montana sikat na sikat nga daw ‘yan sa mga kabataang babae ngayon. Nasa Disney Channel ba ‘yan? Anak ata siya ni Billy Ray Cyrus.

    kengkay: ganun ba? sino naman si billy ray cyrus, oops, napaghahalata talaga si kengkay

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 8, 2008 @ 3:08 hapon | Sagutin

  2. kilala ko cya.
    pero hnde dahil sa nanunuod ako.
    kilalal ko cya kc lagi kong naririnig name nya.
    pero di ko alam hitsura nya. hahaha

    kengkay: pang ibang age group na kasi sya e

    Komento ni vanny — Nobyembre 8, 2008 @ 3:12 hapon | Sagutin

  3. haha. napaisip ako kung sino si hannah und hannah. Hannah montana pla. LOL. ganun talaga yata pag bata pa, pero ako din naman buyoy din– hanggang ngaun. hehe. kilala ko si hannah pero di kami close. isang episode lang ng palabas nya napanood ko. after nun umayaw na ako, pang bata nga lang naman kasi talaga. haha.

    kengkay: bakit ako medyo nag enjoy, hahaha. pang batang isip din šŸ˜€

    Komento ni Lei — Nobyembre 8, 2008 @ 4:40 hapon | Sagutin

  4. Patok nga ang High School Musica dito, pero syempre, hindi na ako maka-relate šŸ˜€ Cute talaga ng mga little kengkays mo šŸ™‚

    kengkay: naku, ang kulit ni bunso kanina, tumigil lang mangulit dahil may binigay na surprise si kengkoy — sayang hindi sya naka-kanta sa show mo, hehe

    Komento ni joy — Nobyembre 8, 2008 @ 4:47 hapon | Sagutin

  5. ok lang yan ate kasi ako hindi ko rin siya kilala e. pero nakanood ako nung Highschool musical 3 netong nakaraang linggo. kilala ko lang si Zac Efron ba yun. hahaha

    kengkay: hindi ako makapag iwan ng komento sa blog mo, bakit kaya?

    Komento ni Layla — Nobyembre 8, 2008 @ 4:58 hapon | Sagutin

  6. sikat talaga yun ms.kengkay dahil sa Disney channel kasi pati din yung HSM.. Updated naman ang mga bebis mo katuwa =)

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 8, 2008 @ 6:12 hapon | Sagutin

  7. hay naku, naloloko din kay hannah montana pamangkin ko. Nung umuwi kami, ang daming pinabili na mga hannah montana sa gamit sa papa nya. Sikat na sikat yong HS Musical na yan. Nung asa France kami, nagulat na lang kami, nagkagulo sa Champs Elysee, walang nagawa ang mga sasakyan, grabe yong crowd hinahabol nila ang cast ng HS musical….

    Komento ni nina — Nobyembre 8, 2008 @ 7:49 hapon | Sagutin

  8. hahaha napaisip din ako kung sino ba si hanah und hanah!!! di kami close non eh pero kilala ko lang kasi kapitbahay sya ni aling inday na may tindahan sa ikalawang kanto,hihihi….

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 8, 2008 @ 8:27 hapon | Sagutin

  9. Hello Kengkay!

    Aba e, ala akong mga anak pero kilala ko si hannah und hannah. .) Si Billy Ray Cyrus, singer din, gumanap sa “DOC” na tv series. Di ko alam kung anong title sa english, german kasi pinapanood ko e. šŸ™‚ O di ba, parang walang ginagawa no. Multi-tasking e. Habang nasa harap ng computer, naka-on naman ang TV ko. Kaya kahit na minsan nga walang kawenta-kwenta, napapanood ko. Hahaha…

    Uy ha, napanood ko na rin ang High School Musical sa TV, 1 and 2 pa, pag pinalabas na sa TV yong 3, papanoorin ko rin siya. šŸ™‚ Hanggang TV lang nga lang. šŸ™‚

    Anyway, have a nice weekend!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 8, 2008 @ 8:54 hapon | Sagutin

  10. Ay mali, sa french channel ko pala pinapanood yong DOC in english pero yon nga lang yong title parang di yon ang original sa english. Pero napanood ko na rin paminsanminsan in german. šŸ™‚

    Komento ni Sofie — Nobyembre 8, 2008 @ 8:57 hapon | Sagutin

  11. nung nagtatrabaho pa ako sa build-a-bear, meron din silang mga special hannah montana items kasi sikat na sikat nga daw sa mga bata. šŸ™‚

    Komento ni pao — Nobyembre 9, 2008 @ 12:15 umaga | Sagutin

  12. Si Billy Ray Cyrus ata ‘yung kumanta ng “Don’t tell my heart… my achy breaky heart…” *LOLz*

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 9, 2008 @ 12:39 umaga | Sagutin

  13. Ako lang ata ang walang gusto sa Nana Mutana at High Sch Musical na yan although I enjoyed my HS years, wala, yuko talaga sa kanila kasi para silang mga spoiled brats na kids na kung anong gusto nila sa parents nila, masusunod.

    I am sorry it makes me itch everytime I see that Hannah girl, hahaha.

    But of course, it’s for the little kenkays, katuwa naman sila.

    Komento ni K — Nobyembre 9, 2008 @ 6:29 umaga | Sagutin

  14. hahaha.
    hanna und hannah.
    aus ah.
    galing.

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 9, 2008 @ 11:52 umaga | Sagutin

  15. nakow di ko rin kilala si hannah!!! waa pero nakapanood naman ako ng high school musical movie hehehe

    Komento ni pusa — Nobyembre 9, 2008 @ 2:46 hapon | Sagutin

  16. Hahahaha tanda na talaga ako di ko talaga sila kilala hahaha.

    Komento ni Ambo — Nobyembre 9, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin

  17. hahaha, kahit ako pinapanood ko si hannah montana, umm makamasa ang palabas nya tska halos lahat ng umiidolo sa kanya mga kabataan ngayun, malakas ang hatak nya kasi sa mga bata…
    Highskul musikal gusto ko din kasi crush ko yung bidang lalaki dun si Zac Efron , sya din ung bida sa pelikulang Hairspray..

    Komento ni lhay — Nobyembre 9, 2008 @ 5:07 hapon | Sagutin

  18. Nyek di ko rin kilala si Hannah! Pero kilala ko si Ana Liza kaso maliit pa ko nun. Mukhang pareho tayo ng generation Mommy Kengks!

    Komento ni Helena — Nobyembre 9, 2008 @ 5:18 hapon | Sagutin

  19. ahm, te keng, nakakahiya mang aminin, pero naaaliw din ako ke miley cyrus. ka-cute na bata kasi. hehe.

    at jonas brothers. gwapo yung joe… hehe, kaliga nila yan, tanong mo sina little kengkays mo. šŸ™‚

    Komento ni Lenggai — Nobyembre 10, 2008 @ 3:31 umaga | Sagutin

  20. sabi ko na si hannah montana yan eh. miley cyrus. ganda nya!

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 10, 2008 @ 5:19 umaga | Sagutin

  21. matindi talaga yan si hannah montana
    kung san-san ko pa hinanap ang lunchbox nyan
    pucha nakakita ako ng lunchbox sa amish community pa
    pero sulit na din
    tuwang-tuwa pamingko ko sa pasalubong nya
    hehe

    Komento ni raft3r — Nobyembre 10, 2008 @ 12:55 hapon | Sagutin

  22. Hahaha! Oi, parehong generation pala tayo!
    Flordeluna kamo ang tinututukan ko non! At ngitngit pa kamo ang galit ko kay Donya Agueda! Hahaha

    Komento ni Iska — Nobyembre 11, 2008 @ 11:11 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: