Kwentong Kengkay

Nobyembre 9, 2008

pan-de-salan ni kengkay

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 7:06 hapon

img_0003

uy oo naman, merong pandesalan si kengkay dito sa alemanya. ayan ang sampolsa pechur. depende ang size nya sa mga kamay ng mga little kengkays kasi sila ang nagbibilog ng mga ito. kapag sinipag sila, maliit pero kapag tinamad sila halos kasing laki ng mamon, heheh.

halos araw araw e nag-be-bake ako ng pandesal. paboritong baon ito ng mga little kengkays – minsan may palamang nutella, o minsan naman e butter at salami. pero mas paborito ni bunsoy ko ang pandesal na may butter o margarina kasi madalas e may baon din syang kamatis sa kindergarten. si panganay ko naman paborito nya ang kesong puti sa pandesal. at si kengkoy? sempre naman, ang kay kengkoy naman ang palaman e may pipino at kung ano mang cold cuts na available.

kapag bagong bake ang pandesal? pati mga kalaro ng little kengkays dumadayo dito sa bahay namin, sinusundan ang amoy ng pandesal, hehe. kaya kahit na dalawang dosena ang nagawa kong pandesal e ubos agad! ang nangyari? ayun, bumigay ang aking bread machine nitong nakaraang araw. andaya ni kengkay ano, may bread machine na pampadali para sa paggawa ng pandesal.

sinubukan kong gamitin ang aking mga kamay, hay, walang gandang nangyari. ang tigas ng pandesal. so ngayon, sarado muna ang pandesalan ni kengkay. kainis! pero kanina may tumawag na isang pinay na naawa sa akin. papadalhan daw nya ako ng pandesal via post! o di bah, ang galing. nakatira sya sa alemanya pero dun sa malapit sa holland kaya mga 5 hours drive yun, pero dahil ang post dito e isang araw lang, pwede na rin. ibig sabihin e meron kaming pandesal sa martes! yuhoo! eto pala ang recipe ng pandesal.

teka nga pala, ako ang gusto ko sa pandesal e yung may mantikilya tapos isawsaw ko sya sa kape o sa kakao, yum! pero nung asa isang opis ako sa paranaque, masarap din yung pandesal na may sardinas na palaman πŸ˜€ kayo, anong gusto nyong palaman sa pandesal?

Advertisements

36 mga puna »

  1. I bake cakes and pastries but not breads, maselan kasi ang bread πŸ™‚

    Komento ni nina — Nobyembre 9, 2008 @ 7:31 hapon | Sagutin

  2. wow sarap..dito naman may bakery na pinoy ang may ari kaya nakakabili din kami ng pan de sal at kung ano ano pang pinoy tinapay!

    gusto ko sya ng may peanut butter o kaya eh cheddar cheese(eden)

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 9, 2008 @ 8:39 hapon | Sagutin

  3. Cheez Whiz! Pero dahil walang Cheez Whiz dito sa SG, Nutella na lang din.

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 9, 2008 @ 9:38 hapon | Sagutin

  4. wow ang cute naman your kids like it na sinusundan ng friends nila, even your hubby, iba talaga multinational household (:

    masarap yung pandesal sa bayanan (muntinlupa) na keso (cheddar) ang laman, pero butter masarap din, basta mainit init pa yung pandesal lahat ok!

    Komento ni cheesyskepticism — Nobyembre 9, 2008 @ 11:01 hapon | Sagutin

  5. teka nga pala, ako ang gusto ko sa pandesal e yung may mantikilya tapos isawsaw ko sya sa kape o sa kakao, yum! -SARAAAAAAPPPP!!!! πŸ™‚ parang last year pa ako huling nakatikim ng pandesal. haha.

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 9, 2008 @ 11:11 hapon | Sagutin

  6. liver spread, yung me tatak na reno, pebrit ko yun dati.

    Komento ni roni — Nobyembre 9, 2008 @ 11:59 hapon | Sagutin

  7. syempre yung sinasawsaw sa kape πŸ™‚

    miss ko na pandesal… ba’t ba alang pandesal ang mga thai?

    Komento ni eloizagerl — Nobyembre 10, 2008 @ 1:37 umaga | Sagutin

  8. lily’s peanut butter! hehehe! gusto ko rin ang pagsawsaw sa swissmiss. kakatapos ko lang kumain, actually. teka, nagutom ako ulit. hehe

    Komento ni Carol — Nobyembre 10, 2008 @ 2:55 umaga | Sagutin

  9. wow, pandesal i miss to eat pandesal!

    Komento ni kulot — Nobyembre 10, 2008 @ 3:59 umaga | Sagutin

  10. gusto kong palaman sa pandesal peanut butter tapos mainit na kape. .kakamiss.

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 10, 2008 @ 5:17 umaga | Sagutin

  11. ayos pandesal in germany, heheheh ako gusto ko ipalaman scrambled egg or tuna

    Komento ni pusa — Nobyembre 10, 2008 @ 5:28 umaga | Sagutin

  12. ay lab yu mommy k!!!!!!!!! salamat ! salamat! (magkano ba yang bread machine na yan at nang makapag-ipon?) pero kung iyong mamarapatin ay kokopyahin ko sa notebook ko itong recipe mo. ay lab yu over and over talaga!!!

    Komento ni utakmunggo — Nobyembre 10, 2008 @ 6:15 umaga | Sagutin

  13. Yuko ng pandesal…

    … na hindi mainit at walang peanut butter.

    Komento ni K — Nobyembre 10, 2008 @ 6:30 umaga | Sagutin

  14. Hmmm..Gusto ko sa pandesal ay yung may ka-partner na tsamporado, ilalagay ko yung mga pinaraso kong pandesal sa tsamporado tapos ilulubog ko ng konti para lalong maghalo yung dalawa atsaka ko kakainin dahan-dahan kasi medyo mainit.. tsalap,tsalap! πŸ™‚

    Komento ni sanjit — Nobyembre 10, 2008 @ 8:19 umaga | Sagutin

  15. pandesal at sardinas,cornedbeef at yung simple lang butter sa kape heheheh, yan ang xmas wish ko ang bread machine!!!

    Komento ni lilaybulilay — Nobyembre 10, 2008 @ 8:54 umaga | Sagutin

  16. pandesal sa amin walang lasa.
    ewan ko ba kung bakit?
    may lasa aun eh. alam ko.
    iyong pandesal mo mukhang masarap
    πŸ™‚

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 10, 2008 @ 10:54 umaga | Sagutin

  17. naku favorite ko rin yung pan-de-sal na may mantikilya with coffee. hay ginutom mo ako, mamaya, pupunta tuloy ako bakery. πŸ™‚

    Komento ni Snow — Nobyembre 10, 2008 @ 11:26 umaga | Sagutin

  18. hehe
    sana ma-timing ako sa mala-mamon sa laki ng pandesal
    masarap yan tapos daming mantikilya ang palaman
    ayos!!!

    Komento ni raft3r — Nobyembre 10, 2008 @ 12:52 hapon | Sagutin

  19. I was out in circulation for so many days and already there’s a lot of good and humorous posting in your blog.Congrats! I love reading it.How I wish I should become a rich woman too so that I can buy a lot of sex.HIHIHIHIHIH! Kidding-kidding only.

    Komento ni Kimuchi — Nobyembre 10, 2008 @ 4:09 hapon | Sagutin

  20. Hello Kengkay!

    Bat ang tingin ko parang may asukal ang mga pandesal. Meron nga ba? Pag kumakain ako ng pandesal, gusto ko yong pandesal lang, walang sawsawan, walang butter, basta walang palaman, mas type ko yon. Tapos yong mainit-init pa!

    Have a great week!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 10, 2008 @ 4:21 hapon | Sagutin

  21. Malalaki ang pandesal dito sa amin,may pandesalan si Valerio.Kapag naubusan ng hamburger buns ang Jolibe.Pandesal na lang ang substitute nila.May ad pa sila na hot pandesal kaso kahapon pa iyun.Isawsaw na lang sa kape para maging hot.

    Komento ni Cocoy's Delight — Nobyembre 10, 2008 @ 4:23 hapon | Sagutin

  22. uy mukang masarap.. yum.yum. πŸ™‚
    ung mama ko nagba-bake din ng pandesal..
    wala kasing mga pandesal kahit sa mga filipino store man lang..
    at tska wala paring tatalo sa lasa ng pandesal na bagong luto diba? hehehe.

    Komento ni lei — Nobyembre 10, 2008 @ 5:27 hapon | Sagutin

  23. wow! pinoy na pinoy talaga!
    (applause! applause!)
    nakaka inlove ang babaeng mahusay mag bake.
    mahilig kasi ako sa mga pastries. hayss….
    i like butter sa pandesal da best yun!
    (lalo ako nabilib sayo ms.kengkay! totoo!)

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 10, 2008 @ 7:16 hapon | Sagutin

  24. Pandesal at Itlog na Maaalat.
    Sarap!

    Komento ni QuestionMike — Nobyembre 11, 2008 @ 12:25 umaga | Sagutin

  25. waw, parang ang sarap naman niyan! lalo na pag bagong-gawa.

    Komento ni pao — Nobyembre 11, 2008 @ 1:37 umaga | Sagutin

  26. . . . peanut butter, coco & strawberry jam! pero yung gawa sa pinas ha!

    Komento ni rob — Nobyembre 11, 2008 @ 3:15 umaga | Sagutin

  27. mami kengks, isa kang talentadong nilalang…akalain mong marunong ka mag bake ng pandesal…

    padala ka naman dito!

    Komento ni lyzius — Nobyembre 11, 2008 @ 3:59 umaga | Sagutin

  28. Iba talaga ang pandesal na gawa ng mga pinoy, masarap na masustansiya pa, hehehe

    Komento ni Segundina — Nobyembre 11, 2008 @ 5:02 umaga | Sagutin

  29. wow! looks very yummy, kenkay!

    i like queso with my pandesal =) my butchokoy dito lang sa pinas nakakatikim nyan dahil di ako marunong magbake ng pandesal, hehe. i would definitely need a bread maker. he likes to dip his pandesal naman in his ovaltine drink πŸ˜‰

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 11, 2008 @ 6:02 umaga | Sagutin

  30. Masarap ang pandesal kapag may mainit na kape. At masarap magkape kapag may kinakapitan kang matitigas na braso ng isang lalaki, hehehe.

    Komento ni Colegiala girl — Nobyembre 11, 2008 @ 6:04 umaga | Sagutin

  31. nakakatuwa naman ang pandesal mo πŸ˜€
    e nutri-ban marunong ka mag bake?
    alam mo yun?

    hehehe…

    kengkay: hindi ako marunong ng nutri ban, pero paborito ko yan. nagiipon ako ng baon ko nung grade school para lang magpabili ng nutri ban sa kapitbahay namin πŸ˜€

    Komento ni Anne — Nobyembre 11, 2008 @ 2:54 hapon | Sagutin

  32. grabe ang diversity ng favorite na palaman ng pamilya mo. from butter to cold cuts, parang breakfast buffet ng hotel. hay kaloka, i can just imagine your grocery list.

    Komento ni attyarj — Nobyembre 11, 2008 @ 5:15 hapon | Sagutin

  33. pa-order nga po ng pandesal with reno liver spread or with bacon and egg, or with just plain butter para pangsawsaw sa kapeng mainit!

    Komento ni bem — Nobyembre 20, 2008 @ 5:02 umaga | Sagutin

  34. […] kayo dyan? merong libreng pandesal home delivery dito sa alemanya, […]

    Pasa ni pandesal home delivery « Kwentong Kengkay — Nobyembre 20, 2008 @ 5:23 hapon | Sagutin

  35. […] sa: Kwentong Kengkay, Kwentong Kengkoy — kengkay @ 6:27 pm kapag pasko, talsik ang pandesalan ni kengkay sa aming […]

    Pasa ni kengkoy’s bakery « Kwentong Kengkay — Disyembre 22, 2008 @ 6:27 hapon | Sagutin

  36. […] kinukwento ko ang pinas. natikman na nila ang halos lahat ng pagkaing pinoy, paborito nila ang pandesal at si jollibee. marami silang alam na tagalog na salita sa umaga pa lang e nagaalis na sila ng […]

    Pasa ni anong maitutulong natin sa bansa? « Kwentong Kengkay — Hunyo 11, 2009 @ 7:34 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: