Kwentong Kengkay

Nobyembre 11, 2008

walang silbing gold card

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:18 umaga

mga kapatid, nakatanggap akong gold credit card! yipeeee — ni ride ako ni kengkoy sa card nya kahit na wala akong alam, kunyari πŸ˜€

natatawa ako kasi hindi naman kami madalas gumamit ng card, actually halos hindi ko na nga sya ginamit nitong mga taon na ito pero ayun, biglang pinalitan yung normal card namin at nilagyan ng kulay, ginto na sya, weee

sempre, libre din sya. walang member-member, walang application fee, walang gastos. sa credit card company. sa amin gastos ang ibig sabihin, haha.

eh bakit naman daw kami nagkaron ng karapatan na magkaron ng gold e mantalang halos hindi na nga naika-kaskas yung aming mga cards? sempre, dahil sa hirap ng buhay ngayon, wala na silang cliente, ayun, yung mga nag-papauto na lang na katulad namin ang nauuto nila.

bakit naman daw pumayag ang aking si kengkoy na gawing gold? kasi daw, kapag apat na taon daw namin syang gamit, meron daw kaming regalo na libreng ticket pauwi ng pinas — wohooo, galing di ba? teka muna, ilang ticket kaya ang libre? dapat pala munang i klaro yan, hmmm…

atsaka na uto si kengkoy kasi dami daw insurance benefits, which is, totoo naman. ibig sabihin, bawat kaskas ng card e may malaking chance na may insurance yung mga bagay na nabili namin. kapag travel ekek, libre na agad yung travel insurance, yung luggage insurance at kung ano pang insurance. dati kasi extra pa naming binibil yung mga yun. ngayon kapag card ang gamit namin, wala na.

eto lang ang malaking tanong: saan naman daw namin pwedeng gamitin ang card dito? alam nyo bang sa kabuoan ng alemanya o sabihin na nating sa oyropa — e mabibilang lang ang pwede mong gamitan ng credit cards? sinabing industrial countries sila ha pero sa totoo lang, cash ang kailangan ng mga tindahan, restaurant at kung ano pang may binebenta dito. sa mga maliliit na souvenir shops at mga ice cream shops, sempre cash din!

dito sa aming baryo? cash lang, pwede rin naman yung cash na direct sa ATM cards mo pero kahit na, cash pa rin yon. as in pera ang dala mo at hindi credit cards. dun sa mga restaurants na kinakainan namin? kahit pa sabihing yung iba e nakakatanggap ng international guests? pwes, cash lang din. at ang mga gas station? waaaa, cash din ang karamihan o kaya naman walang halos cards accepted.

at kapag nagbakasyon kami sa ibang parte ng oyropa? sempre, halos walang tumatanggap ng cards. karamihan sa mga sulok sulok na tindahan at restos e cash ang hinihingi. at kapag nagrent kami ng apartment na pang bakasyon, sempre, cash din yun. e kahit nga sa pinas yung ibang establisimiento tulad ng nagtataho, nagsasago, dirty ice cream, kwek kwek, atbp e wala ring cards e, de bah naman?

so kelan kaya namin pwedeng gamitin ang aming credit card? edi ibig sabihin, paulit ulit namin syang kaskasin dun sa mga tindahan na pwede syang gamitin — at mabibilang lang sya sa aking mga daliri. kaya sigurado ko, itong aming gold card? maglalaho ang kulay gold nya makalipas ang isang taon πŸ˜€

kayo, nahirapan na rin ba kayong maghanap ng no cash places, credit card accepted sa inyong mga paglalakwatsa?

Advertisements

20 mga puna »

  1. hindi ko pa nararanasan yun mami kengks. kasi wala naman akong credit card. ayoko magkaron nun kasi gastosera talaga ako.

    kengkay: tama ka dyan, mas maganda talaga kapag cash at least mako-control mo ang gastos mo

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 11, 2008 @ 9:30 umaga | Sagutin

  2. congrats pala sa gold card. πŸ™‚

    kengkay: walang ngang silbi pero tenks!

    Komento ni dyoshi — Nobyembre 11, 2008 @ 9:31 umaga | Sagutin

  3. Hello Kengkay!

    Tutuo yan, malaking bagay talaga yan. Kahit kami di na kumukuha ng separate travel insurance. Malaki na ring pakinabang namin sa card na yan, pati visa. Pero teka lang ha, pagkagamit ng card, bayad rin agad. Yan namana ng style namin. We treat the card as cash. Pag hindi ganoon ang trato mo sa card, talo ka rin sa interest.

    Have a great week!

    kengkay: right,kapag may utang, dapat bayad agad para hindi tambak ang utang kasi mas malaki utang kapag may percent na dagdag e, lubog agad, hayy

    Komento ni Sofie — Nobyembre 11, 2008 @ 10:00 umaga | Sagutin

  4. ms.kengkay pede namang pamporma yan. kulay gold? sikat yan..hehe..may 3 akong ganyan. isa lang ang gamit ko. mayayari ako pag tinira ko lahat baka hindi ko makontrol mabaon ako at ikulong dito sa UAE kasi dito hindi ka makakalabas ng bansa nila lalo na ngayong naguumpisa na ang national I.D. saka dito kahit sa stalls at maliliit na tindahan tumatanggap basta kamo bibili ka ke cash o hindi nilalaplap ng mga tindahan =)

    kengkay: kakatakot nga magkaron ng cards ano, lalo kapag walang control. sino popormahan ko dito e lahat halos ng kasabay ko mamili e mga lolo at lola, hahaha

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 11, 2008 @ 11:57 umaga | Sagutin

  5. wala akong credit card pero lahat ata ng credit card ng mommy ko alam ko ang password,sssshhh
    may mga shop pa rin dito na cash lang ang pwede.

    kengkay: naku, ang sweet naman ni mommy mo πŸ˜€

    Komento ni MC — Nobyembre 11, 2008 @ 12:32 hapon | Sagutin

  6. Walang mga insurance ekek ang card ko pero may airmiles πŸ™‚ Dito naman kahit wala akong cash sa wallet makakasurvive ako buong linggo basta puno ng gas ang kotse ko. Lahat ng groceries dito pati yong mga maliit sa tindahan sa kanto tumatanggap ng card.

    Alam mo ba pansin ko yan nung nasa Italy kami, halos sa souvenir shops lang ng museum ako nakagamit ng card saka sa train. Lahat cash na lalo kapag b&b at apt.

    kengkay: ang sarap naman dyan. tama ka dyan, kahit na mga tourist areas dito sa oyropa e madalang lang ang tumanggap ng cards talaga. weird ano? kasi bawas tax, hahaha

    Komento ni nina — Nobyembre 11, 2008 @ 1:02 hapon | Sagutin

  7. huh? cash? dinaig pa ng barrio namin ang europa sa pagkaskas ng credit card?

    nag karoon ng credit card rush dito sa amin kasi may mall at sm na dito sa amin kaya lahat halos ng social climber nag apply ng credit card na sya namang tinake advantage ng mga credit card companies. maniwala ka mommy kengs, kahit ultimo cotton buds lang ang bibilhin naka credit card pa ang mga tao dito. parang ngayon lang nakakita ng credit card haha. ako na lang ata di gumagamit ng card dito sa amin

    kengkay: naku bluepj, wak ka na gumamit ng card, hindi sya magandang experience. OA naman yung mga ganun na limang piso lang e credit card agad, haha

    Komento ni bluepanjeet — Nobyembre 11, 2008 @ 2:12 hapon | Sagutin

  8. hehehe, ang alam ko, kinakaskas lang ang mga yan pag me nakakakita, or kasama mga kasosyalan, hahaha! oy, ang sosi-sosi mo na talaga!

    kengkay: iba na ang kasosyalan ni kengkay di ba? hindi magamit ang aking kasosyalan, hahaha

    Komento ni partofyou — Nobyembre 11, 2008 @ 3:28 hapon | Sagutin

  9. I hate plastic. I hate it when end of the day, you realized the things that you buy using a credit card can only mean, paying it later in full plus extra finance charge. I love it when suddenly, you are out of cash, you can bribe yourself by feeling good because you just bought the things you didn’t want, hahaha.

    If you use kasi plastic for purchase, nakaka adik, you are only given bonus points from discount vouchers. Kapag ginamit mo sya for travel, may travel points ka pa to get a free airline fare.

    I’d go for CASH than go for broke.

    kengkay: parang yung ticket sa pinas yata ang talagang bumenta kay kengkoy e. usually kasi wala talaga kaming karapatang magka gold card, hahaha

    Komento ni K — Nobyembre 11, 2008 @ 4:12 hapon | Sagutin

  10. libreng ticket pauwing pinas? waw, watta deal.

    kengkay: tumpak ka dyan, kaya bumigay agad si kengkoy

    Komento ni pao — Nobyembre 11, 2008 @ 4:35 hapon | Sagutin

  11. dito sa Pinas, lalo na sa Manila, ok ang card kasi you can use it kahit saan, kahit sa mga tiannge at bazaar. Tsaka uso na din ang 0% interest at pay lite. You don’t have to pay your purchases agad, pwede hulugan, 3, 6, 9 or 12 months. Imagine, kahit pabango sa department store pwede mong hulugan in 3 months. Ang saya saya! Umuwi ka na lang, dito mo gamitin gold card mo, tulungan kita, hehehe =)

    kengkay: kahit tiannge may card? huwaw, antayin mo ako at mag eempake lang ako, hahaha

    Komento ni attyarj — Nobyembre 11, 2008 @ 4:56 hapon | Sagutin

  12. at least ginto ang kulay, pamporma sa wallet.ΓΌ dito sa may bandang kanlurang ibaba ng barrio nyo, mahilig sa kaskasan ng card ang sangkatauhan. kaya kung mamamasyal ka, may gamit dito yan.ΓΌ

    kengkay: sabi ko nga, ang popormahan ko lang dito mga lolo at lola, yee. baka banned ako dyan at matakot si kengkoy sa ma over ang kaskas, haha.

    Komento ni brotherutoy — Nobyembre 11, 2008 @ 6:57 hapon | Sagutin

  13. ay ganun pala dyan?? dito parang galit pa ata kapag cash ang bayad mo eh. (kasi may kita/porsyento din ang tindahan kapag credit card ung ginamit. ngie!) anyway, ung mama ko nililimitahan lang sa 2 credit card ang gamit.. mahirap daw kasi ung tanggap ng tanggap ng kung ano-anong credit card offers.. madali kang mamatay nun sa hirap ng pagbabayad. hehe. dapat daw kinikilatis ung annual fee at kung ano ano pa mang fee.. ung iba kasi dito pito o syam-syam ata credit card, ayun! wala ng natitira sa sahod.. tsk.tsk.

    anyway.. mganda yang gold.. try nio isangla minsan. lol. just kiddin. πŸ™‚

    kengkay: hahaha, kaya kinuha din namin sya kasi walang annual fees at kung ano ano pang fee ekek. baka nga pwedeng isangla, hmm πŸ˜€

    Komento ni Lei — Nobyembre 12, 2008 @ 12:59 umaga | Sagutin

  14. ehehehehe! isa lang ang credit card ko at di ko na balak dagdagan pa. iba din ang mindset ko dyan kasi siguro may control na rin ako ngayon. kaskas ako parati kasi may mga papel na ebidensya ng mga pinamili ko… namomonitor ko sya. heheheh! kapag wala ng pera, hwag magkaskas.. hehehehe!

    kengkay: mabuti naman at bukas na ang iyong isip sa mga ganyan, yung iba lubog na sa utang e kaskas pa rin

    Komento ni ifoundme — Nobyembre 12, 2008 @ 1:26 umaga | Sagutin

  15. sa toto lang wala naamn talagang kwenta tong gold card e kakaasar lang

    kengkay: pwede daw pang porma πŸ˜€

    Komento ni SEO Busby Test — Nobyembre 12, 2008 @ 4:32 umaga | Sagutin

  16. naku mami kengks, kakareceive ko lang ng 3 card kagabi…pang anim na yun… ganun naman dito, bawat isang bangko, 3 card ang issue sayo, iba iba ang perks at chuvaness…

    sa unang 3 card na natanggap ko, isa lang ang ginamit ko nung pag uwi ng pinas…at wala na akong balak gamitin yung natitirang lima…sa ngayon…bwahahahahaha…

    kaso wala akong gold…silver at black lang…ahihihih

    kengkay: ang dami mong cards, share ka naman, hehehe

    Komento ni lyzius — Nobyembre 12, 2008 @ 5:10 umaga | Sagutin

  17. ay dko pa ntry yn kc ala naman akong credit card. πŸ˜‰
    kengkay: you are safe, keep away from them πŸ˜€

    Komento ni yhen — Nobyembre 12, 2008 @ 5:22 umaga | Sagutin

  18. ayoko na mag-card ate kengks. nung binayaran ni fafi ang mga pagkakautang ko sa aking dati na card, hindi ko na naisip na kumuha uli. para siyang… ewan ko ba, parang kalbaryo.

    Komento ni pao — Nobyembre 12, 2008 @ 6:35 umaga | Sagutin

  19. naku kengkay ok lang na mahirapan kang maghanap ng pagsa-swipe-an niyan kasi hirap kapag may card. lalo na sa bayaran. buti na lang ang lola snow mo, may disiplina sa paggamit ng card…^_^

    Komento ni Snow — Nobyembre 12, 2008 @ 6:44 umaga | Sagutin

  20. […] Isinalansan sa: Kwentong Kengkay — kengkay @ 9:13 pm nabanggit ko na sa inyo na ako e hindi halos nagdadala ng pera kapag naglilibot ako dito sa aming baryo di ba? pero sempre dapat may dalang pera kapag mag-grocery […]

    Pasa ni pakilista po « Kwentong Kengkay — Disyembre 16, 2008 @ 9:13 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: