Kwentong Kengkay

Nobyembre 12, 2008

kuto

Filed under: Dito sa Amin,Oyropa Ko — kengkay @ 7:33 umaga

ayos, kutohan time na naman. nangangati ako habang ginagawa itong post, sa totoo lang!

may lumilipana na namang dilaw na papeles na ang ibig sabihin ay mayron na namang nagsabog ng kuto sa kindergarten. sempre bawal sabihin kung sino ang nagkalat ng kuto. pero lahat ng bata e dapat siyasatin kung may kuto.

kung wala, pirmahan ang papeles na walang kuto at ibalik sa kindergarten. kapag merong kuto e dalhin muna sa doktor para mabigyan ng tips kung papano magkutohan. at kapag nawala na ang kuto e atsaka pirmahan ang papeles at dapat may pirma din ng doktor. at sempre, bawal pumasok sa kindergarten! aba e sino naman kayang nanay ang itatago ang anak nya kapag may kuto ito? sempre pasok pa rin kahit na sabay kamot pero bawal dapat yun.

o nung nalaman kong may kuto sa kindergarten, nagkutuhan kaming magiina. si bunsoy ko alam na nya ang drill — walang suotan muna ng costume sa kindergarten, walang laro laro ng beauty shop, walang suklayan at dapat parating naka tali ang buhok nya. ayaw nyang magkakuto kasi ang hirap nyang kutuhan!

so kapag may kuto na ang kindidergarten, asahan na natin susunod na ang eskwelahan. kasi may mga kapatid sempre yung mga asa kindergarten di ba? hawa hawaan. so pagkatapos ng isang linggo, may dumating rin na dilaw na papel sa bahay. kutuhan time na naman. si panganay ko takot yan sa kuto kasi sabi ko kapag hindi talaga maalis yung kuto e putol ang buhok nila. e ayaw nya yon so pagkauwi pa lang nya sa bahay e sigaw agad sya ‘ mama, du muss nach kuto schauen’ (kutuhan mo ako) oo – kuto talaga ang tawag nila sa kuto, e pinay ang mga little kengkays ko ano, hehehe

ang mga ibang nanay, asar na asar talaga. galit na galit. dapat daw ayusin ng gobyerno ang mga patakaran sa kuto. ano gagawin nila, palinyahin at pagbabarilin ang mga kuto, hahaha.

yung iba nagpapanik. sempre labhan daw yung mga gamit para mamatay yung lisa, mag spray ng kung ano ano. mag shampoo ng kung ano ano. tinapon yung mga suklay o kaya naman nilubog sa mainit na tubig. pati yung mga stuff toys, dapat daw labhan.

yung iba naman ayun, ayaw na papasukin mga anak nila. OA masyado ano? kung alam lang nila na si kengkay e may kuto din dati, am sure wala ng lalapit sa akin 🙂

kung alam lang nila na ang laban lang sa kuto at lisa ay… dyaraaannn — tirisin!

naalala ko lang.. nung umuwi kami sa pinas, sempre nahawaan din ng kuto ang mga little kengkays. sa dami ba naman ng kalaro nila at dahil andaming natutuwa sa mga mahahaba nilang buhok na bawat bisita kahit saang bahay e sinusuklayan sila — nagkamot ang panganay ko. sabi ko bakit ka kamot ng kamot? nung binuksan ko yung buhok nya? ahahaay, ang daming kuto.

natatawa ako kasi asa swimming pool area kami ng astoria plaza at dun ko sya mismo kinutuhan, ahahaha — shock na shock si kengkoy. pinagtabuyan ba naman kami, ehehe! actually tama naman sya — kaya lang medyo na excite ako kasi ang tagal ko ng hindi ginagawa yon e, ang magkutuhan. kung dito ko gawin sa alemanya yan, am sure asa bilibid na kami magkukutuhan ng mga little kengkays.

Eto pang kwentong kutohan at eto pang ibang mas matrabahong kutuhan tips .

Advertisements

28 mga puna »

  1. hahaha, natawa ako dun sa “dapat daw ayusin ng gobyerno ang mga patakaran sa kuto. ano gagawin nila, palinyahin at pagbabarilin ang mga kuto, hahaha.” natawa ako ng malakas dito sa workstation ko sa opisina. para akong eng-eng. pagbabarilin na nga ang mga kuto na yan!

    Komento ni pao — Nobyembre 12, 2008 @ 7:50 umaga | Sagutin

  2. Nakakatuwa naman itong post mo tungkol sa kuto! Dito sa Filipinas katapat lang ng kuto at lisa ay suyod tapos pagugulungan ng bote..pisak sila! at kung ayaw mong mag-pakuto..kalbohin ka na lang 🙂

    Komento ni sanjit — Nobyembre 12, 2008 @ 8:06 umaga | Sagutin

  3. Hindi ba nila alam sa pinas normal lang ang kuto. Kung hindi ka nagkakuto nung bata ka – batang hindi normal 🙂

    Komento ni nina — Nobyembre 12, 2008 @ 8:10 umaga | Sagutin

  4. ay mali – Kung hindi ka nagkakuto nung bata ka – parang hindi normal ang childhood mo.

    Komento ni nina — Nobyembre 12, 2008 @ 8:10 umaga | Sagutin

  5. Nyahaha! Napakamot ako habang binabasa ang entry mo…ewan ko ba pag name-mention ang salitang kuto eh napapakamot ako…Wala naman akong kuto.

    Heneweiz dapat eh magnegosyo ng pagbebenta ng suyod sa mga panahong ganyan…O di ba pagkakitaan pa!

    Komento ni timi — Nobyembre 12, 2008 @ 8:30 umaga | Sagutin

  6. hahaha! leche ang na-alala ko si Maru, meron syang pinost one time, yong mga readers nya nag-hahanap nang cure for kuto sa kwan at dun napadpad sa blog nya! hahahaha

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 12, 2008 @ 8:35 umaga | Sagutin

  7. Naala-ala ko pa,iyung mga tao doon sa amin.Hili-hilira sila sa hagdan at nagkukutuhan.Si neneng sa isang baitang,si ate sa ikalawa,si tiyahin sa pangatlo,ang nanay sa ika-apat at si lola nila ang nasa tore.Hehehe!

    Komento ni Cocoy's Delight — Nobyembre 12, 2008 @ 9:36 umaga | Sagutin

  8. naku bawal pumasok sa school kapag may kuto ang bata,kelangan maalis muna lahat bago pumasok ulit.Ganyan ang rules nila dito..
    Ako naman minsan lang ako nagka-kuto,mararamdaman ko pag meron kasi makati at parang may gumagapang sa ulo ko.

    Komento ni MC — Nobyembre 12, 2008 @ 9:50 umaga | Sagutin

  9. Hello Kengkay!

    Andyan na naman ang kuto? Buset na kuto yan a. Napapraning tuloy mga schools niyo dyan. Ayayay… Aba ako rin, napapakamot din ako ng ulo, kaya lang hindi na kuto, puting buhok na. 😆

    Komento ni Sofie — Nobyembre 12, 2008 @ 10:50 umaga | Sagutin

  10. waah.
    kuto.
    kuto ay pinra sa ulo.

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 12, 2008 @ 11:58 umaga | Sagutin

  11. hehehe, nangati din anit ko ah!

    Komento ni partofyou — Nobyembre 12, 2008 @ 12:06 hapon | Sagutin

  12. ako nun grade 3 ata nagka kuto kami ni ate… hindi ko matandaan kung saan namin nakuha. batang kalye kasi kami kapag nakakatakas sa mga bantay. sinuyod kami, pero kamot pa rin. pinagamit ng medicated shampoo pero kinakati pa rin kami. so ang hatol ni mama ko… putulin ang mahabang buhok!!! as in sobrang ikli ha, na kasing ikli ng buhok ni demi moore sa ghost. ayun… tawag sa min ng buong bayan — wow! pogi! parang aso no? bwiset na kuto yan!

    Komento ni annevdns — Nobyembre 12, 2008 @ 12:29 hapon | Sagutin

  13. haayy kuto. nakakahiya pero minsan sila’y naging bahagi rin ng buhay ko at naging highlight ng buhay ng lola ko. si lola kasi adik sa pag-tanggal ng kuto, ng mga teenager na kuto (kuyumar ata tawag dun) at ng mga baby kuto (lisa). kaya naman pag summer at uso ang kuto, laging masakit ang anit ko.

    question. blonde din ba ang kuto dyan? hehehe

    Komento ni attyarj — Nobyembre 12, 2008 @ 2:35 hapon | Sagutin

  14. Kala ko ba ang kuto sa mga tropical countries lang? Balakubak na nga lang nakakadismaya na, kuto pa! Nubayan Kenks,,, hehehe.

    Komento ni K — Nobyembre 12, 2008 @ 3:13 hapon | Sagutin

  15. Anu bang post to tungkol sa kuto bwahahaha natatawa ako sa batas na yan! Makausap nga si Meriam baka ipasa ang bill na yan dito sa atin tyak sangkatutak na kuto maiipon hahaha. Ang sosyal naman, dito sa atin sa hagdan nagkukutuhan tapos kayo sa swmimming ng Astoria hahahaha i love this post!

    Komento ni Ambo — Nobyembre 12, 2008 @ 3:25 hapon | Sagutin

  16. haha, natawa naman ako sa pinagtabuyan ka ni mr.kengkoy haha. naku po naalala ko yung klasmeyt ko nung elementarya(totoo to!) ang daming kuto from roots to tip ika nga hahaha….tas yung kapaitbahay namen pinaheram ko ng suyod, ayun, dinagukan at tinalakan ako ng nanay ko. mahahawa daw kame. e pagkalaki laki ba naman ng kuto kasi hahaha. neweys enjoy ang post na to. naalimpungatan roomate ko sa hagikgik ko. hahaha.

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 12, 2008 @ 6:02 hapon | Sagutin

  17. Hahaha cute naman nung sinisigaw ni Little Kengkay. German pero kuto pa rin yung term. 😆

    Komento ni kirksydney — Nobyembre 12, 2008 @ 6:34 hapon | Sagutin

  18. hehehe..ganyan nga sila..parang gunaw na ng mundo ang reaction sa kuto..sa lisa pa nga lang panic na eh,hihihi

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 12, 2008 @ 6:57 hapon | Sagutin

  19. naku! usapang “kuto” ah…heheheh

    naku! grabe pala dyan ate kengkay… sabagay pangit pag may kuto ka…hehehe…

    naks!ang mga little kengkays….apir tau!

    Komento ni mayyang — Nobyembre 13, 2008 @ 1:12 umaga | Sagutin

  20. haha…bakit naman kasi sa tabi kau ng pool nagkutuhan ni little kengs?? tinaboy tuloy kau ni kuya kengkoy..

    Komento ni rio — Nobyembre 13, 2008 @ 3:23 umaga | Sagutin

  21. mami kengks, problemado pala jan ang gobyerno sa kuto…sos! sa pinas, suyod lang ang katapat nyan at kung mejo sosyalin, yung shampoo na medicare na si judy ann santos ang model nung bata pa sya at usong uso ang palabas na Ula-Ang batang gubat…

    natatandaan ko, hanggang high school ata ako kinukuto ako eh…eewww!

    Komento ni lyzius — Nobyembre 13, 2008 @ 3:34 umaga | Sagutin

  22. iba talaga ang tips ni nanay kengkay… ang sweet sa little kengkays nya… mami pakuto din ako… hahah!

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 13, 2008 @ 4:14 umaga | Sagutin

  23. Naku, super big deal pala sa kanila ang kuto at lisa. Samantalang dito sa atin, para siyang right of passage ng bawat bata sa elementary.

    Alala ko nung bata ako, naghahabulan talaga kami ng suyod ng nanay ko. Ang sakit naman kasi sa anit pero epektib naman kahit pano.

    Komento ni yantrasiva — Nobyembre 13, 2008 @ 7:00 umaga | Sagutin

  24. nalala ko ang kapitbahay namin dati sa province. nagkukutuhan sa may hagdan ng bahay. ang kyut.

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 13, 2008 @ 10:35 umaga | Sagutin

  25. hala. patok ang kuto. ang dami nagcocoment. hahahaha. teka babalik ako sa pandesalan ni ms.kengks hahaha ginutom ako sa kutuhan. =D

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 13, 2008 @ 11:10 umaga | Sagutin

  26. Ano ba naman yun! Kuto! Di ba pag summer lang buhay ang mga kuto? 😀 Dapat siguro lagyan ng Frontline kung sinuman ang may kuto 😀

    Komento ni joy — Nobyembre 13, 2008 @ 3:59 hapon | Sagutin

  27. ahahaha… ayos!!! ang laki ng problema nila sa kuto samintalang dito sa pinas kanya-kanyang problema yan eh jan halos breakout ang sigaw nila…. natawa naman ako dun sa palinyahin yung mga kuto at barilin isa-isa.. ahehhe.. cheers;p

    Komento ni anakngpiso — Nobyembre 14, 2008 @ 12:30 umaga | Sagutin

  28. wahahaha!funny siya ha kahit pano

    Komento ni seth — Pebrero 17, 2010 @ 12:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: