Kwentong Kengkay

Nobyembre 13, 2008

katay food

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 11:53 umaga

ang kyut ng taytol di ba, hehe!

humanda kayo, eto na ang tunay na kwentong aleman! pasilipin ko kayo sa mundong iniikutan ko sa 8,000 miles away na alemanya.

ganito yon, nung linggo e 50th anniversary nung gym nito kung saan e saling pusa si kengkay as trainer. o de vah, kung isipin nyong trainer kala nyo naman nagbubuhat na ako ng ilang kilong weights nyan.

sempre naman hindi totoo yon, kasi trainer ako ng mga bubwit na aleman mula sa hinog na edad na 1.5 years old hanggang 6 years old na mahilig mag tumbling, mag piko at mag tumbang preso πŸ˜€ sila ang mga binubuhat ko, hehehe — ang aking taytol e junior gymnastics trainer. ang ganda pakinggan, parang ang laki ng sweldo mantalang pambili lang nag toothpick ang allowance, hahaha

mabalik tayo sa anniversary nung gym, sempre dumalo rin ang buong pamilya ni kengkay —
ayan ang pagkain kapag ang celebrasyon ay Schlachtfest o butcher’s festival o katayan piesta! alam nyo kung kaninong order yan? kay kengkay, halata bang hindi ako gutom, huh. ang tawag dyan ay wellfleish o boiled pork at yung asa tabi nya ay sauerkraut.
ayan naman ang order ni kengkoy – schlachtplatte o butcher’s plate o platong pinagkatayan, pasensya na, literal na translation yan. ang kasali dyan e yung sauerkraut, yung boiled pork, yung leberwurst o liver sausage, blutwurst o blood sausage at sempre may kasama syang tinapay at ang highlight nyan ay… dyaraannn
…dinuguan ala alemanya! ang tawag nila dyan ay schweinepfeffer pero sa totoo lang, isa lang syang dinuguan na ginawang sopas. tinikman ko sya, pero hindi ko type e. anong lasa nya? parang dinuguan πŸ™‚
at habang nagkakainan ang mga tao, tumutugtog naman ang banda. at kasama na rin dun ang mga speech ng mayor, ang paligsahan ng mga sport departments, at kung ano ano pang chika. si kengkay e nabusog sa cakes at sa libreng candies na pwede mong balik balikan. nag take home pa nga ako, ehem!

Advertisements

11 mga puna »

  1. parang ang weird ng dinuguang sopas. πŸ˜€
    mukhang yummy ang Schlachtfest. kahit di ko alam pronunciation. hahaha

    kengkay: sshhh-lakt-fest πŸ™‚ hirap din ako sa ispelling nya e

    Komento ni vanny — Nobyembre 13, 2008 @ 2:35 hapon | Sagutin

  2. Hello Kengkay!

    Parang ang lata talagang tingnan ang sauerkraut kahit kelan ano. Di ko masyadong type yang sauerkraut pero kahit papaano nauubos ko naman siya. πŸ™‚

    Marami na namang mga festivals kasi autumn to winter season na. Para may magawa naman ang mga tao pag ganitong panahon. Sa tutuo lang, pag ganitong season dito marami ring mga activities dito na puwedeng puntahan, di ba?

    kengkay: pareho tayo, ayoko din ng sauerkraut pero nasanay na rin ako sa lasa nya. at tama ka, andaming festivals na naman, sarap maglakwatsa

    Komento ni Sofie — Nobyembre 13, 2008 @ 2:43 hapon | Sagutin

  3. may laman ba yang dinuguan nila? hehe. parang puro sabaw lang e. haha

    kengkay: sabaw lang talaga sya. bakit kaya hindi ako makapasok sa comment section mo?

    Komento ni Layla — Nobyembre 13, 2008 @ 3:01 hapon | Sagutin

  4. Naku, everytime we visit Germany, wala kaming makain! πŸ˜€ Mahirap pag vegetarian sa Germany. Puro pretzel kakainin namin. Kaya yun, hanap ng Italian restaurant! πŸ˜€

    kengkay: oo nga, mga meat eater talaga sila e. karamihan sa veggie menu nila e yung plates of salad lang talaga

    Komento ni joy — Nobyembre 13, 2008 @ 3:53 hapon | Sagutin

  5. mukhang magugutom ako jan… dami bawal sa gout.

    kengkay: hay mahirap makahanap ng pagkain na german na hindi bawal sa gout πŸ™‚

    Komento ni BURAOT — Nobyembre 13, 2008 @ 5:17 hapon | Sagutin

  6. weeee… parang wala akong nagustuhang pagkain jan… mas gusto ko pa rin ang pagkaing pinoy… “walang makain”… joke lang po… πŸ˜‰

    kengkay: sadly, totoo yang sinabi mo. sa dami ng festivals dito minsan ang kinakain ko lang e yung bratwurst (sausage) o kaya naman yung waffles lang, waaa. masarap pa talaga pinoy food

    Komento ni vhonne — Nobyembre 13, 2008 @ 5:55 hapon | Sagutin

  7. yes, marasap ang dinuguang sopas, nakatikim na ako nyan pero di ko na matandaan kung saan ko natikman

    kengkay: uy talaga, type mo sya. ako konting tikim pwede pero yung talagang kain, pass ako

    Komento ni kulot — Nobyembre 13, 2008 @ 7:22 hapon | Sagutin

  8. parang gusto ko yung order ni kengkoy,hihi..yummy ng sausage..german cut!

    kengkay: nyahahaha

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 13, 2008 @ 7:23 hapon | Sagutin

  9. mas naniniwala ako dun sa gymnast skills mo dahil nanggaling ka nang bangkok hahaha letsugas at least nagamet ang skills hahaha

    pero teka alam mo ba yang sausage na yan, especially german… naku… (wag na nating pag-usapan iba ang pumapasok na mensahe hehehe)

    kengkay: oo, alam ko yang german sausage na yan πŸ˜€ mwahaha

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 13, 2008 @ 9:13 hapon | Sagutin

  10. wow trainer ka na ate kengks.. galing ibang level ka na.. congratumalations….. minsan pa turo magbend bend..

    ang laki ng sausage dyan kumpara sa sausage dito..

    Komento ni repah — Nobyembre 14, 2008 @ 5:41 umaga | Sagutin

  11. ang sarap ng mga meat. kaso parang di ko yata matake ung dugo. hehe.

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 15, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: