Kwentong Kengkay

Nobyembre 14, 2008

dapat bang iwang nakaplastik ang parol?

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 5:41 umaga

alam nyo bang gusto nang ilagay ni kengkoy ang christmas decoration namin ngayong nobyembre? nahawa at nainggit sya kasi dahil nung unang uwi namin sa pinas e oktobre pa lang pasko na sa atin, hehe.

pinigilan ko sya, hindi epektib. kinabit na yung mga ilaw at pati parol. imported parol namin ha, galing sya sa pampanga, philippines ๐Ÿ™‚ nung umuwi lang si panganay ko at sinabi sa tatay nya na – papa, ang aga mo naman mag pasko’ – dun medyo napahiya at sinabing ilaw lang daw ang kinakabit nya. kunyari pa daw…

heniway, ang diskusyon namin e yung parol namin. ang parol ang highlight ng aming dekorasyon. sempre, kami lang yata may parol sa buong baryo namin. kapag umilaw na ito e daming tumutunganga sa harap ng bahay namin. pero teka — bakit kami nag didiskusyon? kasi naman yung parol e nakabalot sa plastik.

sabi ni kengkoy dapat daw alisin yung plastik. kasi daw kapag uminit yung mga ilaw e masusunog yung plastik. sabi ko naman okay lang yun kasi kapag tinitinda yung mga parol e naka plastik din naman sila di ba? alam mo naman sa pinas, sanay tayong iwang nakabalot lahat, pati minsanย sofa naka plastik pa rin, hehehe.ย ay ewan ko ba — ano ba talaga kuya?

tawagan ko daw nanay ko sa pinas at itanong kung okay lang na nakaplastik yung parol. e kapag tinawagan ko nanay ko chismisan kami agad at malilimutan ko itanong tungkol sa parol, hehe.

so kayo muna tanungin ko – iwan ang plastik o alisin sa plastik?

Advertisements

22 mga puna »

  1. alisin ang plastic, ate kengks. tapos ilagay nalang uli sa plastic after christmas. ๐Ÿ˜€

    Komento ni pao — Nobyembre 14, 2008 @ 5:49 umaga | Sagutin

  2. hi ms.kengkay. babalik ako sa blogging world ha. reconstruction muna ko. neweys kami din dati ng nanay ko nag aaway dhil gusto nya nakabalot noon. kasi medyo maulan. mababasa nga naman. pero kung wala naman tanggalin na lang siguro sa plastic. baka nga naman kasi masunog. pero kung yung plastic ay hindi naman masusunog at hindi makakasagabal sa ganda(im sure pinas made e hehe) ng parol na iyan ay ok lang din. pero kung ako naman ay tatanggalin ko na talaga. hehehehe

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 14, 2008 @ 5:52 umaga | Sagutin

  3. ate kengkay talaga!hehehe…

    tanggalin niyo nlang ang plastik para naman bongga diba!?heheheh…

    mas magnda pag wla yung plastik ate.. at saka para iwas sunog na rin..sayang naman yan, made in pinas pa nman..hehehe

    Komento ni mayyang — Nobyembre 14, 2008 @ 6:00 umaga | Sagutin

  4. hmm hndi lalabas ang gnda pag may plastic ms kenkay… hehhe kaya alisin tpos wag nang ibalik.. ibitin nalang siya gang next year! hehehe! ๐Ÿ˜‰

    Komento ni yhen — Nobyembre 14, 2008 @ 6:45 umaga | Sagutin

  5. alisin… pero pwede ring hindi para may ‘cover’ siya sa weather dyan ๐Ÿ˜€

    Komento ni wei vines — Nobyembre 14, 2008 @ 6:45 umaga | Sagutin

  6. para saken alisin ang plastik. pag di na gagamitin saka ulit ibalik sa plastik. hehe. ๐Ÿ™‚

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 14, 2008 @ 7:05 umaga | Sagutin

  7. alam mo ate kengs, pareho kayo ng nanay ko..hindi tinatanggal sa plastik ang parol…dahilan nya, maalikabukan daw.hindi daw kasi ito mapupunasan araw araw…maaga palang kasi ay nagsasabit na kami ng parol sa bahay,katunayan nyan ay nakasabit na ngayon ang mga parol sa min.
    siguro, ok langnaman na hindi tanggalin sa plastik..kita pa din naman ang ilaw kahit may plastik e at tsaka parang hindi naman na napapansin yung plastik kapag nakasindi na ang mga ito.

    Komento ni rio — Nobyembre 14, 2008 @ 7:13 umaga | Sagutin

  8. pag inalis yung palstic, baka mabasa ng ulan, magka short circuit, makuryente pa si kengkoy..

    kaso mo pag di inalis yung plastic baka naman uminit, masunog yung plastic kasama yung parol at bahay ni kengkay…

    hay… such a dilemma…

    buti pa, lagyan mo na lang ng electric tape. problem solved!

    Komento ni BURAOT — Nobyembre 14, 2008 @ 7:27 umaga | Sagutin

  9. Hello Kengkay!

    Ako rin, boto sa alisin sa plastic kahit na ang weather e pa-iba-iba. Bili ka na lang uli ng bago pag nasira. Mwehehe… Ang problema lang nyan, magbibitbit ka uli galing sa Pinas.

    Alam mo gusto kong magdala ng kung ano-ano galing sa Pinas. Kaya lang ang ayaw ko sa lahat, yong magbitbit nga, ang bulky kasi e. E ayaw din ng darling ko ang magbitbit, pareho kami, kaya ayan, walang dala palagi. Ganyan din kami sa pasalubong, mga ayaw magbitbit, kaya wala kaming balikbayan box lagi. ๐Ÿ™‚ Sanay na sila sa bahay na wala akong dala. O ha! ๐Ÿ™‚

    Komento ni Sofie — Nobyembre 14, 2008 @ 7:51 umaga | Sagutin

  10. ay mommy k, chorva yung nakaplastic. parang sofa na nakaplastic kahit 48 years old na. ibalik mo nalang ang plastik after christmas.

    Komento ni utakmunggo — Nobyembre 14, 2008 @ 8:25 umaga | Sagutin

  11. mas gusto ko ate walang plastic. para stunning talaga ang beauty.

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 14, 2008 @ 8:53 umaga | Sagutin

  12. Kaya naman naka plastik parol dito sa PInas ate Kengkay eh kasi maalikabok dito. Jan yata sa baryo nyo mukhang wala alikabok, kaya alisin mo na lang sa plastik. :-).

    Pero may point si BURAOT – kapag tinanggal mo plastik, baka ma short circuit magka disgrasya pa. Kapag may plastik, baka masunog at may madisgrasya.

    Kaya naisip ko, wag kana lang mag Parol – balot mo sa box, tapos PM ko sayo address namin, padala mo nalang dito. ๐Ÿ™‚ Hehe

    Komento ni blogRebel — Nobyembre 14, 2008 @ 9:22 umaga | Sagutin

  13. Isa yan sa mga ayaw na ayaw ko na ugali nang mga pinoy. Lahat ay nakabalut sa plastik kagaya ang sofa, dining table, upuan, kama. Pati upuan ng mga sasakyan. Ang hapag kainan may plastik na papatungan pa ng salamin sa ibabaw. Floor carpets may plastik pa sa ibabaw. Binili natin ang mag iyan para maligayahan tayo hindi para idisplay lang. Hindi ba nila napapansin na very tacky tingnan habang nakabalut sa platik? Kung minsan kailangan nating imulat ng husto ang ating mag mata.

    Komento ni reyf — Nobyembre 14, 2008 @ 11:51 umaga | Sagutin

  14. nakkkuuuuu… alisin mo sa plastic…. mas magandang tingnan kung wala sa plastic.. pwede naman magdala dyan ulit kung masira eh

    Komento ni ifoundme — Nobyembre 14, 2008 @ 12:17 hapon | Sagutin

  15. alisin mo sa plastic, pero yung amin… akala mo libro. laging may plastic cover.

    Komento ni taps — Nobyembre 14, 2008 @ 6:04 hapon | Sagutin

  16. Naku Kenks, alisin ang plastic kasi parang ayaw mo talagang mag pasko kung naka balot pa rin. Dibale, kapag nasira, eh order ka ulet sa Pampanga. Mas maganda yung nakakawala ang parol. Lam mo naman tayong Pinoys, hanggat pwede pa every year ikakabit at ikakabit pa rin ang dati. Ano yan, capiz shell ba or rattan?

    Ako naman I wanted a real xmas tree. IKEA is now selling xmas decors and real tree, free delivery all fresh from Sweden. Ang bango, pero parang wag na lang, I will use the same decor na lang, na nakaplastic pa rin.

    Komento ni K — Nobyembre 14, 2008 @ 6:06 hapon | Sagutin

  17. tanggalin na lang. noong bago kotse ko pinagtatawanan ako mga puti kong ofismate kasi bakit daw ilang weeks na ang kotse ko may balot pang plastic mga seats. Sabi ko madudumihan kasi wala pa akong seat cover. o di ba, umandar pagka pinoy ko ๐Ÿ™‚ alam na alam mo tuloy pag pinoy ang may ari ng kotse – may balot na plastic mga upuan pag bago.

    Komento ni nina — Nobyembre 14, 2008 @ 7:02 hapon | Sagutin

  18. kenkay, hehe… as the others said, alisin muna sa plastic, tapos ibalot nalang ulet lahat pag tatago na xD

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 15, 2008 @ 1:59 umaga | Sagutin

  19. ang pagkakaalam ko kaya natin iniiwang nakaplastik ay para hindi masira at hindi maalikabukan para naman magamit pa ulit natin sa mga susunod pang taon. hehe. kaya para sa akin iwang nakaplastik. hehehe.

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 15, 2008 @ 8:20 umaga | Sagutin

  20. hi, first time ko magcomment.

    eniweyz, magvovote din ako. TANGGALIN ANG PLASTIC. Para makaiwas ka sa sunog. As far as i know, hindi naman flame retardant ang parol =)

    advance meri christmas

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 15, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  21. walang plastik.
    tapos lagyan ng plaskit pag natapos na ang pasko.

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 16, 2008 @ 12:28 hapon | Sagutin

  22. […] ng mga payo ng mga nagkumento dun sa aking tanong kung dapat bang alisin ang plastik. salamat sa mga pumatol sa aking nakakabaliw na tanong, […]

    Pasa ni ang parol « Kwentong Kengkay — Nobyembre 21, 2008 @ 9:24 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: