Kwentong Kengkay

Nobyembre 15, 2008

at kapag may darating na bisita?

Filed under: Kwentong Kengkay,Tinag-a — kengkay @ 8:26 umaga

eto ang listahan ng aking ginagawa kapag may darating na bisita:

1. nag-iipon ako ng posts ko na lalabas na automatic dahil alam kong panay lakwatsa at chikahan ang mangyayari, walang oras para mag-isa sa harap ng computer! pero ayaw talaga pahuli mag blog ano 🙂

2. maglilinis at magpapagpag ng alikabok habang itinatago ang mga bagay na walang karapatang makita ng mga bisita — kaya bawal buksan ang aming storeroom kundi e babagsakan kayo ng kung ano-anong chechebureche na tinago ko, hehe

3. pagsasabihan ang mga little kengkays na huwag masyado magkalat dahil may darating na bisita, at kasunod nyan e parati na silang magliligpit kahit na hindi ko sinabihan (ang bait nila, parang nanay nila, di ba?)

4. maglilista ng menu at ng dapat bilhin — dapat nakaplano ang meal times kasi alam nyo naman dito e sarado ang mga tindahan kapag linggo at hindi parating may meal delivery, boring, hmf

5. magpaplano kung saan maglalakwatsa, sempre dahil malapit kami sa heidelberg, kasali yung palasyo parati sa aming itinerary at kung ano pang magandang tanawin dito sa aming baryo. kapag may bisita kasi dito e dapat merong walking o hiking moments, walang katapusang lakaran kahit malamig, waaaa

6. naglalaba at nagpaplantsa — bakit kanyo? wala lang, kasi parang mas malinis kapag walang nakasampay 😀

7. naglilinis ng kotse – sempre naman, kakahiya kung makita nung bisita na ang sasakyan namin e nagmimistulang basurahan pala at baka maupuan pa nila ang babol gum na matagal ng hinahanap ng mga little kengkays, hahaha

8. tinatago ang mga video at cd’s na hindi sapat sa pangkalahatang konsume, naks, para namang totoo itong huli

kayo, anong listahan nyo kapag may darating na bisita?

pwede na ba itong akong walong random listahan, snow, hehe!

pero eto kasi yung dating sagot ko sa random eight ko.

kaya ayan ang dahilan din kung bakit sarado ang bloghopping ko sa mga sunod na araw!

Advertisements

13 mga puna »

  1. interbyuhin mo na rin ang bisita mo hahaha kelangang tanungin mo especially yong lab life pati marriage tsaka tanungin mo kung kumusta yong kapitbahay nila. ayun. maraming topics yun hehehe

    Komento ni reyna pantasyadora — Nobyembre 15, 2008 @ 9:40 umaga | Sagutin

  2. “8. tinatago ang mga video at cd’s na hindi sapat sa pangkalahatang konsume, naks, para namang totoo itong huli”

    Sa tingin ko totoo talaga to. 😆

    Komento ni kirksydney — Nobyembre 15, 2008 @ 10:41 umaga | Sagutin

  3. uy, lapit pala kayos a Heidelberg?

    habang itinatago ang mga bagay na walang karapatang makita ng mga bisita – parang yong nanay ko…

    Komento ni nina — Nobyembre 15, 2008 @ 10:54 umaga | Sagutin

  4. have a grand time showing your visitors around, kengkay 🙂 kme pag may bisita, siempre ang kalat ng butchokoy ang unang dapat pulutin. Lol! and ang aming storeroom is alo a tambakan, although i tried to clean it na ng konti before we left for here 😉

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 15, 2008 @ 10:29 hapon | Sagutin

  5. ako nagpapaganda lang mami kengks. haha. ang paglilinis ng bahay kapatid ko ang bahala dun. hehe. 🙂

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 16, 2008 @ 6:35 umaga | Sagutin

  6. kapag may bisita itago lahat ng kalat sa kwarto para malinis ang sala, kitchen at cr. pag ala na bisita balik sa normal na gawain. nyahahaha.

    Komento ni gmacomics — Nobyembre 16, 2008 @ 7:52 umaga | Sagutin

  7. 3. pagsasabihan ang mga little kengkays na huwag masyado magkalat dahil may darating na bisita, at kasunod nyan e parati na silang magliligpit kahit na hindi ko sinabihan (ang bait nila, parang nanay nila, di ba?)

    in fairness cooperative ang mga lil kengkays! ba-bibo rin parang si mommmy 😉

    Komento ni annevdns — Nobyembre 16, 2008 @ 2:35 hapon | Sagutin

  8. naku pag ganyan na may bisita… ako ang counterpart ng mga little kengkays mo. hahaha. bsta ang rule sa amin ni nanay ever since e wag pakalat-kalat (basura) at pahara-hara (kami). hahaha

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 17, 2008 @ 3:30 umaga | Sagutin

  9. kayo, anong listahan nyo kapag may darating na bisita?

    >>> maging behave lang daw sabi ng nanay ko…hehe

    ang babait ng little kengs..hayyyy kakaiggit ka naman ate kengs..

    Komento ni rio — Nobyembre 17, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  10. panalo yun number 1
    siguro girl scout ka noong bata
    mukahng kaginghanda ka, eh
    hehe

    have a great week ahead!

    teka, pag nagawi ba si raft3r dyan mag eb din tayo?
    hehe

    Komento ni raft3r — Nobyembre 17, 2008 @ 2:08 hapon | Sagutin

  11. hello kengkay, naku sisterette puedeng-puede na ito kasi random 8 din naman ito. ^_^

    oo nga kengkay, siguro nga talaga sis dati kang girl scout. lagi kang ready sa bisita. ^_^

    Komento ni Snow — Nobyembre 17, 2008 @ 6:40 hapon | Sagutin

  12. hi mommy kengks..kame pag me bisita, labas lahat ang bago..bagong kutsara, tinodor plato at baso!heheh! yung me mga pingas na plato itatago..lalabas ulit pag wala na bisita!nyhaaha!!!

    Komento ni sommer — Nobyembre 18, 2008 @ 8:03 umaga | Sagutin

  13. […] Isinalansan sa: Kaibigan, Kwentong Kengkay, Oyropa Ko — kengkay @ 7:28 pm di ba nga may bisita kami nitong weekend? sempre pinasyal namin sila sa heidelberg dahil kapitbahay lang namin ang sikat na […]

    Pasa ni nakapulot ako ng pera « Kwentong Kengkay — Nobyembre 19, 2008 @ 7:32 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: