Kwentong Kengkay

Nobyembre 16, 2008

EB with Chuva

Filed under: Europe,Kaibigan — kengkay @ 9:51 umaga

Ay oo naman, akala naman siguro nila e nalimutan ko ng ikwento yung mga ka chikahan ko nitong nakaraang summer time! Dumating dito sa alemanya ang pinakasikat na showbiz blogger, si chuva.

Andito kasi sya ng buong buwan ng Hunyo, pinadala sya ng kanyang kaopisinahan mula sa kanyang kuta sa Amerika papunta dito sa Alemanya para maging number wan cheerleader nung nakaraang Fussball European Cup, hehe- kaya naman nag EB kami para masaya!

ayan sya, nakaupo sa trono ni kengkay. sinundo namin sya sa kanyang palasyo na malapit sa paliparan ng frankfurt. dahil sa kanya e nakarating din ako finally sa siyudad ng frankfurt. pathetic ano? kasi nakakarating lang ako sa paliparan pero sa siyudad mismo? first time ko, at sa totoo lang, first time lang din ni kengkoy dun, hehe. kaya naman ayun, nagkandaligaw ligaw ang mga beauty namin!

Mabuti na lang may napagtanungan si kengkoy na isang taxi driver:

Kengkoy: chef, wo gibs parkplätze hier? (bossing, saan may malapit na parking dito?)

Taxi Driver: Errm, hmmm – sie muss, okay, you must go to the right, go straight and you would see karstadt, there you would find a parking area (aray ko, hindi pala marunong mag aleman yung driver, waaaa)

sa sobrang naligaw e, nagutom! ayan at nag-aagawan sa pretzel ang pamilya ni kengkay kasama si chuva.
o de vah, ang ganda nya! nag stop kami sa isang cafe el aire libre kasi na-uhaw naman. type sana namin sa mcdo kaso mo naman ang daming utaw, waaa. hindi na makapag antay ang mga little kengkays kaya dito kami natambay.

So lakad lakad. Shopping shopping. Medyo naligaw ako kasi ang daming nagi-inglis sa frankfurt! Aray ko. Bakit kaya sa Heidelberg nung unang salta ako dito sa Alemanya e ang hirap maghanap ng marunong mag inglis! Hayyy. At dito naman kami nag dinner kung saan pechurs na naman!

At continue ang aming shoppingan, kasabay na dun ang shoppingan for cuties, hehe.

Hay ang sarap makipag EB, pramis!

Eto pa ang ibang pechurs!

Advertisements

14 mga puna »

  1. huwaw! nakipag eb si mami kengks. 🙂

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 16, 2008 @ 9:58 umaga | Sagutin

  2. Alam mo ba yan ang namimiss ni hubby sa Germany -yong pretzel. Love na love na nya yan. Gustong bumalik ng Germany para kumain ng pretzel 🙂

    Komento ni nina — Nobyembre 16, 2008 @ 1:13 hapon | Sagutin

  3. lol, kamusta naman ang shoppingan for cuties?

    Komento ni pao — Nobyembre 16, 2008 @ 2:07 hapon | Sagutin

  4. ganda nman ng pangalan ng ka EB mo…as in chuva…hehehh

    Komento ni dakilang islander — Nobyembre 16, 2008 @ 3:18 hapon | Sagutin

  5. huwaw ang kengkay..braless(sabi nga ng nanay ko)hehehe…naranasan ko na ding makipag eb one time,bale group eb sya..ang sarap nga..ang sarap ng feeling na sa net mo lang nakakausap tapos biglang makikita mo na sa personal…

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 16, 2008 @ 5:16 hapon | Sagutin

  6. korek ka dyan ate… sarap makipag eb… hehehe… nagawa ko na din kase minsan yan eh… saya! 😀

    Komento ni lalaine — Nobyembre 16, 2008 @ 6:25 hapon | Sagutin

  7. wow sosyal.. eb kung eb… hhehee! cge mgnda po yan! 😉

    Komento ni yhen — Nobyembre 17, 2008 @ 1:27 umaga | Sagutin

  8. ang taray ha mag eeb lang sa alemanya pa…

    Komento ni barquera — Nobyembre 17, 2008 @ 4:10 umaga | Sagutin

  9. Mukhang nag-enjoy kayo ah…

    Komento ni timi — Nobyembre 17, 2008 @ 6:58 umaga | Sagutin

  10. ang saya naman. ms.kengks eb tau sa dubai kasama ang little kengkays ha. hahaha =)

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 17, 2008 @ 7:40 umaga | Sagutin

  11. alam mo, momi kengks, ngayon lang kita nakita. di ko pa kasi nahalungkat ang buong blog mo eh

    Komento ni ifoundme — Nobyembre 17, 2008 @ 2:02 hapon | Sagutin

  12. ako lang ba ang hindi nakakakilala sa kanya?
    =(

    Komento ni raft3r — Nobyembre 17, 2008 @ 2:07 hapon | Sagutin

  13. Ekkkkkkkkkkk nakakalat sa net ang moka ng amo ko…. Ekkkkkkkkkkkk – Ekkkkkkkkkkkkkkk at Ekkkkkkkkkkkkkk ulit teka isa pang EKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKKK

    Komento ni YoungCan — Nobyembre 19, 2008 @ 4:49 umaga | Sagutin

  14. Hahahha!! Joshko!!!!!!! Grabe, baka habulin na talaga ko ng Malacanang nito!!!!! Mami Kengks, maraming maraming salamat talaga. I had the pleasure of meeting your wonderful family. At salamat sa super-wow na dinerretch!!

    I will visit you again pag pinadala ulit ako diyan…

    Love Germany!!

    Komento ni chuva — Nobyembre 24, 2008 @ 2:29 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: