Kwentong Kengkay

Nobyembre 18, 2008

panalo ang tabo

Filed under: Dito sa Amin — kengkay @ 8:02 umaga

sa totoo lang, ang dami ko na yatang posts tungkol sa tabo — pero dagdagan ko pa rin. kasi isa talaga yan sa highlight ng buhay namin dito sa alemanya: ang paggamit ng tabo!

nung sa huling post ko tungkol sa tabo e nagrereklamo na si kengkoy. kasi daw dapat daw na matutong maglinis ng pwet ang mga little kengkays ng walang tabo. kasi nga yung panganay namin e asa eskwela na. pano daw kung dun abutin dun. alangan naman daw na tawagan pa ako para maghugas ng pwet, di ba?

dapat daw matutong magpunas-punas. narinig yon ni panganay ko. bigla na lang wala ng importansya sa kanya ang tabo nyang may kinang-kinang, glitters baga pa. kapag eme-ebs sya e hindi na nya hinahanap ang tabo. punas punas na bigla ang drama nya.

natuwa si kengkoy. medyo nalungkot si kengkay ;D

e kaso mo, pagkatapos ng ilang linggong punas-punas — biglang balik tabo kamo si panganay ko. sigaw sya ulit sa tabo kapag tapos na umebs. sabi ko, aba, bakit biglang balik tabo ka?

kasi daw hindi daw komportable ang punas punas lang. tapos parang hindi daw malinis yung pwet nya kapag ganong punas lang. atsaka sumasakit daw pwet nya sa mga toilet paper na gamit nya! natatawa ako kasi sa totoo lang, siguradong hindi lang kasi sanay ang pwet nya sa toilet paper kaya ganun ang feeling nya.

kapag inabot sya sa eskwelahan o saan mang public places, oks lang syang magpunas-punas. pero dapat medyo basa yung toilet paper. at pagkadating na pagkadating namin sa bahay, hanap nya ang hugas ng tabo!

si bunsoy ko? hay, yun ang tunay na tabo queen. pipigilan talaga nya ang ebs nya hanggat asa bahay kami kasi pang tabo lang talaga ang pwet nya, heheeh

ayan, panalo talaga ang tabo!

Advertisements

27 mga puna »

  1. nuong bata ako ay ‘tabo prins’ din ako kaya naiintindihan ko ang kalagayan ng mga little kengkays hahaha. goodluck na lang kay bunsoy na nagpipigil haha.

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 18, 2008 @ 8:09 umaga | Sagutin

  2. hindi ko keri ang punas-punas lang. haha. 🙂 kaya may baon akong tabo lagi. joke. 😉

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 18, 2008 @ 8:12 umaga | Sagutin

  3. Pero nung andito na ako sa HK, yuko na talaga ng tabo. Clean butt nga using tabo pero wet naman butt holes mo, dibah? Saka yung naiiwan pag naghugas ka eh dumadaloy sa tiles eh kung naapakan mo pa yun eh di mas yukky?

    Tsaka, yung pag tabo ng pwet eh kung mahaba ang kuku mo at biglang nagsiksik yung mga ebs dun tapos nakalimutan mong mag wash ng kamay eh di mas lalong yukky ever diba?

    TOILET PAPER pa rin ako.. pero wait.. ndi environmental friendly pero mas ok naman na magdala ng tabo esp if you’re using public toilets.

    Opps, no to public toilets. Yuk!

    Komento ni K — Nobyembre 18, 2008 @ 8:24 umaga | Sagutin

  4. tabo queen din ako mami kengks…pero dito uso na yung shower ng pwet so keribels na rin..kahit saang public toilet dito me shower ng pwet…

    pero nung asa pinas, bihira ako jumebs sa public place kasi hindi ako komportable na hindi maligo after ng session ko…

    pero kung talagang emergency dapat me bitbit na baby wipes…buti na rin nauso ang mga wet tisyu na yan kung hindi hirap na hirap ang pwet ko…

    Komento ni Lyzius — Nobyembre 18, 2008 @ 8:30 umaga | Sagutin

  5. Hanggang ngayon hindi din ako sanay ng hindi nagsasabon pagkatapos mag-pupu. Kelangan makauwi muna ako ng bahay, o kaya kelangan me sabon, tabo at tubig sa pagpupupuan ko. Maarte na kung maarte pero mas hygienic kasi kapag soap and water. Kulang ang tissue paper.

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 18, 2008 @ 8:42 umaga | Sagutin

  6. kaya nga pinagpapasalamat kong naimbento na ang wet wipes eh. simula noong nagkaroon ng ganon sa planet earth eh hindi na problema ang pagjebs. hehe

    tabo is the way to go, kamo kay kengkoy.

    Komento ni utakmunggo — Nobyembre 18, 2008 @ 8:46 umaga | Sagutin

  7. Hello Kengkay!

    Sa tutuo lang ha, agree ako kay Kengkoy. Dapat talaga matuto ang mga bata kasi wala namang tabo sa mga toilets rito. Marami namang stock ng toilet paper, so puwedeng basain muna ang toilet paper bago pumasok sa cubicle. Di nga naman sa lahat ng sulok rito e may tabo. Pag sa bahay, magtabo pero sa labas, kung walang tabo, e di toilet paper.

    Natawa ako sa comment ni K, papaano pag mahaba ang kuko, tapos nakalimutan pang maghugas ng kamay. Idadagdag ko pa, tapos nakipagkumustahan sa yo. Bwahahaha… Tapos, kainan na… Another Bwahaha… Yukkk….

    Komento ni Sofie — Nobyembre 18, 2008 @ 11:37 umaga | Sagutin

  8. ay apir sa lahat ng tabo queen! di ako pwede ng wala ang sabon at tubig talaga! kahit nga iihi lang ako need ko pa ang tabo..kaya pag nasa labas ako lagi akong may dalang plastic bote ng tubig,hihihi

    minsan di ko napigilan,sa public toilet ako inabutan..muntik ng mapuno ng tissue yung toilet bowl at muntik ng maubos yung rolyo ng tissue sa akin..pero di pa din okay eh!

    syempre every time naman na galing ka sa toilet normal na yng sa lababo ang deretso para maghugas ng kamay db? kahit nga umihi ka lang eh!

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 18, 2008 @ 12:29 hapon | Sagutin

  9. ako tabo queen din pero I also use toilet paper before tabo para medyo malinis na pag nagtabo. Dito may shower din ng pwet everywhere at mas madaling gamitin kesa tabo. Yong ibang westerner napa-praning dun sa shower ng pwet. Bakit daw lahat ng CR meron nun?

    Komento ni nina — Nobyembre 18, 2008 @ 1:10 hapon | Sagutin

  10. the only thing I hate about hotels is the fact na — shet! walang tabo!

    Komento ni attyarj — Nobyembre 18, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  11. wow nakakatuwa naman heheheheh useful talaga ang tabo po

    Komento ni johnlazy — Nobyembre 18, 2008 @ 3:48 hapon | Sagutin

  12. ewan ko kung ako lang ha, hindi ako makatae sa hindi ko trono.

    mas pipiliin ko na lang sumabog sa loob ang bahay tae ko kesa umupo sa mga public toilets

    Komento ni taps — Nobyembre 18, 2008 @ 7:05 hapon | Sagutin

  13. hehehe mami kengs,naalala ko yung Pinay na kakilala ko sa may Frankfurt,tinuruan na lang daw nya anak gumamit ng toilet paper kasi daw sya rin nahihirapan,tuwing ebbs ba naman ang anak sa KIGA tinatawagan sya purwesyo nga naman!lol

    Komento ni cheh — Nobyembre 18, 2008 @ 7:14 hapon | Sagutin

  14. yeah.. binabasa yung toilet paper… ako before i get int the cubicle i have a wet tiolet paper already on hand.. kasi parang di clean eh..

    ay i tagged you pala.. mahaba ito..
    http://limegemini.com/2008/11/18/pick-it-out-from-1-150-listed-tag/

    Komento ni LimeGemini — Nobyembre 19, 2008 @ 1:36 umaga | Sagutin

  15. Panalo ang tabo kahit pa you wipe it all until the yellow is gone ARAY ko lol….

    Komento ni YoungCan — Nobyembre 19, 2008 @ 4:47 umaga | Sagutin

  16. Useful talaga ang tabo, pero shempre maganda matuto sila lil kengkays mo na magpunas-punas mode pag di available si tabo. Pabaunin na lang lagi ng baby/wet-wipes.

    Dito samin meron din pangshower ng bum! Pero nagbabaon pa rin ako ng baby wipes kasi balahura ang ibang tao iniiwan sa sahig yung shower head. Tsaka kelangan punasan din yung showerhead dahil baka matalsikan ng basang poopoo pag di marunong ung naghuhugas…

    Komento ni timi — Nobyembre 19, 2008 @ 5:01 umaga | Sagutin

  17. panalo talaga ate Kengkay ang tabo. eh talagang naman iba ang hatid ng tabo e. mas malinis na ang feeling, mas presko pa. heheheh

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 19, 2008 @ 6:17 umaga | Sagutin

  18. sa totoo lang hindi na ko gumagamit ng tabo,wet wipes na lang gamit ko or wet tioletpaper na may sabon.I always make sure naman na talagang malinis,lol
    hindi ako gumagamit ng public toilet kc parang hindi ako comfortable.

    Komento ni MC — Nobyembre 19, 2008 @ 8:34 umaga | Sagutin

  19. honestly guys and gals, na-culture shock ako nung una ako pumasok ng hotel nung bata pa ako (mga 12 years old *shy*) kasi dun ko lang na-realize na super-filipino culture pala yung tabo. 😉

    Komento ni Snow — Nobyembre 19, 2008 @ 9:06 umaga | Sagutin

  20. Ako nga kahit sa paliligo eh tabo. Para kasing di ko kontrolado ang shower. Sa labas nga lang kung si-cr eh wet wipes na lang din. Mahirap ang tabo sigurado mababasa ko ang pantalon ko.

    Komento ni Helena — Nobyembre 19, 2008 @ 2:55 hapon | Sagutin

  21. […] ma….”. FECK, wrong number. Muntik pa syang mahulog sa inidoro. Naalala ko tuloy yung tabo ni Kengkay. What if, naghuhugas ako ng pwet at biglang nag ring sya, sasagutin mo […]

    Pasa ni A Dialogue With K » The Monk’s Effect — Nobyembre 19, 2008 @ 6:51 hapon | Sagutin

  22. iba talaga ang karisma ng Tabo… 🙂

    Komento ni barquera — Nobyembre 19, 2008 @ 11:54 hapon | Sagutin

  23. hahaha! winner talaga ang tabo! ganunpaman, nagpalagay ako ng bidet para mas madali maghugas :D.

    Komento ni bem — Nobyembre 20, 2008 @ 4:04 umaga | Sagutin

  24. […] mabalik tayo sa paggamit ng tabo. si aleman, nag aaral mag tagalog. as in bumili pa sya ng libro para talagang matuto. ngayon, […]

    Pasa ni papano ba gumamit ng tabo? « Kwentong Kengkay — Nobyembre 24, 2008 @ 5:05 hapon | Sagutin

  25. […] naman ninyong labs na labs namin ang tabo dito sa alemanya. ang mga little kengkays hindi yan gagawa ng milagro sa toilet kapag alam nilang walang tabo. at […]

    Pasa ni nawalan ng trabaho dahil sa tabo « Kwentong Kengkay — Enero 31, 2009 @ 9:45 umaga | Sagutin

  26. […] naman ninyong labs na labs namin ang tabo dito sa alemanya. ang mga little kengkays hindi yan gagawa ng milagro sa toilet kapag alam nilang walang tabo. at […]

    Pasa ni pinatalsik sa trabaho dahil sa tabo « Kwentong Kengkay — Enero 31, 2009 @ 9:57 umaga | Sagutin

  27. […] na tabo nung unang hakbang ko dito sa alemanya? nalungkot ako. kasi walang tabo, […]

    Pasa ni metal na tabo « Kwentong Kengkay — Marso 28, 2009 @ 1:41 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: