Kwentong Kengkay

Nobyembre 19, 2008

nakapulot ako ng pera

Filed under: Kaibigan,Kwentong Kengkay,Oyropa Ko — kengkay @ 7:28 hapon

di ba nga may bisita kami nitong weekend? sempre pinasyal namin sila sa heidelberg dahil kapitbahay lang namin ang sikat na lugar na ito.

nung pauwi na kami, ang dami na pong tao talaga. as in minsan siksikan na sa mga masikip na kalyeng daraanan mo. kasi nga old city na ang heidelberg e. nauna sa amin yung asawa nung pinay kong kaibigan at sina kengkoy kasama ang mga little kengkays. si kengkay at ang aking kaibigan e dahan dahan kasi sempre chikahang umaatikabo.

pero kahit na madilim ay naaninag kong may nakakalat sa kalye. alam nyo naman dito, malinis ang daan kaya naman hindi ako sanay na may nakakalat. pero nung tingnan kong mabuti mula sa malayo ha e kinabahan ako tapos biglang sabi ko dun sa kasama ko na kunin mo yung nakakalat sa kalye. sunod naman sya agad at shock sya kasi pera ang nadampot nya!

pasimple nyang binuklat yung nakatiklop na pera. isang 50 at isang 20 euro. sabi ko sa kanya e hati tayo. 50-50. sempre naman, sya ang dumampot at ako ang naka-kita πŸ˜€ tahimik kaming naglakad patungong bahay.

nung asa bahay na kaming lahat e atsaka lang namin sinabi sa mga kasama namin na nakapulot kami ng pera. hindi sila makapaniwala. lalo pat ang laki ng halaga nung napulot namin. sempre ang mga little kengkays e inggit na inggit. kasi kahit na parati sila makapulot ng pera e panay barya lamang. mantalang ang nanay nila e papel agad!

so ano daw ang mga dapat gawin namin kung nakapulot ng pera? sa totoo lang, sa dami ng tao sa heidelberg e kanino naman kaya namin ibabalik iyon? merong mga lost and found offices pero naman, papano naman nila malalaman kung kanino talaga yung 70 euro na yon? i-describe nila yung itsura ng pera? sempre naman medyo nagtalo ang aking nanay na isipan at baka kung anong eksampol ko sa mga anakis ko.

sabi ko sa mga little kengkays, kung may wallet, pwedeng isoli o ibigay sa lost and found. pero kapag perang ganun, pwedeng itago na lang nila, unless mayrong talagang naghahanap na hindi mapakali. at depende na sa kanila kung maniniwala sila.

ang sabi ko na lang, para sa atin siguro talaga yung pera. lalo pat ang daming gastos shopping at pagkain nung nagpunta kami ng heidelberg πŸ˜€

naalala ko rin dati nung bata pa si sabel na si kengkay. gabing gabi na inutusan ako ng nanay ko na bumili ng gamot sa mercury drug sa kanto. nung pauwi na ako e may nakita akong nakapulumpol na pera sa ilalim ng isang naka park na sasakyan. kinuha ko sya tapos pinagmasdan. pero nauna ang takot ko kaya itinapon ko ulit sya. waaaa – sayang ano! pero inisip ko na lang na yung nakapulot na sumunod e kailangan talaga yung pera na yon. kunyari pa pero sama din ng loob ko sa katangahan ko na yon, hehehe

kayo, nakapulot na ba kayo ng malaking pera? anong gagawin nyo kapag nakapulot kayo ng pera?

Advertisements

16 mga puna »

  1. Hello Kengkay!

    Kung mapapatunayan na yong tao ang totoong nagmamay-ari puwedeng ibalik. Pero yong makapulot ng pera sa daan, na hindi naman sa wallet nakalagay, e wala kang magagawa dyan. Lost na talaga yan. So pasalamat ka na lang sa Diyos kasi biniyayaan ka niya. πŸ™‚

    kengkay: oo nga e, mukhang para sa akin sya talaga ano

    Komento ni Sofie — Nobyembre 19, 2008 @ 8:33 hapon | Sagutin

  2. depende kung magkano hehehe!

    $1,000 – akin sya!
    $500 – hati kami!
    $100 – give to boylet!
    $50 – ipapahiya ko yung me ari!
    $5 – sasampalin ko sya!
    $1 – naku?! isasalpak ko yan sa noon nyaaa!
    $0.25 – mumurahin ko lahat nang pamilya nya at wag syang magpapakita saken!

    kengkay: hanu ba yun, meron bang 1 thou dollars na buo? sorry, hindi ako sanay sa dolyares e πŸ˜€

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 19, 2008 @ 8:53 hapon | Sagutin

  3. SHARE MO NAMAN!

    There’s always a funny feeling kapag nakakapulot ka ng cash, parang I’d be guilty to spend it myself – pero ikaw ang nakakita, at walang interest eh why not? One time kasi, there was this person na naiwanan ang milyones na cash sa ATM machine, ako yung kasunod, di ko rin nakita agad, nung pinasok ko na yung ATM ko, nakita ko bakit maraming pera ang lumabas eh di pa ako nakapag punch in ng pin number, hinabol ko yung may ari, at biglang napasigaw ng “HOLY SHIT” and handed me a hundred bill. O diba?

    kengkay: aba, ikaw mag share kasi 100 dolyares pala ang nakuha mo e, hahaha. alam mo, yan talaga ang nakakatakot sa pag-gamit ng ATM e, yung minsan walang pera lalabas yun pala late lang lalabas, waaa. sa iba yung biyaya!

    Komento ni K — Nobyembre 19, 2008 @ 8:59 hapon | Sagutin

  4. swerte ah! pahati,hihihi

    kengkay may award ka sa site ko..pakikuha na lang,hihihi

    kengkay: aba kung maki hati ka pa liit na kita ko, hehe. puntahan ko award ko

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 19, 2008 @ 9:46 hapon | Sagutin

  5. hmmm share mo na lang kengkay…talas ng mata ha kahit madilim nakita.;)

    kengkay: sempre na share ko na, pipti pipti nga e, hahaha

    Komento ni barquera — Nobyembre 20, 2008 @ 12:00 umaga | Sagutin

  6. ako dati nakapulot ng wallet sa tricycle pero kinuha noong driver kilala daw nya yong huling sumakay. Tapos nalaman namin yon palang kapitbahay ng kasama ko yong sumakay sa tricycle before kami sumakay at hindi naisauli yong wallet 😦 sana di na lang namin sinauli.

    kengkay: hay, kakasama naman ng loob ano

    Komento ni nina — Nobyembre 20, 2008 @ 3:05 umaga | Sagutin

  7. naalala ko na naman yung P50 na nakita ko sa daan nung isang linggo. pang-tricycle na rin yun pero dinedma ko na lang kasi naisip ko baka merong mas nangangailangan. ayun, pagbalik ko after 5 minutes, wala na siya.

    nanghinayang talaga ako. P50 rin yun. ahaha…

    magkano po ba ang equivalent ng P70 euros sa Philippine pesos? =)

    kengkay: huy, pambili din ng kwek kwek yung P50 hehe. parang 70 per one peso yata e

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 20, 2008 @ 4:26 umaga | Sagutin

  8. ate kengks, nung college ako, nakapulot kami ng boardmate ko ng 10,000 malapit sa boarding house. yes, tama ang basa mo 10k, sampung libo. sa isang blank na envelope. walang tao sa paligid. tama ka, dilemma nga kasi walang paraan para maibalik ang pera sa tamang tao. wala kaming tinabi sa pera na yon eh, binili namin ng pagkain para sa mga batang squatters, tsaka binigay sa iba pang mas nangangailangan.

    kengkay: yang mga naka envelope minsan e mga galing sa sweldo yan, di ba? pero mabuti na rin yang ginawa ninyo. saludo ako!

    Komento ni pao — Nobyembre 20, 2008 @ 4:27 umaga | Sagutin

  9. para sau talaga yan kasi una wala namang naghanap at ang daming tao na di mo alam kung sinu may-ari. alangan ibigay sa pulis baka i pang cheeseburger lang nila yan..haha ipunin mo na lang para sa mas makabuluhang gamit πŸ™‚

    kengkay: nakatago sya sa pitaka ko, swerte daw pag ganun di ba!

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 20, 2008 @ 4:31 umaga | Sagutin

  10. depende kung gaano kalaki ang pera. joke. kung may pangalan ang pera isosoli ko mami. kapag walang pangalan, hindi ko isosoli. hehehehehe. πŸ™‚ at pano kapag five pesos lang? isosoli ko pa ba yun? haha.

    para sayo nga talaga yung pera. sana makakuha ka ulet. nyahaha. πŸ™‚

    kengkay: oo nga ano, sana, hehehe

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 20, 2008 @ 5:52 umaga | Sagutin

  11. nakapulot na din ako dati ng pera..ibabalik ko sana kaso kanino naman? kaya pinambili ko nalang po ng fishball…20 pesos pala yung perang napulot ko..hehe

    kengkay: ang mahal na ng fishball ano?

    Komento ni rio — Nobyembre 20, 2008 @ 8:15 umaga | Sagutin

  12. nung nasa bus ako.
    nakapulot ako ng bente.
    hindi pala napulot.
    DUMIKIT sa SAPATOS ko.
    pagkagising ko sa mahimbing na pagkakatulog napatingin ako sa paa ko. AYUN. MAY BENTE AKO! hahaha.

    kengkay: o di ba, swerte ng gising mo πŸ˜€

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 20, 2008 @ 10:34 umaga | Sagutin

  13. wow sana ako rin mkapulot ng ganyan.. euro sa pilipinas.. hahahah

    kengkay: hay, sana ako rin, hehe

    Komento ni repah — Nobyembre 20, 2008 @ 2:36 hapon | Sagutin

  14. dati oo, P100. bata pa kami nun ng kapatid. buo pa ang mga pangaral ng magulang. usapan namin sa linggo i-do-donate sa simbahan sa offertory. so… ayun… andun na sya ke father. amen.

    Komento ni annevdns — Nobyembre 21, 2008 @ 3:47 hapon | Sagutin

  15. nga naman, kanino nyo nga ibabalik ang pera. dba?

    uyyy, bago tayo magkalimutan. saan ang cut ko? hahaha πŸ˜€

    Komento ni sardonicnell — Nobyembre 22, 2008 @ 9:25 umaga | Sagutin

  16. unmarked ang envelope ate kengks, as in plain white envelope lang na may pera. weird, diba?

    Komento ni pao — Nobyembre 30, 2008 @ 11:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: