Kwentong Kengkay

Nobyembre 20, 2008

pandesal home delivery

Filed under: Dito sa Amin,Kaibigan — kengkay @ 5:18 hapon

laban kayo dyan? merong libreng pandesal home delivery dito sa alemanya, yuhooo!

dumating kahapon ang pinaka-aantay ng buong pamilya ni kengkay — ang pandesal. at may dagdag pang mama sita’s tocino mix at gummi bears talaga. parang nabasa yata nung kaibigan kong pinay kung ano talaga ang takam na takam ako sa mga araw na ito ano?

ang layo na nga ng nilakbay ng pandesal na yan ano. ang kaibigan ko e nakatira malapit sa holland at kami naman e malapit sa switzerland – ganun kalayo!

dapat kasi nung isang linggo pa sya dumating. kaso mo naligaw sya kaya bumalik ulit dun sa pinanggalingan. o ayan tuloy, gawa ulit sya para may ipadala sa tamang address. mabuti naman at pagkatapos ng isang araw e nag knock on the door na sya.

as in bake agad namin sya at kinain. dalawang dosena sa isang gabi 😀 busog at bitin, pa deliver ulit, hahaha!

sempre naman nag bake din ako ng cookies para pasalamat dun sa aking kaibigan. bukas ko naman sya ipapadala sa mamang postman.

Advertisements

20 mga puna »

  1. Mukhang masarap ah. Mas masarap ‘yan kapag merong Cheez Whiz, Eden Cheese, o kaya kesong puti. (oo, mahilig ako sa lahat ng kakesohan *LOLz*) ‘Yung mga tinitindang pandesal sa Pinas aysus puro hangin na ata ang laman. Mahal na daw kasi ang harina ngayon.

    kengkay: ako din mahilig sa keso. alam mo bang nung andun ako sa thailand e hindi masyado uso ang keso kasi nababahuan sila? as in super mahal po ng keso. kaya kapag umuuwi ako ng pinas, bitbit din ako ng cheezwiz at eden, hehe. swerte ka dyan sa singapore.

    Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 20, 2008 @ 7:14 hapon | Sagutin

  2. Waaaaa miss ko na din Pandesal. Peborit ko yung niluto sa pugon tapos lalagyan ng keso. Yumyum!

    Komento ni kirksydney — Nobyembre 20, 2008 @ 7:56 hapon | Sagutin

  3. yummy! matagal na ko hindi kumakain ng pandesal.

    Komento ni MC — Nobyembre 20, 2008 @ 8:31 hapon | Sagutin

  4. mommy, di kaya may 3rd kengkay na dadating? hmmm.. 😉

    Komento ni binx — Nobyembre 20, 2008 @ 8:34 hapon | Sagutin

  5. etong blog na to ang dahilan kung bakit ako tumataba…

    Komento ni taps — Nobyembre 20, 2008 @ 9:20 hapon | Sagutin

  6. Kenks, hindi sya nasira via delivery from one continent to another? Hahaha. I like pan de sal, mas aliw kapag may kapeng kasama.

    Yang tocino mix na yan, curious ako dyan, pwede syang ipalaman?

    Komento ni K — Nobyembre 20, 2008 @ 9:51 hapon | Sagutin

  7. mami kengs.. i miss pandesal… wahhhhhh sa december twing umaga pandesal nga ako with matching kapeng barako at spread naman ng kesong puti sa yumming pandesal…

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 21, 2008 @ 2:28 umaga | Sagutin

  8. oo, curious din ako paanong hindi nagka-amag ang pandesal na yan na galing pang pinas. hindi naman kaya molds na lang ang aabutin niyo niyan pag dating po ng package sa inyo?

    wala ng pala-alaman pa. kape talaga ang the best na kasama ng pandesal =)

    penge?

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 21, 2008 @ 2:38 umaga | Sagutin

  9. galing pinas yan? ayos a at sariwa pa

    Komento ni kulot — Nobyembre 21, 2008 @ 3:34 umaga | Sagutin

  10. ang sarap nyan sa kape!!

    Komento ni dakilang islander — Nobyembre 21, 2008 @ 4:26 umaga | Sagutin

  11. as in pandesal pinas?? naxxx..

    Komento ni yin — Nobyembre 21, 2008 @ 4:44 umaga | Sagutin

  12. pwede ko po ba ikaw dagdag blogroll ko? bago lan aku ditu wordpress eih=)

    Komento ni yin — Nobyembre 21, 2008 @ 4:45 umaga | Sagutin

  13. sarap nyan ah..lalo na kpag isawsaw sa kape.hehe.

    Komento ni ELIment — Nobyembre 21, 2008 @ 5:30 umaga | Sagutin

  14. May pandesal dito sa Pilipino bakery pero mas gusto ko yong galing sa Pilipinas – iba ang lasa – mas masarap 🙂 Gusto ko yong nabibili sa bakery na bagong luto o kaya yong pugon pan de sal. Pero sa ngayon – low carb diet muna ako 🙂

    Komento ni nina — Nobyembre 21, 2008 @ 6:01 umaga | Sagutin

  15. wow sarap naalala ko bf namin ni jen kanina morning pandesal at chiz pimiento! 😉 sobra miss nyo na siguro ang mga pagkaing pinas. Njoy the pandesal! yumyum

    Komento ni vhincent — Nobyembre 21, 2008 @ 7:19 umaga | Sagutin

  16. wow sarap naman nung pandesal. honestly kengkay, dito sa pinas bihira na nagtitinda ng pandesal sa mga bakery na nakapaligid sa amin. sa pan de manila kami nakakabili ng authentic niyan. yumyum…nakakagutom tuloy! 🙂

    Komento ni Snow — Nobyembre 21, 2008 @ 7:58 umaga | Sagutin

  17. wow sarap ng delivery… saya-saya pa dahil sweet ni friends mo.

    Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 21, 2008 @ 8:46 umaga | Sagutin

  18. at naiinggit daw ako hehehe. pag uwi ko kakain ako nyan na gawa din ng ermat ko! tas iinggitin kita ms.kengks haha

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 21, 2008 @ 3:27 hapon | Sagutin

  19. preggers ka yata mommy kengks ah. dami kang tinatakam na foods eh.

    nga pala, bibili ako ng bread machine next sweldo. xmas gift ko sa sarili ko. hehe

    Komento ni utakmunggo — Nobyembre 21, 2008 @ 10:52 hapon | Sagutin

  20. Hayyy! Ang pandesal! Sabayan mo ng star margarine o kaya Ludy’s peanut butter (yung nagmamantika sa ibabaw) o kaya Lady’s choice sandwich spread. Sabay kape at nakakuyakoy pa! Yum!!!

    Komento ni Iska — Nobyembre 24, 2008 @ 8:18 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: