Kwentong Kengkay

Nobyembre 21, 2008

ang parol

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 9:23 umaga

nakadisplay na ang parol namin. ayan itsura nya. at oo. inalis na namin sya sa plastik. lumang pechur na yan. souvenir ba kasi nga, wala na sya sa plastik.

katulad ng mga payo ng mga nagkumento dun sa aking tanong kung dapat bang alisin ang plastik. salamat sa mga pumatol sa aking nakakabaliw na tanong, hehe

ang parol namin e binitbit ko pa galing pinas. binili sya sa pampanga nitong 2008. at nung nag bakasyon kami nitong fen-mar 2008, na shock ako kasi ang laki ng box nya. eto po sa taas ang kanyang kinalalagyang box. natakot akong baka mapipi kung i-check in ko sya. pero natakot din naman akong baka ako ang mapipi kung i hand luggage ko sya. naku, nag isip pa talagang i hand luggage e mantalang ang laki po talaga nya.

isep isep. ang nangyari? bumili ako ng bubble plastik bags sa national bookstore at binalot ko syang mabuti. tapos bumili din ako ng dalawang makapal na karton para sa dalawang sides nito. at tinadtad ko sya ng ‘fragile’. nung nag check in kami, tinanong ko talaga kung pwedeng ipa check in ang parol at kung hindi ba ito mababasag.

sabi nung asa counter e okay lang daw. hiwalay daw ang pinaglalagyan ng mga fragile na bagay sa loob ng eroplano. ayun na nga, tinatakan nya ng ‘fragile’ na stickers ang aking parol. kahit na nag-aalangan ako e okay na rin. pagkatapos non e nagdasal akong mabuti na sana makarating syang hindi durog sa alemanya, waaa 🙂

hay, mabuti naman kamo at sa biyahe namin na 2.5 hours papunta ng bangkok at lipat ng eroplano na 10 hours naman ang biyahe papunta ng alemanya — ayun, buhay ang aming parol! yipeee!

kaya naman nag alangan talaga akong alisin sya sa plastik, hehehe. ayaw ko ng ganung kaba-kabang biyahe dahil lang sa parol!

P.S.

Isa yan sa mga ayaw na ayaw ko na ugali nang mga pinoy. Lahat ay nakabalut sa plastik kagaya ang sofa, dining table, upuan, kama. Pati upuan ng mga sasakyan. Ang hapag kainan may plastik na papatungan pa ng salamin sa ibabaw. Floor carpets may plastik pa sa ibabaw. Binili natin ang mag iyan para maligayahan tayo hindi para idisplay lang. Hindi ba nila napapansin na very tacky tingnan habang nakabalut sa platik? Kung minsan kailangan nating imulat ng husto ang ating mag mata.

sagutin ko lang itong mga pananaw na ito na galing sa isang nagkomento.

ako kaya ko tinanong yung tungkol sa parol e dahil kaartehan ko lang yon. kasi nga ang layo ng pinaggalingan ng parol kaya parang gusto kong magtagal sya dito. at parang habang nakaplastik sya e magtatagal nga sya.

ngayon sa pinas naman — hindi ako nagugulat na iniiwan ng karamihan sa atin ang mga gamit na nakaplastik pa. unang una, kasi mabilis maalikabukan. pangalawa, dapat parating linisin. pangatlo, madaling masira talaga kapag nakaumang na sila.

e sa pinas naman, karamihan sa atin e wala ng mahabang pisi para parating palitan ang mga gamit. meaning, walang pera kahit gustuhin man nila. yung iba talagang hinuhusto yung pag-gamit kaya naintindihan ko kung bakit nakaplastik ang karamihan sa gamit nila. mas mabagal masira kapag ganon.

tacky nga ba kung naka plastik? siguro. pero kung iisipin natin kung gaano sila naghirap para lang mabili yung mga gamit na yon? hindi tacky yon. ang tawag ko dun e ma-ingat lamang. at kung maligaya silang iwan sa plastik yung mga bagay na binili nila? edi maligaya din ako para sa kanila.

ayan, naimulat ko ang aking mga mata 😀 peace!

Advertisements

19 mga puna »

  1. parang may nakita na akong ganyan?
    teka lang huh?
    hanapin ko.
    magbabalik ako.

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 21, 2008 @ 9:53 umaga | Sagutin

  2. hala malaki nga siya at kinokongratuleyt kita ms.kengkay sa iyong effort para lagyan ng fragile hehehe. ang ganda a. sana may picture na umiilaw sya sa gabi para mas maganda. 🙂

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 21, 2008 @ 3:24 hapon | Sagutin

  3. grabe ang effort! magka parol lang sa bahay. pero i’m sure bonggang bongga ka dyan kasi maganda naman ang parol mo. actually pareho yata tayo e. titingnan ko nga yung parol namin sa probinsya kung ganyan din nga. papaalam ko sa yo 🙂

    Komento ni annevdns — Nobyembre 21, 2008 @ 3:54 hapon | Sagutin

  4. Haaha uunga naman, sa atin lahat naka plastic, pati stuff toys nilalagyan ng plastic, para di daw madumihan, for what purpose kaya nga toy eh? Pati yung mga mamahaling pinggan, “for visitors and during fiesta lang” pwede gamitin, tapos yung bagong camera, ayaw gamitin parati dahil daw masisira hanggat na old fashion na.

    Gaya nung youngest namin, nung bata pinagbibilhan sya ng mga barbie, tapos ndi pinapatanggal ni madir sa box kasi daw masisira buhok ni barbie, ayun lumaki na kapatid ko, nakapag asawa at nanganak ndi naeg-enjoy ng Barbie. Weird tayo Pinoy minsan no?

    Basta ako hindi ko tatanggalin ang safety case ng iPhone ko baka kasi ma-scratch, sayang naman.

    Komento ni K — Nobyembre 21, 2008 @ 5:08 hapon | Sagutin

  5. bilib naman ako sa iyo sis, binitbit mo pa hanggang sa abroad ang parol. pinay na pinay ka talaga sis at napahanga mo talaga ang lowla snow mo. 😉

    Komento ni Snow — Nobyembre 21, 2008 @ 8:19 hapon | Sagutin

  6. danda parol nyo

    Komento ni taps — Nobyembre 21, 2008 @ 9:01 hapon | Sagutin

  7. haha, ang dami ngang nakalagay na “fragile”. pag di pa nila iningatan yan ewan nalang.

    Komento ni pao — Nobyembre 21, 2008 @ 11:40 hapon | Sagutin

  8. Ang isa pang balot sa plastik na nakikita ko sa iba ay ang remote control ng TV, kasi nga naman laspag na laspag iyon lalo na pag maraming maliliit pang bata. Oo nga naman… Sa wear-and-tear pa lang, pwede nang mabura agad ang mga numero at letra — what more sa mga batang nanlalagkit sa pagkain ang mga hindi pa nahugasang mga kamay? 🙂

    Minsan lang ako lumuwas ng Maynila — pag ganitong bago magpasko, at malimit balikan pa. Pag pauwi na ako ng probinsya, hindi maaaring hindi ako tatanaw mula sa bintana pag dadaan na ang bus sa maharlika highway sa Bulakan. 😀 Angganda, lalo na pag patakipsilim pa lang… Duon ba tita sa hile-hilerang nagtitinda ng ganyang mga parol?

    Komento ni homebodyhubby — Nobyembre 22, 2008 @ 3:10 umaga | Sagutin

  9. wow pasko na..aha alam ko na ang bahay nyo..may parol na nakasabit sa bintana,hihihi..makadaan nga dyan at ng makapag kape!

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 22, 2008 @ 5:16 umaga | Sagutin

  10. for sure ang ganda yang parol pag gabi.. kayo lang ang meron dyan sa alemanya ate kengks! 🙂

    Komento ni dhez — Nobyembre 22, 2008 @ 5:33 umaga | Sagutin

  11. awwww…. it looks absolutely gorgeous, kengkay!

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 22, 2008 @ 10:46 umaga | Sagutin

  12. Beautiful art in deed. Just simply stunning!

    Komento ni roentarre — Nobyembre 22, 2008 @ 12:58 hapon | Sagutin

  13. Hello Kengkay!

    Sa loob ba ng bahay yong parol? Kung sa loob naman pala e, di walang problema sa ulan at snow. May snow na ngayon sa amin. Pagkagising ko kanimo, ang galing, ang kapal ng snow flakes.

    Komento ni Sofie — Nobyembre 22, 2008 @ 2:32 hapon | Sagutin

  14. hindi mo ba naisipang bumili ng parol na luma ang disenyo? ‘yung star lang talaga na may dalawang lawit?

    hay pasko…

    -tenco

    Komento ni alasais — Nobyembre 23, 2008 @ 12:59 hapon | Sagutin

  15. Waaaaahhhhh! Gusto ko din ng parol! Kaso ang mahal naman! $149.00 ba naman yung isa! Sige, pag umuwi ako sa Pinas at bumili nito, babasahin ko itong post mong ito for future reference. Tyenks, Kengkay!

    Komento ni Iska — Nobyembre 24, 2008 @ 8:16 hapon | Sagutin

  16. ganda naman, inggit tuloy ako…. hehehe

    Komento ni frostbite — Nobyembre 26, 2008 @ 4:05 umaga | Sagutin

  17. […] ang kulit ng mga posts ko ngayon ano? paulit ulit. kundi tabo e parol. kainis, […]

    Pasa ni ang orig na parol « Kwentong Kengkay — Nobyembre 28, 2008 @ 3:38 umaga | Sagutin

  18. […] pangawalang litraro, portrait shot daw ito, ayon kay bluePJ. makikita nyo sa background ang aking pinagmamalaking Pampanga parol. napansin ninyo ang mga ribbons na na nakapulupot sa buong krismas tri? mga ribbons yan ng aking […]

    Pasa ni ang aming krismas tri 2008 « Kwentong Kengkay — Disyembre 15, 2008 @ 4:19 hapon | Sagutin

  19. […] labas pa lang kumukutitap na ang pampanga parol at ang mga Christmas lights na pinalupot ni kengkoy dun sa napulot nyang wine thinga. yun oh, […]

    Pasa ni tuloy po kayo « Kwentong Kengkay — Enero 4, 2009 @ 8:59 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: