Kwentong Kengkay

Nobyembre 22, 2008

tambling

Filed under: Dito sa Amin — kengkay @ 8:57 umaga

absent ako sa blogging world sa sabado at linggo dahil may tambling appointment ako.

bakit kanyo tambling? kasi may training session ang nagkukunwariang gymnastiks trainer na si kengkay. aakyat kami ng bundok para dun mag tambling tambling. para walang makakita dahil nakakahiyang magtambling lalo na kapag hindi marunong mag tambling, hehehe

hindi ako marunong mag tambling, kayo ba marunong? kasi dito halos lahat ng mga nanay marunong mag tambling. kahit anong balikwas e kaya nila. mantalang ako, gym trainer kuno, marunong lang akong mang-uto ng mga batang ayaw mag tambling, hahaha. oo yan ang expertise ko sa pagiging trainer actually, mang-uto ng mga bata 😀

sana lang maayos ang biyahe namin. kasi mag isnow daw bukas at sa linggo e. nakow, kapag na stranded kami, papano na lang? mabuti na lang hindi ako ang mag drive. at kapag na stranded kami dahil sa isnow na yan? am sure dun kami matutulog sa gym, magdala na rin ako ng pandesal at kape 😀

hay, huwag lang sana sa kalye kami ma istranded. pero parang adventure din yon ha. oh well, malalaman ninyo sa sunod na kabanata!

Advertisements

16 mga puna »

  1. ingat sa pag-tambling hah. siguraduhing di una ang ulo, hehehe! enjoy your trip 😉

    Komento ni sardonicnell — Nobyembre 22, 2008 @ 9:22 umaga | Sagutin

  2. enjoy your trip! ao huling ganyan ka active.. elementary days pa. lol!

    Komento ni sheilamarie — Nobyembre 22, 2008 @ 10:48 umaga | Sagutin

  3. ingat sa pagtambling mami kengks. 🙂 ako laging tambling mode. kaya eto lagi akong may baong turnilyo. nangangalas buto ko eh. hehe.

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 22, 2008 @ 12:13 hapon | Sagutin

  4. curious tuloy ako bakit may ganun pang activity..Teka, Uy pahumble pa si ms.kengkay magaling naman talaga. im sure mataas ang tambling mo 🙂

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 22, 2008 @ 2:24 hapon | Sagutin

  5. Hello Kengkay!

    Hehehe, noong unang panahon, naku hilig-hilig ko yang tambling na yan. Ang tagal na rin, di ko na natry kung kaya ko pa. Kaya lang pag marunong ka noon, hanggang ngayon, dala-dala mo pa rin naman yan e.

    Naku, nagsnow na rito sa amin, nasabi ko na nga sa isang comment ko sa yo. Ang kapal pa mandin. Pag nagsnow during yong training session niyo, seguro masarap magtambling sa snow ano. Parang ang saya noon, nakikinita-nita ko na. 🙂

    Komento ni Sofie — Nobyembre 22, 2008 @ 2:36 hapon | Sagutin

  6. ateng,

    ang say ko lang, ingat sa pag-tambling. look at me. bata pa ako, mahilig akong magtambling. eh di tumabling na nga. eto, di na nakabalik ang kasarian ko. nalipat ako sa maling column. hehehe

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 22, 2008 @ 2:39 hapon | Sagutin

  7. ay hindi ako marunong ng ganyang tambling-tambling…

    Komento ni nina — Nobyembre 22, 2008 @ 2:45 hapon | Sagutin

  8. wow marunong ka palang mag-tambling kengkay, teka sisterette, athletic sa siguro noon pa. 😉

    Komento ni Snow — Nobyembre 22, 2008 @ 5:05 hapon | Sagutin

  9. wow
    ala bea lucero ka na din pala, ha

    maikwento ko lang
    noong kabataan ko patay na patay ako ke bea lucero
    may poster pa ako nyan na naka-tangga noong milo days nila
    kulay green pa ang tangga nya non
    hehe

    dahil mahal na mahal ko sya
    tinuruan ko sarili kong mag-tambling
    ayun sa kama ako nag-[raktis
    pucha
    after a few attempts
    tumunog ang likod ko at nabali
    hehe

    Komento ni raft3r — Nobyembre 23, 2008 @ 2:33 umaga | Sagutin

  10. madaan lang a nagbasa hehe 🙂 link kita

    Komento ni khzr4u — Nobyembre 23, 2008 @ 4:33 umaga | Sagutin

  11. hahaha, kaya ko tumambling una ulo dugo-ilong kaya nyo yun? add poh kita pag may sobra-sobrang oras, latak lang kasi to eh hehe, yosibreik.

    Komento ni yin — Nobyembre 23, 2008 @ 7:48 umaga | Sagutin

  12. Di ako marunong mag tambling. Pero lumaki na ang tyan ko, mas magaling ako kung pagugulungin nyo na lang ako.

    Komento ni taps — Nobyembre 23, 2008 @ 11:41 umaga | Sagutin

  13. pagkauwi mo.
    magkuwento ka kung pano ka nagtumbling.
    🙂

    Komento ni pepe21 — Nobyembre 23, 2008 @ 2:11 hapon | Sagutin

  14. dahan dahan lang at baka magkabali-bali ang buto… cheers

    Komento ni anakngpiso — Nobyembre 24, 2008 @ 10:28 umaga | Sagutin

  15. gawa ka ng mga snowman ha yung meron karumaldumal na kwento tulad ng makikita mo sa link na ito :

    http://images.google.com.ph/images?hl=tl&q=calvin+and+hobbes+snowman&gbv=2

    hehehe… kasi talagang paborito ko sina calvin and hobbes pero hindi ko magaya ang work of art nila kasi walang snow dito sa pasig 😦

    Komento ni annevdns — Nobyembre 24, 2008 @ 1:51 hapon | Sagutin

  16. yan din ang di ko kaya, ang magtambling!

    Komento ni Iska — Nobyembre 24, 2008 @ 8:14 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: