nung sabado nanood kami ng belly dancing. kasama ang buong pamilya, as usual.
medyo late na kami dumating (ibig sabihin e 10 minutes before they opened the doors, pero ang show e isang oras pa bago magsimula, hanep ang late dito ano, hehe). so medyo puno na. wala ng upuan, hindi na pwedeng mag-inarte.
kaya naman nagpadpad kami sa mga kumpol ng mga lolo at lola. swerte kami kasi nakahanap pa ng upuan na magkakasama kami. swerte ko dahil sa kabila ako napunta. kasi malas ni kengkoy dahil yung katabi nyang lolo e ‘mabaho’ daw.
halos hindi mo na maipinta yung mukha ni kengkoy. kaya naman pala hindi nya dun pinaupo ang mga little kengkays sa mismong tabi ni lolo e dahil natatakot syang biglang magreklamo ang mga bata. alam niyo naman kung gaano ka-tabil ang bibig ng mga bata. walang preno.
aray ko, baka biglang patalsikin kami sa upuan ano.
kaya tinuruan ko sya ng isang matinong tagalog na salita – mabaho. sa aleman e ‘stink’. parang inglis din di ba?
kaya buong gabing yon, ang maririnig mo lang sa bibig ni kengkoy e ‘mabaho’ 😀 ayan, mabilis talaga matuto ng isang bagong salita kapag desperado ano, hehehe.
ayan sa baba ang pechur nung belly dancing. wala dyan si lolo pero maaamoy nyo sya, hehe
ayus ang pamilya mo ang sweet naman sama-sama…
kengkay: kahit sa pagtulog kamo, isang kama
Komento ni mangbadoy — Nobyembre 26, 2008 @ 9:08 umaga |
akala ko magkukwento ka mami about arabo. kapag naririnig ko ang salitang “mabaho” sila ang una kong naiisip.hehe.
tama ka, walang preno talaga ang bibig ng mga bata. hahah. totally honest kasi sila. haha. katulad ng ampong bubuwit ng tatay ko. bumisita sa bahay ang kamag-anak namin galing ng probinsiya. sinabihan ba naman ni bubuwit ng “baket ang panget mo? ang itim-itim mo pa.” nyahahaha. pasaway na bata.
kengkay: hindi lang arabo ang mabaho sa mundo, pero sila yata ang number wan
Komento ni joshmarie — Nobyembre 26, 2008 @ 9:13 umaga |
kala ko sa salitang mabaho mga pana at pakistani ang nangunguna hahaha
kengkay: ayan, arabo nga daw
Komento ni khzr4u — Nobyembre 26, 2008 @ 10:57 umaga |
Hindi ka ba nagbe-belly dancing, Kengkay? Uso ‘yan ngayon eh. Hehehe. = P
kengkay: ayaw pumayag ni kengkoy. itatakwil daw nya ako. hahha
Komento ni The Gasoline Dude — Nobyembre 26, 2008 @ 11:36 umaga |
parang yung pamangkin ko.
tiga-belgium.
kumakanta ng “bakit ko pa nakita, bakit pa naalala,..ewan ko na.”
galing.
kengkay: ang mga little kengkays ang paborito nila e yung mga kiddie songs na pinoy tulad ng pen pen de sarapen
Komento ni Pepe McKunat — Nobyembre 26, 2008 @ 11:56 umaga |
yikes kadiri ano tong mga nagbebelly dancing? mga aleman or talagang tagaturkey or middle east? oo nga i agree with joshmarie akala ko tungkol sa mga nagsasayaw kaya mabaho hahah
kengkay: halo halong lahi yang mga nagsasayaw, am sure naligo yang mga yan sa pabango, hahaha
Komento ni cheesyskepticism — Nobyembre 26, 2008 @ 12:26 hapon |
Pana, arabo, patan lahat sila mabaho. Grabe ang amoy nila, naiiwan sa dinaanan at nakasama mo sya sa isang enclosed space – asahan didikit na damit mo. Kaya ayaw na ayaw ko ang nakukulong sa elevator kasi dumudikit yong amoy. Kakasuka talaga. Yong receptionist nga namin laging may air fresher pag may bisitang mabaho – spray agad pag alis.
kengkay: nyayyy, si panganay ko kapag ganyan kalakas ang amoy nasusuka na agad yon. delikadong dalhin ko pala sya dyan sa UAE
Komento ni nina — Nobyembre 26, 2008 @ 12:28 hapon |
Sa pagmamadali ko, mali-ali na ang naitypeko. Pana, arabo, patan lahat sila mabaho. Grabe ang amoy nila, naiiwan sa dinaanan at pag nakasama mo sila sa enclosed space gaya ng elevator – asahan mo didikit ang amoy sa damit mo. Kaya ayaw na ayaw ko sila makasabay sa elevator kasi dumudikit yong amoy. Kakasuka talaga. Yong receptionist nga namin laging may air fresher pag may bisitang mabaho – spray agad pag alis.
Komento ni nina — Nobyembre 26, 2008 @ 12:31 hapon |
galing naman ni kuya kengkoy… bilis matuto ng tagalog na salita… hindi na siguro nya makayanan ang amoy… hahaha… wawa naman sya at dun sya napwesto. hehehe
kengkay: desperado kaya natuto agad 😀
Komento ni lalaine — Nobyembre 26, 2008 @ 5:30 hapon |
mabaho. errr, gaano ba kabaho si lolo, ate kengs?
madali nga ata silang makapick up ng mga salita.. parang ung pinsan ko, pangit naman ung tinuro naming salita.. 😛
kengkay: mabaho daw talaga e. medyo may sipon ako kaya mabuti di ko naamoy, waaa
Komento ni karmi — Nobyembre 26, 2008 @ 7:34 hapon |
hahaha baka naman kasi ayaw mo mag-belly dancing ki kengkoy kaya ayan ga punta pa dyan? hahaha!
kengkay: gusto ko nga mag belly dancing kaso mo diring diri si kengkoy, hehe
Komento ni reyna elena — Nobyembre 26, 2008 @ 8:55 hapon |
ang akala ko nung una mga belly dancers ang mababaho.
kengkay: aray ko, kapag sila ang mabaho walang manonood sa kanila 🙂
Komento ni MC — Nobyembre 26, 2008 @ 8:58 hapon |
Ayos, saan kaya meron dito niyan ng maisama ko rin ang family ko. I sure ko hindi ako ma late para minus the mabaho thing. hehehe
Komento ni fatherlyours — Nobyembre 26, 2008 @ 9:20 hapon |
Ganoon talaga kapag matanda na,bumabaho na sila lalo na kung hindi na nila kayang maligo mag-isa.Hindi nakukuha iyan sa naspu-naspu lang,kailangan talaga ay goli.
Komento ni Cocoy's Delight — Nobyembre 26, 2008 @ 10:01 hapon |
buti at hindi ang mga little kengs ang nakatabi ni lolo..kawawa naman sila pagnagkataon..
Komento ni rio — Nobyembre 27, 2008 @ 1:47 umaga |
hehhee… bakit daw kaya mabaho ms kengkay? na-amoy ba ng mga little kenks?
Komento ni yhen — Nobyembre 27, 2008 @ 2:20 umaga |
eeew. stinks! hehe.. galing naman ni kengkoy may alam na tagalog.. kaw siguro ate kengks maraming alam na salita nila.. 🙂
Komento ni dhez — Nobyembre 27, 2008 @ 4:23 umaga |
hehehe. naku oo nga baka pag pinatabi ang mga bata e magsisigaw. feeling ko mas matabil si bunsoy haha
Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 27, 2008 @ 7:01 umaga |
ang kyut naman ni dadi kengkoy. hahaha.. o at least marunong na siyang mag-ispiking in tongues sakaling may makatabi ulit siyang stink. heehee
Komento ni utakmunggo — Nobyembre 27, 2008 @ 8:16 umaga |
Naku tama ng milya-milya si kengkoy mo. mahirap awatin ang mga bata, talagang pawang kaswal na salita ang lalabas sa mga bibig niyan, gaano man kasakit. hehehe. ganyan na ganyan kasi ang mga pamangkin ko. akalain mo bang sabihin niya one time “ano ba yang driver, hindi marunong mag-drive” nung matumba siya kaunti sa pag-upo nung minsang sumakay kami ng fx. hahaha.
ayos din ang taktika mo para kay kengkoy. nailabas na niya ang galit niya, natuto pa siya ng ating wika.
bow!
Komento ni hitokirihoshi — Nobyembre 27, 2008 @ 9:20 umaga |
naku kengkay natuwa naman ako sa comment mo rito. desperate talaga nga siguro si kengkoy kaya hayun natutong magsalita ng tagalog. ^_^
Komento ni Snow — Nobyembre 27, 2008 @ 10:53 umaga |
Kenks, hanuvayan, alam mo may dala dala na akong air freshener kasi puro tungkol sa mabaho ang mga posts mo lately.
using language to someone who doesn’t understand it can be an advantage sometimes, diba? next time teach him the facial expression pag naamoy syang mabaho para mas effective.
Komento ni K — Nobyembre 27, 2008 @ 12:03 hapon |
wait lang ate. yun bang mamang nakapeach sa picture ay yung olong mabaho? di ko kasi siya maamoy. may colds ako ngayon.
Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 28, 2008 @ 7:07 umaga |
wait lang ate. yun bang mamang nakapeach sa picture ay yung lolong mabaho? di ko kasi siya maamoy. may colds ako ngayon.
Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 28, 2008 @ 7:08 umaga |
Kulit talaga ni Kengkoy hehehe, at madaling natuto ng tagalog, akala ko eh ‘bantot’ ang term na itinuro mo hehehe 🙂
Pede yun para may variation naman, slang term baga ng mabaho hehehe
Komento ni Call Center Gal — Nobyembre 28, 2008 @ 12:05 hapon |
Shame on you…
kengkay: nope, shame on you. do not judge a blogger by its post
Komento ni ThirdWorldRacists — Disyembre 9, 2008 @ 7:11 umaga |