Kwentong Kengkay

Nobyembre 28, 2008

ang orig na parol

Filed under: Kwentong Kengkay,Pinas — kengkay @ 3:37 umaga

wehehehe, ang kulit ng mga posts ko ngayon ano? paulit ulit. kundi tabo e parol. kainis, hmpf πŸ˜€

pero kasi naman bakit yung pampanga parol lang ang pinagmamalaki ko e meron din pala akong imported from pinas na mga tunay na parol. yung original na parol ang sinasabi ko ha. yung parol na project ko dati sa elementary. yung minsan pahabaan pa ng buntot.

ayan ang ebidensya sa itaas. hindi ko yan project, binili ko sila nung 2003 pa. mga dalawang dosenang magkakaibang kulay na parol – dilaw, pula atΒ berde (biglang nalimutan ko daw ang tagalog ng green, kakahiya dahil ilang araw ko inisip!).

binitbit ko sila papunta ng alemanya, pramis! nakalagay sila sa isang malaking kahon na kasing laki ng balikbayan box. o di bah, nabaliktad ang paglipad ng balikbayan box, palabas ng pinas, hehe. nung palabas na nga kami ng immigration dito sa alemanya e pinahinto si kengkoy at super laki kasi naman nung box ano. biglang tumakbo papunta sa kanya yung mga little kengkays, natakot kasi pinahinto si tatay nila e. ayun, nung nakita ang mga bata, hindi na pinabukas yung kahon.

ready pa naman umatungal ang mga bata. yan ang ready na drama namin kapag pinahinto kami sa airport. may i cry sila para mainis yung mga nag-i-inspeckt at hindi na kami kulitin, hehehe. pero sikret sempre yan. at hindi pa naman na-try.

at oo naman, naka display din sila sa aming bahay bahayan. pero sempre, iba naman ang dating ng orig na parol na yan. kapag nakalambitin na sya sa kabahayan e feeling ko may darating na nag-kakaroling.

nga pala, may karoling na ba? e nobyembre pa lang no.

—–

To vanny – alam kong mananatili kang as lovely and as cheerful as can be. am happy that you are okay now. we are praying for your full recovery. you take care, girl.

Advertisements

17 mga puna »

  1. twing hari raya may parol sa malaysia… pag pasko wala christmas tree lang… lapit nako umuwi sa pinas.. yey! sa lunes 16 days to go na lang!!!

    kengkay: hay, at nanginggit pa, hehe,

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 28, 2008 @ 4:31 umaga | Sagutin

  2. hay ngayon bihira ng nag sasabit ng Parol ang sambahayang Pilipino kadalasan eh puro Christmas Lights lang..

    kengkay: baka kasi lahat ng parol asa ibang bansa na, hehe. pero sayang naman kung mawala ang tradisyon na ito, di ba

    Komento ni barquera — Nobyembre 28, 2008 @ 6:50 umaga | Sagutin

  3. ang galing namang strategy nung mag-iyakan ang iyong little kengkays pagdating sa inspeksyon sa airport! wais na wais ang dating! kaht sino, natataranta pag me naririnig na mga batang nag-iiyakan.

    kengkay: psssh, sikret nga yan e, hahaha

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Nobyembre 28, 2008 @ 6:56 umaga | Sagutin

  4. wala pang caroling mami. πŸ™‚ excited na ako sa pasko… ang swerte naman ng mga parol na yan. nakarating ng alemanya. πŸ™‚

    kengkay: wala pang caroling? ang bagal yata ngayon ng mga bata, hehe

    Komento ni joshmarie — Nobyembre 28, 2008 @ 8:02 umaga | Sagutin

  5. wow
    parol
    magpapasko na talaga!

    kengkay: hindi na mapipigil!

    Komento ni raft3r — Nobyembre 28, 2008 @ 9:45 umaga | Sagutin

  6. kengks pasko na haha ang tagal kong nawala hehe pagdasal ko nyong lahat importante lang salamat!

    kengkay: hala, mag concentrate ka muna dun sa ipinagdarasal namin para sa yo, andito lang kami. good luck

    Komento ni prinsesamusang — Nobyembre 28, 2008 @ 10:08 umaga | Sagutin

  7. paskong pasko na sa inyo ha =P

    kengkay: kapag pumunta ka dito, kami lang ang may pasko, hahaha

    Komento ni lilaybulilay — Nobyembre 28, 2008 @ 10:32 umaga | Sagutin

  8. pasko na talaga dito sa blog mo ate kengkay!
    para maramdaman ko ang PASKO!
    MERRY XMAS to all.
    πŸ˜†

    kengkay: araw araw pasko talaga ;D

    Komento ni Pepe McKunat — Nobyembre 28, 2008 @ 11:37 umaga | Sagutin

  9. Bongga talaga ang mga lil kengkays, pang-best child actress pala ang drama kapag kinakailangan. πŸ™‚
    Pero kidding aside, nakakatuwa naman na talagang mahal nyo pa rin ang parol ng pinas. Walang tatalo sa parol natin, simple man, makahulugan naman. Mabuhay ka! πŸ™‚

    kengkay: tunay ka, may ibig sabihin para sa akin ang parol na yan, kakaiyak kasi sentimental, hayyyyss

    Komento ni Call Center Gal — Nobyembre 28, 2008 @ 11:43 umaga | Sagutin

  10. Hello Kengkay!

    Minsan mas maganda pa yang maliliit na yan kaysa sa mga malalaki kasi magastos na sa ilaw yang mga gaya ng galing Pampanga. Matiyaga ka talagang magdala.

    Anyway, have a great weekend!

    kengkay: matiyaga ako kasi si kengkoy e matiyagang magbitbit, hahaha. hapi wikend din!

    Komento ni Sofie — Nobyembre 28, 2008 @ 11:43 umaga | Sagutin

  11. buti di nasira sa luggage compartment ang mga parol. inggit naman ako sa iyo. ang nadala ko lang galing sa atin ay gold spray painted na mga dahon. at isang banig. Makiki-karoling pala ako dito: weh wesh yu a merikano we wesh yu a merikano and a hapee kalbo. hihihi. Nakidaan lang ate Kenkay.

    kengkay: aha, naligaw ka para mangaroling? etong parol para sa yo ;D hindi sya nasira kasi napaligiran sya ng mga duming damit at mga stuff toys nung bitbit namin sya dito e

    Komento ni Mahalia — Nobyembre 28, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  12. Mini-parols, cute sya. Naalala ko nung grade six, yan ang project namin sa Arts and Agriculture (ba yun or?) class – we use colored onion skin paper to cover the skeletons or the colored plastic (ano na nga tawag dun?? Minsan nilalagyan pa namin ng mga bulak o xmas cards para medyo may style kunari – hindi madaling gawin, kaya muntikang failed ako dun sa subject.

    Pag Xmas, ang parol talaga ang nakalakihan kong yuletide symbols, kasi nun yung soap bubbles lang ginagawa naming Xmas tree na parang snowy at natutunaw sya sa sobrang init ng panahon sa atin.

    Uy gawa ka din ng mga tansans para gawing “jingle bells” ng mga little kenks. Tapos kunyari palabasin mo sila ng bahay at kumanta ng “xmas songs” sa labas ng pinto.

    kengkay: ako magaling gumawa ng parol, hehe. yun nga lang hindi ko na maalala ngayon, waaa. tama ka, ipunin ko nga mga tansans dito para sa karoling ng mga little kengkays. atsaka wala kaming arts and agri, meron kami arts and home economics kasi mga madre ang may ari nung iskul bukol ko dati e

    Komento ni K — Nobyembre 28, 2008 @ 1:15 hapon | Sagutin

  13. Luntian. yun ang tagalog ng green. inisip ko rin yan for some time. hehehe…

    kengkay: ibig sabihin e mali yung berde, berdeng isip, hahaha

    Komento ni brotherutoy — Nobyembre 28, 2008 @ 2:14 hapon | Sagutin

  14. Naalala ko gumagawa kami ng parol sa school namin ganyan ang itsura. Hirap na hirap pa ako gumawa nung buntot nya!

    kengkay: hahaha, ako easy lang sa kin yang buntot na yan. sana sa kin ka nagpaturo πŸ˜€

    Komento ni Ambo — Nobyembre 28, 2008 @ 2:36 hapon | Sagutin

  15. nyek pareho tayo ambo ng memories. nung elementary kami pinagagawa kami ng mga teachers namin niyan tapos bibigyan ng grade sa home economics. grabe, ang hirap talagang gumawa niyan kasi nagkakasira-sira sa akin yung buntot.

    kengkay bilib ako sa iyo ha, nakarating yan ng alemanya ng ganyan kaganda. ^_^

    kengkay: propersyonal ako basta sa mga packaging, hahaha

    Komento ni Snow — Nobyembre 28, 2008 @ 5:25 hapon | Sagutin

  16. miss kengks pansin ko lang, super cool ni kengkoy. Parang game sya sa lahat ng pauso mo. Eh diba usually ang mga foreigners hindi naman ganun kadali sa kanila i-accept yung mga traditions/customs lalo na from third world countries? Or masyado ka lang nyang loooove. Or masyado ng personal ang mga tinatanong ko? Suri!

    I-email ko na lang siguro hehe. Miss kengks anu ba yahoo id mo? di kita ihahack…pramis!

    kengkay: tumpak ang sagot mo sa tanong mo — masyado nya lang akong loooovee, hehehe. kaya kahit anong ipagawa ko sa kanya e gagawin nya. kahit na ipag drive nya ako ng limang oras para lang maki chika sa mga ka chika ko. at sempre pabalik e limang oras din yon, waaa πŸ˜€ hindi ko pa ma active yung yahoo ID ko e , nalimutan ko na yung password

    Komento ni Helena — Nobyembre 28, 2008 @ 7:46 hapon | Sagutin

  17. […] ang pinaka-star kapag pasko dito sa aming baryo, ang parol na galing pampanga!!!Β pati ang original na parol na may buntot, meron din […]

    Pasa ni it’s time to support pinoy products « Kwentong Kengkay — Mayo 24, 2012 @ 8:42 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: