Kwentong Kengkay

Nobyembre 28, 2008

tulong!!!! (updated)

Filed under: Ano Nga Ulit Yon? — kengkay @ 8:18 hapon

eto ang aking update — na fall in love ako at first sight dun sa una pero nung mausyoso ko sya e parang nakakalito yata sya kasi ang daming numero. so nakita ko itong second choice na nagustuhan ko naman dahil ang mura (sale sya!) nya tapos malaki yung mukha at mga numbers nya. yung pangatlo naman e naintriga ako sa hitsura nya, ibang klase kasi e. anong nanalo? yung pangatlo. kasi yun din ang nagustuhan ni kengkoy. at dahil sya ang magbabayad, panalo talaga last but not the least! salamat sa mga bumoto 😀

halpppps.. sa mga taong gising pa at bagong gising na 😀

kaartehan lang tong tanong ko pero sana may sumagot agad. kasi bukas wala ng bisa yung discount na 10% e chipipay pa naman si kengkay, hahaah

gusto ko kasi ng bagong relo ngayong pasko. kasi yung relo kong pang araw araw e waldas na waldas na sya. iba na nga ang takbo nya, pabaliktad na, hahaha. kaya pala parati akong late, hmp! almost eight years ko na rin syang sinamantala.

so ngayon, ibibili daw ako ni kengkoy ng relo para sa pasko. ang sabi ko ibili nya ako ng relo dun sa mura lang tapos may discount pa. naghanap ako sa aking suking tindahan sa internet na parating naka sale. at dahil may discount ako dun e may masaya. pero yung discount e mawawalan na ng bisa bukas kaya naman super panik ako, esp since hindi ko alam kung anong gagawin ko. ngayong gabi lang ako naghalungkat ng mga choices. so tulong naman.

eto ang mga pagpipilian ko. mahilig ako sa malaking mukha ng relos e para hindi ako madokleng. sa tatlong yan, alin ang mas maganda?
695530_000821527_0004239849_0

so anong boto ninyo? hindi ko sasabihin kung alin ang paborito ko para inyong opinyon talaga.

sige na, pwedeng mag flying voter, hehe

Advertisements

28 mga puna »

  1. I kinda dig the 3rd one, it looks funky – wristband + wristwatch so double purpose. the first 2 parang for male ang drama. pero if you’re into “reading” analog, ok yung 1st. I got one like that from diesel. they look leather-ish. sosi.

    Komento ni K — Nobyembre 28, 2008 @ 8:25 hapon | Sagutin

  2. Miss kengks yung pangatlo!! Astig!! Medyo common yung first two eh. Bilis bilhin mo na! Dalawa ha..hagis mo sa kin yung isa.

    Komento ni Helena — Nobyembre 28, 2008 @ 8:49 hapon | Sagutin

  3. ako, yung first ang gusto ko… para sa sarili ko!ü

    pero seriously, i’d agree with K and Helena. go for the third. sensible, stylish, di mahirap ibagay sa damit ng europeano na lagi na lang itim.ü

    Komento ni brotherutoy — Nobyembre 28, 2008 @ 8:56 hapon | Sagutin

  4. Medyo iba ang type kong style…pero dun sa choices I like the third one kasi mas gusto ko yong plain and “classic” sa aking mga gamit although ayaw ko kasi ng masyadong malapad. But that’s just me 🙂

    Komento ni nina — Nobyembre 28, 2008 @ 9:07 hapon | Sagutin

  5. i like the 1st one classy, elegant, professional, very manly reyna ever sya at bagay sa intellectwal na kagaya kong abno. it will make one abno like me as intelligent and smart looking, although kahit alin dyan pwedeng panregalo saken, tandaan wala akong relo hahaha teka, eto na ba yong relo nang tadong mga euro general na pinabibili? hahaha

    Komento ni reyna elena — Nobyembre 28, 2008 @ 9:14 hapon | Sagutin

  6. okay sa personality ko yung nasa gitna..kahit na classic yung dating nya..pero since na hindi naman para sa akin yan..deadma mo lang…palagay ko bagay sayo yung third..

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 28, 2008 @ 9:43 hapon | Sagutin

  7. yung square ang panalo, tapos second runner up yung no. 1 at pang-huli ay yung red faced. Lahat na lang kasi ipabili mo kay Mr. Kengkoy.

    Komento ni Mahalia — Nobyembre 28, 2008 @ 9:55 hapon | Sagutin

  8. yehey yehey! paano ba yan miss kengks. Alam mo na pipiliin mo? Bilisan na…excited na ko.

    Komento ni Helena — Nobyembre 28, 2008 @ 11:18 hapon | Sagutin

  9. I like the third one. Sosyal ang dating! hehehe. Yoko nung una ag dami kasing guhit nadodokleng ako! hahahaha.

    Komento ni Ambo — Nobyembre 29, 2008 @ 12:39 umaga | Sagutin

  10. I like the last one… mukhang sosyal hehehe okey ung dating nya!!

    Komento ni yzabelle — Nobyembre 29, 2008 @ 2:01 umaga | Sagutin

  11. the 3rd one!

    Komento ni foobarph — Nobyembre 29, 2008 @ 2:57 umaga | Sagutin

  12. third one yung hindi common… ako rin nakabili rin ako ng bago relo at hindi lang isa binili ko mami kengs… dalawa isang leather at isang stainless… 50 percent off e, branded din diesel at fossil so dalawa na binili ko kasi once a year lang mag sale sila….

    Komento ni mangbadoy — Nobyembre 29, 2008 @ 4:19 umaga | Sagutin

  13. 3rd!
    modernong tignan..hehehe
    🙂

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 29, 2008 @ 5:28 umaga | Sagutin

  14. gusto ko din po yung pangatlo

    Komento ni rio — Nobyembre 29, 2008 @ 6:32 umaga | Sagutin

  15. yung first ate kengks kasi hindi masyadong showy, understated pero not very minimalist like the third one 🙂
    nice naman ako rin christmas wish watch from my boyfriend hhe

    Komento ni cheesyskepticism — Nobyembre 29, 2008 @ 8:47 umaga | Sagutin

  16. at saka parang napakasteely nung third – parang less personable hehe

    Komento ni cheesyskepticism — Nobyembre 29, 2008 @ 8:52 umaga | Sagutin

  17. number two! number two!

    Komento ni prinsesamusang — Nobyembre 29, 2008 @ 9:14 umaga | Sagutin

  18. ung pangatlo.
    para may lalagyan ka na ng mga maliliit na bagay.
    🙂

    Komento ni Pepe McKunat — Nobyembre 29, 2008 @ 10:37 umaga | Sagutin

  19. Nakabili ka na ba? Kahit late response ko gusto ko sabihin na prehas tau ng type ng relos, ung may malaki ang mukha, gusto ko ung huling relo, yung pangatlo, mas type ko yung style nya, tingin ko puhwede syang ipartner sa kahit na anong style ng damit.. ang kyut nya tignan, nakita ko na din sya sa Mall dito sa Dubai, tama ba ako Esprit ang tatak nyan, sinukat ko yang pangatlong style na yan, at bagay na bagay sya sa akin..Lalo na mas bagay sayo..hehe

    Komento ni lhay — Nobyembre 29, 2008 @ 11:29 umaga | Sagutin

  20. Nakabili ka na ba? Kahit late response ko gusto ko sabihin na prehas tau ng type ng relos, ung may malaki ang mukha, gusto ko ung huling relo, yung pangatlo, mas type ko yung style nya, tingin ko puhwede syang ipartner sa kahit na anong style ng damit.. ang kyut nya tignan, nakita ko na din sya sa Mall dito sa Dubai, tama ba ako Esprit ang tatak nyan, sinukat ko yang pangatlong style na yan, at bagay na bagay sya sa akin..Lalo na mas bagay sayo..hehe

    Komento ni lhay — Nobyembre 29, 2008 @ 11:30 umaga | Sagutin

  21. Hello Kengkay!

    Dun sa ako sa pangalawa. Simple, madaling basahin. Kung yung purpose din lang na hinsi maduling e eto na pinaka safe. Yung sobrang dami ng linya, yung pangatlo naman ayos sa design pero ang liit nung acutal na orasan. Yun lang.

    Anyway, ano na pala nangyari sa wordpress pinoy? Ngayon lang ako ulit nagka internet after 4 months mula nung lumipat ako ng bahay, snubukan ko bumisita pero page not valid daw. Wa hapend?

    Komento ni Keng — Nobyembre 29, 2008 @ 1:07 hapon | Sagutin

  22. kengkay!

    yung ilalim na lang sana kase mas maganda ang design nya…di ka maduduling dun dahil sa dami ng kulay nya…hehehehe

    Komento ni ronimiranda — Nobyembre 29, 2008 @ 2:33 hapon | Sagutin

  23. late man daw pwede narin…ako gusto ko yung first =P

    Komento ni lilaybulilay — Nobyembre 29, 2008 @ 2:53 hapon | Sagutin

  24. last ang pinakagusto ko,majority wins ba to ate?haha

    Komento ni MC — Nobyembre 29, 2008 @ 3:35 hapon | Sagutin

  25. Ay that’s nice, show us your new watch, what time do you have there na ba?

    kengkay: baka next week pa dating, kasi online ko sya binili e 😀 atsaka i cant wear it kasi christmas gift yon, hahaha — hongkong is 6 hours ahead of us.

    Komento ni K — Nobyembre 29, 2008 @ 9:46 hapon | Sagutin

  26. i suggest yung una kasi parang mas classic ang dating niya. tsaka mas madali basahin. hehe.

    Komento ni pao — Nobyembre 30, 2008 @ 11:33 umaga | Sagutin

  27. ay nakapili ka na pala! haha. ayus yan, ok din ang pangatlo. 🙂

    Komento ni pao — Nobyembre 30, 2008 @ 11:52 umaga | Sagutin

  28. […] sempre nga binili ko na yung relo na pinagpilian natin di ba? nung na click ko yung relo e naghanap din ako ng sale online sa parehong shop, alam nyo na, baka […]

    Pasa ni meron akong sikret « Kwentong Kengkay — Disyembre 8, 2008 @ 6:39 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: