Kwentong Kengkay

Nobyembre 30, 2008

Paskuhan Village ala Alemanya

Filed under: Oyropa Ko — kengkay @ 2:30 hapon

Pasko na talaga! Lalo pa’t nasindihan na namin ang aming unang advent candle kaninang umaga. Malakas na ang kutob ko na hindi na makakatulog ng maayos ang mga little kengkays dahil sobrang excited na sila!

At sempre pa, sa aming baryo e bukas na rin ang mga paskuhan village ala alemanya. Mga mahigit na sampung booths ito na nagtitinda ng kung ano anong abubot, pagkain, inumin, pang regalo, pang display at kung ano ano pang pagkakagastusan. Maliit lang sya pero ang daming tao po. Tatlong araw lang itong aming paskuhan village. Nagbubukas siya ng mga alas tres ng hapon at nagsasara sya ng alas gis ng gabi. At heto pa po, walang music! As in…Boring ano, hehehe!

At malilibot mo sya ng mga limang minuto! Pero sempre, sikat sya kasi nga kahit na maliit lang baryo namin e may ganyan pa rin kaming pakulo. At least, merong mapupuntahan.


Pero masaya na ang mga bata dahil andun na si St. Nikolaus, hindi si Santa Claus 😀 Namigay sya ngayon ng mga oranges sa mga batang hindi takot sa kanya. At kahit na araw araw magpunta dun ang mga bata e tatanggap sila ng oranges kahit na ayaw na nila 🙂
Hindi mawawala ang pampasakit ng ngipen na tindahan. Ang mga sweets at mas marami pang sweets! Halos ilang beses yata kaming bumalik dito sa tindahang ito, hay buhay!!

At para sa mga adults naman e nakahambalang sempre ang mga beer at wine booths.

At sempre, napapagod din ang mga maliliit na mga paa. Kaya naman kahit na malamig ang semento e may I sit down sila. Ang importante e meron silang pagkain.

Bakit kanyo tatlo bigla ang mga little kengkays ko? Wala, hiram lang yung isa. Bestfriend yun ni panganay ko. At kahit na saan sila magpunta e parang mga buntot ng isat isa.

Umuwi kaming malagkit, sa totoo lang! Dahil dyan sa cotton candies na yan, waaa

Advertisements

14 mga puna »

  1. don naman nanggaling si santa claus sa saint na yun… hay kakamiss ang pasko sa pinas!

    kengkay: kaya nga ang tugtog ko e pinoy musik na pamasko, waaa

    Komento ni p0kw4ng — Nobyembre 30, 2008 @ 6:00 hapon | Sagutin

  2. waw. ang sarap naman jan.
    teka may bata pa ba ngayon na takot kay santa? e diba kilala na halos pati ng sanggol si santa e. hahahaha.
    btw
    ang sarap ng may bata sa bahay
    parang palaging masaya ano ms.kengks?
    lalo pa cute like ng mga chikitings mo

    kengkay: masarap na nakakabaliw ang may bata sa bahay, kahit na gaano pa sila ka kyut, haha

    Komento ni hisnameisdencios — Nobyembre 30, 2008 @ 7:15 hapon | Sagutin

  3. miss kengks bakit po oranges pinamimigay? may meaning ba yun or nataon lang. Hehe. Ponkan kasi gusto ko.. 🙂

    kengkay: ay, miss ko rin ang ponkan 😀 bakit orange? wala lang, yun lang siguro ang napili nila. last year e apple at nung nakaraang years e cookies

    Komento ni Helena — Nobyembre 30, 2008 @ 7:15 hapon | Sagutin

  4. kaka ingit naman.. pasko na talaga dyan!.. ewan ko kun gmerry christmas namin.. hay ……

    ay ito pala.. na naman!

    you’ve got TAG AWARD!

    check it here

    ~LimeG

    kengkay: naiuwi ko na ang awards ko, tenks! pasko na dito kahit na sabi nila e hirap daw ang pasko

    Komento ni LimeGemini — Nobyembre 30, 2008 @ 10:18 hapon | Sagutin

  5. bakit parang katabi yata ni santa claus si jack the reaper? at oo nga, bakit oranges ang binibigay ni santa? hindi ba dapat sweets?

    health-conscious na siguro si santa ngayon at ayaw nang mgka vitamin deficiency ang mga bata ngayon.

    kengkay: hahaha, yung katabi ni santa e yung kanyang helper na dwende, pero ang laki nung dwende na yan ano, hehe

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 1, 2008 @ 2:54 umaga | Sagutin

  6. galing naman jan… di bale may gnyn din naman dito di ba? hehe… grabe mukang totoong santa ms kengkay… 😉

    kengkay: ako nga ang natakot kay santa e, waaa

    Komento ni yhen — Disyembre 1, 2008 @ 8:35 umaga | Sagutin

  7. iyong nasa likod ba ni st nikolaus[tama ba ispeling]?
    ay duwende niya.
    naguguluhan ako eh.
    may kapa rin ksi siyang pula.
    😆

    kengkay: tumpak ang sagot mo, dwende nya yon

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 1, 2008 @ 10:50 umaga | Sagutin

  8. kengks walang tatalo sa pasko sa pinas!

    kengkay: huwag mo akong inggitin, waaaa

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 1, 2008 @ 11:01 umaga | Sagutin

  9. Hello Kengkay!

    December na nga talaga, marami na namang parades. Marami na namang Christmas markets. May mga mga ilaw na ang mga natural na christmas trees sa tabi ng mga simbahan o kaya sa mga roundabouts/circle or rotonda sa atin. Malapit na talaga ang pasko!

    Have a nice week sa yo, kay kengkoy at sa mga little kengkays!

    kengkay: hahaha, biglang tumubo ang mga krismas tri tapos biglang may mga ilaw agad

    Komento ni sofie — Disyembre 1, 2008 @ 1:14 hapon | Sagutin

  10. open na din ang paskuhan village dito sa dijon pero di pa kami nagpupunta, lamig naman kasi at madilim na kaagad sa hapon, kakatamad..

    kengkay: hay analyse, sa totoo lang, kung pwede lang hindi ako sumama, mas gusto ko pa. imagine, ang mga christmas market dito e open air, sa lamig pa naman, brrrrr

    Komento ni analyse — Disyembre 1, 2008 @ 2:10 hapon | Sagutin

  11. naku te’ lapit na christmas talaga.. malamig na ang simoy ng hangin jan.. dito.. mainit pa din.. hehehe.. asa pa.. kami din decorated na ang house.. nung NOV 5 mga ganun kami ng nagdecorate.. excited eh… pero wala kami malaking mga santa mascot gusto ko nga sana yun.. kaya lang mhal.. hehe.. mukang masaya ang pasko jan sa alemanya ah..

    kengkay: mascot na santa? hahaha, meron kami yung tutoo, inorder namin sya para sa santa claus day ngayong sabado ;D

    Komento ni walongbote — Disyembre 1, 2008 @ 2:30 hapon | Sagutin

  12. Hello Kengkay!

    Sinabi mo, yong roundabout/circle sa amin, biglang may tumubong xmas tree. Hehehe…

    Komento ni Sofie — Disyembre 2, 2008 @ 8:02 umaga | Sagutin

  13. buti na lang meron kahit ilang araw lang na paskuhan dyan..at least ramdam mo ang pasko…

    Komento ni ronimiranda — Disyembre 4, 2008 @ 1:17 hapon | Sagutin

  14. dami nmn atang tv n sergio sa opisina??. ilang estasyon? ba pnapanood nya??….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Jonelle — Nobyembre 24, 2012 @ 2:08 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: