Kwentong Kengkay

Disyembre 1, 2008

sampung regalo ngayong pasko

Filed under: Kwentong Nanay — kengkay @ 2:51 hapon

ni tag na naman si ako – si cheesy ang may sala πŸ˜€

at dahil akin tong blog na to, ibahin ko ang rules. kaya naman sampung regalo para sa aking mga little kengkays ngayong Pasko ang naisip kong ilista randomly.

1. hindi ko bibilhan ng nintendo o kung ano pang game consoles ang mga little kengkays. hindi ako aprub na makita sila sa sulok habang may sarili silang mundo. andito ang opinyon ko tungkol dyan.

2. pero bibilhan namin sila ng digital camera. hindi dahil natatakot akong ipahiram yung akin. kundi dahil isang paraan yan para makita nila ang mundo sa pamamagitan ng lense. photography is creativity πŸ˜€

3. hindi ko lulustayin ang pera nilang makukuha sa Paskong ito. mapupunta ang karamihan sa kanilang savings account. sigurado ko magiging thankful sila sa mga susunod na taon kapag may pera silang ipon sa bangko. mas magandang regalo yon, di ba?

4. kasama sa listahan nila ang playmobil at polly pocket. na aprub din naman kami kasi dumadaloy ang kanilang fantasy kapag naglalaro sila ng mga laruang ito. at dahil maliit ang mga ito, kasabang ng paglalaro nito e natuto rin silang maging masinop sa bahay. e kasi ilang beses na ring nahigop ng vaccuum cleaner ang kanilang mga maliit na laruan ano. so ngayon, basta tapos na sila maglaro, ligpit agad sila.

5. gusto ni kengkoy na bilhan si panganay ko ng laptop. ano ba naman, e ayaw ko nga ng nintendo, laptop naman. pero nanalo ako, sabi ko e hindi pa yan kailangan ng isang batang wala pang pitong taon. hindi ako naniniwala sa mga luxury na hindi naman talaga kailangan. pwede ba, hmpf

6. libro, libro at libro pa. mahilig akong magbasa. mahilig din magbasa ang mga little kengkays kahit na ngayon pa lang natutung magbasa si panganay ko at si bunsoy naman e nagkukunwaring marunong magbasa. pero kasi kapag nakikita ka ng mga batang nagbabasa, na-eengganyo rin silang magbasa.

7. maraming bonding time. iniiwasan ko na ang pagiging adik adik ko sa blogging πŸ˜€ kahit na halos araw araw akong mag post e hindi na ako ganon ka grabe na super tutok talaga. di katulad ng dati. ngayon kasi ang dami kong drafts na nag aantay na lang na ipublish. mga 30 + hehehe. atsaka dahil medyo gamay ko na ulit magtagalog e minsan limang minuto pa lang e tapos ko na ang isang post.

8. artworks. oo, mahilig kaming mag-kakalikot ng kung ano ano dito sa bahay. gawa ng aming mga kamay ang halos lahat ng dekorasyon sa aming bahay. parati kaming may oras para mag painting, mag-drawing, mag-cut outs at kung ano ano pang ka-artehan πŸ˜€

9. tsokolate at kung ano pang candies dyan. sempre, kasama sa kasarapan ng pasko e yung mga pang-sakit ng ipen, di ba? oks lang yun, pasko naman e, hehe

10. bisita sa mga Christmas markets. kasali yan sa aming tradisyonal na pagcelebrate ng pasko, ang maglakwatsa kung saan may Christmas market. kasama na dyan ang magpakahilo sa mga umiikot na rides, magpakasakit ng tyan sa mga pagkain, manigas ang mga katawan dahil sa lamig at lahat ng Christmas market dito e open air, brrrr

Hay, natapos din ang sampung regalo πŸ˜€

Advertisements

15 mga puna »

  1. kaya nga ang sabi ko mommy kengks…ikaw dapat ang naging ina ko. wahehe. Kahit magka-age lang tayo pwede na yun at least pareho naman tayong pretty devah?! O sya ate na nga lang. nyahaha

    kengkay: importante talaga na pareho tayong pretty, hehehe

    Komento ni Helena — Disyembre 1, 2008 @ 3:09 hapon | Sagutin

  2. ay naku, i agree with number 1!

    kengkay: hay naku talaga, mabuti nga pumayag ang mga bata ng walang tantrums

    Komento ni pao — Disyembre 1, 2008 @ 4:26 hapon | Sagutin

  3. end of the day, the things we always want for xmas is to experience the season where everyone is happy and believes that santa is a symbol of family reunions, food and opening presents, nintendo , laptop, nice clothes or a big old hug with lovedones. i think that’s the spirit.

    kengkay: tama ka K, ang pasko ay sumapit, eheste, ang pasko e para sa pamilya!

    Komento ni K — Disyembre 1, 2008 @ 5:02 hapon | Sagutin

  4. napagandang wishlist nito…pareho tayo sa wishlist number 3,6,7,8 and 10. ^_^

    kengkay: maganda naman wish list natin di ba?

    Komento ni Snow — Disyembre 1, 2008 @ 5:26 hapon | Sagutin

  5. Maganda yung ideya tungkol sa camera mami kengs! 100% amen ako diyan! yung mga kuto ko mga mababaw pa naman ang mga hinihingi kaya ala pang rules.Na gui guilty ako tungkol sa pagiging active ko ulet sa blog kaya balik hinay hinay din ako;)

    have a nice week ahead kengs!

    kengkay: kaya ako talaga ang bilis kong nag agree sa camera e takot akong masira yung aking camera dahil halos araw araw e gamit nila, hehehe

    Komento ni cheh — Disyembre 1, 2008 @ 7:50 hapon | Sagutin

  6. agree din ako sa 1..wlang mga kung ano anong games sa pc or PSP o kahit nintendo…maglaro sila ng Lego o kaya o tumbang lata,hihihi

    kengkay: tumbang preso yon, ano ka ba, heheh

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 1, 2008 @ 8:05 hapon | Sagutin

  7. ako rin hindi binibilhan ng mga ganung games console ang mga anak ko.Una wala akong pambili, hehehe.Ang problema lang bibibigyan sila ng mag tito at tita nila.So lagay lang kami ng rules and schedule.

    kengkay: mga pasaway ang mga tito at tita ano, hehehe. bakit ako hindi ko rin talaga balak bilhan ang mga pamangkin ko, hmmm πŸ˜€

    Komento ni Fatherlyours — Disyembre 1, 2008 @ 9:28 hapon | Sagutin

  8. magandang ideya yung kamera. bata pa lamang sila ay maispaspark mo na ang kanilang interes sa photography. at makikita nilang kahit ansama na ng kalagayan ng mundo, mabubukas ang kanilang mga mata sa kagandahan nito.

    noong bata pa ako, kaht anong drama ko ay hindi toys ang nireregalo sa amin ng mga magulang ko. mga ninong at ninang ko ang nagbibigay ng toys. Sila MaderatPader kasi, trip ang mga educational stuff: mga legos, playdoh, isang complete set ng Disney’s My First encyclopedia, isang complete set ng Grolier’s encyclopedia ulit, scientific calculator, etc. Noong bataako, inis nainisako siyempre kasi ngatoysang gusto ko. tsaka paano mo naman ipapainggit ang mga kaibigan mo sa mga encyclopedia, ika nga?

    pero nung lumaki na ako,saka ko narealize na maganda rin naman palaang kahihinatnan ng ginawa nila na akala ko dati ay parang deprivation of our childhood. Dahil sa ginawa nila, medyo lamang kami ng mgakapatid ko sa mga kaklase namin sa eskuwela nung bata kami. Natuto rin kaming maging maingat at matutong magsinop ng mga toys namin dahil kakaunti lang ang mga ito at hindi basta-basta mapapalitan. at kung talagang may gusto kaming toys, kami mismo ang pinag-iipon ng mga magulang namin para makabili nito.

    kengkay: ako dati gusto ko ng encyclopedia kaso wala kaming pera pambili, hehehe. tama ka dyan, talagang gusto ko nung bata pa ako e magkaron ng walking doll… inasam asam ko sya pero basta may regalo akong mareceive nung pasko e masaya na ako, iniisip ko baka sa sunod na pasko e may walking doll na rin ako πŸ™‚ mabuti na lang ngayon meron na aking little kengkays, pwede na yon, hahaha

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 2, 2008 @ 2:04 umaga | Sagutin

  9. camera, great idea! cguro payag ka dun sa ebook reader, di sya gumamit ng papel, saving more trees. Into arts and paintings?, why not an easel, lots of canvas and watercolors? meri krismas sa yo at sa family, how’s opa?

    kengkay: ano yang ebook reader? makapag research nga. si opa ay okay na, kaya lang ngayong disyembre ang unang pasko at bday din ni oma sa dec 21 kaya medyo ingat na naman kasi sa kanya

    Komento ni partofyou — Disyembre 2, 2008 @ 6:16 umaga | Sagutin

  10. Hello Kengkay!

    Bat sa akin, hindi masyadong challenging yang mga computer games. Mas type kong maglaro sa field mismo, like golf nga kasi may direct communication with others. Dahil nga seguro dahil walang direct communication kaya di ko type. Kakausapin mo, di naman nag-re-react. Mwehehe… Mas gusto ko talaga maglaro ng totoong golf, billard, same with basketball, football, volleyball. Ayaw ko na utak at kamay lang ang gumagana. Kailangan utak, kamay at katawan dapat. Tapos pag sumigaw ka, at least may sisigaw pabalik sa yo, di ba. πŸ˜† Feeling ko mas ok seguro yong Wii, kasi may body movements kahit papaano. Tried golf with Wii, puwede na rin, not so bad pero iba pa rin yong talagang totoo.

    Agree ako sa mga observations mo. At kailangan may disiplina ang mga bata pagdating sa mga games na ganyan e. Hinding-hindi mo maipagkakaila na nakakaadik talaga yang mga games. Normally pag mahina ang control mo sa sarili mo.

    At totoo rin na nakakatulong rin ang mga computer games. Depende rin talaga sa tao at disiplina sa sarili.

    kengkay: ay totoo ka dyan, sofie, mas type ko yung may interaction – yung may ingay, may cheering, may kulitan at may batukan, hahaha. kapag nagiisa ka, tapos batukan mo sarili mo, parang iba yata ang dating nun, haha

    Komento ni Sofie — Disyembre 2, 2008 @ 8:23 umaga | Sagutin

  11. oo tama ka ms.kengks. ang pangit ng batang na aadik sa mga games online man o yung nintendo. sana kung educational kasi minsan patayan/barilan/saksakan e. mas ok yung DOra. cute at educational pa. masarap din magbasa, ang daming pambatang babasahin ngayon. tama din ang camera. ang anak ni hawie sevarino (newscaster sa GMA) ang anak nya ganun din ang kinahiligan at ka age siguro ng mga chikitings mo. at higit sa lahat, masarap at importante ang chokoleyts para sa mga bata. pasko nga naman. πŸ™‚

    kengkay: aba, at talagang may DORA ka pang nalalaman ha, hehe. sa tingin ko okay na talaga yung camera… ibang klase kapag nakahawak ng kamera ang mga bata esp iba ang nakikita nila sa nakikitang nating mga malalaking tao

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 2, 2008 @ 8:29 umaga | Sagutin

  12. wow
    paskong-pasko na talaga
    nice list, btw
    si raft3r kaya ano ang listahan
    hehe

    kengkay: pasilip nga ng listahan mo at makakopya, hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 2, 2008 @ 10:54 umaga | Sagutin

  13. Hello Kengkay!

    O di ba, kaya nga game e, kasi laro. E mukhang seryoso na yata ang mga laro at di na puwedeng distorbuhin lalo na pag nasa harap ng computer. E di na laro yan. Seryoso e. Bat ka pa naglaro kung pahihirapan mo rin lang ang sarili mo. Kaya nga tinatawag na laro para may saya at may sigla. Di ba? πŸ˜†

    Asar no pag wala kang kausap habang naglalaro. At walang mabatukan… Bwehehe…

    kengkay: yun ang importante dun para maging masaya ang laro e, body contact, batukan,kurutan, suntukan at iyakan kasama na nag sumbungan, hahaha

    Komento ni Sofie — Disyembre 2, 2008 @ 5:12 hapon | Sagutin

  14. agree ako sa 10 gifts mo, mommy kengkay. para sakin, ok yung makakapag-enhance ng isip ng mga bagets. naalala ko yung pamangkin, bonding time nila ng lolo nya ang pagkuha ng pictures. nauna pa syang natutong gumamit ng SLR camera kesa sakin. hinayaan lang namin sya. ngayon, ang galing nya na mag-capture ng mga bagay-bagay sa paligid nya. πŸ™‚

    Komento ni Salve — Disyembre 3, 2008 @ 7:57 umaga | Sagutin

  15. wala akong masabi, bow ako sa parenting skills mo. yung game console sakin mo na lang ibigay ha, hehehe.

    Komento ni attyarj — Disyembre 3, 2008 @ 2:01 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: