Kwentong Kengkay

Disyembre 2, 2008

may pera sa polvoron

Filed under: Kaibigan — kengkay @ 8:31 umaga

gusto nyong kumita ng doble? basahin ito.

unang una, ang post na ito ay isang dahilan para maki ride ako sa popularity ng isang ka-blag ;D

kasi naman, nakaka inspire ang kanyang istorya. isang taong nagbo-blog sa isang sulok ng mundo. na biglang dinapuan ng inspirasyon na gumawa ng isang bagay na normal na normal para sa kanya. at dahil isa syang blogger e nai-blag nya ang tungkol dito.

at dahil ako e isang blogger na naki-kichismis sa pamamagitan ng pag blog hop e napadpad ako sa kanyang kuta. at nabasa ko ang kanyang istorya. at naisip kong ‘aba, may magandang aral ang post na ito.’ kaya naman eto ngayon sya at ipapakilala ko sa inyo — dyaraaannn, si barquera.

dahil sa pagbablag nya, ay naging celebrity din! may naligaw sa kanyang blog at nabasa yung kanyang bigay todong inspirasyon na kwento. at naging pelikula ang kanyang post, eheste, na feature po pala sa isang pang araw araw na tv show sa pinas — Swak na Swak ng ABS CBN– ang kanyang istorya na nagsimula sa pag-blog, na sinabayan nya ng paggawa ng polvoron.

presto, iyon mismo ang successful formula para maging celebrity sya.

ang kanyang istorya ay simple lang. nagtatrabaho sya sa maghapon. at paguwi nya ng bahay e gumagawa sya ng polvoron. na binebenta nya sa mga taong naghahanap ng masarap na polvoron o pwede ring isang maliit na regalo. sa pagiging matyaga nya e naging magandang bisnes ang polvoron. at sempre, may trabaho pa rin sya, extra money, mas masarap ang honey! doble daw ang kanyang kita ngayon! o di ba?

kung kaya naman sigurado kong may mga regalo ang mga inaaanak nya sa Paskong darating. hay, sana ninong sya ng mga little kengkays πŸ˜€

eto, panoorin ninyo ang kanyang palabas dito.

naisip ko tuloy na matinda na talaga ng pandesal dito sa alemanya, ano sa tingin ninyo?

Para sa mga gustong mag order

Sweet treats this Christmas
Try our Home-made Polvoron;
Classic Polvoron – Pack of 12’s – P35/pack:

With Flavors – Pack of 12’s–P60/Pack

Pinipig
Cookies n’ Cream
Choco
Ube

Other Product:

Yema – Box of 25’s – P60/box

free delivery within Manila, Makati and Mandaluyong Area
Minimum of 25 packs or boxes per order,
50 % for down payment.

— ayan, barquera, may commercial pa talaga!

Advertisements

29 mga puna »

  1. huwaw ayos toh mami kengks! πŸ™‚ marasming polvoron sa bahay namin. πŸ™‚

    kengkay: penge ;D

    Komento ni joshmarie — Disyembre 2, 2008 @ 8:49 umaga | Sagutin

  2. hirap ako magpost ng comment atey. huhu! ayos nga tong business ang polvoron. dami nito sa amin. πŸ™‚

    kengkay: pumapasok yung comment mo minsan sa akismet, bakit nga kaya, huh

    Komento ni joshmarie — Disyembre 2, 2008 @ 8:49 umaga | Sagutin

  3. Ang taray ng polvorons!

    Gusto ko yang yema. Nung HS, naku tig 25 centavos ata yun at home made pa, Ngayon yan pa rin ang order ko pag may umuuwi, pero mas masarap pa dahil hinahaluan na ng pilinut, ndi na tig 25 cents kundi tig be bente pesos na isang supot, 10 pcs. Pag polvorons yung cookies and cream flavour ang da best kasi nag bubugris ako sa mantikilya/peanut butter flavour dati.

    Meron ka rin bang sampaloc (with seeds) candy dyan? Yung medyo maanghang, ha?

    Shame, my mouth is watering.

    kengkay: pareho tayo, type ko talaga yung cookies and cream na polvoron. magkaron kaya ng rocky road, hehe. alam mo nag try akong mag yema dito e kaso mo ang condensed milk nila parang evaporada din, edi yon, flop, sya, waaa

    Komento ni K — Disyembre 2, 2008 @ 9:00 umaga | Sagutin

  4. gusto ko sana sumikat at magkapera
    pero ayoko sa abs cbn
    nyahaha

    kengkay: ganun? talagang may linya pala talaga ang gma at abs ha

    Komento ni raft3r — Disyembre 2, 2008 @ 10:53 umaga | Sagutin

  5. oo nga raft3r, kapuso din kame eh.

    kengkay: o ayan na ang baryo kapuso, haha

    Komento ni Fatherlyours — Disyembre 2, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  6. ay peborit ko ang polvoron at yema..huhuhu..bigla kong namiss!

    kengkay: magparinig tayo at baka may magbato sa banda oyropa ng yema at polvoron, hehe

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 2, 2008 @ 1:24 hapon | Sagutin

  7. wow, uso ang polvoron kapag pasko. nice post kengkay. ^_^

    kengkay: at kapag balentayms naman e tsokolate πŸ˜€

    Komento ni Snow — Disyembre 2, 2008 @ 1:31 hapon | Sagutin

  8. hanggaleng may libreng advertisement pa. totoo talaga na kapag may tyaga, may polvoron. πŸ™‚
    kengkay: kapag may tiyaga may nilagang mani, hehe

    Komento ni joycee — Disyembre 2, 2008 @ 2:17 hapon | Sagutin

  9. wow… galing naman… ako din napapaisip ng kung anu pwede maging business… gamitin ko din ang pagiging blogger ko… pwede din ba pa advertise sau ate kengs??? hehehehe πŸ™‚

    kengkay: piding pidi!

    Komento ni lalaine — Disyembre 2, 2008 @ 4:32 hapon | Sagutin

  10. Hello Kengkay!

    Yan ang mga ok na attitude! Pag kaya pa, why not. Wala pang nasasagasaang ibang tao. May additional income na siya, may nakakain pang masarap yong iba na di na kailangang mamasahe para makabili lang ng polvoron.

    kengkay: tumpak, daming positibong bagay ang polvoron di ba πŸ˜€

    Komento ni Sofie — Disyembre 2, 2008 @ 5:15 hapon | Sagutin

  11. ay napanood ko sha sa TFC..namiss ko tulog bigla ang polvoron sama mo na ang yema…mas gusto ko din ung homemade kesa ung mga branded na polvoron…goodluck sa business nya..

    Komento ni Love — Disyembre 2, 2008 @ 6:22 hapon | Sagutin

  12. yehaw! prOud kame sa aming ka opisina na si barquera…:)

    kengkay: aba at may fan din pala, hehe. ako din proud din sa ka opis mo πŸ˜€

    Komento ni yzabelle — Disyembre 2, 2008 @ 11:23 hapon | Sagutin

  13. wow! astig sya ha!…

    mabenta tlga ang polvoron :)…

    Komento ni mayyang — Disyembre 3, 2008 @ 12:15 umaga | Sagutin

  14. wow okey ah best polvoron commercial of the year!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 3, 2008 @ 12:18 umaga | Sagutin

  15. wala lang, napadaan lang dito… nakita ko kasi yung link sa polvoron e, hehe…

    masarap talaga ang polvoron – pang all-year round pa!

    Komento ni Roy — Disyembre 3, 2008 @ 12:46 umaga | Sagutin

  16. kengks.. salamat naman at meron akong free ads dito sa blag mo.
    hay naku ipagluluto kita ng Polvoron pag dating mo dito.

    Komento ni barquera — Disyembre 3, 2008 @ 4:44 umaga | Sagutin

  17. sarap cguro ng polvoron na iyan… kakatakam!

    Komento ni rhapsody — Disyembre 3, 2008 @ 6:47 umaga | Sagutin

  18. wow!si polvoron pala yan!nakakagutom!

    Komento ni khzr4u — Disyembre 3, 2008 @ 6:58 umaga | Sagutin

  19. Masarap ang polvoron!
    Ang galing ni barquera. πŸ™‚

    Komento ni Salve — Disyembre 3, 2008 @ 7:38 umaga | Sagutin

  20. Naisip ko nga din yan eh! Wala kasing pandesal dito sa UAE kaya malamang patok yun pag nagtinda ako dito..

    Komento ni Aling Peppay — Disyembre 3, 2008 @ 7:53 umaga | Sagutin

  21. May I invite you to join Filipinos Unite!!!. You may do so by commenting on my blog or by sending an email to melalarilla@gmail.com stating your name, address, name of blog and the url of the blog. Thank you so much and God bless.

    Komento ni Mel Alarilla — Disyembre 3, 2008 @ 7:59 umaga | Sagutin

  22. wow sweets… binibili ba talaga ms kenks? ehhee πŸ˜‰

    Komento ni yhen — Disyembre 3, 2008 @ 8:39 umaga | Sagutin

  23. hahaha.. mahirap magsalita pag may polvoron sa bunganga.. haha.. pero masrap ang cookies and cream..

    Komento ni walongbote — Disyembre 3, 2008 @ 8:42 umaga | Sagutin

  24. kengkay for sure patok yang pandesal mo jan!

    Komento ni gmacomics — Disyembre 3, 2008 @ 8:45 umaga | Sagutin

  25. wow, may plugging ng business!ΓΌ

    magandang gift idea yan sa mga offices.

    Komento ni brotherutoy — Disyembre 3, 2008 @ 9:45 hapon | Sagutin

  26. so si barquera ba yung pumalit dun sa tinanggihan ni kingdaddyrich? hmmm.. di ko pa napapanood pero yun ang una kong naisip…

    sensya na barquera kung di ako makakabili… nagtitipid to the max ako eh.. cheers-glesy the great

    Komento ni anakngpiso — Disyembre 4, 2008 @ 6:50 umaga | Sagutin

  27. ay napanood ko na.. di pala yun yung sinasabi ko… astig naman ni barquera… katuwa naman siya.. ahehe.. pramis nkabungisngis ako habang nanonood…

    Komento ni anakngpiso — Disyembre 4, 2008 @ 6:57 umaga | Sagutin

  28. […] ko mag pasalamat sa kanyaΒ  sa pag bibigy importansya nya sa naisulat koΒ  dito. Na i promote pa sa kanyang blog ang sideline kong Polvoron na sa tingin nya ay makakatulong sa […]

    Pasa ni Salamat Kengkay « the_empr3ss — Disyembre 6, 2008 @ 7:32 umaga | Sagutin

  29. aha eto pala yung tinutukoy ni empr3s sa blog nya πŸ˜‰

    mukha masarap ah mabenta eh..

    Komento ni vhincent — Disyembre 16, 2008 @ 4:55 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: