Kwentong Kengkay

Disyembre 3, 2008

bum tarat tatat

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 11:49 umaga

bum tarat tatat, boom tarat tatat

tararat, tararat, boom, boom boom

weee. ang ganda ng lyrics ng kantang yan di ba? hindi ko alam kung sino kumanta pero ang kantang yan ay isa sa mga nangangaroling na pinoy songers dito sa amin sa alemanya.

pinadalhan kasi ako ni joy ng CDs ng makabagbagdamdaming mga pamaskong kanta na pinoy na pinoy po talaga.

medyo naluha nga ako nung narinig kong kumakanta si jose marie chan, cinderella, sharon cuneta at kung sino pang songers at banders na pinoy po talaga. waaa, kakamiss ang paskong pinas! kakamiss yung mga kantang kinagisnan mo na ba… katulad ng ‘ang pasko ay sumapit’ , ‘tayo na giliw’ at yung ‘pasko na sinta ko’ . pati nga little drummer boy e na mimiss ko ano ba yun! waaa ulit!

sa totoo lang, disyembre na dito wala pa rin akong naririnig na christmas songs sa radyo. well, actually, kahit na ang tagal ko na dito sa alemanya, parang mga dalawang beses pa lang yata ako nakarinig ng paskong kanta sa radyo. ano ba yun! ay ewan ko ba. e sa atin kahit nga di disyembre may nag re request ng krismas song, hehe!

kaya naman ayan, sa araw araw na pag-bum tarat tarat nung mga carolers kong pinoy sa aming CD player e — ayun, yan na daw peborit song ng mga little kengkays ko na pamasko. hindi na daw ang jingambels!

at sa dami ng bagong kantang pamasko, nalula ako.Β  dahil ang galing talaga ng mga pinoys basta musika. ibang klase talaga. kung ikumpara ko sila sa musikerong aleman?

errm, kilala nyo si modern talking? yung kumanta ng ‘your my heart, your my soul’? yun ang sample nila, hehe. tapos si manang nena 99 lufballoons. sikat sila di ba? at si cliff richards pala pero panay english songs naman kinakanta nun. di ko nga alam na aleman pala yon. ah basta, alam nyo kung ano ang sinasabi ko. kahit nga sa karaoke taob kahit sinong lahi sa pinoys, de bah!

usapang carolers naman, kung sa pinas e nagbabahay bahay ang mga nangangaroling, dito sa alemanya e may i stay sila sa isang place. katulad ng pechur sa baba.

imbes na yung carolers ang maglilibot, yung mga taong usyoso ang dapat na lumapit sa kanila at magtapon ng barya. usong uso dito yung tutunganga sa mga ganyang banda. at sempre dapat may palakpalakan parati. mura lang ang palakpak dito sa alemanya e. kapag tumigil ang musik, at basta ayaw mo ng kumanta, palakpak agad sila, heheh

parang gusto kong ipauso dito ang caroling ala pinas, ano sa tingin ninyo? presenting — kengkay and the little kengkays πŸ˜€

magiipon na ako ng tansan na pi-pitpitin, hehe

Advertisements

24 mga puna »

  1. Hello Kengkay!

    Alam mo bang may nangangaroling ditong grupo ng mga filipino. Normally members sila ng filipino choir. Pero gagawin lang nila kung alam nila na gusto mo at bibigyan ka nila ng letter na gusto rin nilang mangaroling sa yo. Depende kasi sa lugar mo e. Aba e siempre talagang kailangan maghanda ka at pakainin mo sila kasi kung bumiyahe pa sila ng isang oras para lang kantahan ka ng pamaskong awit na pinoy na pinoy. Aliw segurong makarinig nga pinoy pamaskong awit. Ano kayang iisipin ng mga kapitbahay ko? πŸ™‚

    Komento ni Sofie — Disyembre 3, 2008 @ 11:59 umaga | Sagutin

  2. kengkay..tunay ngang nakakamiss ang paskong pinoy, ibang-iba sa labas ng pinas πŸ™‚

    Komento ni khzr4u — Disyembre 3, 2008 @ 12:11 hapon | Sagutin

  3. “parang gusto kong ipauso dito ang caroling ala pinas, ano sa tingin ninyo? presenting β€” kengkay and the little kengkays ”

    nice idea! naiimagine ko na kayo na kumakanta ng “thank you, thank you, ang babarat ninyo, thank you!”

    tapos post niyo po sa youtube ha! πŸ™‚

    Komento ni joycee — Disyembre 3, 2008 @ 12:42 hapon | Sagutin

  4. ang marami dito eh mga nangangaroling na pulubi sa jeep. Pag pasok pa lng ng umaga hanggang paguwi mo eh mga sampung batch ang maaabutan mo. Ang resulta ubos ang barya mo. Kaya nagkukunyari na lang akong tulog eh pamasahe lang madalas ang dala ko eh. πŸ˜€

    Komento ni Helena — Disyembre 3, 2008 @ 1:48 hapon | Sagutin

  5. sayng dito naman wala akong marandaman.. di kasi uso kahit anong klaseng carolling, di uso dito sa lugar namin. ^^
    gusto ko tuloy umuwi na..

    hehee napadaan lang.!!

    Komento ni Cindyrella — Disyembre 3, 2008 @ 1:57 hapon | Sagutin

  6. Kanina lang me nangaroling dito mga batang makukulit. Tinahulan tuloy sila ng alaga kong aso hahaha. Sabi ko sa pasko na kasi di ko sila matatandaan pag pabalik balik hahaha.

    Hmmm pag ang mga kengkay nangaroling gusto ko me matching dance hehehehe

    Komento ni Ambo — Disyembre 3, 2008 @ 2:48 hapon | Sagutin

  7. ayos style ng caroling dyan ah… dito sa atin talga nililibot mga bahay bahay eh… hehehe

    sige ate, try mo gawin yung caroling ng pinoy dyan… ikaw na pasimuno… malay mo mauso yan dyan.. diba? at pagdating ng history ng caroling sa aleman… name ni ate kengkay ang nakalagay sa nagpauso ng pangangapit bahay sa caroling… ahahahah πŸ˜€

    ayos yun ate noh? πŸ˜€

    Komento ni lalaine — Disyembre 3, 2008 @ 4:27 hapon | Sagutin

  8. sana may mag caroling dito…

    Komento ni nina — Disyembre 3, 2008 @ 4:29 hapon | Sagutin

  9. nong una ko ngang pasko sa denmark nagtataka ako at malapit na ang pasko eh wala pang xmas tree..yun pala eh itinatayo lang nila yun sa 24 na..di tulad sa atin na sept pa lang yata eh meron na kaya sira na pagdating ng pasko..hahaha

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 3, 2008 @ 5:35 hapon | Sagutin

  10. As of this late, ang naririnig ko lang na Xmas songs ay sa blog ko, hahaha. Ndi masyadong peborit ng mga checkwa ang xmas songs. While walking thru our cafeteria, kumakanta ako ng Silent Night, may biglang lumapit sa akin, “too early”. Panis!

    Komento ni K — Disyembre 3, 2008 @ 8:45 hapon | Sagutin

  11. Kengks, boring ang ganyang Caroling, mas maganda talga dito sa atin yung tipong tatahulan ka ng aso, dedmahin ka, papatayan ka ng ilaw at ang bongang bongang litanyang “Patawad” πŸ˜‰

    Komento ni barquera — Disyembre 3, 2008 @ 11:14 hapon | Sagutin

  12. ay tama ms kengkay.. magpauso ka nga.. tpos mga tagalog xmas songs ang pakanta mo… yung stay in place na caroling parang yung mga namumulubi lang sa daan na tumutugtog… hehe joke…

    yung boom tarat tarat na yan eh kanta ata ni willie revillame… ehhe! pero dkm close nun ha… hehehe! πŸ˜‰

    Komento ni yhen — Disyembre 4, 2008 @ 2:34 umaga | Sagutin

  13. lungkot pala ng pasko dyan ano, isipin mo na halos pasko na di pa rin madama..

    Komento ni ronimiranda — Disyembre 4, 2008 @ 2:57 umaga | Sagutin

  14. Hi Ms. K!,
    Thanks for visiting my little home. Much appreciated. Matagal na akong follower ng blogs mo… nakikiiyak at nakikitawa sa mga kwento mo. Noon ko pa gusto mag-iwan ng komento lalo nong namatay si Oma, pero ngayon lang ako nagkalakas loob talaga. Salamat sa pag “link” ha. God bless.

    Komento ni Ging — Disyembre 4, 2008 @ 3:19 umaga | Sagutin

  15. mami kengs penge pamasko? hehehe! di ka uuwi ngayon pasko?

    Komento ni mangbadoy — Disyembre 4, 2008 @ 4:45 umaga | Sagutin

  16. hi ate kengks.. sensya na at di ko na maaraw-araw ang blog mo… hmm kulang pa ang preparation mo.. humanap ka pa ng lata at plastik pang tambol… feeling ko mas matutuwa sila sa version ng caroling natin… wag mo nga lang sila bibiritan ng “pasko na naman o kay tulin ng araw” .. ahehe.. cheers;p

    Komento ni anakngpiso — Disyembre 4, 2008 @ 6:47 umaga | Sagutin

  17. go ate kengs and little kengkays….ang cute siguro nila little kengs kapag nangaroling…naiimagin ko na kumakanta sila ng sa aming bahay ang aming bati,mery christmas na maluwalhati…with an accent..hehe

    Komento ni rio — Disyembre 4, 2008 @ 7:28 umaga | Sagutin

  18. “nememeskow pow!”
    sabi ng mga little kengkays (islang daw)
    hehehe

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 4, 2008 @ 8:07 umaga | Sagutin

  19. dito pabalik balik ang carolers.
    nagagalit pa nga kapg di namin binibigyan.
    hahaha.
    πŸ˜†

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 4, 2008 @ 9:31 umaga | Sagutin

  20. One thing i know, sa pilipinas lang SUPER-SAYA ang pasko.
    Walang kuwenta ang celebrations ng westeners or other asians.
    Sa ibang bansa, walang kapuso-puso. walang happiness. walang togetherness…
    They do try but sa pilipinas lang nagpapasko ang mga tao
    from December 16 (simula ng simbang gabi) to January 6 (three kings).
    Takang-taka ang mga ‘forengers’ sa 22 Days of Christmas natin! Hahahaha!

    Komento ni kalye11onse — Disyembre 4, 2008 @ 9:57 umaga | Sagutin

  21. Caroling!! Namimiss ko na yan! Sayang talaga at di uso yan dito sa UAE. Dahil kung nataon lang na uso yan, malamang isa ako sa mangangaroling dito!

    Komento ni Aling Peppay — Disyembre 4, 2008 @ 10:03 umaga | Sagutin

  22. Class pala ang pag caroling diyan. just in case kailangan mo ng tansan madami ako dito. Padala ko via messenger (Yahoo or hotmail.).Problema lang natin yung lata ng gatas na gagawing tambol. Baka hindi kasya sa YM. Joke!x3

    Komento ni Fatherlyours — Disyembre 4, 2008 @ 12:10 hapon | Sagutin

  23. grabe, bonggang-bongga naman nung karoling diyan kengkay! pero, naku kengkay kapag kayo ng mga little kengkays mo na-ngaroling eh siguradong aabot ng you-tube ang media coverage ninyo! hehehe… ^_^

    Komento ni Snow — Disyembre 5, 2008 @ 6:46 umaga | Sagutin

  24. tampo na si raft3r
    medyo matagal-tagal mo na ako di binibisita
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 6, 2008 @ 11:32 umaga | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: