Kwentong Kengkay

Disyembre 4, 2008

unang sweldo

Filed under: Kwentong Kengkay — kengkay @ 1:15 hapon

na alala nyo pa ba ang inyong unang sweldo?

ako, ala-lang-alala ko pa sya talaga.

payb handred pesoses sya. saling pusa ako sa isang foundation na nagkaron ng libreng concert. isa ako sa nag asikaso para maging matagumpay ang concert. meaning, para magkaron ng pera, hehehe. nabaliko mga daliri ko kaka-dial ng telepono at mag follow up ng solicitations, linshak, hahaha.

kaka gradweyt ko lang ng college nun at binitbit lang ako ng kapitbahay namin. pero oks na rin yung 500 pesos, ang laking halaga nun dati ano. pero nag quit ako sa trabaho kasi naman nagkaron ng crush sa akin yung may ari ng foundation, nyeyyy

pero teka muna, nung kasalukuyang asa university pa pala ako e kumita na rin pala ako. tu handred pipti pesos na tumataginting. naka OJT kasi ako dati sa channel 13, tapos nung tumatambay kami sa radio station nila e nakasalubong namin si francis magalona. edi may i interview namin sya kuno.

e nagkataong may kakilala kaming kasali sa isang bagong kabubukas lang na tabloid. binenta namin yung istorya namin dun. at dahil dalawa kaming nag ayos ng istorya, hati kami sa 500 pesoses. pero sa totoo lang, mas mahal pa pamasahe namin papunta dun sa opis ng dyaryo kesa dun sa sweldo namin, waaa.

weno ngayon? nung nakita namin ang aming pangalan na naka-imprenta dun sa showbiz section ng tabloid e asa cloud nine kami sempre. kahit na parang walang nagbasa yata, hahaha. kasi apter 3 months e lumubog yung tabloid.

heniway, ano naman ginawa ko dun sa una kong sweldo? balak ko sanang bumili ng kinalolokohan kong bean bag. ewan ko ba kung bakit type na type kong magka bean bag nung mga panahong iyon. pero sempre mahal ang bean bag, hindi kasya yung tu o kaya naman e payb handred. so ang ginawa ko, ikinain ko na lang, hehe. nanlibre kami sa may gotohan sa may la loma!

at nagkaron ng katuparan ang aking dream bean bag nung nakarating ako dito sa alemanya. alam nyo bang yan ang pinaka-komportableng upuan kapag buntis ang isang babae? sempre, yan ang sinabi ko kay kengkoy kaya nya ako ibinili agad, hahaha. pero sa totoo lang, komportable talaga sya.

kasi kumokorte sya depende sa mga sulok sulok ng katawan mo e. oh well, mula sa unang sweldo na napunta sa bean bag! pero tanong ko nga, kayo ba e alala nyo ba ang unang sweldo ninyo at kung saan niyo sya ginamit?

Advertisements

25 mga puna »

  1. ate kengks, ang una kong trabaho ay PA para sa isang radio show (na wala na ngayon). working istyudent din ako noong time na yon, P10,000 para sa dalawang linggong trabaho. hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang ganoon na pera, perstaym kong kumita kasi. nakatulog pa ako sa bus na nakabukas ang bag ko, sanay kasi ako na walang laman. hahaha. buti hindi nadukot.

    nag-date lang kami ni fafi (na boypren ko palang noon), tapos nag-grocery para sa bahay. ewan ko na kung anong nangyari sa iba pang bahagi ng pera na iyon, pinang-gimik ko ata halos lahat. sayang, sana binigay ko nalang sa magulang ko unang sweldo ko.

    kengkay: unang sweldo ay para daw ipang waldas, kasi sa sunod e maramdaman mo na ang hirap ng pera na sinusweldo mo 😀 aba, mag ingat ka sa pagsakay ng bus lalo pat nakakatulog ka! dyan ako medyo praning e, ayaw kong matulog kasi nga baka pag gising ko e wala na akong dalang bag!

    Komento ni pao — Disyembre 4, 2008 @ 1:59 hapon | Sagutin

  2. Hello Kengkay!

    Di ko na matandaan kong kailan unang sweldo ko e. Kasali ba dyan yong part time job sa sales kasi di mo talaga seguro matatawag na sweldo yon, yong commission ba. Pero kung full time job mo yan, aba e sweldo na rin yo di ba?

    Ay gusto ko rin ng bean bag noon. Nasa tindahan na kami, about to buy na talaga ako. Hinila-hila ko, inupu-upuan ko, binaliktad ko. Tapos nakita ko yong dumi. Nag-isip ako, e papaano kong bali-baliktarin ko siya lagi sa bahay, e di, hindi ko na alam kung saan ang marumi. May alikabok rin naman sa sahig e. Di naman ako naglilinis araw-araw. Kaya ayon di ko na lang binili.

    kengkay: hay binili ko talaga sya kahit pa nakita kong mahirap nga syang nilisin. ngayon ang paglinis sa kanya? pagpag dito, pagpag duon, ahaha

    Komento ni Sofie — Disyembre 4, 2008 @ 2:00 hapon | Sagutin

  3. di ako makakarelate dito.
    wala pa akong suweldo eh.
    hahaha.

    kengkay: mckunat ka rin kaya kapag nagkasweldo ka, hehe

    Komento ni Pepe McKunat — Disyembre 4, 2008 @ 2:04 hapon | Sagutin

  4. unang sahod? counted ba yung allowance sa pagva- varsity? 100 pesos kasi yun batwa laban namin. pero yun yung unang pera na pinaghirapan ko talaga. bumili ako ng pocket book nun and i feel so happy kasi may achievement na ako.

    kengkay: hay ako din, bawat sunod na sweldo e dapat may librong binibili

    Komento ni Cindyrella — Disyembre 4, 2008 @ 2:25 hapon | Sagutin

  5. I luv beanbags. I bought a really big one pero tinapon ko na kasi pinaglaruan ng mga pamangkins saka it takes a lot of space to my small Apt. My first salary nung andito na ako sa HK, I bought a SWATCH watch, my very first watch, eh usong uso nun yung louder colors. Sobrang ang sarap ng feeling when you buy something na pinagpaguran mo, diba?

    Pero Kenks, every sweldo napupunta na sa mga kung ano ano, pero mas masaya kung merong kaunti sa “my phamily”. Ngayon, ewan ko lang kung may year-end bonus pa dahil sa economy.

    kengkay: super laki siguro nung binili mong bean bag ano? nakita mo na ba yung isang super duper na bean bag na buong pamilya e kasya, hehehe. ayaw ko bilhin yon, mas malaking pagpag ang gagawin ko, bigat yata nun

    Komento ni K — Disyembre 4, 2008 @ 4:46 hapon | Sagutin

  6. im still studying so i dont feel yet the glory of hard earned money.

    but im so excited to my first salary. yey!

    kengkay: ano kaya gagawin mo sa una mong sweldo, hmm 😀

    Komento ni Shobe (from vanny's blog) — Disyembre 4, 2008 @ 5:22 hapon | Sagutin

  7. nakalimutan ko na ang una kong sweldo kung papaano ko nilaspag..siguro malamang sa walang kwenta lang yun…

    gusto ko din ng bean bag..sarap humilata..hirap lang tumayo,hahaha…memorable sa akin yan kasi naranasan ko ding mabuksan ang zip ng bean bag habang nakaupo ako..anong nangyari?? eh di sabog lahat ng laman at hirap ako sa pagbabalik ulit paloob..bwisit!

    kengkay: aba at pinagtyagaan mo pang isoli yung laman sa loob, kung ako yon vaccum agad ang katapat nya, hehe

    Komento ni p0kw4ng — Disyembre 4, 2008 @ 6:54 hapon | Sagutin

  8. sat nav una kong binili mommy kengks. naiinis kasi ako lagi akong ginagawang map reader ni sarge. as if naman ganun kabilis ang mata ko sa road signs no.

    kengkay: hahahaha, ako nasanay na rin dyan sa bilisan ng mata at daliri sa mapa, hindi kasi naniniwala si kengkoy sa navi e

    Komento ni utakmunggo — Disyembre 4, 2008 @ 7:58 hapon | Sagutin

  9. I love bean bags too, ang tsipipay naman ng mga tagadyaryo. At saka almost araw-araw ka pala nagpopost 😀

    Actually yung una kong sweldo – nagtatrabaho ako dun sa tindahan ng panlinis ng marble/ceramic kaya kaunti lang – binilhan ko ng white lilies ang tiyahin ko (nakitira ako sa kanya nun), niremit kalahati, the rest is for that month’s survival hehe

    kengkay: tama naman yung ginawa mo at sweet pa, binalik mo lang yung pasasalamat sa tita mo 😀 at oo, halos araw araw nag po post ako kasi wala akong kausap dito sa bahay e, waaaa

    Komento ni cheesyskepticism — Disyembre 4, 2008 @ 10:04 hapon | Sagutin

  10. ako sa sobrang tuwa ko sa unang sweldo ko…di ko matandaan kung ano ang binili ko para sa sarili ko. ang alam ko lang, inaya ko ang mga kaibigan ko at pinakain ko. order all you can ang sabi ko sa kanila basta wag lalambas ng P150. hehe

    kengkay: order all you can tapos hindi lampas ng P150, hahaha. parang may mali yata dun, ehem

    Komento ni ELIment — Disyembre 5, 2008 @ 12:03 umaga | Sagutin

  11. Ay! di ko na talaga maalala kung anong binili ko sa unang sweldo ko. Nagpahiwatig lang na matanda na talaga si ako, hehe.

    kengkay: dapat daw sudoku para ma exercise ang brain, pero sempre, math yon kaya ayaw ko yon, hahaha

    Komento ni Ging — Disyembre 5, 2008 @ 12:59 umaga | Sagutin

  12. unang swelso ko?hmmmm…sa totoo lang dko man lang naramdaman o d man lang nag init sa palad ko yung unang sahod ko dahil dami mga binayaran…hay!hirap pag sumuswelso kna dami umaasa sau….

    but the good side of that is… nakakatulong ka sa mga mahal mo sa buhay 🙂

    be safe ate kengkay!..hello sa family mo…Godbless 🙂

    kengkay: at least nakabayad ng utang, bawas ng sakit ng ulo. at oo, sarap may pera kasi alam mong nakakatulong sa bahay

    Komento ni mayyang — Disyembre 5, 2008 @ 1:21 umaga | Sagutin

  13. ako binili ko ng isang baseball cap sa Penshoppe….wahaha

    kengkay: ayan, talagang specific pa ha

    Komento ni kamotenista — Disyembre 5, 2008 @ 1:28 umaga | Sagutin

  14. kalahati ng unang sahod ko ay kay nanay napunta..natatandan ko pa na naluha ang nanay..haha..tapos ung kalahati naman ay tinago ko..bumili din pala ako nun ng cake ati cecream para sa mga kapatid ko…hehe

    kengkay: ako nagbigay kay tatay pero humingi pa ng dagdag,hmp 😀

    Komento ni rio — Disyembre 5, 2008 @ 1:48 umaga | Sagutin

  15. hmmm, unang suweldo? nanlibre yata ako sa amin. nagpa-ice cream din ako at bumili ng cake. tapos bumili ako ng mga bagong damit dahil first job ko sa bank at wash day kapag friday. 🙂

    as for the bean bag, maganda siya talaga pero hindi ko talaga type kasi katulad ni sofie tamad din ako maglinis ng kuwarto. 😦

    kengkay: sarap maglibre sa unang sweldo ano? feeling mayaman, hehe. ako tamad din maglinis, mabuti na lang andyan si kengkoy, hehe

    Komento ni Snow — Disyembre 5, 2008 @ 6:51 umaga | Sagutin

  16. aba e di sa pamilya ko ibinigay..kay honeybunch ko sempre….at matanda na ako nagkaroon ng unang sweldo dahil ako e puro lang sideline kaya wala sweldo…

    kengkay: ayan, am sure ang saya ni honeybunch nung nahawakan ang sweldo mo ano

    Komento ni ronimiranda — Disyembre 5, 2008 @ 11:29 umaga | Sagutin

  17. hmmm hirap ng tanung mo pero parang naalala ko pa, sa OJT din ako unang nagkasweldo P220/day ata kya medyo
    saya after. Parang naalala ko ata wala ako binigay sa bahay! hahaha bunso kse pero ginamit ko naman sa mga proj namin. bean bag maganda sa buntis? hmmm nakalabas n si little chizmosa eh next time siguro… hehe tagal p naman siguro yun 🙂

    kengkay: ang saya kasi naubos mo sweldo agad, hay, si kengkay e panganay kaya kunyari responsable 😀 matagal depende sa inyo, hehehe

    Komento ni vhincent — Disyembre 5, 2008 @ 11:46 umaga | Sagutin

  18. basta alam ko parang bagyong napakabili na dumaan ang unag sweldo ko. at ang alala ko, ginawang installment yun ng kompanya namen! asus!

    Komento ni joycee — Disyembre 5, 2008 @ 1:17 hapon | Sagutin

  19. hahaha unang sweldo is really exciting! i remember yung sweldo ko sa Makati was Php1,200 per month (halata talagang otsenta anyos na ako hehehe) at ang starting pay ko was P980 o, laban ka?! hahaha!!! excited ever ako as in plano ko pang bumili nang bahay hehehe reality sinked in nung natanggap ko yong pera, kulang pa lintek nang koryente! puchaaa!!!

    Komento ni reyna elena — Disyembre 5, 2008 @ 2:37 hapon | Sagutin

  20. Ang una kong sweldo, parang mga less than P4000 para sa tatlong linggo pagiging temporary Physical Therapist-in-charge sa isang pribadong rehab center dito sa amin. Ang kalahati yata, pinambayad ko sa pang-araw araw kong hininging allowance sa nanay ko sa tuwing papasok ako ng trabaho. Ang the rest, parang pinangdate lang namin ng ex-syota ko.

    Wala talagang kuwenta. Nagbreak din kami makalaon. Kaya sana ibinangko ko na lang o di kaya’y pinang-ukay ukay yung sweldo kong iyon.

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 6, 2008 @ 6:53 umaga | Sagutin

  21. tanda ko pa yun akin
    unang sahod
    nilatag ko sa kama yun sahod ko
    scattered ba
    tapos ako naman ay nag-dive sa kama
    kunwari ganon kadami ang kinita ko sa unang buwan ng pagtratrabaho
    hehe

    ayos, diba?

    Komento ni raft3r — Disyembre 6, 2008 @ 11:30 umaga | Sagutin

  22. Bilang isang mabuting anak na tumatanaw ng utang na loob sa halos isang dekadang pagpapa-aral nila sa akin, nagbigay ako ng konti kay inay at itay. Yung natira ay naideposito ko sa SM Megamall. Siempre naman nag-tatrabaho na ako, kelangan corporate look, hehehe =)

    Komento ni attyarj — Disyembre 6, 2008 @ 2:53 hapon | Sagutin

  23. ako hindi ko na maalala kung ano ba ginawa ko sa unang sweldo ko na sobrang kakarampot. pero sa pagkakaalam ko doon yung 300 dun ibinigay ko kay nanay pang-load. hehehe

    hmmm high school pa lang ako gusto ko ng magpagawa (airbrush) na anime t-shirt, kaya sabi ko kapag nakapag-work ako iyon ang una kong bibilhin. pero natupad lang siya nung december 2006.hehehe

    Komento ni hitokirihoshi — Disyembre 8, 2008 @ 5:08 umaga | Sagutin

  24. alalang-alala ko pa! haha. ang saya ng unang sahod ko. smile all the way. pati yung manager at co-werker ko eh sobrang tuwa ng nakitang ang saya-saya ko.

    si-nearch ko din ang blog mong to! haha. quits na! lols
    happy new year sayo!

    Komento ni Dyepri Budoy — Enero 6, 2009 @ 12:20 hapon | Sagutin

  25. Thank you GMA News TV for another? amazing docu!! You made us all spazz a lot! XD….. visit http://goo.gl/HNBgn to watch pinoy tv shows

    Komento ni Wan — Nobyembre 24, 2012 @ 2:32 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: