Kwentong Kengkay

Disyembre 5, 2008

krismas party

Filed under: Kwentong Kengkay,Kwentong Nanay — kengkay @ 12:58 hapon

mabilisang post kasi mamya wala kami sa bahay.

unang x-mas party ngayong disyembre.

myembro kasi kami ni kengkoy ng isang auto club dito sa kabilang baryo. dala namin ang mga little kengkays. excited na nga sila kasi sabi namin ang party e pwedeng umabot ng hating gabi. tingnan natin kung anong oras sila tatagal. first time nilang a-attend ng pang ‘adult’ na krismas party kasi e.

at sempre, darating si santa claus dun sa party. kahit na mga matatanda ang miyembro nun e game sila sa mga ganong pakulo. at dahil andun ang mga little kengkays, espesyal na regalo ang matatanggap nila.

at ano ang kasunod na krismas party kong pupuntahan? emm, hmmm, rrrmmmm, wala actually, hahaha.

boring ano? makiki -krismas party lang ako sa mga extra curricular activities ng mga little kengkays tulad sa iskul nila, sa kindergarten, at sa kanilang sports club. pwede ba, imbitahin nyo namin ako, waaaa πŸ˜€

at bukas, absent ako sa blogging world. sa umaga kasi e maghahakot kami ng wine at ubos na daw ang pinigang ubas sa aming cellar, naks, feeling may wine cellar daw o. wine kasi ang pinaka-okay na pang regalo e. halos lahat e tumutungga ng wine, di ba? atsaka bote bote lang yon, kapag beer e case case, hehe. punta kami sa may winohan dito ba.

tapos sa hapon e darating na si santa. December 6 ang araw ni San Nicolas. at yun din ang araw na bigayan ng unang maliit na regalo.

ano kaya regalo ko? natawa ako kasi sabi ni panganay ko bawal daw akong pumunta sa may kanto ng kwarto nya kasi daw e andun nakatago yung mga regalo ko, hehehe

Advertisements

19 mga puna »

  1. wow ang sweet naman ni panganay. naluha ka siguro ate kengks nung sinabi nya yun.

    Christmas party namen bukas dito sa office at wala pa kong damit1 gudlak!

    Komento ni joycee — Disyembre 5, 2008 @ 1:20 hapon | Sagutin

  2. xmas gift ko ha!!! πŸ™‚

    Komento ni don_Ser — Disyembre 5, 2008 @ 1:42 hapon | Sagutin

  3. last year i have always been going to christmas party, but now??? ugh!!! im not sure, not in the place anyway.. !! T_T

    Komento ni Cindyrella — Disyembre 5, 2008 @ 2:57 hapon | Sagutin

  4. itinago pa ni panganay mo ang regalo nya sayo, yun pala’y ssabihin din kung saan andun…hahahahahaha, kunwari sekreto…..

    Komento ni ronimiranda — Disyembre 5, 2008 @ 3:15 hapon | Sagutin

  5. Asan na ba si santa??? May gusto lang akong hilingin oh. Talo talo na pag di nya to natupad. Sad xmas…so sad.

    Langya wine cellar..ibang klase talaga si mommy kengks (waah naki-mommy).

    Komento ni Helena — Disyembre 5, 2008 @ 9:34 hapon | Sagutin

  6. ang cute naman ni panganay kengkay ang sweet sa mommy! o baka nagpapacute talaga para maganda ang gift mo sa kaniya!

    Komento ni prinsesamusang — Disyembre 5, 2008 @ 11:44 hapon | Sagutin

  7. Drink moderately!

    Komento ni Mike Avenue — Disyembre 6, 2008 @ 1:00 umaga | Sagutin

  8. hello! babati lang ng maligalig na pasko at makulit na bagong taon in advance… baka mawala ulit ang internet link ko … sa hirap ng buhay nakikinakaw na lang ako ng internet sa kapitbahay …. ang mga walang hiya pinapatay ang router pag umaalis ng bahay bwahahahahahah

    Komento ni Ms PinkBiik — Disyembre 6, 2008 @ 1:17 umaga | Sagutin

  9. Sounds like a fun full of activity ang christmans nyo πŸ˜‰ patikim naman ng mga wine nyo dyan sa cellar πŸ˜‰
    (parang umiinim.. hehe)

    Komento ni vhincent — Disyembre 6, 2008 @ 5:45 umaga | Sagutin

  10. ang kyut ni panganay ha? may pasecret-secret pA.

    Komento ni siangelnawalangpakpak — Disyembre 6, 2008 @ 6:44 umaga | Sagutin

  11. sweet naman

    Komento ni khzr4u — Disyembre 6, 2008 @ 7:24 umaga | Sagutin

  12. wow! ang sweet naman ano? πŸ™‚

    Komento ni hisnameisdencios — Disyembre 6, 2008 @ 9:49 umaga | Sagutin

  13. Wow ang aga! Agahan ko na din bati ko. Merry Christmas Mami Kengkay!

    Komento ni kirksydney — Disyembre 6, 2008 @ 9:54 umaga | Sagutin

  14. ang sweet ni panganay! πŸ˜‰

    -xiexie
    Shobe

    Komento ni Shobe (from vanny's blog) — Disyembre 6, 2008 @ 10:25 umaga | Sagutin

  15. ang tamiiiiisssss ng pasko… πŸ™‚ meri krismas mami kengks. πŸ™‚

    Komento ni joshmarie — Disyembre 6, 2008 @ 10:28 umaga | Sagutin

  16. wow
    have a great time
    kumain ka at magpakabusog
    hehe

    Komento ni raft3r — Disyembre 6, 2008 @ 11:31 umaga | Sagutin

  17. hhehe..may surprise si panganay? ano kaya yon? ma-abangan nga sa pasko. Ms. Kengkay salamat sa pag-dalaw sa aking blog, Nahuli mo rin ako! Yes, maganda ang palawan! eto pa isang blog link ko sa multiply.. http://sandisanjit.multiply.com/

    Komento ni sanjit — Disyembre 6, 2008 @ 11:42 umaga | Sagutin

  18. kapag xmas party, may reason para lumamon ng marami.

    shet. hehehe

    Komento ni taps — Disyembre 6, 2008 @ 5:31 hapon | Sagutin

  19. naku am sure uber enjoy ang party na yan! πŸ˜€
    sana uso din ang wine dito sa pinas!
    pinoy version lang kasi ang madalas nasa kanto.. either beer or tuba! hehhheheh

    Komento ni Geisha — Disyembre 6, 2008 @ 7:34 hapon | Sagutin


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s

%d bloggers like this: